W2 DLP EPP Day 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA EPP 4

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 50-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng ‘gawaing
pantahanan” at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan;
b. nasusunod ang mga panuntunang kultural sa pagkain; at
c. nasasabi ang kagandahang-asal sa hapag-kainan.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Kagandahang-asal sa Hapag-kainan
Kagamitan: Tsart, module, atbp
Sanggunian: EPP Quarter 3 DLL, K-12 Curriculum Guide. (MELC 32)

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN

Magandang hapon mga bata! Magandang hapon rin po ma’am Donna!

Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.

Andrea Faith, pangunahan mo ang ating panalangin sa Opo ma’am.


umagang ito.

Maupo na ang lahat.

May liban ba sa klase ngayon? Wala po ma’am.

Mabuti naman at kumpleto kayo ngayon.

Kumusta naman kayo? Masaya po ma’am!

Mabuti kung ganoon.

B. PAGGANYAK
Ngayong hapon mga mag-aaral ay may bago tayong aralin. (Makikinig ng maigi)

Ngunit bago ang lahat, sino ang makapagsasabi kung ano ang
wastong mga hakbang sa pag-aayos ng hapag-kainan?

Yes Nathaniel?
Kailangang sundin ang mga alituntuning
pangkalusugan at pangkaligtasan sa
paghahanda, pagluluto, at paghahain ng
pagkain ma’am.

Mahusay. Salamat Nathaniel.

Magbigay ng tatlong (3) alituntuning pangkalusugan at


pangkaligtasan sa paghahanda, pagluluto, at paghahain ng
pagkain.
1. Hugasang mabuti ang mga kamay bago
Yes Jefferson? at pagkatapos maghanda ng pagkain.
2. Gumamit ng apron upang hindi
marumihan ang damit at maglagay ng
hairnet o bandana sa ulo.
3. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap
at kasangkapan sa pagluluto upang
maiwasan ang abala.

Magaling! Salamat Jefferson.

Ngayon naman ay ating sagutan ang patungkol sa ating aralin


kahapon. Basahin nang sabay-sabay ang panuto.

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga patlang kung ito ay isa sa
iyong naranasan sa paghahanda ng pagkain.
Mga posibleng sagot:
____1. Bago balatan ang mga gulay ay hinuhugasan muna ito. (√)
____2. Dapat malinis ang kagamitan sa pagluluto bago (√)
gamitin.
____3. Ihanda ang lahat ng sangkap sa pagluluto bago (√)
magsimula.
____4. Ginagamit ang peeler sa pagbabalat ng gulay o prutas. (√)
____5. Ihain agad ang nilutong pagkain. (√)
____6. Haluin ang tuyong sangkap at saka ang basang (√)
sangkap.

Magaling mga mag-aaral! Lahat kayo ay pumasa.

Mabuti naman kung ganoon.

(Makikinig ng mabuti)
C. PAGLALAHAD
Sa araw na ito ang tatalakayin natin ay patungkol sa
Kagandahang-asal sa Hapag-kainan.

Bago ang lahat, atin munang basahin ang layunin natin sa


araw na ito. (Sabay-sabay na magbabasa)

Pagkatapos ng 50-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
a. naipakikita ang wastong paraan ng paggamit ng
kubyertos;
b. nasusunod ang mga panuntunang kultural sa pagkain;
at
c. nasasabi ang kagandahang-asal sa hapag-kainan.

Maraming salamat mga bata.

Kunin ang inyong kwarderno sa EPP at ating subukin ang


gawain na ito.
(Makikinig ng maigi)
Panuto: Suriin ang nasa larawan sa ibaba at sagutan ang mga
katanungan.

1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?


Nagdadasal ma’am.
Yes Prince Harold?

Magaling! Maraming salamat maaari ka nang umupo Harold.

2. Sinu-sino ang kasama nila?


Ang kanilang magulang po.
Ikaw ang sumagot April.

Mahusay! Salamat maaari ka nang umupo April.

