Tsapter III

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TSAPTER III

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Sa tsapter na ito inilahad ang magiging pamamaraan sa pagsagawa ng pag-aaral na naglalaman


ng disenyo, lugar kung saan gagawin, kalahok, at instrumento na gagamitin sa pananaksik,
kasama na rin riyan ang paraan ng pangangalap at krayteria sa pagpili ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa upang malaman ang epekto ( mabuti at di-mabuting
epekto) ng artificial intelligence ( A.I.) sa mga gawa at pag-aaral ng mga HUMSS students na nag-
aaral sa MSU-Marawi Senior High School ( MSU-MSHS) sa taong 2023-2024. Ito ay gagamitan ng
phenomenological qualitative study bilang disenyo ng pananaliksik upang matukoy ng maayos
ang epekto ng A.I sa mga MSU- MSHS HUMSS students.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa Mindanao State University - Marawi Senior High
School sa syudad ng Marawi City sa probensiya ng Lanao Del Sur. Karamihan nakatira sa syudad
na Marawi City ay ang mga Maranao ngunit meron din mga ibang tribo ang naninirahan dito.

Kalahok ng Pag-aaral

Ang kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante na nasa strand ng HUMSS na
nag-aaral sa MSU- Marawi Senior High School sa taong 2023-2024. Magkakaroon ng limang
indibidwal sa bawat klase ng mga HUMSS students at sila ang magiging responde. Ito ay binubuo
ng mga kabataang may edad na 17 - 19 taong gulang.

Instrumento ng Pag-aaral
Sa pagsagawa ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay gagamitin
ang kwalitatibo kung saang ang pagkalap ng impormasyon ay sa pamamagitan ng
isang interbyu. Gagawa ng mga katanungan ang mga mananaliksik na makakatulong
upang malaman ang epekto ng A.I sa mga gawa at pag-aaral ng estudyante ng MSU-
MSHS na nasa strand ng HUMSS sa taong 2023-2024.

Ipapaalam din sa mga kalahok na ang kanilang partipasyon sa nasabing


interbyu ay boluntaryo at ang interbyu ay gagawin lamang sa oras kung saan
komportable at wala klase ang kalahok.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang isa sa mga mananaliksik ay papasok sa bawat seksyon ng HUMSS students at


ipapaalam kung saan tungkol ang pag-aaral. Pagkatapos ay magtatanong ang
mananaliksik kung sino ang magboboluntaryo para sa interbyu na isasagawa.
Matapos makakuha ng limang kalahok ang mananaliksik ay magtatanong kung kailan
pwede ang mga kalahok na isagawa ang interbyu.

Pagkatapos isasagawa na ang interbyu sa nasabing oras. Upang maging


epektibo ang interbyu ang mga mananaliksik ay makikinig ng maayos at magtatanong
upang maintindihan ang karanasan at panayam ng mga kalahok. Matapos masagot
ang mga tanong na ginawa para sa interbyu ang sunod na gagawin ay e kakategorya
ang mga nakalap na impormasyon. Upang malaman ang pagkakapareho ng sagot ng
mga kalahok.

Pagkatapos pag-aral ang mga datos, ilalahad ng mga mananaliksik ang mga
mabuti at di-mabuting epekto ng A.I sa mga gawa at pag-aaral ng mga MSU-MSHS
HUMSS students.

Krayteria sa Pagpili ng Datos

Para masiguro ang epektibong interbyu ang mga mananaliksik ay magbabatay sa


sumusunod na krayteria sa pagpili ng datos:

1. Dami ng mabuti at di-mabuting epekto. Isusulat ng mananaliksik kung gaano


karami ang masasabi ng kalahok na epekto ng A.I. Alin ba ang mas marami ang
mabuti at di-mabuting epekto.

2. Pagkakaparehas ng mga sagot. Upang malaman ng mananaliksik ang pinaka


malaking epekto ng A.I sa mga estudyante.

You might also like