Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DAILY Paaralan Palahanan Integrated Baitang IV

LESSON National High School


LOG Guro Carla D. Etchon Asignatura Filipino

Petsa: Pebrero 21, 2024 Markahan Ikatlo


(Pang-araw-araw (Miyerkules)
na Tala sa Pagtuturo) 6:45-7:45 (Singkil)
7:45-8:45 (Subli)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nakatutukoy sa tunggaliang tao vs. tao at tao vs.sarili.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa 1. Naipapaliwanag ang kaibahan ng dalawang tunggalian na
Pagganap napanood sa telebisyon.
2. Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang
napanood sa programang pantelebisyon.
3. Napahahalagahan sa sariling karanansan na ang
tunggalian ay walang maidudulot na maganda sa buhay.
F9PN-IIId-e-52 Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao
vs. sarili) sa kuwento batay sa napakinggang pag-uusap ng mga
C. Mga Kasanayan sa
tauhan.
Pagkatuto
Isulat ang code ng bawat
F9PD-IIId-e-51 Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang
kasanayan
(tao vs. tao at tao vs. sarili) napanood na programang
pantelebisyon.
Akdang Pampanitikan ng Kanlurang Asya: Tunggaliang Tao
vs. Sarili
II. NILALAMAN at Tao vs. Tao
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay MELCS, BOW, PIVOT, LeaP
ng Guro
2. Mga Pahina sa PIVOT 4A Filipino IV Modyul
Kagamitang Pang-mag-
aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang PPT, Video Larawan
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at/o pagsisimula Lights Camera Action!
ng bagong aralin.
Panuto: Bigyang buhay muli ang mga linyang tumatak sa masa sa
pamamagitang ng pagarte nito ng may damdamin.

1.“You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!”


- Cherie Gil, Bituing Walang Ningning (1985)
2.“Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao!”
- Nora Aunor, Himala (1982)
3."My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy
damo!”
- Nora Aunor, Minsa'y Isang Gamugamo (1976)
4.“Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.”
- Vilma Santos, Palimos ng Pag-ibig (1985)
5.“Akala mo lang wala… pero meron! Meron! Meron!”
- Carlo Aquino, Bata, Bata…Paano Ka Ginawa? (1998)
INDICATOR 3 6.“Isang bala ka lang.”
- Fernando Poe Jr., Isang Bala Ka Lang (1983)
Applies a range of 7."Once, twice, thrice, gaano ba kadalas ang minsan?”
teaching strategies to - Hilda Koronel, Gaano Kadalas ang Minsan (1982)
develop critical and 8.“Ikaw pala. Ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na
creative thinking, as asawa ng bayan!”
well as other higher - Laurice Guillen, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi (1983)
thinking skills. 9.“Trabaho lang ito, walang personalan.”
- Rudy Fernandez, Markang Bungo (1991)
10.“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako
kaya mahal mo ako?”
- Claudine Barretto, Milan (2004)

B. Paghahabi sa layunin MOTIBASYON/PAGGANYAK:


ng aralin Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag kung anong uri
ng tunggalian ang isinasaad.

1. Nais pumunta ni Mario ng Bulacan ngunit hindi matuloy –


tuloy dahil wala siyang bagong damit.
2. Kinumpronta ni Jenny si Arlyn dahil sa paninira nito sa
kaniya.
3. Nagdadalawang isip ang kuya ko kung ipagtatapat na ba niya
ang kaniyang pag – ibig sa kaniyang kaklase.
4. Kanina pa nagtitiis ang driver sa pilosopo niyang pasahero.
5. Ang binata ay nagdadalawang isip na kunin ang natitirang pera
ng kaniyang ina dahil baka siya ay pagalitan.
6. Nakipag – away siya sa tindera dahil lamang sa maling balita.

Sagot: 1. Tao vs Sarili 2. Tao vs Tao3. Tao vs Sarili4. Tao vs


Tao5. Tao vs. Sarili6. Tao vs Tao
A. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa Tukuyin Mo!
bagong aralin
Panuto: Suriing mabuti ang pahayag at tukuyin ang uri ng
tunggalian sa bawat sitwasyong inilahad.

1.Nakikipaghabulan ang lalaki kay kamatayan._____________

2.Sinabunutan ng babae ang kapitbahay na


bungangera.____________
Constructivism Approach/ 3.Hindi niya malaman ang gagawin sa muling pagkikita ng
Activity Based- ginamit asawang matagal nang nawalay sa pamilya._______________
4.Humampas ang malalakas na alon sa kanilang sinasakyang
ang pamamaraang ito
barko._______________
upang masukat at 5.Nagdadalawang-isip ang babaeng lumapit sa anak upang
mailapat ng mga mag- humingi ng tulong. ________
aaral ang kanilang 6.Pinaratangan siyang isang mangkukulam kaya dinala sa
natutuhan hinggil sa kulungan upang doon ay patawan ng kamatayan._____________
araling tinalakay gamit 7.Kahit na humadlang ang tadhana sa kanilang pag- iibigan ay
ang gawaing ibinigay ng pilit pa ring pinagpatuloy nila ang naudlot na pagmamahalan.
guro. _______________
8.Laging may sumusunod sa kanya saan man siya magpunta.
Kahit sa kanyang panaginip ay laging sumusubaybay sa kanyang
bawatgalaw ang isang nilalang na hindi pa niya nasilayan ang
mukha. ________________
9.Nangungunyapit siya sa sanga o kahit anumang bagay na
mahawakan upang di matanga y sa rumaragasang baha sa dulot
ng bagyo.________________
10.Mula sa putikan ay ay nahango siya at nag-iba ang buhay
matapos na makasal sa isang mayamang asyendero ngunit ito’y
namatay kaya muli siyang nasadlak sa putikan._______
B. Pagtalakay ng Balikan Natin!
bagong
konsepto at Tunggalian- Ito ay ang labanan sa pagitan ng dalawang
paglalahad ng magkasalungat na
bagong kasanayan puwersa.
#1
Uri ng tunggalian
1.Tao laban sa Tao -Kung saan ay ipinapakita na ang
kasiphayuan ng isang tao ay dulot ng kaniyang kapwa,
nakasandig sa katotohanang ang tao ang
kaniyang kapwa, na maaaring magbigay sa kaniya ng tagumpay o
kaya naman ay kasawian

