Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Ang Kuwintas

Ni Guy De Maupassant
GRUPO 1
MGA MIYEMBRO
BARCELA, Lovely Ruth F. CANOZA, Janelle T. DUMEPNAS, Fea
G. GILLO, Aisha Maye N.
INSO, Julierma C. ITAAS, Frances Arabelle C. JOSE, Amos A.
MARZAN, Irene Rose S.
SALVADOR, Noemi M.

TAUHAN
 Mathilde Loisel
Isa sa mga magaganda’t mapanghalinang babae na sa
pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga
tagasulat.
 G. Loisel
Asawa ni Mathilde, nagtatrabaho bilang isang karaniwang
empleyado ng isang instrukyong Pampubliko.
 George Ramponneu
Siya ang nag- anyaya sa mag asawang Loisel sa isang
kasiyahan mula sa ministro ng Instuksyong Pampubliko
 Madam Forestier
Matalik na kaibigan ni Mathilde na nagpahiram sa kaniya ng
kuwintas sa ginamit niya sa pinuntahang kasiyahan.
TAGPUAN
 Tahanan nina G. Loisel at Mathilde
 Tahanan ni Madam Forestier
 Palasyo ng Ministeryo kung saan nagkaroon ng kasiyahan
 Palais Royal kung saan tindahan ng mga alahas, kung saan
nakahanap ng kahawig ng nawawalang kuwintas.

Siya ay isa sa magaganda't mapanghalinang babae na sa


pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
Pumayag siyang pakasal sa isang abang tagasulat sa Kagawaraan
ng Instruksyon Publiko sapagkat walang paraan upang siya’y
makilala, panuyuan, bigyan ng dote, at pakasalan ng isang
mayaman at tanyag na lalaki. Pangkaraniwan lamang ang mga
isinusuot niyang damit dahil sa hindi niya kayang magsuot ng
mgagara. Hindi siya maligaya. Sa pakiwari niya ay alangan sa
kaniya ang lalaking nakaisang dibdib sapagkat sa mga babae ay
walang pagkakaiba ng katayuan sa buhay. Ang ganda at alindog
ay sapat na upang maging kapantay ng sinumang hamak na babae
ang isang babaeng nagmula sa pinakadakilang angkan..Ang isng
babaeng nagbuhat sa karaniwang angkan ay magiging
kasinghalhalaga ng mga maharlika sa pamamagitan ng pinong asal
at pag-uugali, pagkakaroon ng pang-unawa sa tunay ng kahulugan
ng magara at makisig at kakaibang kislap ng diwa. Labis ang
kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na
kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May taglay siyang
alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan.
Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan,
ang nakakaawang anyo ng dingding, ang mga kurtinang sa
paningin niya ay napakapangit. Malimit na sa pagmamasid niya sa
babaing Briton na siyang gumaganap ng ilang abang
pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama siya ng
panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso kapag
naiisip ang mga pangarap niya sa buhay na hindi yata
magkakaroon ng katuparan. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang
anyo ng tahimik na tanggapang nasasabitan ng mamahaling
kurtina, pinaliliwanag ng matatangkad na kandilerong bronse at
may nagtatanod ng dalawang naglalakihang bantay na dahil sa
pugon ay nakatulog na sa dalawang malaki g silyon. Naiisip niya
ang mahahabang bulwagang nagagayakan ng mga sedang tela ng
unang panahon na nagsisilbing palamuti,mga mamahaling
kasangkapan na ang mga hiwaga at kababalaghan ay walang
kapantay na halaga ,mga solid-nihisang marangya at
humahalimuyak sa bango ,mga taong tanyag na pinagmimithing
makilala ng balana at makikisig na mga ginoong pinanabikang
karinggan ng papuri at pinaglulunggatian ng kababaihan. Sa
hapunan, sa tuwing uupo siya kaharap ang asawa sa harap ng
mesang nalalatagan ng isang kayong pansapin na tatlong araw
nang ginagamit ay iba ang laman ng kanyang kaisipan. Kahit na
naririnig niya ang malugod na pagsasabi ng asawa sa pagbukas ng
supera ng “A, ang masarap na potau-feu! Aywan ng aba kung may
masarap pa Riyan!” Ang nasa isip niya sa gayong sandali ay ang
nakakainggit na masarap na hapunan, ang mga nagkikinanganang
kubyertos at ang mararangyang kapaligiran. Kaagad din niyang
naisip ang malinamnam na pagkaing nakalagay sa pinggan. Naisip
din niya ang papuri na ibinubulong sa kanya na kunwari hindi niya
naririnig ngunit sa katotohanan ay nakakikiliti kanyang damdamin
samantalang nilalasap niya ang malinamnam na mamula mulang
laman ng isda o kaya ay pakpak ng pugo. Sa pakivwari niya ay
iniukol siya ng tadhana na magkaroon ng mga bagay na lubhang
malapit sa kaniyang puso katulad ng mgagarang damit at mga
hiyas ngunit wala siya ng mga iyon. Labis ng pagmimithi niyang
masiyahan siya ,maging kaibig-ibig , kahali-halina,maging tampulan
ng mga papuri at pangimbuluhan ng ibang babae. May isa siyang
naging kaklase siya sa kumbento na naging kaibigan niya na
mayaman. Dati ay malimit niyang dalawin ang kaibigan ngunit itong
mga huling araw ay iniwasan na niyang dumalaw roon sapagkat
lalo lamang tumitindi ang kapighatiang kaniyang nadarama.

