Professional Documents
Culture Documents
Soslit Reviewer
Soslit Reviewer
TEORYA
PORMULASYON NG PALILINAWING MGA SIMULAIN NG MGA TIYAK NA KAISIPAN UPANG MAKALIKHA NG MALINAW AT
SISTEMATIKONG PARAAN NG PAGLALARAWAN O PAGPAPALIWANAG UKOL DITO.
TEORYANG PAMPANITIKΚΑΝ
DULOG
Ayon kay Anthony, ito ay isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto, at pagtutuo
KLASISMO
Ang klasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan na nagmula sa Gresya. Mas higit na pinapahalagahan ang kaisipan kay
sa damdamin
KLASISMO
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may
kaayusan.
HUMANISMO
Ito ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsibol o Renacimiento (Renaissance). Ito ay nagmula sa salitang ingles na "human" o tao
sa Filipino.
IMAHISMO
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba
pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
IMAHISMO
Ito ay umusbong noong 1900 at sa unang dalawang dekada ng ika-20 siglo lumalaganap ang imahismo bilang isang kilusang
panulaan sa Estados Unidos at Inglatera.
Nagbibigay-pansin sa hanay ng mga salita at simbolismo ang nasabing kilusan. Ilan sa mga prominenteng pangalan sa kilusang ito
ay ang mga makatang Amerikanong sina Ezra Pound, Amy Loswell, John Gould Fletcher at Hilda Doolittle.
REALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may- akda sa kanyang lipunan SA MAKATOTOHANANG
PAMAMARAAN. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng
may- akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
REALISMO
Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan realidad ng buhay. Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa
kagandahan
FEMENISMO
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan
ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
PORMALISMO
Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuring formalistiko. Hindi binibigyang-diin sa
teoryang ito ang buhay ng may-akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan, at lalong walang mababanaag na implikasyong
sosyolohikal, politikal, sikolohikal, at ekonomikal. Samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na
ito.
SIKOLOHIKAL
Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng
markadong atensyon ang kaayusan, istilo, o paraang artistiko ng teksto. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas
sa teksto mismo tulad ng histori, politika, at talambuhay.
EKSISTENSYALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro
ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
ROMANTISISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa
kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang. nilalang ang lahat upang maipaalam
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
MARKISMO/MARXISMO
Pinakikita ang pagtutunggali paglalaban ng dalawang magkasalungat ng puwersa. Inuunawa ang akda batay sa kalagayan ng mga
tauhan. Sumasagisag sa tao na may sariling kakayahan na umangat sa buhay.
SOSYOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito
ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa
magpuksa sa mga katulad na suliranin
MORALISTIKO
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao - ang pamantayan ng tama at
mali. Inilalahad din nito.
ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito..
BAYOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang
bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng
mga "pinaka" na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
QUEER
Ang layunin ng panitikan ay jangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may
feminismo ang mga homosexual naman ay queer.
HISTORIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng
kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
KULTURAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga
kaugalian, paniniwala at tradisyong minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. 8 Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
FEMINISMO - MARKISMO
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba't ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang
halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito'y kasamaan at
suliranin ng lipunan.
DEKONSTRUKSYON
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga
pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag- udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na
ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
NATURALISMO
Ito'y teoryang pampanitikan na naniniwalang malayang kagustuhan ang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang
ng kanyang heredity at kapaligiran. Sa panitikan, layon nito na ipakita nang walang panghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
Nabibigyang pansin dito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.
SIKO-ANALITIKO
Tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. "Nasa paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay."
Nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan.
ARKETIPAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi
basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan
sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa't isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at
konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
PANITIKANG PANREHIYON-
PRINSIPAL NA BISA AY ANG PANLOOB NA PANINGING NAGPAPALALIM AT NAGPAPATIBAY SA PAG-UGAT NG MGA AKDA
SA TRADISYUNAL NA KULTURA NG REHIYON.
