Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

KOMPREHENSIBONG PAGSUSULIT

Agosto 27, 2022


Online Exam sa Major

Pangalan: BENJO CERENO BARLESO Kurso: MAEd-FILIPINO

FILIPINO 208: SEMANTIKA AT LEKSIKOGRAPIYA NG PANITIKANG PILIPINO


A. Ibigay at talakayin ang siyam (9) na paraan ng pagbubuo ng salita.
1. PAG-UUNLAPI
Ang panlapi ay inilalagay sa unahan ng salitang-ugat.
Hal. nag + dalamhati = nagdalamhati

2. PAG-GIGITLAPI
Ang panlapi ay inilalagay sa gitna ng salitang-ugat.
Hal. b + um + asa = bumasa

3. PAG-HUHUNLAPI
Ang panlapi ay inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat
Hal. aklat + an =aklatan

4. PAG-UUNLAPI AT PAG-HUHUNLAPI
Ang panlapi ay inilalagay sa unahan at hulihan ng salitang-ugat
Hal. nag + gusto + han = nagustuhan

5. PAG-UUNLAPI AT PAGGIGITLAPI
Ang panlapi ay inilalagay sa unahan at gitna ng salitang-ugat
Hal. nag + um +mamo = nagsumamo

6. PAG-GIGITLAPI AT PAGHUHULAPI
Ang panlapi ay inilalagay sa gitna at hulihan ng salitang-ugat.
Hal. –in- + titig + an =tinitigan

7. LAGUHAN
Ang salitang ugat ay may panlapi sa unahan, gitna at hulihan.
Hal. mag + -in + dugo + an = magdinuguan

8. GANAP NA PAG-UULIT
Ang buong salita ay inuulit. Ang mga salita ay nagtatapos sa O at kung ang mga
ito’y ganap na uulitin, ang titik O ay pinapalitan ng titik U sa unahang bahagi na
salitang inuulit at ganap na paguulit na kinakabitan ng panlapi.
Hal. kabit-kabit at sino-sino
9. DI GANAP NA PAG-UULIT
Pag-uulit ng salita kung saan bahagi lamang ng salitanng ugat ang inuulit
 Paguulit ng unang pantig
Mga salita na binubuo ng pag-uulit ng unang pantig.
Hal. sasabay at babasa

 Paguulit ng unang dalawang pantig


Mga salitang binubuo ng pag-uulit ng unang dalawang pantig.
Hal. bihi-bhira at dala-dalwa

B. Gamit ang graphic organizer, ipakita ang relasyon ng kahulugan sa salita at


pangungusap.

SALITA
Tipikal na binubuo ang salita ng isang
ugat at mayroon o walang panlapi. PANGUNGUSAP
Maaaring pagsamahin ang salita upang
makabuo ng mga pananalita, parilala, Ito ay lipon ng mga salita na
sugnay at pangungusap. nagpapahayag ng isang buong diwa. ay
binubuo ng panlahat na sangkap,
ang panaguri at ang paksa subalit buo
ang diwa.

C. 1. Ano ang leksikograpiya? Talakayin


 Ito ay paggawa o pagsulat ng diksyunaryo; pagtitipon ng mga salita para rito.
Tumutukoy sa propesyunal na gawain at akademikong larangan na nakatuon
sa mga diksyunaryo at iba pang katulad ng sanggunian. Ang leksikon ay ang
mga salita na ginagamit sa isang wika ng mga mananalita nito. Tinatawag din
itong “bokabularyo” ang isang wika.
2. Ano ang semantika? Talakayin
 Ang pag-aaral ng semantika ay tumitingin sa kung paano gumagana ang
kahulugan sa wika, at dahil dito madalas itong gumagamit ng mga intuwisyon
ng katutubong nagsasalita tungkol sa kahulugan ng mga salita at parirala upang
pagbatayan ng pananaliksik. Naiintindihan nating lahat ang mga semantika na
nasa antas ng hindi malay, ito ay kung paano natin naiintindihan ang isa't isa
kapag nagsasalita tayo.
FILIPINO 203: PAG-AARAL NG DULANG FILIPINO
1. Suriin/balangkasin ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ayon kay Nenita B. Papa
na Pagsusuri.
 Balangkas A ni Prop. Nenita B. Papa
I. PAMAGAT NG AKDA:
 Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Valenzuela Tolentino