Isang gabi ay masayang dumating ang kaniyang asawa. Buong


pagmamalaking inabot ang sobre sa kaniya. “Para sa iyo to,” ang
sabi sa kaniya, Kaagad inabot ang sobre at nagmamadaling pinunit
ang dulo nito. Nabasa niya ang nakalimbag na mga salitang;
Malugod na inaanyayahan ng Ministro ng Instruksyon Publiko at ni
Gng. George Ramponneau sina G. at Gng. Loisel sa isang
kasiyahanng idaraos sa palasyo ng ministro sa Lubes ng gabi,
Enero 18. Sa halip na matuwa na siyang inaasahan ng lalaki ay
padabog na inihagis ng kaniyang asawa sa ibabaw ng mesa ang
paanyaya. Bumubulong sa sinabing ano ang gagawin niya rito,
‘Mahal, akala ko ay ikatutuwa mo ang pagkakuha ko sa paanyaya.
Nais ko lamang na malibang ka,kailanma'y hindi ka nakapaglibang
at naisip kong ito ay isang mabuting pagkakataon sa iyo”
Nagnanais makadalo ng lahat kaya lubha akong nahirapang
makakuha ng paanyaya. Matataas na tao sa pamahalaan ang
inanyahahan at dadalo. Piling pili lamang ang panauhin. Hindi sila
nagbigay ng maraming panyaanyaya sa mga tagasulat.Pagalit na
pinagmasdan ng babae ang asawa at payamot na sinabing, “ Ano
ang isasampay ko sa aking likod?” naging pauntol untol ang sagot
ng lalaki dahil hindi niya kaagad naisip iyon. “ Para sa akin ay
Maganda ang damit mong isinusuot kung pumapasok tayo sa
Teatro kaya maaari na yon”
Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak
ang asawa. Naitanong niya kung anong nangyari rito. Pinagsikan
ng babaing mapaglaban ang paghihinagpis at nang huminahon na
siya ay sumagot, “Wala! Wala akong damit na maiisuot kaya hindi
ako dadalo sa kasiyahang iyan. Ipamigay mo na lang ang
paanyaya sa isa mong kasamahan na may nakahandang damit na
isusuot ang asawa” Walang malamang gawin ang lalaki,
pagkuwa’y nagusap sa asawa, “Hintay, Mathilde, tingnan muna
natin. Sapalagay mo’y magkano ang magiging halaga ng isang
bestidang magiging kasiya siya sayo at maaari mo pang gamitin sa
ibang pagkakataon?” Nag isip sumandali si Mathilde. Mabilisang
gumawa siya ng pagtataya kung magkano ang hihilingin niyang
pera sa matipid niyang asawa upang hindi ito masindak at tumaggi.
Nag-aatubili siyang sumagot ng “Hindi ko natitiyak ang halaga,
ngunit sa palagay ko ay maari na ang apat na raang prangko.”