PANITIKANG PAMBANSA-
PALABRAS NA PANINGING NAKABUKAS SA IBANG KULTURA, KATUTUBO MAN AT DAYUHAN, NA NAGPAPALAWAK SA
REPERTORY NG KAISIPAN AT PAMAMARAAN NA MAGAGAMIT NG MANUNULAT
*Ang mga nasabing akda ang siyang bumubuo s a "kanon" ng panitikan ng Pilipinas.
*Kailangan ng pagsusuri kung wasto nga bang tawagin g "kanon" ang kalipunan ng mga akdang nabanggit.
*Ang sistema ng edukasyon sa ating matataas na paaralan at kolehiyo ang nagpatanyag sa mga nasabing akda at awtor.
Bakit ang mga manunulat na ito ang napatampok s a "kanon" at hindi ang iba?
Bakit tatlong panitikan lamang (Tagalog, Ingles at Espanyol) ang may kinatawan sa "kanong" iyan?
Bakit hindi nakapasok sa "kanon" ang mga awtor na sa wikang rehiyonal nagsulat?
Walang puwang sa "kanon" para sa manunulat sa mga rehiyonal na wika ang naiwang impresyon sa mga estudyante.
Walang puwang sa "kanon" para sa manunulat sa mga rehiyonal na wika ang naiwang impresyon sa mga estudyante.
Ang "kanon" na inilarawan sa itaas ay siya mismong itinuturing na "Panitikang Pambansa". Ngunit isa itong katiwalian dahil
maraming mga awtor mula sa ibat ibang Panitikang Panrehiyon ang naiiwan sa labas ng kanon.
DALAWANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI NAKAKAPASOK SA KANON ANG MGA AWTOR NG PANITIKANG PANREHIYON:
Tatlong panitikan lang ang kinakatawan sa kanon kabilang dito ang TAGALOG, INGLES at ESPANYOL.
• Naiwang impresyon na walang puwang s a "kanon" para sa mga manunulat panrehiyon.
Bago maikapit ang katangian g "Pambansa" sa panitikan na kabilang sa "kanon" ay kailangan nitong sumalamin sa akdang likha ng
mga pilipinong mula sa iba't ibang panahon at wika.
● Saksi ang mga manunulat at guro sa realidad na pumipigil o nagpapabagal sa pagpasok ng mga akda na mula sa mga
manunulat panrehiyon sa mga teksbuk na ginagamit sa paaralan.
● Nasimulan na ang masigasig na pagtitipon sa mga akdang bermakular sa mga institusyong tulad ng Cebuano Studies
Center, Visayan Studies Center, at iba pa.
Ang CCP writing grants program ay naglalayong malinawan sa pagkakaiba ng Tagalog sa Filipino upang mas malaman ang
relasyon ng Panitikang Pambansa at Panitikang Panrehiyon.
Sa pagbubuo ng wikang pambansa, napagdesisyunan na gawing batayan ang Tagalog ng wikang ginagamit ng lahat ng Filipino.
● Ang "bahagyang kaugnayan" ay kapansin-pansin sa limitadong relasyon ng tatlong principal na panitikang rehiyonal-
Sebuwano, Hiligaynon, at Iluko. (Hal. Panitikang tagalog na nakapalaman sa Liwayway)
● Ang Bisaya, Hiligaynon, at Bannaway ay mga publikasyong "kapatid ng Liwayway.
● May mga panahon na dinala ng mga ito ang mga salin sa Sebuwano, Ilonggo at Iluko ng mga akdang Tagalog.
● Ang relasyong hinahanap natin sa pagitan ng panrehiyon at pambansa ay relasyong diyalektikal.
● Nais nating iwasan ang relasyong malakas-mahina sa pagsasalin ng mga akda na siyang nasasaksihan kapag ang
pambansa ay itinuturing na may "pribilehiyo" kaya dapat mangibabaw.
● Ang parehas na konsepto ay may naituturing sa sariling bisa. Malaking pakinabang sa isa't isa kung magkakasalinan ng
bisa ang dalawang etnidad.
