Picture Essay Halimbawa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Pangalan: Nikko T.

Esguerra

Baitang at Pangkat: 12 – OLKP

BUWAN NG WIKA: ANG KAHUSAYAN NG MGA PILIPINO

Ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ay isa sa mga aktibidades na isinasagawa tuwing buwan
ng Agosto. Sa natatanging selebrasyon na ito ay nagkakaroon ng samot-saring mga aktibidades na
naglalayong maipakita ng bawat mag-aaral ang kanilang kanya-kanyang talento at pagpapahalaga
sa wika, kultura, at sining ng bansang Pilipinas.
Ang mga larawang ito ay ipinapakita ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral sa paglikha
ng sarili nilang disenyo ng damit gamit ang iba’t ibang materyales na pangkulay. Makikita rin dito ang
kahusayan ng bawat mag-aaral sa pag-iisip ng disenyo na tutugma sa tema ng buwan ng wika.
Tunay na mahuhusay ang mga mag-aaral ng Holy Cross of Mintal dahil sa loob lamang ng
iilang araw ay nakapaghanda sila ng isang malikhaing presentasyon ng sabayang pagbigkas. Ang
mga parangal na kanilang natanggap ang siyang matibay na ebidensya na nagpapakita at
nagpapatunay ng kanilang katalinuhan, pagkamalikhain, at pagkakaisa.
Ang kulminasyon ng buwan ng wika ay isinagawa noong Agosto 31 taong 2023. Sa araw na
ito ay nasaksihan ng mga mag-aaral ng Holy Cross of Mintal kung gaano kalawak at lalim ang
pagpapahalaga ng bawat mag-aaral sa kultura at wikang Pilipino sa pamamagitan ng pagsuot ng
mga katutubong kasuotan ng mga mag-aaral at mga kalahok ng Lakan at Lakambini. Natunghayan
din sa araw na ito ang mga adbokasiya ng mga kalahok na siyang tiyak na makakatulong sa
pagpapanatili, pagprepreserba, at pagpapayabong ng ating wika’t kultura.

Natapos man ang mga isinagawang aktibidades, nawa’y huwag matapos o mahinto ang
pagpapahalaga at pagpapayabong natin sa ating sariling kultura at wika, mangyayari lamang ito
kung likas at patuloy nating mamahalin ang ating sariling bansa, Pilipinas.

You might also like