Natigilan sandali ang lalaki at bahagyang namutla sapagkat ang
naiipon niyang gayong halaga ay ipambili niya ng isang baril na
pang ibon. Gayunpaman ay sinabi niya sa asawa, “Ayos na,
ibibigay ko sa iiyo ang apat na raang prangko, bumili ka ng isang
bestidang Maganda". Malapit na ang araw ng kasiyahan ngunit
malungkot si Mathilde ,hindi siya mapalagay at parang may
suliraning gumugulo sa kaniyang isipan dahil wala man lang siyang
maisusuot kahit na isang hiyas at magmumukha lamang siyang
kaawa awa. “Usong uso ang mga sariwang bulaklak sa ganitong
panahon. Maararing yon ang isuot mo.Sapat na ang sampung
prangko upang makabili ka ng dalawa o tatlong alehandriya.
Waring hindi sang-ayon ang babae at ang sabi, “ Hindi! Wala nang
kahabag habag na kalagayan kung hindi magmumukhang maralita
sa gitna ng mga babaeng may kaya sa buhay” Napabulalas ang
lalaki. “Napakahangal mo! Bakit hindi mo hanapin ang kaibigan
mong si Madame Forestier at humiram ka ng ilang hiyas sa kaniya.
Hindi ka niya marahil tatanggihan dahil matalik kayong
magkaibigan. Napasigaw sa tuwa siMathilde, “Oo nga, hindi ko
naalala ang aking kaibigan.” Nagtungo kinabukasan sa kaibigan si
Mathilde. Ipinagtapat niya dito ang kanyang suliranin.Tinungo ni
Madame Forestier ang taguan ng kaniyang mga hiyas at kinuha
roon ang isang kahon. Binuksan niya ang kahon at pinamili ang
kaibigan, “Mamili ka, mahal.” Ang una niyang Nakita ay ang mga
pulseras, sumunod nman ang isang kuwintas na perlas at agkaraan
ng isang krus na Benisiyanong ginto na may mahahalgang bato at
kahnag-hanaga ang pagkakayari.Sinubok niyang isuot ang hiyas sa
salamin,nagbabaluntot siya at hindi mapagpasiyahan kung mga
iyon ay isasauli o hindi. Paulit-ulit siyang nagtatanong sa kaibigan
"wala ka na bang iba pa?.Aba mayroon pa mamili ka hindi ko alam
kong alain ang ibig mo.Walang ano-anoy may napansin siyang
isang kahon na nakabalot sa itim sna satin.Nasa loob nito ang
kwentas na diyamante na lubhanag kahanga-hanga.Sumasal ang
tibok ng kanyang puso at nanginginig ang mga kamay na dinampot
ang kuwintas. Isinuot niya ang kuwintas sa iabbaw ng kanyang
damit na may kataasan ang leeg. higpit na niyakap ni Mathilde ang
kaibigan at maligayang nagpaalam. Sumapit ang inaasam niyang
araw ng sayawan. Nagtamo siya ng malaking tagumpay dahil
nahigitan niya lahat ng mga babae sa ganda at rangya. Napako sa
kaniya ang tingin ng mga kalalakihan at mga gabinete at nag-ukol
sa kaniya ng pansin pati ang ministro. Buong pagkahaling siyang
sumayaw, lasing na lasing sa tagumpay na.mahabang sanadali
siyang nalaunod sa kalaigaigayahan sa pagmamalas sa sariling
alindog sa salamin. Pagkaraan ay nag-uulik-ulik siyang nagtanung
"ipahihirama mo ba ito ,ito lamang? Oo,mangyari pa ? Mahigpit na
niyakap ni Mathilde ang kaibigan ,pinupog ng halik at maligayang
nagpaalam dito.
Sumapit ang inaasam niyang sayawan,nagtamong malaking
tagumpay si madaMadam Loisel. Nahigitan niya ang lahat ng
babae sa ganda ,sa rangya,at sa pagiging kahali-halina kaya
palagi siyang nakangiti at nag-uumapaw sa puso ang
kalaigigayahan. Napako sa kanya ang tingin ng kalalakihan at
gumawa sila ng paraan upang makilala si Mathilde.Ninais siyang
makasayaw ng lahat ng kagawad ng gabinete. Nag-ukol sa kaniya
ng lansin pati ang ministro. Buong pagkahaling siyang
nakipagsayaw ,lasing na lasing sa kaluwalhatian na tinamo sa
pamumukod-tangi ng kaniyang kagandahan. Tila siya ay
lumulutang sa ulap dahil sa paghanga ng lahat sa kanya na
naakatamis at walang katumabs sa puso ng isang babaeng tulad
niya.