II. MGA TAUHAN:


 Inang Bayan (Pilipinas)
 Dilat na Bulag (Espanya)
 Bagonsibol (Amerika)
 Masunurin (Babaeng Pilipina)
 Tagailog (Ang Katagalugan)
 Matangalawin (Gobyernong Kastila)
 Malaynatin (Gobyernong Ameikano)
 Asal Hayop (Magpaglilong Tagalog)
 Dahumpalay (Mapaglilong Tagalog)
 Haring Bata (Haring Intsik)
 Halimaw (Prayle)
 Walang Tutol (Lalaking Pilipino)

III. BUOD/LAGOM NG KATHA:


 Nasilaw sa kislap ng salapi ay isinuplong ni Asal Hayop
(Mapaglilong Tagalog) angkanyang Inang Bayan (Filipinas) at
ang kanyan kapatid na si Tagailog (Katagalugan). Napatayni
Tagailog si Haring Bata (Haring Intsik). Pinarusahan ni Tagailog
si Asal Hayop, sinunog siyaupang magsilibing halimbawa na hindi
siya dapat pamarisan. Dumating si Dilat na Bulag (Espanya).
Kinaibigan niya sina Inang Bayan at Tagailog. Sila’ynagsumpaan
ng katapatan at bilang pagpapatibay sa kanilang sumpaan
ay ininom nila angpinaghalong dugong nagbuhat sa kanilang
mga ugat.

Si Dahumpalaya (Mapaglilong Tagalog) ay nagtaksil at sa


pakana niya ay nasukol atnapilit si Tagalog. Si Matanglawin
(Sakim at Mapagsamantalang Gobyerno ng Kastila
saPilipinas) ay sinulsulan pa ni Dahumpalay na panatilihing
nakagapos si Tagailog sa habangpanahon. Namulubi si Inang
Bayan dahil sa pagmamahal sa anak. Ipinagkaloob niya ang
kanyang salapi kay Matanglawin upang makalaya si Tagailog.
Pinalaya niMatanglawin si Tagailog ngunit siya’y nagbabalak na
naman nang masama. Huhulihin niyangmuli si Tagailog upang
makahinging muli ng salapi kay Inang Bayan. Nalinlang ni
Tagailog siMatanglawin kaya hindi natupad ang masama niyang
balak.