3. Ano ang ginagawa ng ibang miyembro ng pamilya?


Ipinipikit ang mga mata ma’am.
Maaari kang sumagot Pauleen.

Tama! Maraming salamat Pauleen.


Tungkol sa ginagawa habang kumakain
Base sa inyong ginawa, ano sa tingin ninyo ang ating ma’am.
tatalakayin natin ngayong hapon?

Magaling! Ang tatalakayin natin ngayon mga bata ay tungkol


sa asal.

D. PAGTATALAKAY
Ngayong araw na ito mga bata ay ating aalamin ang mga
Kagandahang-asal sa Hapag-kainan.
Ating basahin ng sabay-sabay.

(Sabay-sabay na magbabasa)
Mga Kagandahang-asal sa Hapag-Kainan:

1. Magdasal bago at pagkatapos kumain.


2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang babae
bago ang lalake.
3. Maupo ng tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang
ipatong ang siko sa ibabaw ng lamesa.
4. Gamitin ng maayos ang kutsara at tinidor. Tinidor ang
gamitin bilang pamalit sa kutsilyo kung may puputuling
pagkain.
5. Kung may sopas o sabaw, gamitin ang gilid ng kutsara
nang paiwas sa iyo at higupin ang sabaw nang walang ingay.
6. Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid
ng kutsara at hindi ang dulo nito.
7. Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang
malapit dito kung ghusto mong kumuha nityo.
8. Maging magalang at ibigay ang atensiyon sa iba pang
kasamahang kumakain. Magalang na tanggihan ang pagkaing
hindi gusto.
9. Iwasang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa sa halip
ito ay hayaang kusang maalis ang init.
10. Huwag magsalita kung puno o may pagkain ang bibig.
11. Mag kuwento ng masayang bagay. Iwasan ang paksang
ukol sa patay, sakit o kalamidad sapagkat ito ay nakawawala
ng gana sa pagkain.
12. Iwanang ubos ang pagkain sa plato at ilagay ng pahalang
ang kutsara at tinidor sa pinggan.
Opo ma’am!
Naunawaan ba mga mag-aaral?

Mabuti naman kung ganoon.

E. PANGKATANG GAWAIN
Ngayon ay dumako tayo sa pangkatang gawain, kayo ay
ipapangkat ko sa tatlo at ito ang inyong gagawin.
(Makikinig ng mabuti)
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga patlang kung
nagpapakita ng katangian ng isang batang may mabuting asal
sa hapag-kainan. Posibleng Sagot:
(√)
____ Tahimik si Gina habang sinasambit ng kanyang ama ang
dasal bago kumain.
x
____ Nag-aaway si Yanie at Pina sa hapag-kainan.
(√)
____ Masayang naglalaro sina Ben at Ana at hindi
nagsasakitan.
(√)
____Sinalubong ni Hana ang kanyang inang galing sa trabaho
ng masarap na ngiti at pagmamano.
(√)
____ Pinainom ni Mila ng gamot ang kanyang inang ubo ng
ubo.

Ito ay gagawin ninyo sa loob lamang ng tatlong minuto.


Opo!
Tapos na ba ang lahat?

Okay ipasa na ang inyong mga gawa sa harapan.

Ngayon ay manatili kayo sa inyong pangkat at saagutan ang


mga katanungan sa ibaba.
(Mananatili sa pangkat at magtutulungan sa
Panuto: Punan ng tamang salita ang mga sumusunod. Piliin Gawain)
ang sagot sa kahon. Isulat sa iyong kwaderno.

Mga posibleng sagot:


1. Kailangang ________ bago at pagkatapos kumain. 1. Magdasal
2. Ang _______ ay ginagamit bilang pamalit sa kutsilyo kung 2. Tinidor
may puputuling pagkain. 3. Puno
3. Huwag magsasalita kung _______ o may pagkain ang 4. Magalang
bibig. 5. Masayang
4. Maging _______ at ibigay ang atensyon sa iba pang
kasamang kumakain.
5. Magkuwento ng __________ bagay.

