Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

1

LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)


Manual for Teachers and Parents
English, First Edition, 2023

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from them. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education, Region 1


Secretary: Sarah Z. Duterte
Undersecretary: Gina O. Gonong

Development Team
Writers:
Maricel L. Acosta Jessica R. Cadang Mary Grace B. Casita
Editha M. De Guzman Oscar R. Gamiao Jr Maricel N. Guerrero
Moises M. Lopez III Hazel Ann S. Negranza Julius P. Pajarillo
Enrico Lee E. Suarez Allan M. Utleg Ana Fe R. Velo
Jolly T. Victorio Sherryl F. William

Layout Artists
and Illustrators: Bobbit Dale M. Bulatao, San Carlos City
Santino B. De Jesus, San Carlos City
Armando S. Vinoya, San Carlos City
Ligaya P. Daguison, Pangasinan 2

Editors:
Elisa R. Ranoy, Alaminos City Zorayda S. Paguyo, Batac City
Marilou Omotoy, Batac City Edgardo P. Pescador, Candon City
Gemma M. Erfelo, Dagupan City Editha R. Mabanag, Ilocos Norte
Remilyn P. Abrogena, Ilocos Norte Maria Teresita R. Gapate, Ilocos Sur
Juanito V. Labao, Laoag City Louisito Libatique, La Union
Melchora N. Viduya, Pangasinan I Annabelle M. Parel, Pangasinan II
Vivian V. Ofanda, San Carlos City Rowena R. Abad, San Fernando City
Perlita F. Abat, San Fernando City Edmundo A. Bisquera, Urdaneta City
Felipa T. Regaspi, Vigan City

Project Proponent: Joselito D. Daguison, EPS-Filipino


Consultants: Arlene A. Niro, Chief Education Supervisor, CLMD
Rhoda T. Razon, Assistant Regional Director
Tolentino G. Aquino, Director IV

2
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 4: Baitang 11

ANTAS 1: SALITA

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang labinlima (15) o higit
pa mula sa dalawampung (20) salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Sabihin sa mag-aaral: Ang bahaging ito ng pagtatasa ay naglalayong masukat ang
iyong kakayahan sa pagbasa ng salita. Inaasahan ko na mabasa mo nang wasto
ang mga ito. Handa ka na ba?
2. Ibigay ang talaan ng mga babasahing salita kung handa na ang mag-aaral.
3. Ipabasa ang mga salita mula sa taas pababa.

HABANG ISINASAGAWA ANG PAGTATASA


1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Lagyan ng tsek (/) ang bawat salitang nabasa nang wasto at ekis (x) naman kung
mali. Gamitin ang nakalakip na Pormularyo ____.

MGA SALITA
bahay-bahayan nakasubaybay ortograpiya eksklusibong-eksklusibo
katatalakay simplipikasyon inspirasyonal banghay-aralin
pangkasaysayan nangingibabaw nakagigiliw ekonomiya
pasayaw-sayaw bukang-liwayway naka-mimeograph laboratoryo
komprehensibo nakakarelaks plakadong-plakado piilosopiya

PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
labinlima (15) o Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
higit pa mula sa mababang Antas ng Salita. MAGPATULOY SA
dalawampung SUSUNOD NA ANTAS.
(20) salita?

3
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 4: Baitang 11

ANTAS 2: PANGUNGUSAP

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang walo (8) o higit pa
mula sa sampu (10) na pangungusap.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang sipi ng sampu pangungusap na babasahin ng mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Masinsinang makinig sa pagbabasa ng mag-aaral. Markahan ang mga kamalian
sa kanyang sipi.

PANGUNGUSAP
1. Layunin ng awtor na magpatnubay sa mga mambabasa ang ginawa niyang
akda.

2. Hindi maikakaila na pati ang mga matatanda ay marunong nang mag-post at


mag-like sa Facebook para makasabay.

3. Pangarap ni Jess ang maging isang mahusay na guro habang si Dan ay isang
mabuting pulis.

4. Maayos ang ginawang banghay-aralin ng guro at naging mahusay ang daloy


ng pagtuturo kaya natuto ang mga mag-aaral.

5. Lubos na naapektuhan ang ekonomiya ng bansa at lumala ang kalagayan ng


mamamayang Pilipino dahil sa Covid-19.

6. Mahimbing na nakatulog ang guwardiya sa establesyimentong iyon kaya


madaling nakapasok ang mga magnanakaw upang nakawin ang hiyas ni
Urduja.

7. Wala akong sapat na datung para makabili ng regalo kaya hindi ako
makakasama sa kanyang kaarawan sa darating na Sabado pero ite-text ko na
lang siya.

