4th QUARTER NOTES AP10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

4th QUARTER NOTES AP10

PAGKAMAMAMAYAN
ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado

MGA DAHILAN NG PAGKAWALA NG PAGKAKAMAMAYAN NG ISANG TAO:


Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa;
tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan, at Nawala na ang bisa ng naturalisasyon

ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN
Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

Universal Declaration of Human Rights at ang Bill of Rights


mahalagang dokumentong tinanggap ng United Nations Assembly noong 1948 na naglalahad ng mga karapatang
pantao ng bawat indibiduwal tulad ng mga karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
Tinawag ding “International Magna Carta for all Mankind” ang dokumentong ito.

MGA PANDAIGDIGANG ORGANISASYONG NAGTATAGUYOD SA KARAPATANG PANTAO


AMNESTY INTERNATIONAL
Adhikain nio na magsagawa ng pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-aabuso ng mga karapatang pantao sa buong
Daigdig.
“It is better to light a candle than to curse the darkness”

HUMAN RIGHTS ACTION CENTER


Itinatag ni Jack Healey
Tagapagtaguyod ng mga karapatang pantao sa buong Daigdig at nagsisilbing boses ng mga walang boses.

ASIAN HUMAN RIGHTS COMMISSION


Itinatag noong 1984
Layunin ng samahang ito na magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at pagsasakatuparan ito
sa buong Asya.

Mga Organisasyong Nagtataguyod ng mga Karapatang Pantao sa Pilipinas


FREE LEGAL ASSISTANCE GROUP (FLAG) - Isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at
nangangalaga ng mga karapatang pantao.
Itinatag noong 1974 nina Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr., at Joker Arroyo.

PAKIKILAHOK SA ELEKSIYON\PAGBOTO - pinaka payak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay


isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas

Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987 ang maaaring makaboto ay:


- Mamamayan ng Pilipinas
-Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
- 18 taon gulang pataas
- Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto ng hindi bababa sa anim na
buwan

PAGLAHOK SA CIVIL SOCIETY


sektor ng lipunan na hiwalay sa estado at binubuo ng mga mamamayan na hindi umaasa sa pamahalaan;
binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental
Organizations (NGO) at Peoples’ Organization (PO);
Naglalayon ang Civil Society na maging kabahagi ng mga pagbabago sa mga polisiya at maggiit ng accountability
(kapanagutan) at transparency (katapatan) mula sa estado (Siliman,1998); at Layunin din ng Civil Society na makabuo
ng mga samahang direktang makikipag-ugnayan sa pamahalaan.

GRASSROOT ORGANIZATION O PEOPLES’ ORGANIZATION


Naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito
Kinabibilangan ng mga mamamayang direktang naapektuhan ng mga problema o krisis at may partikular na
ipinaglalaban.
Dito nahahanay ang mga sektoral na grupo ng kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, at mga cause-
oriented group.

GRASSROOT SUPPORT ORGANIZATION O NON-GOVERNMENTAL ORGANIZATIONS


Naglalayong suportahan ang mga programa ng mga Peoples’ Organization
Kolektiba ng mga taong may isang mithiin o grupo na pinopondohan ng indibidwal upang magsagawa ng mga bagay
na kadalasang ginagawa ng isang pamahalaan.
Ilan sa mga gawaing ito ay may kinalaman sa kalusugan, edukasyon, at trabaho.

Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala

Participatory Governance
isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa
pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.

Mga paraan ng pagsasagawa ng Participatory Governance


1. Pagpapangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan, halimbawa nito ay ang pagdalo sa mga public
hearing at pasasagawa ng mga survey.
2. Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan. Ayon sa mga
ekpsperto, mas magiging aktibo ang paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan kung sila ay kasama mismo sa
pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga desisyon ng pamahalaan.

You might also like