Mag-iikaapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa ay
umuwi. Hating gabi pa lamang, ang asawa niya kasama ang tatlong
lalaking ang mga asawa ay nagpapakalunod din sa kasiyahan, ay
nakatulog na sa isang maliit na tanggapan. Ibinalabal ng asawa
ang isang abang pangginaw na ginagamit ng karaniwang tao, isang
pangginaw na nakakapupusyaw sa karangyaan ng pananamit ni
Mathilde. Dinamdam niya ang pagkakaroon ng abang pangginaw at
ninais niyang makaalis agad upang hindi siya maging kapansin-
pansin sa iabng babaeng dumalo na nagsisipagsuot ng mahahalin
nilang balabal. Pinigil siya ng lalaki, “hintayin moa ko rito sandal,
sisipunin ka sa labas. Tatawag lang ako ng sasakyan.” Hindi
pinakinggan ang asawa at nagdudumali siyang nanaog sa
hagdanan. Tinahak nila ang ang daang patungo sa pampang ng
ilog seine. Kqpwa sila kumikinig sa ginaw at pinanawan na ng pag-
asang makakita pa ng masasakyan. Sa wakas ay nakatagpo sila
ng isa sa mga matatandang dokar na ikinakahiya ang karalitaan sa
liwanag ng araw kung kaya't sa gabi lamang nakikuta sa lansangan
ng Paris. Pagkahatid sa kanila ng dokar sa kanilang tinitirhan ay
malungkot silang umakya sa hagdanan tapos na ang maligayang
araw ni Mathilde. Sa lalaki naman ay wala siyang ibang inisp kundi
ang kailangan niyang makasapit sa kagawaKagawaran sa ika-10
ng umaga. Hinubad ng babae sa harap ng salamin ang kaniyang
balabal upang minsan pang malasin ang kagandahn. Napasigaw
siya nang malakas. Wala sa kaniyang leeg ang kuwintas! Nag usisa
ang mag asawang noon ay nangangalahati na sa pagbibihis. Ano
ang nangyari sa iyo?Bakit? Parang baliw na binalingan ng asawa.
"Wala ang Kuwintas ni Madame Forestier!”Ang nabiglang lalaki ay
napalundag halos sa pagtayo Ano! Paanong nangyari? Imposible!”
Hinahanap ng mag asawa kung saan-saan sa lupi ng damit ni
Mathilde, sa lupi ng pangginaw, sa bulsa at sa iba pang lugar. Hindi
nila mahanap ang kuwintas . "Natitiyak mo bang nakasuot sa iyo ng
umalis tayo sa sayawan ?ang tanong ng lalaki .."Oo natitiyak ako.
Nahipo ko pa nga nung nasa palasyo ako. aw"tugon ni Mathilde.
"Kung sa daan nahulog ay sana narinig natin ang lagapak""May
palagay akong nahulog sa dokar ".Nakuha mo ba ang numero ng
dikkar""Hindi,ikaw ba?" " Hindi din."
Balisang nagkatinginan ang mag-asawa at muling nagbihis si
Ginoong Loisel."Pagbabalikan ko ang ating mga nadaanan baka
sakaling makita ko".Nanaog ang lalaki. Ang babae ay naghihintay
sa isng silya at hindi na niya inalis angdamit na ginamait sa
sayawan.Tila nawalan siya ng lakas kahit na ang kahit magtungo
kana upang matulog.Labis ang kanyang panlulumo.Nawalan siya
ng sigla at nawalan ng kakayahang mag-isp ng anuman.Mag -ika
7:00 na ng umaga ng bumalik ang lalaki ,nanlulupaypay siya at
ibinalita sa asawa na hindi niya nakita ang kuwintas. Sa harap
noong nakakagigimbal na pangyayari ,si mathMathilde ay
maghapaong nakaupo sa sapupo ng may di -matingklanh
pangamba. Bumalik kinagabihan ang lalaki,pagod na
pagod ,namumutla at nanlalalim ang mga mata,hindi niya
natagpuan ang kuwintas.Pinayuhan siya na asawang sumulat sa
kaibigan nito at sabihing nabali ang sarahan ng kuwintas at
kasalukuyan pang ipinapagawa upang may panahon pa sila upang
makapag-isip isip.Ginawa nan ng babae ang payo ng asawa..
