Ap Notes

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Notes On AP 10 12/05/23

World War 1
- After the war an organization was formed to claim world peace and it failed claiming peace and the
organization was “League of Nations”. World War 1 Started on 1914, July 28
World War 2
- After the previous organization failed to claim world peace, World War 2 emerged after the failing
of claiming world peace and after the wat all the nations formed into one to claim world peace they
made an organization to do so and that is the “United Nations”. World War 2 Started on 1945,
October 24

Globalisasyon
- Ang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa
iba’t-ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t-ibang panig ng daigdig (ayon kay Ritzer, 2011).
- Itinuring din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao.
- Hindi nabago ang globalisasyon. Hitik ang kasay-sayan sa ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng
kalakalan sa iba’t-ibang panig sa daigdig.

Any Job – Blue or White Collar that can be broken down into a routine and transformed into bits
and bytes can now be exported to other countries where there is a rapidly increasing number of
highly educated knowledge workers who will work for a small fraction of the salary of a
comparable American Worker.

Types of Globalisation:
Globalisasyung Ekonomiko (Ikaunang Anyo)
- Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo.
Multinational Corporations (MNC’s)
- Tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o
serbisyong ipinagbili ay hindi ibinatay sa pangangailang local ng pamilihan.
#Examples of MNC’s
- Unilever, Procter and Gamble, McDonalds, Coca Cola, Google, UBER, Starbucks, Seven-Eleven,
o Toyota Motor, Dutch Shell at iba pa.
Transnational Companies (TNC’s)
- Tumutukoy sa mga kompanya o negusyong nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa.
- Ang kanilang serbisyong inagbibili ay batay sa pangangailangang local.
- Binibigyan ng Kalayaan na magdesisyon, magsaliksik at magbenta ang mga unit na ito ayon sa
hinihingi ng pamahalaang local.
- Marami sa kanila ay mga kompanyang petrolyo, IT, Consulting Pharmaceutical at mga kauri nito.
- Halimbawa nito ay ang kompanyang Shell, Accenture, TELUS International Phils, at Glaxo- Smith
Klein.
TNC’s at MNC’s:
- Dinala ng mga korporasyong ito ang mga produkto at serbisyo sa ating lipunan.
- Naging bahagi ng pang-araw araw na buhay ng mga Pilipino.
- Ilan sa mga ito sa Vietnam, Thailand, At Malaysia ay pag-aari ng mga Pilipino tulad ng Jollibee, URC,
Unilab at San Miguel Beer Corporation.
- Ilan sa mga korporasyong Pilipino tulad ng SM, PNB, Metro Bank, Jollibee at Liwayway Marketing
ay patulay na lumgago sa China.
Notes On AP 10 12/05/23
Mga Epekto ng pagdami ng mga TNC’s at MNC’s:
- Nagkaroon ng kumpetisyon sa pamilihan kaya bumaba ang halaga ng mga produkto.
- Nakakalikha ng mga local na namumuhunan at marami ay tuluyang nagsasara.
- Pagkalugi ng mga local na namumuhunan at marami ay tuluyang nagsasara.
- Malaki ang kakayahan nitong makaimpluwensiya sa mga polisiya na ipinatupad ng pamahalaan ng
iba’t-ibang bansa tulad ng: Pagpapababa ng buwis, pagbibigay ng tulog pinansiyal, at maging ang
pagpagaan ng mga batas patungkol sa paggawa at isyung pangkapaligiran.
- Nakuha ang mga nasabing pabor sa pamamagitan ng pananakot na ilipat ang kanilang
pamumuhunan sa ibang bansa.
- Nagbunga ng higit na pagyaman ng mga at paglakas ng mga nasabing TNC’s at MNC’s na nagdulot
sa paglaki ng agwat ng mayayaman at mahihirap.
- Ayon sa Oxfam International sa taong 2017, ang kinita ng sampung pinakamalaking korporasyon sa
buong mundo noong 2015-2016 ay higit pa s akita nga 180 na bansa.