Naisadlak sa libingan ni Dilat na Bulag si Inang Bayan


sa tulong ni Halimaw. N a p a b a l i t a a n g p i n a m u m u n u a n
ng kaluluwa ni Tagailog ang magsisipaghimagsik.
Napagkasunduan nina Tagailog at Bagong Sibol (Amerika)
na pagtutulungan nila si Dilat naBulag. Lumabas sa
libingan si Inang Bayan. Inilibing nang buhay sina
Dilat na Bulag, Matanglawin at Halimaw sa libingang
hinukay sa utos ni Inang Bayan. Nagtagumpay
sinaTagailog at Bagong Sibol. Pinaalalahanan ni Inang
Bayan si Bagong Sibol na pakitunguhansilang mabuti
sapagkat kapag silang mag-ina ay inapi ni Bagong Sibol ay
makabubuti panglahat sila’y lipunin nang minsanan. Nayari
ang bandila ni Inang Bayan. Ipinabatid ni Tagailogkay Bagong
Sibol ang paghahangad ng kalayaan ni Inang Bayan.
Napangarap ni Bagong Sibol na hinabol niya si Inang Bayan
dahil sa kinuha niyon ang dalaniyang agila at ipinukol sa isang
maliit na batong may elektrisidad. Lumubog sa libingan si
InangBayan. Pinagbantaan si Bagong Sibol ng mga
kaluluwang nangaroon. Pinagbalaan ng kasawian ni
Kamatayan si Bagong Sibol kapag hindi niya pinalaya si Inang
Bayan.
IV. PAGSUSURI:
1. Panahong Kinabibilangan
 Ito ay nabibilang sa panahon ng mga Amerikano kung saan
ipinakita rito ang paghahangad ng mga Pilipino para sa inaasam
na kalayaan ng isang bansa.
2. Sariling Puna
 Ipinakita sa akdang ito ang ugali ng ibang tao na msaya sa
kasadlakan ng iba at ang ugali na wealang pakialam sa iba o sa
nararamdaman ng bawat isa.
 Katapatan hindi lamang sa ating mga kaibigan at kapamilya kung
hindi pati na rin sa ating bayan at lipunan.
3. Gintong Kaisipan/Balyus na Nakapaloob sa Katha
 Namamatay ang mga tao at nagpapalipat-lipat ang ating
henerasyon ngunit patuloy ang pagdaloy sa sirkulasyon at
mananatiling walang kamatayan ang panitikan.
 Magkakaroon man ng pagbabago pero hindi mawawala ang
kanyang nasimulan at magiging daan at pundasyon sa bagong
panitikan.
4. Mga Mungkahi
 Patuloy mahalin at tangkilin ang sariling atin at maging bukas sa
ano mang bagay na pwedeng maging pundasyon sa magandang
samahan.
 Tularan at gawing inspirasyon si Tolentino sa lahat ng bagay
upang lalong tumibay ang samahan hanggang sa dulo.

2. Paano nakatutulong ang mga akdang ito sa panahon ng pagsulong ng panitikan?


 Ang pagbabasa ng mga akda ay nag-aalok ng pagkakataong maunawaan ang
mga kahulugan sa anyong pagsasalaysay na mahalaga. Ang mga salita ng
ibang tao, maging sa pasalita at nakasulat na anyo, ay nagbibigay-daan sa
amin na pag-isipan ang mga kahihinatnan at mga posibilidad ng kanilang mga
karanasan. Ang panitikan ay gumaganap ng mahalagang papel sa paghubog
ng buhay ng tao sa loob ng maraming siglo, at ang pagkukuwento ay may mas
mahabang tradisyon. Marami ang gumawa ng obserbasyon na ang kwento ay
nagbibigay ng isang paraan hindi lamang upang maunawaan ang kalagayan ng
tao kundi upang muling likhain ang ating sarili
3. Isalaysay sa pamamagitan ng dalawang (2) talata ang pinagmulan ng dulang tagalog
 Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katutubong
Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ngunit ang totoong
dula sa Pilipinas ay nagmula sa mga Amerikano. Ayon kay Casanova, ang mga
katutubo ay likas na mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula na siyang pinagmulan
ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Bago
dumating ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula
ang mga katutubong Pilipino. Ang unang taon ng pananakop ng mga
Amerikano ang nagpakilala ng tunay na drama ayon kay Sebastian. Ayon
naman kay Tiongson, ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba't ibang
kasuotan, iskrip, pagbibigay - karakter, at panloob na tunggalian. Ito ang
nagsisilbing mga pangunahing sangkap ng tunay na drama.

Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito


ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento
ang paghihirap at pagpupunyagi ng mga katutubong Pilipino. Ipinamamalas ang
iba't ibang anyo ng pamahalaan at uri ng lipunan. Sa kabuuan, ang tunay na
dulang Pilipino ang nagbigay ng mas malawak na pagkaunawa sa kulturang
Pilipino at ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat,
ito ang nagsisilbing gabay tungo sa kabutihan ng mga mamayang Pilipino.