Pagkalipas ng isang lingo ay lubusan na silang nawalan ng pag
asa,
.Sa maikling panahon na iyon y tumanda si M.Lousel ng limang
taon .Nagpahayag ang lalaki sa asawa na kailanganag isopin nila
kung paano mapapalitan ang kuwint.Kinabukasan ay angtungo ang
mag-asawa sa tanggapan ng alaherong nakasulat ang pangalanat
direksiyon sa loob ng a kahon ng kiuwintas." Hindi ako nagbili ng
kuwintas na ipinagtatanong ninyo wala pong nanggaling sakin
kundi ang sisidlan lamang" ang qika ng lahero kay madam Loisel.
Pinuntahan ng mag-asawa ang lahat ng manghihiyas
upangmakakita ng tulad ng nawawala na ang anyo ay buong
pagsisikap na inaalala samantalang kapwa sila nanlulupaypay sa
pagkabigo at paghihirap ng kalooban. Nakatagpo sila sa isang
tindahan sa palais royal ng diyamanteng sa palagay nila ay katulad
ng kanilang pinaghahanap na kuwintas. Nagkakahalaga ito ng
apatnapung libong prangko, ngunit ibibigay na lamang sa halagang
tatlumpu’t anim na libo. Pinakiusapan ng mag asawa ang may-ari
ng tindahan na huwag munang ipabili ang kuwintas sa loob ng
tatlong araw. Pinakiusapan din nilaamg may-ari ng tindahan na
kung skaling bago magtapos ag pebrero at nahanap nila ang
nawawalang kuwintas ay bibilhin nitong muli ang nabayarang
kuwintas sa halagang tatlumput-apat na libong francs. May
namanang labingwalong libong prangko si Mathilde sa namatay na
ama. Hiniram niya ang kapupunan nito. "Gayundin ang ginawa ng
lalaki.Kung kani-kanino siya nanghiram,lumagda sa mga
kasulatan,pinasok kahit na ang mga gipit na kasunduan,kumuha ng
patubuan at pumatol sa lahat ng uri ng manghuhuthot."Inilagay niya
ang buong buhay niya sa alanganing katayuan,nakipagsapalaran
sa paglagda sa gayong hindi natitiyak kung matutupad o hindi ang
nilagdaan at ngayon ay nangigipuspsos siya dahil sa hitap na maari
pa niyang sapitin,ng nakaambang pagdurusa ng pangitain ng
bukas na puspos ng pagsaslt at paghihirap ng kalooban. Nang
matipon nang lahat ang halagang kinakailangan ay tinungo ni
Mathilde ang tindahan ng kuwintas at ibinagsak sa mesang
bilangan ng may-ari ng tindahan ng mga hiyas ang tatlumpu’t anim
na libong prangko. Malamig ang pagtanggap ni Madame Forestier
kay Mathilde nang isinauli aniya ang kuwintas .Nagsalita ito sa
tuyo't na tinig ng "Isinauli mo na sana agad ang kuwintas sakaling
kinailangan ko ito" .Hindi na nito bunuksan ang kahon. Naisip ni
Mathilde na kung sakaling manahalata ng kaibigan ang
pagakakapalit ng kuwintas ay ano kaya ang aakalain at sasabihin
nito sa kanya N?Hindi niya kaya iisiping magnanakaw siya?
Ngayon ay lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay s agita
ng tunay na karalitaan.Nabigla man siya sa bagong papel na
kailangan niyang gampanan ay tinanggap niya ito at buong tatag
na ginampanan
. Dapat mabayaran ang napakalaki nilang pagkakautang. Pinaalis
nila ang kanilang utusan, lumipat ng ibang tirahan, nagtiis sila sa
mga pangungupahan sa isang maliit na silid sa kaituktukan ng
isang bahay paupahan na kung saan naranasan ni Mathilde ang
lahat ng mabibigat na gawain .Ang nakayayamot na pangangasiwa
sa kusina,paghihugas ng pinggan ,paglilinis ng kalderot kawalng
mamantik,aglalaba ng damit ,mantel,serbilyeta at pamunas
aIpinapanaog niya sa lansangan ang kanilang kakaning baboy
tuwing umaga at nagpapanhik siya ng tubig gamit nila sa itaas.