Magaling! Lahat kayo ay nakakuha ng matataas na marka.

F. PAGLALAPAT
Kumuha ng malinis na papel at sagutan ang katanungan sa
ibaba sa loob ng 3 minuto.
(Makikinig ng maigi)
Panuto: Isang batang makulit si Bonnie. Palagi siyang
pinagagalitan ng kanyang nanay dahil sa kanyang kakulitan,
lalung-lalo na kapag nasa hapag-kainan. Nais ni Bonnie na
magbago. Matutulungan mo siya sa pamamagitan ng pagsulat
ng limang (5) mga tamang asal sa hapag-kainan. Isulat ito sa
mga hagdan. MAgsimula sa ibaba.
Tapos na ang oras mga mag-aaral, magpalitan ng papel sa
katabi.

Sino ang gustong sumagot?


1. Magdasal bago at pagkatapos kumain.
Ikaw ang sumagot sa unang numero Julianna. 2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang
paupuin ang babae bago ang lalake.
Si April sa pangalawang numero. 3. Maupo ng tuwid na nakalapat ang paa sa
sahig. Iwasang ipatong ang siko sa ibabaw
Pangatlo si Chris Paul ang sasagot. ng lamesa.
4. Gamitin ng maayos ang kutsara at
Pang-apat ay si Harold Jay. tinidor. Tinidor ang gamitin bilang pamalit
sa kutsilyo kung may puputuling pagkain.
At panghuli ay si Nick. 5. Kung may sopas o sabaw, gamitin ang
gilid ng kutsara nang paiwas sa iyo at
higupin ang sabaw nang walang ingay.

Magaling mga bata! Lahat kayo ay nakakuha ng matataas na


marka.

G. PAGLALAHAT
Mga bata, ano ang kaibahan sa paghahanda at paghahain ng
pagkain?
Paghahanda po ang ibig sabihin ay bago
Yes Prince Harold? magsimula ang pagluluto ng pagkain at ang
paghahain naman ay pagkatapos
Mahusay! makapagluto ma’am.

Anu-anong mga kagandahang-asal ang dapat sundin sa hapag-


kainan?
Magdasal po muna bago at pagkatapos
Yes Lyka Andrea? kumain.

Magaling Lyka!

Magbigay ng tatlong (3) kagandahang asal na dapat sundin sa Maupo ng tuwid na nakalapat ang paa sa
hapag-kainan. sahig at iwasang ipatong ang siko sa
ibabaw ng lamesa ma’am.
Yes Ivan?

Mahusay! Tunay nga na kayo ay nakikinig sa ating paksang


tinalakay ngayon.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung
ito ay nagsasabi ng kagandahang asal sa hapag-kainan. Malungkot na mukha kung hindi.

____1. Pag-iwas na ipatong ang siko sa ibabaw ng mesa.


____ 2. Pag-ihip ng malakas sa pagkain kung mainit pa.
____ 3. Pagkuwento ng masayang bagay habang kumakain.
____ 4. Paggamit ng tinidor pamalit sa kutsilyo kung may puputuling pagkain.
____ 5. Paghigop sa sabaw ng malakas.
____ 6. Pagpuno ng maraming pagkain sa plato.
____ 7. Pagsubo ng pagkain kahit mainit pa.
____ 8. Pag-iwas sa pagsalita kung puno ang bibig.
____9. Pagsubo ng maraming pagkain gamit ang kutsara.
____ 10. Pagbigay ng atensyon sa kasamang kumakain.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gamit ang internet, lumang babasahin o magasin, maghanap ng larawan na
nagpapakita ng kabutihang asal sa hapag-kainan. Maaari ring kunan ng litrato ang sarili o
ang buong pamilya na sinusunod ang wastong asal sa hapag-kainan. Idikit ito sa iyong
kwaderno.
Prepared by:
DONNA MAE P. SUPLAGIO
Pre-Service Teacher

Checked by:
MRS. CHERLIN A. TOMAS
Cooperating Teacher

You might also like