Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

MTB-MLE

Unang Markahan – Modyul 11:


Pagkilala ng Iba’t Ibang Tunog
sa Paligid
MTB-MLE – Unang Baitang
Self- Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 11: Pagkilala ng Iba’t Ibang Tunog sa Paligid
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Girlie Ann G. Lacdo-o
Editor: Marybeth F. Palma, Jim Ryan S. Dela Cruz
Tagasuri: Marybeth F. Palma
Tagaguhit: Mary Kris M. Tangonan
Tagalapat: Jim Ryan S. Dela Cruz
Cover Art Designer: Jay Sheen E. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV - Regional Director
Fiel Y. Almenda, CESO V - Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE - Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera - Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug - REPS, ADM
Leonardo Mission - REPS, MTB-MLE
Ismael M. Ambalgan - Chief, CID
Sheryl L. Osano - EPS, LRMS
Juliet L. Sison - EPS, MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN

Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.ph
1

MTB-MLE
Unang Markahan – Modyul 11:
Pagkilala ng Iba’t Ibang Tunog sa
Paligid
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE Unang Baitang
ng Self- Learning Module (SLM) para sa araling Pagkilala ng Iba’t
Ibang Tunog sa Paligid!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa MTB-MLE Unang Baitang ng Self-
Learning Module (SLM) ukol sa Pagkilala ng Iba’t Ibang Tunog sa
Paligid!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo
sa aralin ng modyul. Kung nakuha
mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o


balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing


para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

iv
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon
o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

v
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot ng mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw
ay mahihirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay
o sa nakakatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng
modyul na ito, na makararanas ka ng makahulugang pagkatuto
at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Pasukan na naman! Handa ka na bang matuto?


Umpisahan mo na!
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang mga
sumusunod na layunin:

1. Pagkilala ng tunog mula sa ibinigay na larawan


(MT1OL-Ia-i-1.1)
2. Pagpapahayag ng kasiyahan sa paggawa ng mga
tunog (MT1OL-Ia-i-1.1)
3. Pagbigkas ng tamang tunog ng mga hayop,
sasakyan at bagay (MT1OL-Ia-i-1.1)
4. Nakakapag-usap tungkol sa mga larawang ipinakita
gamit ang naangkop na mga local na terminolohiya
na may kadalian at kumpiyansa. (MT1OL-Ic – I – 1.2)
- Hayop
- Sasakyan
- Karaniwang bagay
- Instrumentong pang musika
- Pamilya/tao
5. Makapagbibigay ng mga kahulugan ng mga salita sa
pamamagitan ng: (MT1VCD – Ib – 2.1)
- Katotohanan
- Pahiwatig ng larawan
- kilos

1
Subukin

Panuto: Salungguhitan ang tamang tunog ng nasa


larawan. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

(a. bruum! bruum! bruum! b. tsug!


tsug! tsug!)

(a. wii! wii! wii! b. uuum! uuum! uuum!)

(a. uuum! uuum! uuum! b. tsug! tsug!


tsug!)

(a. aw! aw! aw! b.twit! twit! twit!)

(a. aw! aw! aw! b. meow! meow!


meow!

2
Aralin
Pagkilala ng Iba’t Ibang
1 Tunog sa Paligid

Balikan

Naaalala mo pa ba ang napag-aralan mo sa klase


noong nakaraang linggo?
Magaling! Bago ka magpapatuloy, pag-aralang muli
ang tungkol sa Pangngalan. Alam mo na ba kung ano
ang pangngalan? Magsanay ka pa!

Panuto: Tukuyin ang grupo ng mga salita sa bawat


bilang. Kulayan ng pula ang hugis puso kung ang mga
salita ay pangngalang pantangi at dilaw kung
pangngalang pambalana. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.

1. Ariane, Jethro, Jah El

2. upuan, mesa, pisara

3. paaralan, parke, simbahan

4. aso, manok, pusa

5. Davao City, General Santos City, Isulan

3
Tuklasin

Ngayon ay tutuklasin natin ang mga tunog na ating


maririnig sa paligid sa pamamagitan ng maikling
kuwento. Handa kana ba?