FILIPINO 209: SARBEY SA PANITIKANG PILIPINO


Maraming panahong pinagdaanana ang Panitikang Pilipino. Alin sa mga ito ang
nag-ambag ng maraming magagandang akda na nagpaantig sa puso at damdamin ng
mga Pilipino. Magbigay ng isang halimbawa ng akda ng napiling panahon at isagawa
ang balangkas nito. (Ayon kay Prop. Nenita B. Papa)
 Balangkas B ni Prop. Nenita B. Papa
I. PAMAGAT: Noli Me Tangere
 Ito ay tungkol sa mga kaganapang isyung panlipunan ng Pilipinas sa
pamamahala ng Pamahalaaang Kastila.
II. MAY-AKDA: Jose Protacio Mercado Rizal Y Alonzo Realonda
 Sa edad ng 26 taong gulang sa taon 1887, isinulat niya ang Noli Me Tangere
upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Ang pag-
ibig sabihin ng Noli Me Tangere ay “Huwag mo akong salingin” na
tumatalakay sa kingisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ang
Espanya. Nakaimpluwensiya ang kanyang aklat sa rebolusyon subalit si Rizal
mismo ay isng nananalig sa isang mapayapa pagkilos.

III. BUOD:
 Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya ay pinag-
aral ng ama na si Don Rafael sa ibang bansa. Mahigit pitong taon itong tumira
sa Europa bago ito muling bumalik ng Pilipinas. Naghanda ng malaking salu-
salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang salubungin ang binata. Inimbitahan din
ang ilang panauhin katulad nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente
Guevarra, Donya Victorina, at ilang may impluwensya sa lipunan. Ipinahiya ni
Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Ibarra ngunit wala itong
ginawa bagkus pinagpasensyahan lang niya ang pari. Magalang itong
nagpaalam at nagdahilang may ibang pupuntahan.

Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang


anak-anakan ni Kapitan Tiago, mayamang taga-Tondo. Dumalaw si Ibarra kay
Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa pagtitipon. Nagkaroon ng
pagkakataon ang magkasintahan na muling balikan ang kanilang mga ala-ala.
Muling binasa ng dalaga ang liham na binigay ng binate bago pa ito tumungo sa
Europa. Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis
upang ipagtapat ang pagkamatay ng ama. Isinalaysay ng tinyente na
naakusahan ang ama na erehe at pilibustero dahil sa hindi nito pagsisimba at
pangungumpisal.
Ipinakulong si Don Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa kasalanang
di naman siya ang may gawa. Malapit na sanang malutas ang paglilitis nang
magkasakit at kalauna’y namatay ang ama ni Ibarra. Ipinag-utos ni Padre
Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito at ilipat sa libingan
ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na buhatin ang bangkay
kung kaya’t itinapon nalang ito sa lawa. Sa kabila ng nangyari ay hindi hinangad
ni Ibarra na makapaghiganti, sa halip ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama
na makapagtayo ng paaralan.
Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli
na namang tinira ni Padre Damaso ang binata. Sa pagkakataong ito ay hindi na
nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan na niyang saksakin ang pari kung hindi lang
siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa nagawa ni Ibarra ay naging
ekskumunikado siya. Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging
ekskomunikado ni Ibarra at inutusan si Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal
ni Maria Clara kay Ibarra. Nagpasya si Padre Damaso na ipakasal si Maria
Clara kay Alfonso Linares.
Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito. Sa tulong ng Kapitan
Heneral ay napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra. Subalit
may mga taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan. Kahit
walang kasalanan ay dinakip at binilanggo ang binata. Nakatakas si Ibarra sa
tulong ni Elias. Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na
makapag-usap bago gawin ang planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na
si Padre Damaso ang totoong ama ni Maria Clara kung kaya’t tutol ito sa
pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa.
Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang
gwardiya sibil nasundan parin ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni
Elias na iligaw ang mga humahabol sa pamamagitan ng paglusong nito sa
tubig. Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga
sibil hanggang sa magkulay dugo ang tubig. Nawalan ng pag-asawa si Maria
Clara dahil pag-aakalang patay na si Ibarra. Napagdesisyunan nitong pumasok
sa kumbento upang maging isang madre. Napilitang pumayag si Padre
Damaso sa dalaga dahil magpapakamatay daw ito pag hindi ito pumayag.
Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan
at nanghihina. Doon ay natagpuan niya si Basilio at malamig na bangkay ni
Sisa. Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Mamamatay
siyang hindi nakikita ang maningning na pagbukang liwayway. Ngunit para sa
mga makakakita, bilin niya na batiin ito at huwag ding makakalimot sa mga
nabulid sa dilim ng gabi. Kung ang Noli Me Tangere buod ng buong kwento na
ito ay nakatulong sa iyo, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaibigan at
kaklase upang maging sila ay matuto din.
IV. PAGSUSURI:
a. Uri ng Panitikan: Nobela
b. Paglalahad: Isyung Panlipunan ng Pilipinas
c. Tayutay: “Bukas, sana magkasakit ako… Matagal na magkasakit ako para
alagaan ako ni nanay at hindi pabalikin sa kumbento.”
 Ayaw na ni Crsipin na bumalik sa kumbento dahil labis na paghihirap ang
naranasa niya kaya nanaisin niyang makaalis na roon.
d. Sariling Reaksyon:
 Tama ang ginawa ng mga Pilipino na ipaglaban ang sariling atin dahil bakit
tayo’y magpapaalipin sa mga mananakop mismo sa sarili nating bansa at
wakasan ang mga isyung panlipunan.