8. Nagsagawa ang mga guro ng mga sarbey at ito ay ipinamudmod sa mga


pampublikong paaralan ng rehiyon upang malaman ang epekto ng Distance
Learning Modality.

9. Patuloy na isinasagawa ng pamahalaan Ang pagpapataas ng ekonomiya


upang upang maiangat ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino mula sa
kahirapang kinasasadlakan.

4
10. Makapapasa talaga siya at makapagtatapos sa pag-aaral ngayong taon kung
magsusumikap siya at gagawin lahat ang mga pangangailangan sa klase.

PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

HINDI OO
Nabasa ba nang
wasto ng mag-
IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
aaral ang walo
Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
(8) o higit pa
mababang Antas ng MAGPATULOY SA
mula sa sampu
Pangungusap. SUSUNOD NA ANTAS.
(10) na
pangungusap?

5
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 4: Baitang 11

ANTAS 3: TALATA

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang 100-150 salita sa
loob ng isang minuto.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang babasahing talata sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Sikaping itakda ang oras sa mag-aaral na sa loob ng isang minuto ay
makapagbasa siya ng 100-150 salita.

Talata:

Sanhi at Epekto ng Climate Change

Ni: Sherryl F. William

Nararamdaman ang malawakang pagbabago sa paligid dulot ng climate


change at ito’y nakababahala. Ito ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas
ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Ang pinakaugat nito ay ang mga
aktibidad ng tao, at mga natural na penomena sa ating mundo.

Ang mga aktibidad ng tao ang pangunahing sanhi ng pagbabago ng klima. Ang
paggamit ng fossil fuels ang pangunahing nakapagdaragdag ng polusyon sa hangin
na nagdudulot ng tinatawag na greenhouse effect na siyang nauuwi sa climate
change. Dagdag pa rito, ang usok mula sa mga sasakyan, mga pabrika, at mula sa
mga pagsusunog ay nakadaragdag din sa polusyon na nakapagpapataas ng
greenhouse gas. Dahil sa pagpuputol ng mga puno pakonti nang pakonti ang mga
punong humihigop sa carbon sa ating atmospera kaya ito’y naiipon na siyang
nagpapainit pa lalo sa kapaligiran.

Maliban sa mga aktibidad ng mga tao may mga natural na penomenang


pangyayari na nagiging sanhi ng climate change. Ilan sa mga ito ay ang pagsabog ng
bulkan na siyang nakadaragdag ng carbon dioxide at iba pang mapanganib na gas sa
atmospera, solar radiation, tectonic plate movements na maaaring makapagpaputok
sa bulkan at makabuo ng mga bundok at iba pang land masses na maaaring
makapagpabago sa klima, at orbital variations.

Ang nararamdamang pagtaas ng temperatura, paiba-ibang padron ng klima,

6
pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, pagkatunaw ng mga glacier at ang mga lumalakas
na mga bagyong tumatama sa bansa. Ang lahat ng mga ito’y epekto ng climate change
at kung magpapatuloy ang mga maling gawain ng mga tao at walang nais simulan ang
pagbabago, darating ang araw na mawawala rin ang anumang uri ng buhay, kasama
ang buhay ng tao sa ibabaw ng lupa.

PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang 100- IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
150 salita sa Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
loob ng isang mababang Antas ng Talata. MAGPATULOY SA
minuto? SUSUNOD NA ANTAS.

7
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 4: Baitang 11

ANTAS 4: KUWENTO

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tekstong may
300-350 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang babasahing kuwento sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Itala ang mga kamalian (maling bigkas,pagkakaltas, pagpapalit, pagsisingit, pag-
uulit, paglilipat, pagbaliktad) na ginawa ng mag-aaral gamit ang talahanayan ng
mga kamalian.

Talahanayan ng mga Kamalian

Maling Kabuoang Blg. ng


Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad
Bigkas Kamalian

Kuwento:

Panaginip at Pangarap
ni: Jessica R. Cadang
Takipsilim na’t lumalalim na ang gabi. Nakadungaw ako sa aming bintana.
Maliwanag ang buwan at nagniningning ang mga tala sa langit. Payapa ang paligid,
maging ang aking isip. Mayamaya, biglang kumatok ang aking ate sa aking silid.
“Tok-tok” Sa unang beses ng kaniyang pagkatok, hindi ko siya pinansin. “Tok-
tok” Sa ikalawang beses, hindi ko pa rin pinansin. “Tok-tok” Sa ikatlong beses ng
kaniyang pagkatok, may puwersa at lakas, kaya naman, pinagbuksan ko na siya.
Sa pagbukas ko ng pinto, “Matulog ka na!” ang mga salitang bumungad sa akin.
Nginitian ko lang siya, ngunit ang ibig sabihin ng aking ngiti ay “Opo, Master.” Ngunit
bago ako pumikit, ako ay nagdasal muna na sana maging payapa ang aking pagtulog.
At sa aking pagpikit, agad naman akong nakatulog. Ngunit, bigla akong nanaginip.
Sa aking panaginip, parang may taglay akong lakas. ‘Yung sinasabi nilang

