Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

“DEKADA 70”

Marcos: Ako si Ferdinad E. Marcos, itinanghal bilang pangulo ng Pilipinas ay taimtim na


nanunumpa at tutuparin ko ng buong husay ang aking mga tungkulin, bilang pangulo ng
Pilipinas ay itataguyod ko at ipagtatanggol ang saligang batas. (sa TV)

Rally
Mga Tao: (Tao 1) Ibagsak si Marcos! (2) Ibaba sa pwesto! (3)Patalsikin! (all) Ibagsak si Marcos!
(all) Marcos pasista, diktador, tuta (2x)
Mga tao: (await) Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay, lupang hinirang duyan ka ng magiting sa
manlulupig di ka pasisisil
Babae1: Parang awa nyona tulungan n’yo ako.
Mga tao: (w/ banner and sign board) Makibaka, wag matakot. Makibaka, wag matakot
(nagkagulo after)

Sa Tahanan
Nag-aayos ng pagkain si Amanda(nanay), nagsesrmon si Julian(tatay), nakaupo ang mga anak sa
sala, kasama si julius at isang kaibigan na babae.
Julian: walang Hiya! Nakita n’yo na, mayroon na naming mga namatay, at hindi lang ‘yon
sinuspinde na ang Writ of Habeas Corpus, alam n’yo ba ang ibig sabihin noon? Pwede na kayong
damputin ng walang warrant of arrest. Mabuti kung ganong lang, ay kung madampot kayo
katulad noong nangyari doon sa isang student leader nasi Charlie del Rosario, na kahit na ang
bangkay isang taon na ay ‘di pa nakikita, sabagay alam ko ang hinaing nya lalong lalo na sa
pagtaas ng tuition fee, mahal talaga ang pag-aaral, sa palagay ko naman, kapag pinag-aral ng
magulang ang kaniyang anak ay nakahanda siyang gumasta, kaya lang ang masama ay pag
inubos niyo sa wala imbis na sulitin ang ginasta namin.
Amanda: tam ana ‘yan kakain na
Jules: tara sabay sabay na tayo kumain.
(kumakain)
Kaibigang babae: Mang Julian sabi po ni juluis may freedom of express daw po dito sa bahay
nyo.
Jayson: Depende sa express (palokong winika)
Amanda: jison tigilan mo yan.
Julian: pag meron silang di gusto dito sa bahay, nasasabi naman nila sa akin.
Kaibigang babae: Kasi po sa sa ikwelahan ay di pwedeng mag labas ng saloobin, nakadepende
kami sa lipunang ito, panong di po kami kikibo?
Julian: Iha, sa bahay kailangan pakinggan ang bawat saloobin ng pamilya, sa eskwelahan puro
kayo hiyaw, puro kayo gulo. Nagbabatuhan ba kayo sa bahay, of course not, ibig sabihin Malaya
kayong magsalita pero di ang manggulo.
Jules: Hindi sila nakikinig sa usapan, ang mga metrocom ang nanggugulo.
Julian: Ang mga metrocom, responsableng tao yan, tiwali yan sa karahasan.
Jules: pero tinataboy kami, pinapauwi at pinatitigil ang gingawa naming.
Julian: ‘Pag Nakita kitang kasama Riyan, pauuwiin din kita.
Jules: magpapaliwanag po ako, maiintindihan nyo rin ako.
Amanda: Paaano kaya kung magtrabaho ako?