V. TEORYA:
 Humanismo – pagmamaliit at pag-aalipusta sa karapatan ng mga mahihirap.
 Realismo – katiwalian at korupsiyon ng Pamahalaang Kastila at Simbahan.

VI. GALAW NG PANGYAYARI: Ipinakita rito ang suliranin at problema ng bansa na


dapat bigyan ng pansin ng mga Pilipino.

VII. BISA PAMPANITIKAN


a. Bisa sa Isip: Naging bukas ang kaisipan ng mga mamamayang Pilipino.
b. Bisa sa Damdamin: Natotong lumaban at ipaglaban ang karapatan at kalayaan.
c. Bisa sa Kaasalan: Ipinakita ang pagmamahal sa bayang kinamulatan.
d. Bisa sa Pampanitikan: Wakasan ang mga isyung Panlipunan sa Pilipinas.

VIII. SARILING IMPRESYON:


 Ang nobelang ito ay nakatulong upang mamulat tayo sa realidad na pangyayari
sa ating bansa at bigyang pansin ang mga maling nangingibabaw sa ating
lipunan na huwag magpapaapi sa mga dayuhan at huwag matakot na
ipaglaban ang ating kalayaan at mga karapatan.
IX. DIMENSYON:
 Panlipunan – nakatuon sa mga isyung panlipunan at ito’y wakasan sa
pamamagitan ng pakikipaglaban.
 Pangmoral – ipinakita ang pagmamalasakit sa mamamayang Pilipino at away ni
Rizal na habang buhay ay hawak sa leeg ang mga Pilipino.
FILIPINO 206: MAKABAGONG KALAKARAN
1. Gamit ang graphic organizer, paghambingin ang K to 12 at Batayang Edukasyon o
Basic Education sa Pagtuturo ng Filipino.

K to 12
Basic Curriculum
Kaugnay nito, layunin ng
May layunin na maipagpatuloy
pagtuturo ng Filipino na malinang
ang pangkalahatang edukasyon
ang (1) kakayahang komunikatibo,
na sinimulan sa elementarya;
(2) replektibo / mapanuring pag-
maihanda ang mag mag-aaral sa
iisip at, (3) pagpapahalagang
kolehiyo. Hindi sapat ang
pampanitikan ng mga mag-aaral
pagtuturo ng Filipino sa mga
sa pamamagitan ng mga
baitang I-III at di-tiyak ang mga
babasahin at teknolohiya tungo sa
inaasahang bunga sa pag-aaral
pagkakaroon ng pambansang
ng Filipino.
pagkakakilanlan, kultural na
literasi, at patuloy na pagkatuto
upang makaagapay sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa
daigdig.

