Professional Documents
Culture Documents
Positon Paper - Aborsyon 061948
Positon Paper - Aborsyon 061948
I. Panimula
Isa sa pinaka kontrobersyal at pinaka-mainit na isyung panlipunan ngayon ay ang
aborsyon o pagpapalaglag. Ngunit anon ga ba ang tinatawag na aborsyon?
Ang aborsyon ayon kay Leo James English, ay ang sinasadyang pagtanggal ng embryo o
fetus sa loob ng matris na nagsasanhi ng kamatayan nito. Ito ay maaaring biglaan kapag ang
babae ay nakunan o artipisyal, sa pamamagitan ng kemikal, pagtistis at iba pa. Ang
pagpapalaglag ng bata ay maraming masamang maidudulot hindi lamang sa pisikal pati na rin sa
sikolohikal na kalusugan ng mga babae. Dahil dito naipatupad ang isang batas: ang 1987
Constitution of the Philippines, Sec. 12, Art. II ( The State shall equally protect the life of the
mother and the life of the unborn from conception.)
Marami ang nagtatalo kung ang aborsyon ba ay isang intensyonal na pagpatay ng tao o
hindi. Ang Pilipinas ay isang konserbatibong bansa, ipinagbabawal dito ang aborsyon sa
paniniwalang ito ay paglabag sa karapatang pantao- ang karapatang mabuhay sa mundo.
Itinuturing itong isang krimen , ang sinumang doctor o midwife ang magsagawa ng aborsyon ay
maaaring makulong. Subalit may mga kababaihan na isisnasagawa pa rin ito kahit na ito ay ilegal
at pinagbabawal. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ipinagbabawal ang aborsyon ay dahil
nakakasama ito sa kalusugan ng tao. Maaaring magkaroon ito ng masamang dulot sa pisikal at
emosyonal na kalagayan ng isang babae o ng isang ina.
Para sa akin, karamihan sa mga nabubuntis ngayon, partikular ay kabataan ay
nagdedesisyong magpalaglag dahil sa ang pagbubuntis ay hindi sinasadya, sila ay hindi pa
handa, natatakot sa magulang at dahil na rin sa kahihiyan. Lalo na sa panahon ngayon na ang
mga tao at mundo ay mapanghusga. Karamihan sa nagpapalaglag ay gumagamit ng tableta o
tinatawag na “abortion pill” na mabibili sa mga tagong lugar.
V. Konklusyon
Marahil ang iba ay iniisip na ang pagpapalaglag o aborsyon ay isang solusyon sa
problema, sa kahihiyan, sa pinansyal at iba pa. Ngunit kailanman ay hindi naging simpleng
solusyon ang pagkitil ng buhay ng isang inosenteng nilalang. Ang aborsyon ay hindi legal at
kailanman ay hinding hindi magiging legal dahil ito ay isang krimen, pagkitil o pagpatay ng
buhay ng mga sanggol. Ito ay labag sa batas at labag sa Panginoon. Ang aborsyon ay isang
krimen, ang bata ay nilikha ng Poong Maykapal. Kahit sabihing ang bata ay bunga ng kasalanan
(hal.rape), walang kaalam-alam ang bata na siya ay galing sa masama.
Bukod sa ito ay illegal, marami din itong masamang dulot sa kalusugan ng isang babae.
Pisikal man o Sikolohikal na estado. Kung ayaw man natin sa tinatawag na “unwanted
pregnancy” sana ay matuto din tayong magingat sa ating mga kilos at desisyon sa buhay upang
hindi tayo makagawa at makapagdesisyon mali at alam nating ikapapahamak natin.
Sa makatuwid, ang aborsyon ay isang kaso ang ang isang babae ay namimili. Kung ang
lipunan ay mahigpit sa mga babaeng nabuntis na walang maituturing na asawa, ito ay malaking
epekto sa ng kanyang gagawing desisyon. Masasabi kong kailangan ng mga Kabataan na mapag-
aralan ang tungkol sa kapusukan. Ang aksidenteng pagbubuntis ay isang resulta o dahilan kung
bakit sila dudulog sa tinatawag na aborsyon.
V. Sanggunian
TermPaperWarehouse.com
https://www.academia.edu/31328135/ESP_
https://pdfcoffee.com
chat.openai.com