8
superpower. Dahil pakiramdam ko noon, ako si Darna. Kaya ko raw buhatin ang
bulalakaw na babagsak sa ating planeta. Kaya kong abutin ang buwan at mga tala, na
madalas kong titigan tuwing gabi. Ngunit ang hindi ko maintindihan sa panaginip kong
iyon ay napakagulo ng mga tao. Maraming krimen. May mga nawawala na dinukot
daw ng puting van. Ililigtaas ko na sana ang buong mundo mula sa kapahamakan
ngunit bigla akong naalimpungatan sa pagkatok ulit ng aking ate.
“Tok-tok” Sa unang beses ng kaniyang pagkatok, hindi ko pa sana siya
papansinin ngunit naisip ko na baka manenermon na naman siya. Kaya naman,
pinagbuksan ko na agad.
“Magandang umaga, mahal naming prinsesa.” Ang mga salitang bumungad sa
akin, saka niya sinundan ng mga salitang “Magbihis ka na dahil papasok tayo ngayon
sa eskuwela.” Hindi ako ngumiti, dahil nasa isip ko pa rin ang aking napanaginipan.
Ngunit, itinango ko lang ang aking ulo at agad na akong bumaba para kumain at
magbihis.
“Alas-syete na, bilisan niyo!” Panenermon ng aming mga magulang kahit ang
totoo naman ay alas-sais y medya pa lang.
“Ring-ring-ring” Tunog ng aking alarm bilang palatandaan na kami’y papasok
dahil 6:45 na.
Nakabihis na kami ng aking Ate, at handa na kaming pumasok sa eskuwela.
Habang kami ay nasa daan papunta sa aming eskuwela, nakatitig ako sa bintana ng
aming sasakyan. Sapat na liwanag ang bigay ng araw at konti pa lang ang mga ulap.
Hindi payapa ang paligid, maging ang aking isip. Dahil hanggang sa puntong ito, iniisip
ko pa rin ang buong mundong ililigtas ko na sana sa aking panaginip. Dahil hindi ako
mapakali, kinausap ko ang aking Ate habang siya ay nagseselpon. “Ate, anong
ginagawa mo?” tanong ko. “Heto, humihinga malamang.” Sagot niya na parang nang-
aasar. “Ano nga?” Pangungulit ko. “Wala, nanonood lang sa TikTok”, sagot niya. “Wala
daw pero may sagot.” Pang-aasar ko rin sa kaniya. Saka ko sinundan ng isa pang
tanong, “Ate, bakit tayo pumapasok sa paaralan?”
“Pumapasok tayo sa paaralan dahil mayroon tayong mga pangarap sa buhay.
At ang mga pangarap na ito ay maaaring para sa iyong sarili, sa ating pamilya, o sa
iyong bansa. Pero, mas maganda kung ang magiging dahilan mo ng pagpasok mo sa
eskuwela ay dahil may pangarap ka para sa lahat.” Hindi ko masyadong mawari ang
kaniyang binanggit kaya hindi ko na ito kinulit pa.
Panibagong yugto na naman ng aking buhay. Nakarating na kami sa aming
eskuwela. Kaya nagpaalam na kami sa naghatid sa amin at bilang nakaugalian ay
nagmano kami “Mano po, inay, mano po itay.”
Nakaupo ako sa aking upuan habang nagtuturo ang aming guro sa aming
harapan. Mayamaya, bigla niyang tinanong kung ano ang gusto naming maging
paglaki. May sumagot ng pulis, doktor, inhinyero, nars, piloto, at guro. Kalakip ng
kanilang mga sagot ang kanilang mga dahilan. May nagdahilan na para yumaman,
para mahuli ang mga nangunguha ng bata, para makapagpatayo ng malaking bahay,