Manipestasyon ng Globalisasyon:
1. Outsourcing
- Tumutukoy sa pagkuhang isang kompanya ng serbisyo mula sa ibang kompanya na may kaukulang
bayad.
- Pangunahing Layunin ay mapagaan ang Gawain ng isang kompanya upang mapagturuan nila ng
pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga.
^-^ Mga Uri ng Outsourcing
Business Process Outsourcing (BPO)
- Tumutukoy sa prosesong pang Negosyo ng isang kompanya
Knowledge Process Outsourcing (KPO)
- Nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad
. ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal.
Uri ng outsourcing batay sa layo o distansiya ng kompanyang magbibigay ng serbisyo o produkto.
Offshoring
- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang kompanya na naniningil ng mas-mababang
bayad.
- Ang mga Outsourcing companies tulad ng United States ay nagnanais na makatipid kaya dito sila sa
asya tulad ng Pilipinas at India kumhuha ng serbisyo.
- Marami sa mga outsourcing companies sa bansa ay tinatawang na BUSINESS PROCESS
OUTSOURCING (BPO) na nakatuon sa Voice Processing Services.
Ilan sa mga Serbisyo ay:
- Pagbebenta ng produkto at serbisyo.
- Paniningil ng bayad sa nagamit na produkto o serbisyo.
- Pagkuha ng impormasyon mula sa mga mamimili na magagamit sa mga namumuhunan.
Suliranin:
- Pagkakaiba ng Oras
- Pagkakaiba ng kultur ana nakapagbagal ng produksiyon.
Nearshoring
- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
Notes On AP 10 12/05/23
Onshoring
- Tinatawag na domestic outsourcing
- Pagkuha ng isang serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa.
- Marami na sa Pilipinas ang offshore outsourcing sa kasalukuyan. Patunay ang dumaraming bilang ng
call centers sa bans ana pag-aari ng mga dayuhang namumuhunan at ang ilan ay mula sa United
States, United Kingdom, at Australia.
- Malaking bilang ang mga nagtatapos ang nagtatrabaho sa call centers dahil na rin sa mataas na
sahod.

TOP 100 Outsourcing Destinations (2016)


- Bangalore, India 1st
- Manila 2nd
Kabilang din:
- Cebu City 7th
- Davao City 66th
- Sta. Rosa City 81st
- Bacolod City 85th
- Iloilo City 90th
- Dumaguete City 93rd
- Baguio City 94th
- Metro Clark 97th
# Malaki ang naitulong ng mga Outsourcing Companies sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas.
# Ayon sa Information Technology and Business Process Association of the Philippines
(IBPAP/ITBPAP), Ikalawa ang mga outsourcing companies sa pinagkukunan ng Dolyar sa ating bansa.

