Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ang Tatlong Alagad

Isang lalaki ang paalis upang maglakbay. Tinawag niya


ang kanyang tatlong alagad. Binigyan niya ng pera ang
bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Ang una ay
binigyan niya ng limang libong piseta, ang ikalawa ay
dalawang libo, at ang ikatlo ay isang libo. Pagkatapos ay
umalis na ang lalaki upang maglakbay.

Samantala, ang alagad na binigyan niya ng limang libo ay


agad na ginamit na puhunan ang pera at kumita siya ng
limang libo. Gayundin ang ginawa ng ikalawa at kumita
rin siya ng dalawang libo. Ngunit ang ikatlo ay naghukay
sa lupa at dito itinago ang perang iniwan sa kanya.

Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik ang


lalaki. Tinawag nito ang tatlong alagad upang magsulit.
Unang lumapit ang alagad na may limang libo.

"Panginoon, binigyan mo ako ng limang libo at heto,


limang libo rin ang kinita ko," wika nito.

"Magaling! Isa kang mahusay na alagad," sabi ng lalaki.


"Napagkatiwalaan kita ng maliit na halaga kaya
ipagkakatiwala ko sa iyo ang higit na malaking halaga.
Halika at makihati sa aking kaligayahan."
Lumapit naman ang ikalawang alagad at nagwika,
"Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang libo.
Tingnan n'yo at kumita rin ako ng dalawang libo."

Sumagot ang lalaki, "Magaling! Isa kang mahusay at


mapagkakatiwalaang alagad. Napagkatiwalaan kita
ng maliit na halaga kaya ipagkakatiwala ko rin sa iyo
ang higit na malaking halaga. Halika at makihati sa
aking kaligayahan."

Huling lumapit ang alagad na may isang libo at


nagwika, "Panginoon, ako ay natakot kaya itinago ko
ang inyong pera sa ilalim ng lupa. Heto ang inyong
pera."

Nagalit ang lalaki sa kanyang alagad at sinabing,


"Tamad na alagad! Sana ay idiniposito mo man
lamang ang aking pera sa bangko upang kahit
papaano ay kumita ito ng interes na makukuha ko sa
aking pagbabalik. Kunin ang pera sa kanya at ibigay
sa may sampung libo. Dahil ang taong mayroon na ay
higit na bibigyan at magkakaroon siya ng labis. Ngunit
iyong wala, kahit ang kaunting nasa kanya na ay
kukunin pa sa kanya. At sa walang silbing alagad na
ito, itapon siya sa kadiliman."

You might also like