Julian: Go ahead.
Amanda: Talaga, payag ka? Nabasa kong sa dyaro nangngailangan sila ng mga tao para
advertising.
Julian: Ano bang gusto mong palabasin? May mga gusto kaba na diko maibigay? Kulang ba ang
kinikita ko? (galit)
Amanda: Hindi naman sa ganon.
Julian: Hindi ka magtatrabaho hangga’t ako ang lalaki sa ating dalawa. (galit na tumayo at
pumunta sa sala)
Nagpaalam ang bisitang kaibigang babae at jayson, sumunod sai juluis sa ama sa sala.
Kaibigang babae: sige po alis napo ako. Salamat po.
Jayson: aalis po ako .
Amanda: Saan ka na naman pupunta?
Jayson: Kila CJ po.
Jules: Dad di nyo po ba na rerealized na di pa man ako nag-aasawa ay mayroon ng utang ang
magiging anak ko. Siguro dad talagang panahon na, upang magkaroon ng Karapatan ang isang
tao.
Binuhay ang radio ni Jules
Marcos: Proclamation of martial law
Bingo:dad natatakot ako
Julian: wala naman sigurong mangyayari, di naman mag mamartial law kung di kailangan e, yan
naman ay para sa ikabubuti ng ating bansa. Kayo mga bata pa, yang mga paniniwala nyo 5 to 10
yrs from now, di nay an ang mga paniniwala nyo.

Sa Bahay habang balisa na hinihintay ni amanda si Jules


Amanda: Anong oras na wala pa si Jules.
Dumating si jules, naupo at tila problemado (nakatungo )
Amanda: Masyado kanang nagpapagabi ah. Alam mo naming may curfew. Kumain kana ba?
Lumamig na ang pagkain. Aagahan mo naman sana ang uwi anak, nag-aalala ako sayo, ‘di bale
sana kung walwang curfew, Jules. Jules, bakit?

Jules: Pinatay nila si willy ma. Pinatay nila (umiiyak)

Pagsali ni Jules sa kilusang kontra sa pamahalaan NPA


Nagsasanay ang mga tao na kaanib sa pakikipaglaban, paghawak ng baril, at iba pang mga patalim
Pinuno ng kilusan: Nandito na siya! Ating salubungin ang bagong miyembro ng ating Samahan.
Jules: Mabuhay! Mabuhay ang ating pakikibaka!
Lahat: Mabuhay ang ating pakikibaka! (2X). Mabuhay!

Umalis ng bahay si Jason dahilan sa hindi sya nakapunta sa date ng nobya.


Hinanap ng mag-asawang Bartolome ang anak nagpunta sa mga presinto.
At nabalitaan nila na napagkamalan si jason gumgagamit ng marijuana, ito ay walang awang
pinahirapan at pinatay ng di kilalang tao matapos na makalaya.

Mga tao sama-sama sa rally at may mga banner at sign board


Tao 2: Dalawang dekada na ng panggigipit sa atin ni marcos, oras na para panagutin natin siya
para sa kanyang kawalang hiyaan, ilan taon tayong ginipit, bunusalan ng bibig, ninakawan,
pinatayan ng Karapatan, at higit sa lahat pinatayan ng miyembro ng pamilya.
Tao 3: Marcos, Sinungaling, di makatao, mamamatay tao.
Tao 4: Marcos tama na. suko na. talo kana
Mga Tao: ang tao, ang bayan ngayon ay lumalaban. (3x)

Pagtatapos
Ang buong pamilya Bartolome at mga tao ay sama sama sa isang pagtitipon o palabas na
pinangungunahan ni Emman anak ni Julian at Amanda.
Iwinawagayway ang watawat ng pilipinas
Emman: Inaanyayahan kopo ang lahat ng manonood na magsitayo para sa pambansang awit ng
Pilipinas. (nakataas ang kanang kamay sa pag-awit, liban sa isang kapatid nasi Isagani, US navy,
subali noong naglaon ay tumulad Narin sa nakararami.)

1983
Sa simbahan, maraming tao sa buro ni Ninoy Aqunino.

Amanda: Ang mamamayang Pilipino ay ay mga bilanggo parin sa loob at labas ng mga rehas na
bakal, ngunit araw-araw ay isinisilang ang mga anak at magulang na magtatawid sa bangka ng
pagbabago, sapagkat ang payapang pampang, ay para lang sa mangangahas nasumagupa sa
alon sa panahon ng unos.

Mga tao: ang tao, ang bayan ngayon ay lumalaban. (5x)

You might also like