9
at para mapahaba ang buhay ng kanilang mga magulang.
Ngunit ako, bumalik ang gunita kanina. Iniisip ko ang sinabi ng aking Ate na
pangarap para sa lahat. Ito ay isang hiwaga kaya sa puntong ako na ang tinanong ng
aming guro kung ano dahilan ko, ay agad kong isinagot ‘yung sinabi ng aking ate dahil
wala na akong maisip na dahilan. “Dahil may pangarap ako para sa lahat.” Ngumiti
lang ang aking guro.
Pagkatapos ng aming klase, ay agad na kaming umuwi ng aking Ate. At noong
kami ay nakauwi na, napagtanto ko na ang lahat. Na hindi magkaiba ang panaginip at
pangarap.
Gabi noon. Nakadungaw ako sa aming bintana. Maliwanag ang buwan at
nagniningning ang mga tala sa langit. Payapa ang paligid, maging ang aking isip. Sa
aking pagpikit, ako ay nanaginip. At sa aking panaginip, ililigtas ko na sana ang buong
mundo mula sa panganib. Ngunit, bigla akong nagising. At sa aking pagkagising,
nagkaroon ako ng tanglaw, ang pangarap para sa lahat.
Ako si Jess. Balang-araw ako’y magiging si Darna, ililigtas ko ang lahat sa
pamamagitan ng propesyong pipiliin ko.

PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
300-350 salita mababang Antas ng Kuwento. MAGPATULOY SA
nang walang SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

10
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 4: Baitang 11

ANTAS 5: KUWENTO NA MAY KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tekstong may
300-350 salita at nasasagot nang tama ang pito o higit pang tanong mula sa sampung
katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Kuwento:

(Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 4 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Ang salitang takipsilim ay nangangahulugang ___________.


A. hapon na
B. mag-uumaga na
C. magdidilim na
D. pagsikat ng araw
2. “Bigla akong naalimpungatan sa pagkatok ulit ng aking Ate”. Ano ang
kahulugan ng nakaitalisadong salita?
A. Nabuwisit
B. Nagalit
C. Nagising
D. Nakatulog
3. Sa aking pagkagising, nagkaroon ako ng tanglaw, ang pangarap para sa lahat.
Alin sa sumusunod ang kasalungat ng nasalungguhitan?
A. Liwanag
B. Pag-asa
C. Pagkadismaya
D. Patnubay

11
4. Sino ang gumising kay Jess?
A. Ate
B. Kuya
C. Nanay
D. Tatay
5. Ano ang oras nang tumunog ang alarm ni Jess?
A. 6:30 ng umaga
B. 7:00 ng gabi
C. 6: 00 ng gabi
D. 6:45 ng umaga
6. Sa panaginip ng pangunahing tauhan, siya ay nagkaroon ng
_______________.
A. gantimpala
B. kapangyarihan
C. mataas na grado
D. pangarap
7. Ano kaya ang damdaming namayani sa guro at mga kamag-aral ni Jess nang
marinig ang sagot niya na: “Dahil may pangarap ako para sa lahat?”
A. Galit
B. Lungkot
C. Mangha
D. Saya
8. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?
A. Deskriptibo
B. Naratibo
C. Persuweysib
D. Prosidyural
9. Ano ang implikasyon sa buhay mag-aaral, ang nais iparating ng may-akda?
A. Mangarap ka sapagkat libre lamang ito.
B. Ang panaginip ay maaaring magkatotoo.
C. Ang panaginip at pangarap ay magkaugnay.
D. Dapat gumawa ng mabuti para matupad ang pangarap.
10. Ano ang iyong gagawin upang maabot ang iyong pangarap sa buhay?
A. Susundin kung ano ang nais ng aking mga magulang.
B. Mag-aaral nang mabuti at susundin ang nilalaman ng puso at isipan.
C. Magsisikap sa pag-aaral para hindi mabigo ang ating mga magulang.
D. Maglalakwatsa kasama ang mga barkada sapagkat sila ang nakauunawa
sa atin.

12
PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
300-350 salita at mababang Antas ng Kuwento MAGPATULOY SA
nasasagot nang na may Komprehensiyon. SUSUNOD NA ANTAS.
tama ang pito o
higit pang tanong
mula sa
sampung
katanungan?

13
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 4: Baitang 11

ANTAS 6: LOKAL NA MATERYAL

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tesktong may
300-350 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad ang maikling pagpapaliwanag ukol sa lokal na materyal upang mapukaw ang
kaniyang mga naimbak na karanasan na may kaugnayan sa babasahing teksto.
2. Ibigay ang babasahing lokal na materyal sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Hayaan ang mag-aaral na basahing may katamtamang lakas ng boses ang lokal
na materyal.
2. Sa unang pagkakataon, habang nagbabasa ang mag-aaral, itala ang mga
kamalian gamit ang talahanayan sa ibaba:
Kabuoang Blg. ng
Maling Bigkas Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad
Kamalian

Teksto ng Lokal na Materyal:


Kannawidan: Pamanang Kultura ng mga Ilokano
ni: Sherryl F. William
Ang Kannawidan Ylocos Festival ay isang pagdiriwang na taunang ginugunita
sa buong lalawigan ng Ilocos Sur. Ipinagdiriwang ito tuwing huling linggo ng Enero
hanggang sa unang linggo ng Pebrero bilang paggunita sa pagbubukod ng dalawang
probinsiya – ang Ilocos Sur at Ilocos Norte noong 1818.
Nilalayon ng pagdiriwang na lumikha ng kamalayan sa pangangalaga at
preserbasyon sa mayamang pamana ng kultura, gawi at tradisyon ng mga Ilokano.
Ipinagmamalaki ng pagdiriwang ang kultura at tradisyon ng lalawigan gayundin
ang iba’t ibang produkto rito, mga masasaganang ani, musika’t sining, disenyo at
sayaw na nagsisilbing isa sa mga salik sa pag-angat ng ekonomiya ng mga Ilokano.
Ito rin ay paraan ng pagbibigay papuri’t pasasalamat sa Poong Maykapal, hindi lamang
sa masasaganang pagpapala kundi pati na rin sa mayamang pamana ng lalawigan.
Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagkakaroon ng trade fair kung saan ay ibinibida
ang One Town, One Product (OTOP) ng bawat bayan at lungsod. Dito nakikilala ang

14
mga produktong pang-agrikultura at iba pa sa bawat bayan at lungsod. Sa paraang ito
ay naipakikilala sa loob at labas ng bansa ang sariling likha at produkto ng lalawigan.
Isa rin sa pinakatampok sa pagdiriwang ang seremonya ng Indigeneous People
o IP group na nagtitipon-tipon mula sa iba’t ibang komunidad ng lalawigan. Ang bawat
makabuluhang pangyayari ay ginugunita sa pamamagitan ng mga kanta at isang
natatanging seremonya na sayaw na tinatawag na Tadek, ito ay naaayon sa matagal
nang kaugalian ng mga sinaunang Ilokano.
Nagpapasiklaban din sa ganda at talino ang mga naggagandahang binibini
mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Ilocos Sur para sa titulong “Saniata Ti Ilocos”.
Dito nakikita at nakikilala ang angking kagandahan at katalinuhan ng mga binibini ng
Ilocos Sur.
Ang lansangan ay makulay at buhay na buhay dahil sa pasiklaban ng street
dancing sa bawat bayan at lungsod ng Ilocos Sur.
May mga patimpalak din sa bawat paaralan kung saan dito nasusubok ang
kaalaman ng mga mag-aaral sa kultura at tradisyon ng lalawigan. Bawat paaralan ay
nagpapasiklaban din sa angking talento na siyang nagpapatunay na ang mga Ilokano
ay mga talentadong tao. Sa ganitong kaparaanan ay naimumulat ang mga mag-aaral
sa kultura at tradisyong taglay ng lalawigan.
Tunay ngang kayamanang maituturing ang Kannawidan, ipagpapatuloy at
magpapasalin-salin sa susunod pang mga henerasyon. Ang lahat ng nabanggit ay
makatutulong upang mapanatili ang kulturang ipinagmamalaki para sa adhikaing lalo
pang mapaunlad at mapagyaman ang sariling atin at pagkakakilanlan.
Nangangailangan itong pangalagaan dahil ito ang nagpapatingkad sa mga kultura at
tradisyon na nakaaakit din sa mga lokal at dayuhang turista.

PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-aaral
ang tesktong may IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
300-350 salita nang Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
walang kamaliang mababang Antas ng Lokal MAGPATULOY SA
hihigit sa 7-10 salita? na Materyal. SUSUNOD NA ANTAS.

15
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 4: Baitang 11

ANTAS 7: LOKAL NA MATERYAL NA MAY KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tekstong may
300-350 salita at nasasagot nang tama ang pito o higit pang tanong mula sa
sampung katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Teksto ng Lokal na Materyal

(Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 6 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Ipinagdiriwang ang Kannawidan Ylocos Festival bilang paggunita sa pagbubukod


ng Ilocos Sur at Ilocos Norte. Ano ang kasingkahulugan ng nasalungguhitang salita?
A. Pag-alala
B. Pagbunyi
C. Pagdiriwang
D. Pagkilala
2. Ipinagmamalaki ng mga Ilokano ang kulturang kanilang kinagisnan.Ano ang
kasalungat ng salitang nasalungguhitan?
A. Ikinagagalit
B. Ikinakahiya
C. Ikinagagalak
D.Ipinagmamayabang
3. Tuwing ipinagdiriwang ang Kannawidan Ylocos Festival ay nagtitipon-tipon ang mga
Ilokano. Ang nagtitipon-tipon ay nangangahulugang________________.
A. Nagkikita-kita
B. Nagsasama-sama
C. Nagkukumpulan
D. Nag-uusap-usap
4. Ano ang kapistahang ipinagdiriwang ng mga taga-Ilocos Sur tuwing huling linggo
ng Enero hanggang unang linggo ng Pebrero?

