Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

“Nakikita niyo ba kung nasaan ang mga estrella?” “Naku, ayan na si Swiper!

Sabihin mo, Swiper


no swiping!”

At siyempre, susunod ka naman, ‘di ba? Siyempre, naki-”Swiper, no swiping” ka din. Mula sa
ating pagkabata, imposibleng hindi mo kilala si Dora. Siya ba naman ‘yung lagi nalang
magtatanong kung nasaan ba ‘yung isang bagay, na sa katotohanan, ay nasa likod niya lamang!
Well, bata palang naman tayo noon, talagang madali pa tayong mauto.

Ngunit ngayong tayong lahat ay tumanda at marami na ang napag-aralan, magpapauto ka parin
ba kay Dora na ngayon ay naka berdeng t-shirt na at pixie cut?

Kinumpirma ng Kagawaran ng Edukasyon noon lamang Enero 29 ngayong taon na matatapos


ang pang-akademikong taon 2023-2024 nang May 31 at magsisimula ang susunod nang July 29.
Malaki ang nabago dito kumpara sa petsa kung kailan natapos ang nakaraang
pang-akademikong taon noong July 7, 2023. Hindi lamang doon natatapos ang serye ng
pagbabago, dahil iiimplementa narin sa mas maraming paaralan sa susunod na
pang-akademikong taon ang panibagong MATATAG Curriculum.

Sa madaling salita, isa itong proyekto ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na
magpapaikli at onti ng mga nilalaman ng kasalukuyang curriculum upang mas masiguro na
mas maiinitindihan ng mga mag-aaral ang bawat aralin. Tiyak na marami ang babaguhin at
aayusin sa mga ituturo sa mga estudyante dahil susubukan nilang pauntiin ang mga nasabing
aralin. Sa dinami-dami ng mga panibagong letrang maiiimprinta sa mga libro at kakaibang mga
salitang bibigkasin ng mga guro, paanong makatitiyak ang isang munting mag-aaral na wala
silang inayos, kahit kaunti lamang, para sa kanilang personal na interes? Na walang idinagdag
na pampabango ng reputasyon ang ating Dora sa kaniyang mga inaalok na regalo?

Sa totoo lang, ngayon buwan lamang ay nagagawa na satin iyan ng ating minamahal na
Presidente, o si Diego, ang matalik na pinsan ni Dora. Noong nakaraang Oktubre 11, 2023,
iprinesenta ng Presidente ang mga magiging holiday para sa taong 2024. At sa dinami-dami
no’n ay ni-isa, wala ang Pebrero 25, ang EDSA Revolution. Bawat taon naman ay kinokonsidera
‘yon bilang isang holiday, ngunit bakit ngayon ay biglaang hindi na? Dahil ba iba na ang
namamalakad sa bansa?

Siyempre, hindi naman magpapatalo ang ating paborito na si Dora, ‘di ba? Mapagmalaking
tinanggi ni Bise Presidente Duterte na mayroong historical revisions sa mga ipinamahaging
modyul noong nakaraang pandemya, bago pa man naging Presidente si Marcos. Ngunit,
makikita naman kung paanong tinawag na “panahon ng new society” lamang ang panahon ng
batas militar doon sa naturang modyul para sa mga senior high school. Sila ay walang hiyang
hindi nanagot at mariin pang tinatanggi ang naging laganap na pagpapatahimik sa mga
mamamahayag at labis na pagpapahirap sa mga Pilipino noon. Hay… Grabe nga naman ang
magpinsan!
Malala na nga talaga ang kaso ng historical revision ngayon sa bansa, umaabot na talaga sa
punto na ito’y umaabot na sa edukasyon ng mga mag-aaral. Anong mangyayari kung
ipagpapatuloy ng mga nasa itaas ang ganitong pagaadjust ng mga katotohanan para sa kanilang
personal na interes? Magkakaroon na ba ng henerasyon ng mga mag-aaral na naniniwala sa
kanilang mga nakatatawang kasinungalingan?

Nakakatakot, hindi ba? Kaya ngayon palang, bilang isang mag-aaral, o nakapag-aral na,
hahayaan mo ba ang sarili mong maniwala at magpauto parin kay Dorang naka green na t-shirt
at pixie cut?

Magandang araw sa inyong lahat!

Nakakatuwa naman ang ating naging paglalakbay sa mga alaala ng ating kabataan, hindi
ba?Sinasariwa ang mga panahong nagmula tayo sa masaya at simpleng mundong itinatago ng
isang cartoon character na lagi na lang tayong tinatanong: "Ano ang susunod na dapat nating
gawin?" Oo, tama kayo, mga kaibigan, sinasariwa natin ang alaala ng ating mga kabataan,
kung saan ala-otso pa lang ng umaga, saksi na ang ating mga mata sa paglalakbay ni Dora, na
may pixie cut at berdeng t-shirt. Ngunit, ang tanong ngayon, mga kaibigan, sa ating pagtanda at
pag-unlad, handa pa rin ba tayong maging sunod-sunuran sa mga tanong ng munting Dora?

Ngayong nalalapit na ang pagpasok sa panibagong taon ng ating sistema ng edukasyon,


marami na ang nagtatanong kung ano ang hatid nito. Sinasabi nila na magiging mas maganda
at mas makabuluhan ang ating mga aralin. Ngunit, may isa pa rin akong tanong sa ating mga
guro at mga nagtuturo: "Ano ang mga bagong aral na ilalapat ninyo sa ating mga kabataan? At
ano ang masasabi natin sa mga pagbabago na ito?"

Totoo nga, mga kaibigan, na ginagawa ng ating mga pinuno ang lahat upang bigyan tayo ng
mas magandang kinabukasan. Gaya na lamang ng naging hakbang ni Presidente Diego na
palitan ang petsa ng holiday para sa isang rebolusyong naganap sa kanyang bansa. Subalit,
hindi lamang ang mga petsa ng holiday ang ating dapat ikatuwa, bagkus ang mga letrang
maiimprinta sa ating mga aklat, at mga salitang ituturo ng ating mga guro, ay dapat ding maging
saksi sa tunay na kasaysayan at katotohanan.

Ngunit, hindi lamang si Diego ang may kasalanan sa ating mga napansing tanong na wala
namang kwenta. Pati na rin si Dora, na tila'y may mga bagay na tinatanggi at inaayos. Hindi ko
alam sa inyo, mga kaibigan, pero para sa akin, tila'y hindi sapat ang pagtangging ito at
pagpapanggap na wala nangyaring masama.

Nakakabahala ang pagyakap ng ating sistema ng edukasyon sa mga pagbabago na hindi


makatarungan at hindi tuwiran. Ang mga ito ay nagreresulta sa pagpapalabas ng di-totoong
kasaysayan at pagkukubli ng mga mahahalagang impormasyon. Paano na ang ating mga
mag-aaral kung patuloy na silang ituturo ng maling impormasyon? Paano na ang ating
kinabukasan kung patuloy na tayo'y magpapakatanga sa harap ng kasinungalingan?

Kaya't ngayon, mga kaibigan, tatanungin ko kayo: Patuloy ka parin bang magpapakatanga sa
tingin ni munting Dora? O handa ka nang magbago at maghanap ng katotohanan?

Maraming salamat po at magandang araw sa inyong lahat!

You might also like