DR - Jose Rizal

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Dr.

Jose Rizal
Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Dr.Jose Rizal, ay ang
pambansang bayani ng Pilipinas, siya'y isang henyo sa larangan ng akademya. Isinilang noong
Hunyo 19, 1861, si Rizal ay nagpakita ng kahusayan sa kanyang mga pag-aaral mula pa noong
kanyang kabataan. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts sa Ateneo Municipal de Manila, kung
saan kinilala siya bilang isang sobresaliente na mag-aaral. Nagtapos din siya ng Land Surveing
sa Ateneo noong 1878.Sa kanyang pagtungtong sa Unibersidad ng Santo Tomas, kung saan
kumuha siya ng kursong Pilosopiya at Literatura sa Espanyol, patuloy na ipinakita ni Rizal
ang kanyang kahusayan sa pag-aaral. Sa kanyang pag-aaral sa Europa, nakuha niya ang mga
digri sa Pilosopiya at Letras mula sa Universidad Central de Madrid at sa Unibersidad ng
Heidelberg, na parehong may mataas na karangalan. Bilang isang polyglot, nakapagsalita siya
ng mahigit labing-dalawang wika, nagpapakita ng kanyang kahusayan sa linggwistika, at
kanyang pang-unawa sa iba't ibang kultura.Ang isa rin sa mga kahanga-hangang tagumpay ni
Jose Rizal bilang isang ophthalmologist ay ang kanyang pagiging isa sa mga kauna-unahang
Filipino na naging dalubhasa sa larangang ito. Bilang karagdagan sa mga ito siya rin ay isang
profilic poet, essayist, diarist, correspondent, at nobelista na ang pinakatanyag na mga gawa
ay ang kanyang dalawang nobela, Noli me Tangere at El Filibusterismo.Ang mga akademikong
tagumpay na ito ay nagsilbing pundasyon ng kanyang pag-asa at inspirasyon sa pagsulong ng
kanyang mga adhikain para sa bayan.

You might also like