Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PAGBASA AT PAGSUSURI

TEKSTONG IMPORMATIBO:
Teksto: Mga pangunahing salita sa anumang babasahin na nagtataglay ng iba’t ibang
impormasyon.
Tekstong Impormatibo: Naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala,
pagpapaliwanag at mga impormasyon; AKaSSPa (Ano, Kailan, Sino, Saan, at Paano).

Elemento ng Tekstong Impormatibo:

1. Layunin ng may akda: Layuning mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang


paksa; mauunawan ang mga pangyayaring mahirap maipaliwanag.
2. Pangunahing Ideya: Dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa
mambabasa, nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi. Tinatawag itong organizational markers na nakatutulong upang agad
makita ata malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
3. Pantulong na Kaisipan: Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkol na mga
pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong na mabuo sa isipan ng
mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais matanim o maiwan sa kanila ng
may akda.
4. Mga Estilo sa Pagsulat, Kagamitan/Sangguniang magtatampok sa mga bagay
na binibigyang-diin: Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas
malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo.

Uri ng Tekstong Impormatibo:


1. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan: Base sa totoong pangyayaring
naganap; personal na nasaksihan ng manunulat. Ang uring ito ay sinisimula ng
mabisang panimula o introduksyion; AKaSSPa.
2. Pag-uulat Pang-impormasyon: Inilalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at ‘di
nabubuhay.
3. Pagpapaliwanag: Nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang
bagay o pangyayari, layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga
impormasyong nagsasang kung paano humantong ang paksa sa ganitong
kalagayan.
TEKSTONG DESKRIPTIBO:
Isang pagpapahayag ng mga impresyon at kakintalang likha ng pandama. Ang
mga ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng isang bagay, pangyayari,
o kaya naman ay makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao, o
pangyayari.

Mga Elemento o Dalawang Paraan ng Paglalarawan


1. Karaniwang Paglalarawan: Tahasang paglalarawan na kung saan inilalahadang
mga pisikal na katangian sa pamamagitan ng obserbasyon.
2. Masining na Paglalarawan: Ito ang malikhaing paggamit ng wika upang
makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan.

Paggamit ng Tayutan (Figures of Speech)


Simile o Pagtutulad: Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, at pangyayari
sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara,
animo’y, at katulad. (Tila yelo sa lamug ang kamay ni Geryme dahil sa nerbyos. HELP!)
Metapora o Pagwawangis: Tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan
ng mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad. (Siya ang/nang ahas sa kanilang relasyon)
Personipikasyon o Pagtatao: Tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa
mga bagay na abstrakto o walang buhay (Ang pagsayaw ng mga damo sa hangin)
Hyperboli o Pagmamalabis: Eksaherado o sobra sa mahinahong katotohanan at hindi
dapat kunin ang literal na pagpapakahulugan. (Kitang-kita kung paanong umusok ang
ilong ng akin ina sa galit)
Onomatopeya o Paghihimig: Paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunoy ng bagay
na inilalarawan. (Napalingon ako sa lakas ng pot-pot ng truck)

TEKSTONG NARATIBO:
Pagsasalaysay ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyayari sa isang
lugar at panahon o sa isang tagpuan na may maayos na pakasunod-sunod mula sa simula
hanggang katapusa. Layunin ng tekstong naratibo na:
● Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
● Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o nakapagbibigay-aliwat
saya.
● Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral.
● Hal: Maikling kuwento, nobela, kwentong-bayan, mitolohiya, alamat, atbp.

Pangkalahatang Katangiang Taglay ng bawat uri ng Tekstong Naratibo:


Iba’t ibang uri ng pananaw o punto de visita (point of view) sa tekstong naratibo:
1. Kombinasyong Pananaw o Paningin
2. Unang Panauhan
3. Ikalawang Panauhan
4. Ikatlong Panauhan
May paraan ng pagpapahayag o paglalahhad ng mga tauhan sa kanilang Diyalogo,
Saloobin, at Damdamin sa tekstong naratibo:
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag: Hal. “Donato, kakain na, Anak!” tawag ni
Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing
nakalapit na pala ang ina sa kaniyang kinalalagyan. “Aba’y kayganda naman
nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha?”
2. Di-Direkta o Di-Tuwirang Pagpapahayag: Hal. Tinatawag ni Aling Guada ang
anak dahil kakain, habang ito’y abalang-abal sa ginagawa at hindi halos napansing
nakalapit na pala ang ina sa kaniyang kinalalagyan. Sinabi niyang kaygadan ng
ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya.