2. OFW Bilang Manifestation ng Globalization.


Notes On AP 10 12/05/23
Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural (Ikalawang Anyo ng Globalisasyon)
- Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang paggamit ng cellular phones
o mobile phone na nagsimula sa maunlad na bansa. Partikular dito ang mga bansang tulad ng
Pilipinas, Bangladesh, at India.
- Sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulog sa panahon ng pangangailangan tulad ng
kalamidad.
- Isa rin dito ang mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao.
- Ayon sap ag-aaral ni Dr. Pertierra, marami sa mga cellphone users sa Pilipinas ay hindi lamang
itinuturing ang cellphone bilang isang communication gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng
kanilang sarili kaya naman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila.
- Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phone ang buhay ng maraming gumagamit nito, higit
na pagbabago ang dinala ng computer at internet sa makakarami.
- Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at
konsepto patungo sa ibat-ibang panig ng mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized form. |
- Ang mga ideyang ito ay nakapaloob sa ibat ibang anyo tulad ng musika, pelikila, videos, larawan,
E-books at iba pa na makikita sa ibat ibang social networking sites at service provider.
- Ang mga sikat na awitin, pelikula, palabas sa telebisyon, viral videos at pictures, hashtags, memes,
at mga tulad nito ay ilan lamang sa mg amabilis na kinokonsumo gamit ang electronic device na may
internet access.
- Kalakip nito ang pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula, sa ibang bansa parikulat sa United States.
- Sa kasalukuyan, damar in sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng mga Koreano sa anyo ng pop
culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean novela, K-pop culture, at mga kauri nito.
- Ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa pananamit, pagsasalita, at
pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa kasalukuyan.
- Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat din nito ay suliraning may kinalaman sa pagkalat
ng ibat ibang uri ng computer viruses at spam na sumisisa ng electronic files at minsan ay nagiging
sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan.
- Huwag ding kalimutan ang isyu ng pambansang seguridad. Ginagamit ng ilang mga terorista at
masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga
target nito.
Notes On AP 10 12/05/23
Globalisasyong Politikal (Ikatlong anyo ng Globalisasyon)
- Maituturing na mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng
pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
- Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea, Thailand, US at iba
pang mga bansa ay nagdala ng mga pang ekonomikong oportunidad, oportunidad sa edukasyon at
pangkultural sa magkakabilang bansa.
- Halimbawa nito ang economic at technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas.
- Nariyan ang Japan International Cooperation Agency (JICA) proyekto ng Japan.
Basic Education Sector Transformation (BEST) proyekto ng Australia, at military assistance ng US, at
mga tulad nito.
- Sa Timog-Silangang asya naman halimbawa, kinakitaan ang mga bansang miyembro ng Association
of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mas maigting na ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa
nagbigay daan s amabilis nap ag-angat ng ekonomiya ng rehiyon.
- Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga bansang kaanib nito ang ASEAN Integration sa taong 2030
na naglalayong mapaigting ang koordinasyon ng bawat isa upang higit na maging maayos ang
pamumuhunan, kalakalan, at pagtutulungang political.
- Kaugnay sa globalisasyong political ay ang gampanin ng mga pandaigdigang institusyon sa
pamamahala ng mga bansa.
- Ayon sa artikulo ni Prof. Randy David na pinamagatang, “The Reality Of Global” pandaigdigang
organisasyon tulad ng United Nations, European Union, Amnesty International at mga tulad nito sa
mga polisya at programang kinakaharap ng isang bansa.
- May magandang dulot ang globalisasyong political kung ang layunin nito ay tulungan ang mga bansa
upang higit na maisakatuparan ang mga programa at proyektung mag-aangat sa pamumuhay ng mga
mamamayan nito ngunit maaari rin itong maging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang
kanilang interes ang bibigyang pansin.
- Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ekonomikal, political, at kultural sa
usaping globalisasyon.
- Ang mga ito ay sabay-sabay na magpapabago ng buhay ng maraming tao hindi lamang sa Pilipinas
kundi maging sa buong mundo.
Notes On AP 10 12/05/23
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon
- Hindi maitatanggi ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao
- Nagdala ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspekto ng ating buhay ngunit kalakip din nito
ang mga suliraning dapat harapin at bigyang tugon.
- Malaki ang ginagampanan ng pamahalaan sa pagharap sa hamon ng globalisasyon maging ito man
ay sa dimensiyong ekonomikal, political, o sosyo-kultural.
- Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa ibat
ibang bahagi ng daigdig:
1. Guarded Globalization
- Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga local na
namumuhunan at pangalagaan ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking
dayuhang namumuhunan.
Ilan sa mga halimbawa ng polisiyang ito ay ang:
1st Pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong namumula sa ibang bansa.
- sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas nagkakaroon ng
bentahe ang mga produktong local; at

2nd Pagbibigay ng Subsidiya (Subsidies) sa mga namumuhunang local


- Ang subsidiya ay tulong pinansiyal ng pamahalaan
- Isa pang anyo ng subsidiya ay ang pagbawas ng buwis sa mga produktong local kaya naman murag
naipagbibili ang mga ito.
- Bukod sa United States; ang China at Japan ay nagbibigay rin ng malaking, subsidiya sa kanilang
mga namumuhunan.
2. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)
- Ayon sa International Fairtrade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa
panlipunan, pang ekonomiko, at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan.
- Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at
patas na pang ekonomiyang Sistema sa daigdig.
- Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng
bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan
hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal
at panlipunan.
3. Pagtulong sa “Bottom Billion”
- Binibigyang diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang pansin sa suliraning
pang ekonomiyang kinakaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahirap mula sa mga
bansa sa Asya lalot higit sa Africa.
- May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sap ag-alalay sa tinagurian bottom billion.
- Ngunit ng Germany, Japan, France, at Itally ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng
mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito. Partikular dito ang pagbabago ng Sistema ng
pamamahala.

You might also like