Sabeng - o - Sebeng

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

"Sabeng" o "Sebeng"

Ang "sabeng" o "sebeng" ay isang uri ng inumin mula sa pinagpakuluan ng kamote.Ito ay


karaniwang ginagawa sa mga lalawigan sa Benguet at Mt. Province.

Ngunit hindi lang ito pangkaraniwang uri ng inumin dahil bukod sa idinaragdag ito sa mga ulam
bilang pampalasa at ginagawa itong sawsawan ay maraming mga benepisyo sa kalusugan ang maaaring
makukuha rito ayon sa mga mamayan mula sa Bakun,ilan dito ay nakakatulong ito sa mga taong may
ulcer at gastritis at pangpahaba rin ng buhay.

Ayon sa aking pakikipanayam kay Napoleon Cogoy, isang mamamayan mula sa Bakun ito ay
karaniwang ginagamit ng mga mamamayan noon kung lumalala ang kanilang ulcer at gastritis."Ito ay
personal kong ginagamit kung lumalala ang sakit ng aking tiyan dulot ng gastritis na aking nararanasan at
epektibo naman ito", saad niya.

Marami rin ang nagsasabi na nakakapagpahaba raw ito ng buhay ng isang tao.Ang "sabeng" raw kasi
ang ilan sa mga kinunsumo ng kanilang mga ninuno noon kaya sila namuhay ng mahaba haba.

Narito ang mga paraan sa paggawa ng "sabeng".

Mga Kagamitan:

Kaldero,kutsilyo,at plastic bottle o container

Mga Hakbang:

•Balatin ang mga kamote at hugasan.

•Ilagay sa kaldero at ilaga ng 15-20 na minutos.

•Pagkaluto ay hayaang lumamig at ilagay sa plastic bottle o container.

•Hayaan itong maferment sa loob ng 3-4 na linggo

•Ngunit kung mas gusto mo nang mas mabilisang pag ferment ay ilagay ito malapit sa pugon

sa loob ng 3-4 na araw.

You might also like