Suot niya ang damit ng pangkaraniwang babaeM.Siyay nagtutungo
sa tindahan ng prutas ,de lata, at sa magkakarne . Nakasabit sa
isang brasonang pangnan,nalikipagtawaran siya,nilqlait ant
ipinaglalaban ang kakarampot niyang pamalengke. May
pagkakautang silang binabayaran buwanan,may
pinagkakauatangan silang pinakikiusapan,humihingi ng kaunting
panahon sa pagbabayad.Pagsapit ng gabi'y maaga pay inayos ni M
.Loisel ang talaang tuusan ng sinumang mangangalakal na
nanganagailangan ng anumang panglilingkod at sa kalaliman ng
gabi sa halagang sentimos ay isang pahina naman niya giangawa
nag salin ng mga katha . tumaganang sampung taon ang buhay
nilang ganito ng mag-asawa
Sa wakas ay nabayaran din nila ang kanilang utang at ang tubo at
ang nagkapatong-patong na tubo ng mga tubo.Mukhang matanda
na ngayon si Mathilde. Isa na siyang tunay na babae ng maralitang
tahanan-matipuno ang katawan ,matigas ang laman at mgasoang
ang mga kamay na namumula. Nakasabog ang kanyang buhok at
patabingi ang saya.Matinis ang tinig at nanlalamira ang sahig kung
siya ay ma-isis. iPaminsan minsan kaag nakaalis na ang asawa
patungong opisina si M.Loisel ay nauupo sa tabi ng
bintana.Pinagbabalikan niya ang gunita ng gabing iyon malaon na
ang nakalipas na napakasaya. Ang kagandahan niyang naging
tampok at dahilan upang siya ay maging tampulan ng paghanaga.
Isang araw ng Linggo, samanatalang si Mathilde ay naglalakad sa
Champs Elysees, nagliliwaliw naman siya pagtapos ng isang
linggong singkad ng mga gawain sa bahay ay namataan niya ang
isang babaeng may akay-akay na bata. Ang babaeng ito ay si
madame Forestier na halos hindi parin humupa ang ganda tulad ng
dati.
"Magandang umgUmaga sa iyo Jeanne " Labis na nagtaka si
madam Forestier hindi niya nakilala ito at pinagtakhan ang palagay
sa pagbatii sa kanya ng isang maralitang babe.Pauntol-untol na
sinabi nito "Ngunit Ginang,hindi ko kayo nakikilala.Marahil ay
nagkakamali kayo." Hindi,ako ito si Mathilde Loisel .Napabulalas
ang kaibigan “O, kaawa-awa kong Mathilde! Kaylaki ng ipinagbago
mo!”Oo nga mahabang panahon ang ipinagtiis ko ng hirap mula ng
huli nating pagkikita at labis na kalungkutan ang dinanas ko at ikaw
nag dahilan ng lahat.Napamulagat si Madam Forestier ,"Dahil sa
akin!Ngunit paano nangyari iyon?“Naalala mo pa ba ang kuwintas
na diyamanteng hiniram ko sa sayawan sa kagawKagawaran?Oo,
ay ano? iAno a, ay naiwala ko ang kuwintas na iyon. "Anong ibig
mong sabihin isinauli mo sakin ang kuwintas?" Isinauli ko sa iyo
ang kuwintas na katulad na katulad ng hiniram ko sa iyo. Sampung
taon kaming nagbayad ng utang. Alam mo namang hindi madali
para sa katulad naming mahirap nag gayong bagay. Ngunit
nakalipas na ang lahat ng iyon ngayon ay galak na galak na
ako.Sabi mo'y bumili ng kuwintas na diyamanteng ipinalit mo sa
kuwintas na naiwala mo?"Oo samakatuwid ay hindi mo pala
napansin. Talagang kamukhang-kamukaha iyon ng hiniram ko sa
iyo". O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong
Kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang, puwit lamang ng baso. Ang
pinakamataas na maihlalaga roon ay marahil ay limang daang
prangko.”

You might also like