2. Talakayin ang sumusunod:


1. Interaktibong Pagdulog at Komparatibong Pagdulog
 Ang interaktibong pagdulog ay kung saan pinagsasama-sama ng mag-aaral
ang dating kaalaman at mga karanasan upang suportahan ang mga bagong
kaalaman at karanasan. Sa paggawa nito, ang mga nag-aaral ay kumukuha
sa kanilang mga kasanayan at inilalapat ang mga ito sa mga bagong
karanasan sa mas kumplikadong antas. Ang komparatibong pagdulog ay
naglalayong matukoy kung alin sa dalawa o higit pang mga diskarte sa
pagtuturo ng wika ang pinakamabisa. Ang ganitong mga diskarte ay kilalang-
kilala na mahirap ipatupad at marami ang nagdurusa sa isang bilang ng mga
problema sa disenyo.

2. Koloboratibong Pagdulog at Pagtuturong Pangnilalaman


 Ang koloratibong pagdulog ay nakasentro sa mga mag-aaral na sama-
samang gumagawa ng mga gawain. Ang ibig ipakahulugan ng pagtuturong
pangnilalaman ay naka pokus kung ano ang nais iparating sa lahat ng
mambabasa o sa mga mag-aaral. Ito ay isang mahalagang salik upang may
magandang ugnayan.
3. Tuwiran at Di-Tuwirang Istratehiya
 Ang tuwirang istratehiya ito ay may pinagbabatayan at may kongkretong
pinaghanguan at ang di-tuwiran istratehiya ay hindi direkta o may
pinagkunan lamang o adaptasyon sa iba. Mas panatilihin parin ang mga
istratehiyang makakapaganda ng relasyon at ugnayan sa mga mag-aaral.

4. Language Competence at Language Performance


 Ang language competence ay ang walang kamalayan na ideya ng kaalaman
na mayroon ang mga katutubong nagsasalita ng kani-kanilang wika kung
saan ito ang kaniyang kinasanayan. Ang language performance naman ay
ang aktwal na paggamit ng wikang iyon ng mga katutubong nagsasalita nito
sa kanilang kakayahan.

5. Social Competence at Linguistic Competence


 Ang social competence ay binubuo ng mga kasanayang panlipunan,
emosyonal, nagbibigay-malay at pag-uugali na kailangan para sa
matagumpay na pakikibagay sa lipunan. Ang kakayahang panlipunan ay
sumasalamin din sa pagkakaroon ng kakayahang kunin ang pananaw ng iba
tungkol sa isang sitwasyon, matuto mula sa mga nakaraang karanasan, at
ilapat ang pag-aaral na iyon sa mga pagbabago sa mga pakikipag-ugnayan
sa lipunan. Ang linguistic competence ay ang sistema ng kaalamang
pangwika na taglay ng mga katutubong magsasalita ng isang wika. Ito rin ay
isang paraan ng paggamit ng isang sistema ng wika sa komunikasyon.

6. Lingguistic at Strategic Competence


 Ang linguistic competence ay ang sistema ng kaalamang pangwika na taglay
ng mga katutubong magsalita ng kanyang wika at ang strategic competence
ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpunan para sa mga kakulangan
sa wika sa wika. Ang bahaging ito ay bubuuin ng mga pandiwa at di-berbal
na mga estratehiya.

3. Bilang isang guro sa panahon ng pandemic at K to 12 gumawa ng posisyon letter


hinggil sa isyung pag-alis ng MTB-MLE sa kurikulum ng K to 12.

(nasa sunod pong pahina!)


27 Agosto 2022

SARA DUTERTE-CARPIO
Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Kalihim
Departamento ng Edukasyon
Palasyo ng Malancang

