Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

1

LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)


Manual for Teachers and Parents
English, First Edition, 2023

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from them. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education, Region 1


Secretary: Sarah Z. Duterte
Undersecretary: Gina O. Gonong

Development Team
Writers:
Maricel L. Acosta Jessica R. Cadang Mary Grace B. Casita
Editha M. De Guzman Oscar R. Gamiao Jr Maricel N. Guerrero
Moises M. Lopez III Hazel Ann S. Negranza Julius P. Pajarillo
Enrico Lee E. Suarez Allan M. Utleg Ana Fe R. Velo
Jolly T. Victorio Sherryl F. William

Layout Artists
and Illustrators: Bobbit Dale M. Bulatao, San Carlos City
Santino B. De Jesus, San Carlos City
Armando S. Vinoya, San Carlos City
Ligaya P. Daguison, Pangasinan 2

Editors:
Elisa R. Ranoy, Alaminos City Zorayda S. Paguyo, Batac City
Marilou Omotoy, Batac City Edgardo P. Pescador, Candon City
Gemma M. Erfelo, Dagupan City Editha R. Mabanag, Ilocos Norte
Remilyn P. Abrogena, Ilocos Norte Maria Teresita R. Gapate, Ilocos Sur
Juanito V. Labao, Laoag City Louisito Libatique, La Union
Melchora N. Viduya, Pangasinan I Annabelle M. Parel, Pangasinan II
Vivian V. Ofanda, San Carlos City Rowena R. Abad, San Fernando City
Perlita F. Abat, San Fernando City Edmundo A. Bisquera, Urdaneta City
Felipa T. Regaspi, Vigan City

Project Proponent: Joselito D. Daguison, EPS-Filipino


Consultants: Arlene A. Niro, Chief Education Supervisor, CLMD
Rhoda T. Razon, Assistant Regional Director
Tolentino G. Aquino, Director IV

2
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 10

ANTAS 1: SALITA

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang labintatlo (13) o
higit pa mula sa dalawampung (20) salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Sabihin sa mag-aaral: Ang bahaging ito ng pagtatasa ay naglalayong masukat ang
iyong kakayahan sa pagbasa ng salita. Inaasahan ko na mabasa mo nang wasto
ang mga ito. Handa ka na ba?
2. Ibigay ang talaan ng mga babasahing salita kung handa na ang mag-aaral.
3. Ipabasa ang mga salita mula sa taas pababa.

HABANG ISINASAGAWA ANG PAGTATASA


1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Lagyan ng tsek (/) ang bawat salitang nabasa nang wasto at ekis (x) naman kung
mali. Gamitin ang nakalakip na Pormularyo ____.

MGA SALITA
impluwensiya karamay kompyuter imposible
klasisismo globalisasyon galamay aliw-iw
agaw-buhay pamaypay pandemya pamatid-uhaw
brilyante kalabaw salaysay trabaho
dekonstruksiyon pantablay glamorosa emansipasyon

PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
labintatlo (13) o Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
higit pa mula sa mababang Antas ng Salita. MAGPATULOY SA
dalawampung SUSUNOD NA ANTAS.
(20) salita?

3
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 10

ANTAS 2: PANGUNGUSAP

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang anim (6) o higit pa
mula sa sampung (10) pangungusap.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang sipi ng sampung (10) pangungusap na babasahin ng mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Masinsinang makinig sa pagbabasa ng mag-aaral. Markahan ang mga kamalian
sa kanyang sipi.

PANGUNGUSAP

1. Ginagamit ang internet sa pananaliksik at pakikipagkomunikasyon sa buong mundo.

2. Nirerepaso ng kagawaran ang kurikulum sa antas primarya at sekondarya.

3. Iwasan ang diskriminasyong panlahi at igalang ang karapatang- pantao.

4. Galit ang mga prayle kay Simoun kaya siya ay pinaratangang pilibustero.

5. Ugaliin ang responsableng paggamit ng hatirang pangmadla upang maiwasan ang

pagpapakalat ng maling impormasyon.

6. Ang kabataan ay nararapat magkaroon ng kamalayang global upang makaagapay

sa nagbabagong daigdig.

7. Dumalo ang mga guro sa webinar bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.

8. Tunay nga namang ang mga anak ay maituturing na kayamanan ng magulang at sila

rin ay kanilang katuwang sa pagtanda sapagkat isa itong paraan ng pagpapadama

ng pagmamahal sa kanila.

9. Ang Maylikha lamang ang bukod-tangi nating sandigan at Siya rin ang una at huli

nating pag-asa kapag dumaranas ng mga pagsubok.

4
10. Ayon sa DOH, bahagyang tumaas ang kaso ng COVID-19 kaya muling nagpaalala

ang pamahalaan ng ibayong pag-iingat at pagsunod sa health protocols.

PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

HINDI OO
Nabasa ba nang
wasto ng mag- IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
aaral ang anim Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
(6) o higit pa mula mababang Antas ng MAGPATULOY SA
sa sampung (10) Pangungusap. SUSUNOD NA ANTAS.
pangungusap?