Kulturang Pilipino
Mga kaugalian, tradisyon, wika, paniniwala, saloobin, konsepto ng sarili, gawi, ritwal, at asal.
Pagpapahalagang Pilipino
Mga katangi-tanging pag-uugali at pagpapahalaga na nagpapakilala sa pagka-Pilipino.
Differentiated Activities
•Pumili ng pagpapahalagang gusto ninyong talakayin at ibahagi sa klase. Hal. Pagpapahalagang Pulitikal
•Pumili o umisip ng paraan ng paglalahad sa klase ng inyong pagpapahalaga. Hal. Skit, awit, tula, etc.
Pagpapahalagang Espiritwal
Islam
• Kristyanismo
Pagpapahalagang Sosyal
• Mabuting ugnayan tao sa kanyang kapwa at lipunang kinabibilangan.
Pagpapahalagang Sosyal
• Pamilyang Pilipino: may tungkuling ginagampanan ang bawat kasapi para sa ikabubuti ng lahat.
Paano ka nakakatulong sa iyong pamilya?
• Lubos na paggalang sa matatanda
Pagpapahalagang Sosyal
• Kaibigan: Ninong at Ninang (Katuwang sa pagpapalaki ng bata)
• Magiliw na pagtanggap sa bisita
Filipino Dining
• Pagmamahal sa sariling wika
• Pagpapahalaga sa edukasyon
Pagpapahalagang Pulitikal
• Kalayaan
• Pagkakapantay-pantay
• Matapat na paglilingkod
Pagpapahalagang Pulitikal
• Pagbubuwis ng buhay mga bayani.
EDSA Revolution noong 1986.
Pagpapahalaga sa Pagkakapantay-pantay
• Walang kinikilingan pagtingin sa lipunan
• Indigenous People's Rights Act of 1997 pantay na pagtamasa sa mga karapatan at kalayaan nang walang diskriminasyon.
Pagpapahalagang Pangkabuhayan
• Pagpapahalaga sa nagpapataas sa antas ng pamumuhay ng mga Pilipino:
>Hanapbuhay
>Edukasyon
Karapatang Pantao
Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkamit ng tao ng mga
pangangailangan niya tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit
niya ang kanyang karapatan (Martinez, 2020
Natural Rights
Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.
Halimbawa: karapatang mabuhay at magkaroon ng ari-arian
Constitutional Rights
Ang Constitutional Rights ay mga karapatang pantao na nakapaloob at pinapangalagahan ng isang Estado.
1. . Karapatang Sibil - mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang
pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas at pagsususulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.
2. Karapatang Politikal - kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa
ng pamahalaan tulad ng pagboto sa mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito
3. Karapatang Sosyo-ekonomiks mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan
ng mga indibiduwal gayon din ang lumahok sa buhay kultural ng pamayanan.
Paksa
1. Kasarian (Gender) at Sex
2. Oryentasyong Seksuwal (Sexual Orientation) at Pagkakakilanlang Pangkasarian (Gender Identity)
3. Gampaning Pangkasarian (Gender Roles)
SEX
Ito ay tumutukoy sa natural o biyolchikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
KASARIAN
Ito ay tumutukoy sa aspektong kultural na natutuhan hinggil sa seksuwalidad. Ang mga ideya tungkol sa kasarian ay natututuhan
mula sa lipunang ating kinabibilangan at ginagalawan
oryentasyong seksuwal (Sexual orientation)
Pagkilala ng tao sa kanyang sarili, mapa-babae man o lalaki, ibang kasarian, lahat ng kasanan, o walang kasarian
Ang mga gampaning pangkasarian ay ang pangkat ng mga pamantayan ng pag-uugali at panlipunan na itinuturing na akma o
angkop sa lipunan para sa mga indibiduwal ng isang partikular na kasarian na nasa diwa ng isang partikular na kultura, na malawak
na nagkakaiba-iba sa pagitan ng mga kalinangan at sa loob ng mga kapanahunan.