Madam:
Sa patuloy na pagbabago ng taon maraming pagbabago ang nais nating ipatupad, una
na po riyan ang panukalang pagtanggan ng ating MTB-MLE na kung saan ito po ay
itinuturo simula sa Unang Baitang hanggang sa Ikatlong Baitang na kung mamarapatin
mo po ito ay nasa batas na po upang mas lalong mapalaganap kung ano ang Wikang
ating kinamulatan.
Batay nga po sa Batas Republika Blg. 10533 o ang Enhanced Basic Education
Curriculum Act of 2013, ipinatupad ang K to 12 Curriculum sa edukasyong Elementarya
at Sekondarya. Ito ay isang makabagong pamamaraan sa K to 12 Curriculum ay ang
pagtuturo ng Mother Tongue Base-Multilinggual Education (MTB-MLE) bilang isang
asignatura at midyum na ituturo. Bilang isang guro ay may malawak at malalim na
epekto SA kinabukasan ng mga mag-aaral. Bilang isa sa mga tagapagbahagi ng
kaalaman sa mga mag-aaral ay mas nanaisin kung huwag tanggalin ang MTB-MLE,
bagkus ito ay lalong payabungin at pagyamanin. Hangad ko po ang iyong agarang
tungkol po rito.
Sumasainyo,

BENJO C. BARLESO
Guro

FILIPINO 202: PONOLOHIYA AT MORPOLOHIYA


1. Anong malaking papel ang ginampanan ng pag-aaral ng tunog o ponolohiya sa isang
wika gaya ng wikang Filipino?
Tutulungan ka ng kaalamang ito na masuri ang pagsasalita ng mga mag-aaral,
gabayan sila sa tamang direksyon at bigyang-daan kang lumikha ng mga personalized
na pagsasanay. Aalisin din nito, (at marahil ang pinakamahalaga), ang ilang mga
naunang maling kuru-kuro na maaaring mayroon ka tungkol sa pagbigkas at ang mga
bakit at paano ng mga tunog ng wika.
2. Ibigay ang apat (4) na klasipikasyon ng mga morpema na ginagamit sa pagbuo ng
mga salita. Magbigay ng tig-3 halimbawa.
1. Morpemang Ponema
Hal.
Kapitan – Kapitana
Propesor – Propesora
Gobernador – Gobernadora

2. Morpemang Salitang-ugat
Hal.
indak
sulat
takbo

3. Morpemang Maylapi
Hal.
Unlapi – pagkain
Gitlapi – sumaya
Hulapi – balikan
Kabilaan – kagandahan
Laguhan – magdinuguan

4. Morpemang Pang-uri
Hal.
mataas
matangkad
malawak

3. Bumuo ng tatlong (3) talatang magkakaugnay gamit ang semantic na relasyon ng


kahulugan sa salita at pangungusap. Pumili ng dalawa sa apat na pagpipilian.
1. Ang Kalayaan
2. Ang Maikling Kuwento
3. Ang Parabula
4. Ang Tula
 Ang maikling kwento ay isang piraso ng prose fiction na karaniwang mababasa
sa isang upuan at nakatuon sa isang self-contained na insidente o serye ng
mga magkakaugnay na insidente, na may layunin na pukawin ang isang epekto
o mood. Ang parabula ay isang maikli, didaktikong kuwento, sa prosa o
taludtod, na naglalarawan ng isa o higit pang mga aral o alituntunin. Ito ay
naiiba sa isang pabula dahil ang mga pabula ay gumagamit ng mga hayop,
halaman, walang buhay na bagay, o puwersa ng kalikasan bilang mga tauhan,
samantalang ang mga talinghaga ay may mga karakter ng tao.

Sa kabuuan ang moral ng kuwento, syempre ay ang mabagal at matatag na


panalo sa karera. Ang parabula ay isang maikling kwento na nagtuturo rin ng
moral o espirituwal na aral. Kabilang sa mga sikat na halimbawa ang mga
talinghaga na isinalaysay ni Jesucristo sa Bibliya, kabilang ang mga kuwento ng
Alibughang anak at ng mabuting Samaritano.