16
A. Kannawidan
B. Ylocos Festival
C. Kannawidan Festival
D. Kannawidan Ylocos Festival
5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa nabanggit na pagdiriwang sa Ilocos Sur?
A. Santacruzan
B. Saniata ti Ilocos
C. One Town One Product
D. Seremonya ng Indegenous People

6. Ano ang ibinibida sa trade fair?


A. mga pagkain mula sa Ilocos Sur
A. iba’t ibang produkto ng Ilocos Sur
B. magagandang binibini sa Ilocos Sur
C. kultura at tradisyon ng mga Ilokano

7. Batay sa teksto ano ang layunin ng pagdiriwang?


A. Maipagdiwang ang kapistahan.
B. Maipakilala sa mundo ang Kannawidan Ylocos Festival.
C. Maitampok ang natatanging kultura at tradisyon ng mga Ilokano.
D. Lumikha ng kamalayan sa pangangalaga at preserbasyon sa mayamang
pamana ng kultura, gawi at tradisyon ng mga Ilokano

8. Ano ang layunin ng sumulat ng teksto?


A. Magbigay-aral sa mga Ilokano.
B. Maghatid ng bagong kaalaman.
C. Mapanatili ang kultura ng mga Ilokano.
D. Maipakilala ang kultura ng mga Ilokano.

9. Bakit mahalagang ipagdiwang ang mga kapistahan tulad ng Kannawidan Ylocos


Festival?
A. Upang maging masaya ang mga tao.
B. Upang maipamalas ang talento ng mga tao.
C. Upang magkaroon ng kamalayan ang mga tao hinggil kultura.
D. Upang gunitain ang makasaysayang pangyayari sa lalawigan.

10. Ano ang magiging epekto kung hindi maimumulat sa mga kabataan ang kultura at
tradisyong kinagisnan?
A. Mababago ang kultura at tradisyon ng isang lugar.
B. Mananatili pa rin ang kultura at tradisyon ng isang lugar.
C. Maaaring mamatay ang kultura at tradisyon ng isang lugar.
D. Magiging modernisado ang kultura at tradisyon ng isang lugar.

17
PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
300-350 salita at mababang Antas ng Lokal na MAGPATULOY SA
nasasagot nang Materyal na may SUSUNOD NA ANTAS.
tama ang pito o Komprehensiyon.
higit pang tanong
mula sa
sampung
katanungan?

18
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 4: Baitang 11

ANTAS 8: AKADEMIKONG TEKSTO

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tesktong may
300-350 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad ang maikling paliwanag sa pagbasa ng akademikong teksto upang mapukaw
ang iskemang kaalaman ukol sa teksto.
2. Ibigay ang babasahing akademikong teksto sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Hayaan ang mag-aaral na basahin nang malakas ang akademikong teksto.
2. Sa unang pagkakataon, habang binabasa ng mag-aaral ang akademikong teksto,
ilista ang bilang ng mga salitang mali ang pagbasa ng mag-aaral gamit ang
talahanayan sa ibaba:
Kabuoang Blg. ng
Maling Bigkas Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad
Kamalian

Akademikong Teksto:

Gamit ng Wika sa Iba’t Ibang Larang


ni: Jessica R. Cadang
Wika ang isa sa mga daluyan ng komunikasyon. Kung walang wika, mahirap
nating maintindihan ang mga taong ating nakasasalamuha. Marahil kung walang wika,
wala na rin ako sa harap ninyo na nagsasalita. Sa madaling salita, ang wika ang
nagsisilbing tulay upang makipag-ugnayan sa kapwa nang maipahayag natin ang mga
ideya, hangarin, saloobin, o kaisipan.
Magandang araw sa inyong lahat na nagtipon-tipon sa pagkakataong ito para
makinig sa mga sasabihin ko—sa aking talumpati tungkol sa kung ano ang wastong
gagamiting wika sa larangan ng Edukasyon, Pamahalaan, at Kalakalan.
Base sa linagdaan ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang wika na
dapat na talamak na ginagamit sa larangan ng edukasyon, ay wikang Ingles. Subalit
sa kabilang bahagi, sa bagong kurikulum na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno
C. Aquino III, sa Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education, ang mother tongue o