Pagbasa ng Kuwento
Nabasa o narinig mo na ba ang kuwento tungkol sa
isang ibon na nawawala? Kung hindi pa, ito na ang iyong
pagkakataon.

Si Ibon Liit
Kuwento ni Hermelita C. Delos Santos

Isang araw, tuwang-tuwang naglalaro


si Ibon Liit sa itaas ng puno.“Twit! Twit! Twit!
Isa…dalawa… tatlo…talon!“, wika ni Ibon
Liit.“Wooaahhhh! Twit! Twit! Twit! Araaayyyy!”, nang bigla
siyang nahulog. Napadpad siya sa isang pugad
ng manok. Umiyak siya sa dahil sa kanyang
sinapit.
“Putak! Putak! Putak! Saan ang masakit sa
iyo?”, tanong ng inahin. “Twit! Twit! Twit!
Ang sakit po ng likod ko. Ako po si Ibon
Liit. Naglalaro po ako at nahulog.
Patawad po at nasira ko yata ang

4
inyong pugad,” wika ni Ibon Liit. “Nauunawaan kita Ibon
Liit,” sagot ng inahin.
Maya-maya nagpaalam na si Ibon Liit kay
Inahing Manok. Lakad! Lakad! Lakad! Hindi niya
napansin na nakarating siya sa parang. “Yehey!
Iyan ang bahay ko!”, masiglang wika niya.
Kokak! Kokak! Kokak! isang palaka pala ang nakatira
doon. “Hindi ito ang bahay ko!”, malungkot na wika ni
Ibon Liit.
Nagpatuloy sa paglalakad si Ibon Liit at
nang siya ay may nakasalubong siya, “Saan po
ang aking ina?”, tanong ni Ibon Liit sa isang
pusa. “Miyaw! Miyaw! Miyaw! Hindi ko alam
Ibon Liit,” wika ng pusa. Malungkot na
nagpatuloy sa paglalakbay si Ibon Liit.
Takot na takot ito. Hanggang sa
makasalubong niya ang isang aso.“Aw!
Aw! Aw! Bakit mukhang takot na takot
ka?”, tanong ng aso sa kanya.
“Hinahanap ko ang aking ina’, sambit ni
Ibon Liit.
Sa patuloy na paglalakad, nakasalubong
niya si kambing. Meee! Meee! Meee! Bakit takot
na takot ka?”, tanong ni kambing. “Hindi ko alam
kung saan ang aking ina”, sagot ni Ibon Liit.
“Saan ka ba nakatira?”, tanong ni kambing.
Ngunit hindi sumagot si Ibon Liit. “Gusto ko ng
umuwi”, mangiyak-ngiyak niyang wika. Nang
bigla niyang maalala ang sabi ng ina.

5
“Subukan mong igalaw ang iyong
mga pakpak kung gusto mong pumunta
sa lugar na nais mo.”
Isa…dalawa…tatlo…!
Taas…taas…taas…lipad…lipad… lipad…!
“Inay, nakita rin kita!”, masayang sigaw ni
Ibon Liit!

Gawain 1

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa


kalakip na sanayang papel.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


a. butiki, ibon, aso, at paru-paro
b. kuting, ibon, ahas, at paru-paro
c. aso, ibon, inahing manok, kambing, palaka
2. Nahanap ba ni Ibon Liit ang kanyang ina?
a. opo
b. hindi
c. baka
3. Alam ba ni Ibon Liit kung saan siya nakatira?
a. opo
b. hindi
c. baka
4. Sino ang nawawala sa kwento?
a. Si Aso
b. Si Butiki
c. Si Ibon Liit

6
5.Ano ang pamagat ng kuwento?
a. Si Ibon Liit
b. Si Asong Matapang
c. Si Makamandang na Ahas

Gawain 2
Panuto: Pagtambalin ang larawan ng mga hayop sa
tunog nito. Gawin ito sa kalakip na sanayang
papel.

Putak! Putak! Putak!

Miyaw! Miyaw! Miyaw!

Aw! Aw! Aw!

Meee! Meee! Meee!

Twit! Twit! Twit!