FILIPINO 201: MALIKHAING PAGSULAT


1. Sumulat ng Maikling Karanasan hinggil sa insektong “Ang Kuliglig”.
 Sa bawat araw na lumilipas ay mayroon tayong mga alaalang hindi natin
malilimutan tulad na lang sa karanasan natin sa “Kuliglig” hindi papatalo sa
kanyang kaingayan. Ikaw ay mapapalingun at mapapatanong kung saan
nangggaling ang malakas na ingay na para bang turotot. Simula pa nang ako
ay bata pa at magpa hanggang ngayon ako ay laging nakakarinig ng ingay na
nagmumula sa kanya na para bang may gusto ipahiwatig sa atin. Sa kanyang
ingay ikaw ay mapapaisip at magmunimuni tungkol sa iyong sarili upang
alalahanin ang mga magagandang nangyari sa buong araw at isipan ang mga
pwede pang mangyari sa pang-araw-araw. Nawa’y ikaw at ako ay may
kwentong “Kuliglig”.

2. Ano-ano ang pinakamahalagang mensahe hatid/nakapaloob sa tula ni Alejandro G.


Abadilla na “Ako ang Daigdig”.
 Ito ay nagbigay ng daan tungo sa modernisasyon ng estruktura ng tula.
 Ito ay pag-aaklas sa tradisyunal na sukat at tugma ng isang tula.
 Ito ay ang pag-aaklas laban sa mga mananakop sa bansang Pilipinas.
 Ito rin ay nagpapakita na ito ng pagiging masigasig ng awtor na kahit anong
pagsubok ay kayang malampasan.
 Ito rin ay tungkol sa bawat isa sa atin bilang tao may may karapatan sa sarili
nating buhay na tayo at bumuo ng sariling desisyon.

3. Bakit sinasabi sa panimula nitong kurso na ang malikhaing pagsulat ay gawaing


pagpaparanas? Ipaliwanag ito.
 Bilang isang guro, magandang simulain ng isang manunulat na aktwal niyang
maranasan o naranasan kung ano ang nais niyang sulatin, marapat lamang ay
nasa katayuan siya mismo upang maipahayag niya ng maayos kung ano-ano
ang kanyang adhikain. Ito ay isang malayang gawin upang malibas kung ano
ang tunay na “siya” at maibahagi niya sa lahat ng mambabasa. Huwag tayong
gagawa basta-basta ng sulatin na hindi mismo nangyayari bagkus ito’y hindi
kawiwilihan ng mga mambabasa.

4. Talakayin ang iba’t ibang uri ng pagsulat na teknikal at akademik.


 3 Uri ng Teknikal na Pagsulat
1. Tradisyonal – ito ay ang mga manwal sa pag-aayos at medikal na pag-aaral.

2. Dokumentasyon ng end-user – ito ay ang electronics at mga produkto ng


konsyumer.

3. Nilalaman ng teknikal na marketing – ito ay ang mga press release at mga


katalogo.

 4 na Uri ng Akademik na Pagsulat


1. Deskriptibo – ay ilarawan ang isang tao, lugar o bagay sa paraang nabubuo
ang larawan sa isipan ng mambabasa. Ang pagkuha ng isang kaganapan sa
pamamagitan ng naglalarawang pagsulat ay nagsasangkot ng pagbibigay
pansin sa mga detalye sa pamamagitan ng paggamit ng lahat ng iyong
limang pandama.

2. Analitikal – ito ay naglalalyong lumampas sa deskriptibong paglalahad ng


mga katotohanan o detalye sa mambabasa, at sa halip ay sinusuri at
sinisiyasat ang kanilang kahalagahan.

3. Persuasive – ito ay nagbibigay ng gabay para sa pag-frame ng isang


argumento at isang paraan ng pag-aayos ng mga kalamangan at kahinaan
ng isang isyu sa isang dokumento. Ang ganitong uri ng pagsulat ay
maaaring makatulong sa iyo na bumuo ng mga kritikal na kasanayan sa
pag-iisip at bumuo ng iyong tiwala sa sarili.

4. Kritikal – ito ay pagsusuri ng impormasyon upang maunawaan ang isang


problema o paksa mula sa higit sa isang pananaw; paggawa ng mga lohikal
na koneksyon sa pagitan ng mga ideya; nag-aalok ng iyong sariling
pananaw sa paksa batay sa iyong pagsusuri sa magagamit na ebidensya.

You might also like