Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Filipino 10

PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP
Ang paksa at panaguri ay nakapaglalahad sa mensaheng taglay ng isang
pangungusap. Gayunpaman, madalas ay nangangailangan pa ang pangungusap ng
mga karagdagang kataga, salita, or pariralang magpapalawak dito upang higit na
mapalawig at maipaliwanag nang husto ang kaisipan o mensaheng taglay ng
pangungusap.
Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng pagdaragdag ng
paningit o ingklitik, paglalagay ng panuring (pang-uri at pang-abay), at paggamit
ng mga pamuno sa pangngalan. Isa-isahin natin ang bawat paraang nakalahad.

1. MGA PANINGIT O INGKLITIK BILANG PAMPALAWAK – Ang mga paningit o


ingklitik ay isinasama o idinaragdag sa paksa o panaguri ng pangungusap upang
mailahad nang higit na malinaw ang kaisipan o mensaheng taglay nito. May
labing-anim na kilalang paningit o pang-abay na ingklitik tulad ng mababasa sa
ibaba:

Man Kasi Sana Nang


Kaya Yata Tuloy Din/Rin
Ba Pa Muna Pala
Na Naman Daw/Raw Lamang/Lang
Halimbawa:
- Naantala man ng 28 taon ay natuloy pa rin ang mga pangarap nina Amelie at
Ludwik.
- Dumaan muna sila sa matinding pagsubok na nagpatatag naman sa kanilang
pagmamahalan.
Filipino 10
2. MGA PANURING BILANG PAMPALAWAK – May dalawang kategorya ang mga
salitang panuring: ang pang-uri na panuring sa pangalan o panghalip, at ang pang-
abay na panuring sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Halimbawa:
Batayang pangungusap:
Ang Berlin wall ay simbolo ng paniniil.
Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri:
Ang Berlin Wall ay makasaysayang simbolo ng paniniil.
Batayang pangungusap:
Ang mga mamayan ay nagbunyi sa pagbagsak ng Berlin Wall.
Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-abay:
Ang mga mamayan ay masigabong nagbunyi sa pagbagsak ng Berlin Wall.
Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-abay at pang-uri:
Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa pagbagsak ng
makasaysayang Berlin Wall.
3. PAMUNO SA PANGNGALAN BILANG PAMPALAWAK – Ang pamuno ay
pangngalan o pariralang pangngalang tumutukoy o nagsasabi ng ibang katawagan
para sa isa pang pangngalan.
Halimbawa:
Batayang pangungusap:
Si Ronald Reagan, ang pangulo ng Amerika, ay nanawagan para sa paggiba
ng Berlin Wall.
Filipino 10
Pang-uri
- Salitang nagsasaad ng katangian / Uri ng pangngalan/panghalip
Uri:
1. Panlarawan – nagpapakita ng laki, kulay, hugis o kalagayan ng
pangngalan/panghalip.
Halimbawa:
Malaking brilyante
Bilog na unan
2. Pamilang-nagsasaad ng bilang ng pangngalan/panghalip
a. Kardinal/Patakaran – gamit sa pagbibilang ng dami
Halimbawa: Isa, Sampu, San libo
b. Ordinal/Panunuian – nagpapahayag ng pagkasunod-sunod ng bilang.
Halimbawa: Una, Ikasampu, Ikapito
c. Pamahagi/Fraction – pamilang na bahagi ng isang buo/mahigit sa isang buo.
Halimbawa: Ikaapat (1/4 ) Kalahati (1/2 )
d. Palansak – nagpapahayag ng bukod na pagsama-sama ng anumang bilang.
Halimbawa: Dala-dalawa, Pito-pito
e. Pahalaga – ginagamit para sa pagsaad ng halaga ng bagay.
Halimbawa: Mamiso, Tig-anim nap iso.

Uri ng Pang-abay
Pang-abay – Salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri at kapwa pang-
abay.
1. Pamanahon - Nagsasaad ng panahon kung kalian ginawa ang kilos. (Kailan)
*Agad, kagabi, maaga, matagal, pa, na*
Halimbawa: Kami ay umalis ng maaga.
2. Pamaraan – Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos na sumasagot sa
tanong na paano. (Paano?)
Halimbawa: Masarap magluto si Nitz ng Pizza.
3. Panggaano – Ang pang-abay ay nagsasaad ng sukat Itimbang. Sumasagot sa
tanong na gaano? (numbers)
*Katamtaman, marami, bahagya, kaunti, kainaman, sapat, kapos, kulang*
Halimbawa: Ang kanyang katawan ay katamtaman lamang.
Filipino 10
4. Pananggi – Nagsasaad ng pagtanggi/pagsalungat.
*Di, huwag, hindi, ayaw, aywan*
Halimbawa: Di masarap ang agahan.
5. Pang-agam – Nagsasaad ng pag-aalinlangan/walang katiyakan.
*Baka, Tila, Maari, Marahil, Wari*
Halimbawa: Baka mahulog ka.
6. Panang-ayon – Nagsasaad ng pagsang-ayon.
*Opo, talaga, totoo, tunay, Oo, tiyak, walang duda*
Halimbawa: Opo, siya ang aking ina.
7. Pananong – Inaalam ang ukol sa panahon, lunan, kailanan ng pandiwa.
Halimbawa: Kailan siya papasok sa eskwela
8. Panlunan – Nagsasaad ng pook, lunan, lugar na pinangyarihan ng kilos. (saan)
*Dito, diyan, doon, nariyan, naroon, narito*
Halimbawa: Dito ang bahay namin,

You might also like