Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

a.

Kahulugan

Ang pagtatalumpati ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng
tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay.
Kakaiba ito sa ginagawa nating pagsasalita sa araw araw at sa iba pang anyo ng panitikan. Ang talumpati
ay pinaghahandaan bago bigkasin sa madla. May iba't-ibang uri ng talumpati kaya nagkakaiba rin ang
paraan ng paghahanda.

b. Layunin

Ang layunin nito ay makahikayat at mapaniwala ang kanyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng
malinaw at maayos na paglalahad ng pangangatwiran.

c. Uri ng Pagbigkas

Malumay - may diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. Maaring magtapos sa patinig o katinig.
Banayad at walang antala ang pagbigkas sa huling pantig, walang kuglit.

Malumi - may diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. May impit mula sa huling pantig. Nagtatapos sa
patinig lamang. (\) Paiwa ang tuldok na ginagamit.

Mabilis - binibigkas ng tuloy-tuloy. Walang diin at antala hanggang sa huling pantig. Maaring magtapos
sa patinig o katinig.

Maragsa - Binigkas ng tuloy-tuloy, may impiyt sa huling pantig. nagtatapos sa huling pantig lamang.
Nilalagyan ng tuldok na pakopya.

d. Dapat isaalang-alang sa Entablado

Ang Mananalumpati - dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang
tagapakinig; ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang asal sa
entablado, kumpas ng kamay; at laging dapat tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at
pinanood ng mga tao.

Ang Talumpati – kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang matukoy ang wasto at
pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at kaisipang nais
iparating ng talumpati upang maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig.
Ang Tagapanood/Tagapakinig - higit na mabuting malaman ng isang mananalumpati ang uri at antas ng
kanyang tagapakinig upang makapag- isip siya ng mabuting paraang gagamitin na makapukaw sa
atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati;
mahalaga ring malaman kung sino ang tagapakinig upang maibagay sa kanila ang talumpati at maging
malinaw ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila.

e. Uri ng Talumpati

Talumpating Nagbibigay-aliw- isinasagawa sa mga handaan, pagtitipon o salu-salo

Talumpating Nagdaragdag kaalaman- madalas isinasagawa sa mga lektyur at pag- uulat.

Talumpating Nanghihikayat - ginagamit upang mapakilos, mag-impluwensya sa tagapikinig.

Talumpating Nagbibigay-galang - ginagamit sa pagtanggap sa bagong kasapi o bagong dating.

Talumpating Nagbibigay-papuri - ginagamit sa pagbibigay ng pagkilala sa mga pumanaw.

f. Dapat Iwasan sa Pagtatalumpati

Ang mananalumpati ay hindi dapat mayabang, sa halip ay maging simple upang maging kaiga-igaya sa
mga nakikinig.

Huwag maging matamlay at iwasang sumimangot.

Iwasang manalumpati ng hindi nagsasanay, dapat laging handa.

Huminto kung tapos na. Huwag nang dagdagan nang dagdagan pa upang hindi lumabo at maging
paligoy-ligoy

Kung maganap ang ppuwang o sandaling mga pagtigil, huwag matakot at mangamba.

Iwasang maging stiff at huwag mahiyang ikumpas at igalaw ang mga bahagi ng katawan

Huwag mangamba o kabahan, maging tuwid at payak lang sa pakikipag-usap na tila ba ay ginagampanan
lamang ng isang kaswal na pakikipagkomunikasyon

Iwasang mautal para malinaw na maintindihan ng mga tagapakinig ang ninanais mong ipabatid sa kanila.

You might also like