Professional Documents
Culture Documents
Ang Batang Maikli Ang Isang Paa
Ang Batang Maikli Ang Isang Paa
Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon at
nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa
mahuhusay na mga doctor. Ang sabi ng mga doctor ay wala na iyong remedyo.
Habambuhay na raw magiging lumpo si Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang
mga magulang.
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng
panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.
“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.
Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso sa kanya.
Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na madasalin.
Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang
kalagayan nang maluwag sa loob niya.
Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina ng pagtugtog ng
piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa talino sa
musika. Maraming mga guro sa musika ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang
maging estudyante.
Aral:
Ang bawat tao ay may angking kakayahan na kung pagsusumikapan ay maaring maging
mahusay ka sa larangang ito.