Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR

LIGAS I ELEMENTARY SCHOOL

DAILY LEARNING PLAN


7:00-7:30-Masintahin
8:30-9:00- Maalaga
QUARTER 1, Ikapitong Linggo, Unang araw Grade Level 5
EDUKASYON SA
DATE LUNES, Oktubre 16, 2023 Learning Area
PAGPAPAKATAO
LAYUNIN:

Pamantayang
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Pangnilalaman

Pamantayan sa Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin sa kung ano ang dapat
Pagganap at di-dapat.
Nakakapagpahayag nang may katapatan ng sariling opinion/ideya at saloobin tungkol
sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan Hal. Suliranin
MELC
sa paaralan at pamayanan
(EsP5PKP –Ig - 34)
1.Natatalakay ang katangian ng isang matapat.
2. Nakakapagpahayag nang may katapatan ng sariling opinion/ideya at saloobin
tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan Hal.
Batayang
Suliranin sa paaralan at pamayanan.
Kasanayan
3.Naipapakita ang katapatan ng sariling opinion/ideya at saloobin tungkol sa mga
sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan Hal. Suliranin sa
paaralan at pamayanan.
PAKSANG – ARALIN
PAKSA Pagpapahayag ng Saloobin
Sanggunian PIVOT module week5, pahina 6-8 Module 12
KAGAMITAN Mga larawan, Projector, PPT
Valuing KATAPATAN
ACROSS:
Integrasyon WITHIN: ESP 8 Q3- nakikilala ang a. kahalagahan ng katapatan, b. mga paraan ng
pagpapakita ng katapatan, at c. bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
PAMAMARAAN:
I. PANIMULANG GAWAIN:

1. Balik-Aral
Sagutin ang mga sumusunod ayon sa
iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ito ay ang pagsasabi ng iyong totoong naiisip at nararamdaman.


A. pagpapahayag ng saloobin C. pagrereklamo sa iba
B. pakikipag-away sa iba D. pagiging madaldal
2. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng tamang pagpapahayag ng saloobin, MALIBAN sa _____
Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Unang Markahan | SY 2023-2024
1
A. pag-isipan munang mabuti ang sasabihin
B. alamin muna ang katotohanan bago magsalita
C. maging magalang sa kausap at ipakita ang respeto
D. maging marahas sa pananalita upang hindi makasakit
3. Kapag ikaw ay tatanggap ng puna mula sa iba, dapat na _____
A. gamitin ang puna upang makapagbago
B. ipakita ang paggalang sa kausap
C. magpasalamat sa puna o payo
D. lahat ng nabanggit
4. Nagalit si Kim ng bigyan ng payo ni Arianne na iwasan ang pagsasalita ng masama o pagmumura. Ang
ginawa ni Kim ay _____
A. tama B. mali C. okay lang D. maayos
5. Pinakamahalaga sa pagpapahayag ng saloobin ang maging _____
A. tapat at totoo C. mapagkunwari
B. mapanakit D. malihim at tahimik

II. PANLINANG NA GAWAIN:


1.PAGGANYAK:
Basahin ang comics strips

1.Anong masasabi Ninyo?

2.AKTIBITI
Basahin ang tula at Pumili ng partikular na bahagi ng tula na maari mong masabing may kaugnayan ito
sa ilan mong karanasan sa pakikipag ugnayan sa iyong kapwa.
Matapat na Pagpapahayag

May pagkakaisa ang samahan


Maging sa pamilya, paaralan o pamayanan
Kapag sama samang gagawa
Tagumpay ay makakamit sa tuwina
Bawat miyembro’y nakahanda
Sa pagbibigay ng opinyon, ideya o saloobin
Nang may katapatan at katotohanan
Para bawat layunin ay maganda
Lakas loob na ipahayag natin
Ang katotohanan masakit man sa kalooban
Dahil ang papahayag ng matapat
Ay naghahatid ng pagsasamang maluwat
3.Paglalahad

Katulad ng natutuhan mo sa nakaraang aralin tungkol sapagpapahayag ng iyong saloobin, dapat mo ring
masabi ang katotohanan.Ang saloobin, opinyon o ideya ay maaaring tama o mali ngunit angkatotohanan ay
nanatiling tama sa lahat ng pagkakataon.Noong isang taon, nalaman mo na ang katotohanan
aykasingkahulugan ng mga salitang tama, tumpak, tunay, totoo, wasto, tiyak
at naaayon. Kabaliktaran nito ang kasinungalingan, mali, hindi wasto, peke, at huwad. Malalaman ito sa
pamamagitan ng pagsusuri o pagninilay.
Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Unang Markahan | SY 2023-2024
2
Ayon sa kasabihan, “Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat.” Magiging maayos at masaya ang
pakikitungo o relasyon kung nagsasabi ng totoo. Nangangahulugan ito na hindi nagsisinungaling ang bawat
isa. Walang mangyayaring hindi pagkakaunawaan o pag-aaway. Minsan, mahirap sabihin ang katotohanan.
Maaaring makasasakit ito sa iyong damdamin at ganoon din sa iba. Gayonpaman, kailangan mong
maging tapat at totoo. Maaaring mas maging malaking suliranin kapag hindi mo inamin o sinabi ang totoo.
Maaari ring ikapahamak mo ito o ngiba. Kaya, makabubuting sabihin mo ito. Ilan sa mga katotohanang
dapat mong sabihin ay ang pag-amin sa pagkuha ng gamit ng iba, pangongopya o pandaraya sa mga
aralin, pagsisinungaling sa mga kasapi ng pamilya.
Bakit nga ba mahalagang masabi mo ang katotohanan.

4.Pagsusuri (Analysis)
1.Naranasan mo na bang magsabi ng totoo kahit ayaw mo sana?
2.Ano ba ang pakiramdam mo tuwing kinakailangan mong maging tapat kahit naikapapahamak mo ito o ng
ibang tao?
3. Nasasabi mo ba ang katotohanan?
4. Bakit mo ito kailangang sabihin?
5. Ano ano ang mabuting maidudulot ng pagsasabi mo ng katotohanan?

II. PANGWAKAS NA GAWAIN:


A. Paghahalaw (Abstraction)
A.1. Paglalahat
Bakit kailangan magsabi ng totoo kahit masakit?
A.2. Paglalapat (Aplikasyon)
Suriin ang pahayag na “Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat.” Ano ang kahulugan
nito?
A.3. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang pagiging isang matapat na mag-aaral?
IV. PAGTATAYA

Iguhit ang kung tama ang isinasaad ng bawat sitwasyon at naman kung mali sa patlang bago ang
bilang.
_____1. Sunod-sunod ang utos ng aking ina sa kabila nito ay nasunod ko
ang lahat ng mga utos niya.
_____2. Sinisikap kong huwag matakot na ipagbigay-alam sa kinauukulan
ang mga di-mabuting gawa na aking nasaksihan.
_____3. Makikinig sa mga pagpupulong at talakayan sa social media ng mga
lider sa pamahalaan patungkol sa nagaganap na pandemya.
_____4. Pinag-iisipan kong mabuti ang aking sasabihin bago ito banggitin sa
aking kapwa.
_____5.Nagsasalita si Ben ng di-maganda sa mga pulis na pumipigil sa
paglabas ng bahay sa oras ng curfew.

V. KASUNDUAN

VI. Pagninilay
Masintahin Maalaga
5x = 5x =
4x = 4x =
3x = 3x =
2x = 2x =
1x = 1x =
0x ____= _____ 0x ____= _____

Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Unang Markahan | SY 2023-2024


3
Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Unang Markahan | SY 2023-2024
4

You might also like