7
Suriin
Mayroong iba’t ibang tunog at huni tayong
naririnig sa ating paligid. Nagmumula ito sa mga tao,
bagay, hayop at sasakyan. Mayroong malakas at
mahinang tunog.
Halimbawa ng huni ng mga hayop:
Palaka – Kokak! Kokak!
Kambing – Meee! Meee!
Ibon – Twit! Twit! Twit!
Halimbawa ng tunog ng mga bagay:
Kampana – Ting! Ting! Ting!
Orasan – Tik! Tak! Tik! Tak!
Tambol – Boom! Boom! Boom!
Halimbawa ng tunog ng mga sasakyan:
Motorsiklo – Bruuum! Bruuum!
Bruuum!
Ambulansiya – Wii! Wii! Wii!
Kotse, dyip, o trak – Pipiip! Pipiip! Pipiip!

Halimbawa ng tunog na nagagawa ng tao


Pumalakpak - Klap! Klap! Klap!
Sumigaw - Aaahh! Aaahh!
Tumawa - Hahaha! Hahaha!

8
Pagyamanin
Panuto: Bilugan ang tamang tunog ng nasa larawan.
Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

1. 2.

tik!tak! tik!tak! prrt! prrt! klap!klap! hahaha!hahaha!

3. 4.

pipiip!pipiip! bruuum!bruuum boom! boom! tik! tak!tik!tak!

5. 6.

meee! meee! twit!twit! putak! putak! meee! meee!

9
Isaisip

Panuto: Ibigay ang tunog na ipinahihiwatigng mga


sumusunod. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.
Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

_____1. silbato ng pulis a. eng…eng…eng…

_____2. sirena ng bumbero b. kleng, klang, kleng

_____3. tunog ng telepono c. pritt, pritt, pritt

_____4. kampana ng simbahan d. wii, wii, wii

_____5. sirena ng ambulansya e. kring, kring, kring

10
Isagawa

Panuto: Maghanap ng kasama na magtatala ng iyong


kasanayan sa paglikha ng tunog ng nasa larawan gamit
ang rubriks. Lagyan ng tsek (√) ang akma sa iyong
ginagawa. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

Mga Mahusay Bahagayang Hindi


Kasanayan Mahusay Mahusay
(5)
(4) (3)
1.

2.

3.

4.

5.

11
Tayahin

Panuto: Pakinggan ang mga tunog na babasahin ng


guro. Ilagay sa kolum A kung ito ay tunog ng hayop, B
kung tunog ng sasakyan, C kung tunog ng bagay at D
para sa tunog ng tao. Gawin ito sa kalakip na sanayang
papel.
Krriiiing! Krriiiing! Tik! Tak! Tik! Tak! Miyaw! Miyaw!
Aw! Aw! Aw! Bruuum! Bruuum! Tsug!tsug!
Prrt! Prrt! Twit! Twit! Boom!Boom!
Meee! Meee! Klap! Klap! Aaahh! Aaahh!

A B C D
(tunog ng (tunog ng (tunog ng (tunog ng
hayop) sasakyan) bagay) tao)

12
Karagdagang Gawain
Panuto: Ibigay ang tunog o huni na nalilikha ng mga
sumusunod na tao, bagay, hayop o sasakyan. Gawin ito
sa kalakip na sanayang papel.

1. 4.
4.

2. 5.

3. ` 6.

13
14
Tuklasin Tayahin
Gawain 1 A
c aw! aw! aw!
a twit! twit!
b miyaw! miyaw!
c B
a bruuum! bruuum!
Gawain 2 tsug! tsug!
kambing – meee! meee! C
ibon – twit! twit! krriing! kriing!
pusa – miyaw! miyaw tik! tak! tik! tak!
aso – aw! aw! boom! boom!
manok – putak! Putak!
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Department of Education (DepEd) 2019. “Mother-Tongue


Curriculum Guide.pdf.Uploaded on January
2019.https://www.gov.ph/wp -content/upload/2019.I

David, Minerva, Rolle, Agnes G., Salvatus,Grace U.,


Santos, Nida C., Villaneza,Rosalina J., Mother
Tongue-Based Multiligual Education, 2013; DepEd K
to12 Curriculum Guide and DepEd Learners Material
(MTB-MLE 1).

15
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

16

You might also like