Elemento ng Tekstong Naratibo:


1. Tauhan: Karaniwang tauhan, Pangunahing tauhan, Kasamang tauhan,
Katunggaling tauhan, at ang May Akda.
Dalawang Uri ng Tauhan ayon kay E.M. Froster
1. Tauhang Bilog (Round Character) - Isang tauhang may multi-
dimensional o maraming saklaw ang personalidad.
2. Tauhang Lapad (Flat Character) - Tauhang nagtataglay ng iisa o
dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.
2. Tagpuan at Panahon: Damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga
pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwan, takot, romantikong paligid,
matinding pagod, kalungkutan, atbp.
3. Banghay:
Karaniwang Banghay o Balangkas ng isang Naratibo (Simula,
Suliranin, Saglit na Kasiglahan, Kasukdulan, Kakalasan o Resolusyon, at
Wakas)
Anachrony o Mga Pagsasalaysay na hindi nakaayosa sa tamang
pagkakasunod-sunod.
Analepsis (Flashback): Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa
nakalipas.
Prolepsis (Flash-Forward): Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring
magaganap pa lang sa hinaharap.
Ellipsis: May mga nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o
hindi isinama.
4. Paksa o Tema: Sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa
teksong naratibo.

TEKSTONG PERSUWEYSIB:
Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukas sa damdamin ng mambabasa o
tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang
inilahad.

Layunin ng Teksto:
1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa upang makuha ang simpatiya
nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad.
3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng damdamin o simpatiya ng
mambabasa.

Katangian ng Teksto:
1. May subhetibong tono
2. Personal na opinyon at paniniwala ng may akda
3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa
eleksyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.
Elemento ng Panghihikayat ayon kay Aristotle:
Ethos - Ang karakter, imahe, o reputasyon ng manunulat/tagapagsalita.
- Ang ETHOS ay nangangahulugang KARAKTER/PERSONALIDAD
- Sa paraang ito, ginagamit ang impluwensiya at kredibilidad ng isang kilalang tao
para makahikayt ng mga tao na tangkilikin ang isang produkto, serbisyo, o
paniniwala.
- Ito ang madalas gamitin sa mga advertisement o commercial ng iba’t ibang
produkto.
- Sa ganitong paraan, ipinalalagay ng mambabasa o manonood na ang iniendorsong
produkto o serbisyo ay ginagamit ng kilalang artista o personalidad na
nagpapaganda sa kaniyang hitsurea o nagpapabuti ng kaniyang kalagayan.

Logos - Ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/tagapagsalita


- Ang LOGO ay nangangahulugang SINABI KO
- Sa paraang ito, gumagait ng mga katunayan, ebidensya, estdistika, mga
makasysayang tala, mga opisyal na dokumento, sipi sa pananaliksik, at panayam
upang patunayan ang katotohanan at bigat ng katawan.
- Karaniwang gumagamit ng mga pahayag na “Ayon sa aming pag-aaral…” “9 out
of 10 Filipinos…” o “Batay sa estdistika ng (pangalan ng ahensya ng
pamahalaan)...”

Pathos - Emosyon ng mambabasa/tagapakinig


- Ang PATHOS ay nangangahulugang NARARAMDAMAN
- Ang paraang ito ay nanghihikayat sa pamamagtian ng pag-apila sa damdamin o
emosyon ng mga tao.
- Ito ang madalas gamitin kung nais makakuha ng simpatiya, pakiki-isa, o pagkilos.
- Hal: Ang isang nasalanta ng kalamidad ay maaaring magsalaysay ng kaniyang
hindi magandang karanasan at mga bagay na nawala sa kaniya para makakuha ng
simpatiya at tulong sa ibang tao.
PROPAGANDA DEVICES:
1. Name Calling: Ito ay ang pagbibigay ng hindi maganda puna o taguri sa isang
produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa
mundo ng politika.
2. Glittering Generalities: Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa
isang produktong tumutugoon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.
3. Transfer: Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikatan.
4. Testimonial: Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng
isang tao o produkto.
5. Plain Folks: Mga karaniwang tao o tanyag ay pinalalabas na ordinaryong taong
nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
6. Card Stacking: Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto
ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
7. Bandwagon: Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang
produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO:
Pinahahalagahan ng tekstong argumentatibo ang paglalahad ng katotohanan mula
sa balidong datos na nakuha o nabasa. Naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit
hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat kundi pati na rin sa
mga datos o mga impormasyong inilatag ng manunulat.

Katangian
1. Malinaw at lohikal ang punto
2. Inilalahad ang dalawang panig
3. May pinipiling isang panig
4. May makatotohanng batayan
Mga paraan ng Pangangatwiran Tungo sa maayos na Pagsulat o Pagbuo ng
Tekstong Argumentatibo

Pabuod: Paglalahad muna ng mga halimbawa o maliit na ideyang tumatayong


pansuportang kaisipan at nagtatapos sa isang pangunahing kaisipan.
Pasaklaw: Nagsisimula sa paglalahad ng pangunahing kaisipan na sinusundan ng mga
pantulong na kaisipang sumusuporta sa naunang kaisipan.