19
unang wika ang mas dapat na talamak na ginagamit ng mga mag-aaral mula
Kindergarten hanggang ika-3 baitang, kahit saang paaralan man sila nag-aaral:
pampribado man o pampubliko.
Kung hihimayin natin nang maigi kung ano ba ang kahalagahan ng kurikulum
na linagdaan ng dating Pangulong Benigno C. Aquino III, mapagtatanto nating may
magandang naidudulot ito sa mga batang mag-aaral: mas mahuhubog ang kanilang
kakayahang makipag-ugnayan sa loob ng kanilang tahanan; bibigyan nila ng
importansiya ang wikang kanilang kinamulatan; at mauunawaan nila ang ibig sabihin
ng mga salitang hindi gaano naririnig ng kanilang mga tainga.
Dahil sa kurikulum na ito, napapanatili nito ang ating sariling wika, ang wikang
Filipino kasabay ng Ingles na gamitin at ituro sa mga paaralan maging sa mas mataas
pang antas. Ngunit sa kabilang banda, inalis ng CHED ang asignaturang Filipino sa
kolehiyo. Sa tingin niyo? Sapat na ba pag-aaral sa wikang Filipino upang tayo’y maging
bihasa rito? Maalam ka na ba sa paggamit ng mahabang ‘nang’ at maikling ‘ng’, ang
‘din’ at ‘rin’, at marami pang iba? Hindi ko madalumat ang pangyayaring ito.
Sa pagsunod sa mga pamantayang inilabas ng DepEd, CHED at ng KWF,
nakasisiguro tayong mas higit na malilinang at lumaganap ang unang wika ng mga
mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino kasabay ng pagkatuto nila ng wikang Ingles
upang mas mauunawaan nila ang kanilang mga lektura na pinag-aaralan.
Sa kabilang banda naman, sa larangan ng pamahalaan, ang kasulukuyang
wika na ginagamit sa mga opisyal na pagdinig ay wikang Filipino pero may mga
pagkakataon na gumagamit ng code switching. Ang mga nanunungkulan sa gobyerno
dahil wala silang mahanap na katumbas na salita nito sa ating sariling wika. Ang
paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng pamahalaan ay nakatutulong upang mas
lumawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan, at mas
maiintindihan ng mga simpleng tao na walang gaanong alam pagdating sa wikang
Ingles ang mga bagay na sinasabi ng mga nanunungkulan sa gobyerno.
Panghuli, sa larangan ng kalakalan, malaki ang naidudulot ng wika dahil sa
pakikipagkalakalan nagaganap ang pakikipagtalastasan. At dahil sa pagbabagong
nagaganap sa mundo, nagbabago rin ang paraan ng pakikipagnegosasyon ng tao. Sa
bansa nating Pilipinas, nagkaroon tayo ng call center at malalaking kompanya o mas
kilalang multi-national companies, dahil dito, ang wikang Ingles ang ginagamit sa
pakikipagkalakalan. Dahil bagaman nakabase ang mga ito sa ating bansa, ang
kanilang binibigyan ng serbisyo ay mga dayuhan kaya’t dapat lang na wikang Ingles
ang kanilang gamitin. Dahil kung ang wikang Filipino ang gagamitin sa
pakikipagkalakalan, hindi mauunawaan ng mga dayuhan ang kanilang sinasabi na
magdudulot ng pagbaba ng kita. Maging ang mga nailalabas na memo, mga
kontratang pinapipirmahan, mga liham-pangangalakal, at sa mga nai-po-post sa
Social Media sa Print Advertisement tulad sa broadsheet at magasin, wikang Ingles
ang kanilang ginagamit. Dahil ang target nilang konsyumer ay hindi lamang nakatuon
sa ating bansa kundi sa buong mundo.
Subalit, hindi pa rin maaalis na gamitin sa larangan ng kalakalan ang ating
sariling wika. Mapapansin na pinanatili ang paggamit ng wikang Filipino at iba pang

20
barayti nito sa mga merkado sa bansa at maging sa mga pabrika at pagawaan. Maging
sa palatatas sa telebisyon at radyo, wikang Filipino ang talamak na ginagamit, dahil
naniniwala ang mga prodyuser na mas maraming bibili sa kanilang produkto kung
Filipino ang gagamitin sa mga palatastas sa kadahilanang mga Pilipino ang nanonood
at nakikinig sa telebisyon at radyo.
Sa mga larangan na aking nailahad, masasabi kong ang wika ay mahiwaga.
Ito ang tulay upang makipag-ugnayan sa kapwa nang maipahayag natin ang mga
ideya, hangarin, saloobin, o kaisipan. Kaya’t kung maaari, gamitin natin ito nang tama
sa tamang oras at sa tamang kinaroroonan.
Maraming salamat sa inyong pakikinig. Mabuhay ang wika, lalo na ang wikang
Filipino.

PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tesktong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
300-350 salita mababang Antas ng MAGPATULOY SA
nang walang Akademikong Teksto. SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

21
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 4: Baitang 11

ANTAS 9: AKADEMIKONG TEKSTO NA MAY


KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang akademikong


teksto na binubuo ng 300-350 salita at masagutan ang pito o higit pa mula sa
sampung katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Akademikong Teksto

(Sumangguni sa Tekstong ginamit sa Antas 8 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Wikang Filipino ang talamak na ginagamit sa larangan ng edukasyon. Ang


nasalungguhitang salita ay nangangahulugang?
A. Bago
B. Laganap
C. Madali
D. Matindi

2. Ang salitang hihimayin sa teksto ay ay nangangahulugang?


A. Bibilangin
B. Hahanapin
C. Isa-isahin
D. Pagdidikitin

3. Alin sa sumusunod ang hindi kasing-kahulugan ng salitang madalumat.


A. Maintindihan
B. Maisip
C. Makita
D. Maunawaan

22
4. Tungkol saan ang iyong binasang talumpati?
A. Gamit ng Wika
B. Kahalagahan ng Wika
C. Kahulugan ng Wika
D. Kasaysayan ng Wika

5. Alin sa sumusunod na larang na gamit ng wika ang hindi nabanggit?


A. Edukasyon
B. Kalakalan
C. Pamahalaan
D. Transportasyon

6. Batay sa teksto, anong wika ang ginagamit sa kalakalan?


A. Filipino
B. Ingles
C. Iloko
D. Tagalog

7. Ano ang ipinahihiwatig ng “Hindi pa rin maaalis na gamitin sa larangan ng


kalakalan ang Wikang Filipino”.
A. Hindi masyadong naiintindihan ang wikang Ingles.
B. Bahagi na ng kultura ang paggamit ng wikang kinagisnan.
C. Walang ibang pagpipilian ang mga Pilipinong nakikipagkalakan kundi
sariling Wika.
D. Hindi lamang dayuhan ang kaugnayan sa kalakalan kaya mainam na
gumamit ng Filipino.

8. Ano ang layunin ng sumulat sa talumpati?


A. Magbigay-aliw
B. Magbigay-aral
C. Magbigay-impormasyon
D. Magbigay-inspirasyon

9. Sa iyong palagay, bakit kaya tinanggal ang Asignaturang Filipino at Panitikan


sa Kolehiyo?
A. Hindi naman ito ginagamit sa trabaho.
B. Kabilang na ito sa K to 12 Kurikulum.
C. Magagaling na ang mga kolehiyo.
D. Maunlad na ang Wikang Filipino.

10. Ano ang magiging epekto kung walang mangyayaring code switching sa
larangan ng edukasyon?
A. Magiging mataas pa rin ang grado ng mga mag-aaral.
B. Tataas ang antas ng Wikang Filipino ng mga mag-aaral.
C. Hindi mauunawaan ng mga mag-aaral ang mahihirap na konsepto.
D. Hindi magiging mabuti ang kalagayang emosyonal ng mga mag-aaral.

23
PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. NATAMO NG MAG-AARAL
akademikong Ang mag-aaral ay nasa mas ANG PINAKAMATAAS NA
teksto na mababang Antas ng ANTAS.
binubuo ng 300- Akademikong Teksto na may
350 salita at Komprehensiyon.
masagutan ang
pito o higit pa
mula sa
sampung
katanungan?

Ipaliwanag sa mag-aaral na nakamit niya ang


pinakamataas na antas ng pang-unawa. Hikayatin ang iyong
mag-aaral na ipagpatuloy ang pagbabasa upang mas lalo
pang mahasa ang kaniyang kasanayan. Huwag kalimutang
pasalamatan ang mag-aaral sa kaniyang kooperasyon at
partisipasyon sa buong proseso ng pagtatasa. Maraming
Salamat sa iyong dedikasyon sa pagsasagawa ng pagtatasa
gamit ang FLAT. Maaari ka ng magpatuloy sa paghahanda
ng mga kailangang ipasang ulat ukol sa isinagawang
pagtatasa.

24
Mga Susing Salita:

(Sumangguni sa antas na may mga tanong sa pang-unawa)

ANTAS 5 KUWENTO NA MAY KOMPREHENSIYON:


1. C
2. C
3. C
4. A
5. D
6. B
7. C
8. B
9. D
10. C

ANTAS 7 LOKAL NA MATERYAL NA MAY KOMPREHENSIYON:


1. A
2. A
3. B
4. D
5. A
6. A
7. D
8. C
9. C
10. C

ANTAS 9 AKADEMIKONG TEKSTO NA MAY KOMPREHENSIYON:


1. B
2. C
3. C
4. A
5. D
6. A
7. D
8. C
9. B
10. C

25

You might also like