2.Tao laban sa Sarili- ipinakikita ng manunulat ang maigting na


paglalabang pangkatauhan ng pangunahing tauhan. Nilalabanan
ng tao ang kanyang sarili

3.Tao laban sa Lipunan- ipinapakita ang maigting na pakikibaka


ng tauhan sa mga kasawiang dulot ng lipunang kaniyang
kinabibilangan

4.Tao laban sa Kalikasan- kung ang tao ay nakikipaglaban sa


mga puwersa ng kalikasan tulad ng hayop, o mga phenomena,
bagyo, baha at iba pa.

C. Pagtalakay ng
bagong
konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
#2
D. Paglinang sa Panuto:Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang nagingibabaw
Kabihasaan (Tungo sa mga sumusunod na sitwasyon.
sa Formative
Assessment) 1. Nag karoon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng magkakapatid
kung sino ang dapat mag – alaga sa kanilang ubanin. May ilang
bagay na hindi napagkasunduan kaya tuluyan ng nagkalamat ang
kanilang relasyon at magpahanggang ngayon ay hindi na nila
kinikibo ang isa’t – isa.

2. Mabigat sa loob niya ang nabuong desisyon ang desisyong iwan


ang kaniyang pamilya, subalit pinipili pa rin niyang paniwalain
ang sarili na iyon ang tamang gawin.

3. Hindi kaagad tumugon si Andres. Tila tinitimbang niya sa


marami niyang karanasan ang pinakatampok. Ang totoo ay nag
aalangan si andres na sariwain pa ang malungkot na bahagi ng
kaniyang buhay.

4.“Babayaran mong lahat ito, di kukulangin sa isa o dalawang


libong rupiah,” inangilan ni Raden Kaslan si Pak Idjo, na halos
himatayin ng marinig ang isa hanggang dalawang libong rupiah.
5. Magsasalita n asana siya pero hindi lumabas sa kaniyang
nangangatong na mga labi ang boses niyang naginginig sa takot
at sa pagdurusa. Patuloy lamang ang mga kamay niya sa
paghimas ng ulo sa kabayo.

Mga sagot:1. Tao laban sa tao 2. Tao laban sa Sarili 3. Tao


Laban sa Sarili 4. Tao Laban sa Tao 5. Tao Laban sa Sarili
G. Paglalahat ng Aralin Mahalagang Tanong
Ano ang kahalagahan ng pagsuri ng tunggalian batay
Reflective Approach-
ginamit ang
sa isang akda? Bakit kailangan nating masuri ito? Ano
pamamaraang ito upang kaya ang magiging implikasiyon nito bilang isang mag-
ilapat ang natutuhan ng aaral.
mga mag-aaral sa
paksang tinalakay sa
pamamagitan ng
pagsagot ng mga mag-
aaral sa tanong ng guro..

H. Paglalapat ng Pangkatang Gawain


aralin sa
pang-araw-araw na Panuto: Ang bawat grupo ay magkakaroon ng pagsasadula sa harapan na
buhay may kaugnayan sa tunggalian. Pagkatapos ay ipapaliwanag nila kung ano ang
problema at aral na makukuha sa isinagawang pagsasadula.

Inquiry-Based Approach-
ginamit ang pamamaraang
Pamantayan:
ito upang masukat ang
kakayahan at pang-unawa Pagkamalikhain - 20 %
ng mga mag-aaral batay sa Kaugnayan ng kuwento sa
paksang tinalakay. Sa paksa- 50 %
pamamagitan ng Lakas ng boses - 20 %
pagsasadula. Kumpas - 10 %
Kabuuan 100%

I. Pagtataya ng Aralin Ilahad mo!

Panuto: Sagutin ang katanungan sa ibaba. Isulat ang inyong mga


kasagutan sa kalahating papel.

Ano ang kaya mong gawin o isakripisyo


para sa iyong magulang?

J. Karagdagang gawain
para sa takdang-aralin at Takdang Aralin
remediation
Manuod ng mga teleserye at ilahad ang mga tunggalian
naganap sa napanuod sa telebisyon Ilagay kung anong
pamagat ng napanuod.

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiya ng
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni: Inihanda ni:

Carla D.Etchon Renalyn A. Evangelio Anacleto M. Gunio, EdD


Nagsasanay na Guro Tagapagsanay na Guro I Punongguro IV

You might also like