Mga bahagi ng Tekstong Argumentatibo:


● Panimula (Mapanghikayat/Thesis Statement)
● Gitna o Katawan (Opinyon o Pananaw ng Manunulat)
● Konklusyon (Kabuuang Pananaw)

Halimbawa ng Tekstong Argumentatibo


- Thesis/Tesis
- Posisyong Papel/Position Paper
- Papel na Pananaliksik
- Editoryal/Editorial
- Petisyon/Petition

TEKSTONG PROSIDYURAL:
Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon
kung paano isasagawa ang isang tiyak na bagay.

Mga Bahagi:
1. Pamagat
2. Mga sangkap o kagamitan
3. Hakbang o Metodolohiya
4. Kongklusyon o Inaasahan Kalalabasan
Mga gamit ng Tekstong Prosidyural
● Pagpapaliwanag kung paano gumagana o pagaganahin ang isang kasangkapan
batay sa manwal na ipinakita.
● Pagsasabi ng hakbang kung paano gagawin ang isang bagay o gawain.
● Paglalarawan kung paano makakamit ang ninanaisa na kalagayan sa buhay.

Halimbawa:
Manwal sa paggamit ng kasangkapan o mekanismo
- Resipi
- Gabay sa paggawa ng mga proyekto
- Mga eksperimentong siyentipiko
- Mekaniks ng laro
- Mga alituntunin sa kalsada

Iba’t Ibang uri ng Tekstong Prosidyural


1. Paraan ng Pagluluto (Recipe): Nagbibigay ng panuto sa mga mambabasa kung
paano magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan ay malinaw ang pagkakawa ng
mga pangungusap at maaaring ito ay magpakita rin ng mga larawan.
2. Panuto: Nagsisilbing gabay sa mga mambabasa kung paano isagawa o likhain ang
isang bagay. Pagsagot sa lagumang pagsusulit (Hal: Bilugan ang titik ng tamang
sagot)
3. Panuntunan sa mga Laro: Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na dapat
sundin. Panuntunan sa Sepak Takraw (Hal: Bawal hawakan ang bola. paa, ulo,
balikat, dibdib, tuhod, hita, at binti lamang ang dapat gamitin.)
4. Mga Eksperimento: Sa mga eksperimento, tumutuklaw tayo ng mga bagay na
hindi pa natin alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya
naman kailangan maisualt ito sa madaling naiintindihang lenguwahe para matiyak
ang kaligatasan ng magsasagawa ng gawain. Karaniwang ginagawa sa Agham na
asignatura (Hal: Paggawa ng Egg Lamp).
5. Pagbibigay ng Direksyon: Mahalagang magbigay tao ng malinaw na direksyon
para makarating sa nais na destinasyong tatahakin. Pagtuturo ng direksyon sa
isang lugar. (Hal: Ang bahay nila Ana ay malapit lamang sa palengke)
KOHESYONG GRAMATIKAL:
Cohesive Device - Mga salita o nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang
paggamit ng mga pangngalan sa pangungusap.
Anapora - Inuuna ang pagbanggit ng pangngalan. Ang panghalip naman nito ay
sumusunod sa loob ng pangungusap na iyon o maaaring nasa kasunod na pangungusap.
Katapora - Inuuna ang pagbanggit ng panghalip. Ang pangngalan naman na
pinatutungkulan nito ay kasunod sa loob din ng pangungusap na iyon o maaaring nasa
kasunod na pangungusap.
Pangatnig - Ito ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala, o sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.

1. Pangatnig na Panlinaw: Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan


ng isang banggit. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung, kaya, kung gayon, o
kaya.
2. Pangatnig na Panubali: Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. Maaari itong
gamitan ng mga salitang kung, sakali, kapag, o pag.
3. Panganitnig na Paninsay: Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi
ng pangungusap ang pangalawang bahagi nito. Maaari itong gamitan ng mga
salitang ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, at kahit.
4. Pangatnig na Pamukod: Ginagamit ito upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa o
ilang bagay o kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga salitang o, ni, maging, at
man.
5. Pangatnig na Pananhi: Ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran
para sa pagkaganap ng kilos. Maaari itong gamitan ng mga salitang dahil sa, sanhi,
sa, sapagkat, o mangyari.
6. Pangatnig na Panapos: Ito ay nagsasaad ng nalalapit na katapusa ng pagsasalita.
Maaari itong gamitan ng mga salitang sa lahat ng ito, sa wakas, o sa bagay na ito.
7. Pangatnig na Panimbang: Ito ay ginagamit sa paghahayag ng karagdagang
impormasyon o kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga salitang at, saka, pati,
kaya, o anupa’t.
8. Pangatnig na Pamanggit: Ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw ng
iba. Maaari itong gamitan ng mga salitang daw, raw, sa ganang akin/iyo, o di
umano.
9. Pangatnig na Panulad: Ito ay tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa.
Maaari itong gamitan ng mga salitang kung sino… siyang, kung ano… siya rin, o
kung gaano… siya rin.
10. Pangatnig na Pantulong: Nag-uugnay ito ng nakapag-iisa at hindi nakapag-iisang
mga salita, parirala, o sugnay. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung, lapag,
upang, para, nang, sapagkat, o dahil sa.

You might also like