5
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 10

ANTAS 3: TALATA

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang 90-110 salita sa
loob ng isang minuto nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang babasahing talata sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Sikaping itakda ang oras sa mag-aaral na sa loob ng isang minuto ay
makapagbasa siya ng 90-110 salita.

Talata:

TIME LAPSE
ni Julius P. Pajarillo

Ang buhay ay parang orasan, mabilis umikot, mabilis lumipas. 9


Kasimbilis nito ang paghahabulan ng mga ulap sa kalangitan at pagkalagas ng 12
mga dahon mula sa sangang pinangapitan sa sandaling panahon. Lahat ay may 12
misteryong kahit tayo ay nahihirapang maintindihan. May mga maliliit na detalye 11
nito na di-masyadong napagtutuunan. 4

Madalas ang pakiwari natin na ganito ang buhay. Iba-iba ang 10


ating pinagkakaabalahan, samu’t sari ang ating pinaggugugulan. Tingin nati’y 9
napakasimple ng buhay subalit marami sa mga oras natin ay parang 11
isang gintong nasasayang lamang. Mabilis lumipas ang mga sandali at 10
dahil sa iba-iba ang ating prayoridad, may mga bagay na nakakaligtaang gawing 12
mas mahalaga pa kaysa sa mga bagay na ating inuuna. Inaaksaya ang 12
oras sa mga gawaing di-makabuluhan. Nagsasayang. Pinalilipas lamang. 8
Ang gintong panahong di naman binigyang-halaga at napupunta lamang 9
sa wala. Umaabante ang teknolohiya pero ang mundo ay hindi bumabata. 11
Maraming imbensiyon ang nakapagpapagaan ng mga araw-araw na gawain 9
pero ang kapalit ay pagbabago; pagbabagong paurong at hindi pasulong. 10

Napakabilis ng pagbabago, hindi ba? Ngunit kung tutuusin, 8


ang pagbabagong ito ay siya namang humihila sa atin upang kumawala 11
ang koneksiyon sa Kaniya, sa sarili, at sa mga taong nagpapahalaga. 11
Tulad ng time lapse, ang pagkilos ay bilisan na, baka mapag-iwanan pa tayo. 13
Maaaring mawili tayo at di-namamalayang wala na pala. 8
210

6
PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang 90-110 IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
salita sa loob ng Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
isang minuto mababang Antas ng Talata. MAGPATULOY SA
nang walang SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

7
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 10

ANTAS 4: KUWENTO

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang kuwentong may
250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang babasahing kuwento sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Itala ang mga kamalian (maling bigkas, pagkakaltas, pagpapalit, pagsisingit, pag-
uulit, paglilipat, pagbaliktad) na ginawa ng mag-aaral gamit ang talahanayan ng
mga kamalian.

Talahanayan ng mga Kamalian


Maling Kabuoang Blg.
Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad
Bigkas ng Kamalian

Kuwento:
Silang mga Gising sa Bukang-Liwayway
Ni Allan M. Utleg

Nagising ako bigla nang tila may naulinigan akong nag-uusap. Tiningnan ko
ang orasan at alas-tres pa lamang ng madaling-araw. Abalang-abala ang nanay sa
pagtimpla ng kape. Umupo ang tatay sa harap ng mesang gawa sa kahoy at
humihigop ng kape.
“Bakit kailangan mong pumalaot ng ganitong oras?” Isang katanungang
paulit-ulit kong naririnig mula sa aking ina. Nagtataka naman ako sa aking ama kung
bakit hindi siya umiimik. Sa halip ay ipinapagpapatuloy lamang niya ang paghigop
sa kape.
Maya-maya pa’y tumayo na ang aking ama at agad tumungo sa kaniyang
bangka. Sumunod naman ang aking inang dala-dala ang pang-almusal ni Itay.
Pinagmasdan ko silang dalawa. Kapwa itinulak ang bangka. Iniabot na ni Inay
ang dala niya. Nagsimula na ring gumaod ang aking ama.
Halos isang kilometro na ang narating ng bangkang lulan ng aking ama. Bigla
namang kumaway sabay sigaw ng “Mag-ingat ka mahal!” ang aking ina.
Napangiti ako sa narinig sapagkat napakatamis ang pagkakasigaw ng aking
ina. Nakangiting lumingon ang aking ama.
Bumalik na ang aking ina sa aming munting tahanan. Nasulyapan akong

8
nakasilip sa may pintuan ng kuwarto. Tinawag ako at pinaupo sa harapan ng mesa.
Nakabibinging katahimikan ng mga sandaling iyon ngunit nilakasan ko ang aking
loob na magtanong sa kaniya.
“Nay, bakit po ba kailangan ninyong gumising ni Itay nang maaga? Lagi ko po
kasing napapansin at sa totoo lang, naulinigan ko po kayong nag-uusap. Kanina nga
po ay nakita ko po kayong tila masinsinan kung mag-usap”.
Kasinlinaw ng malabughaw na tubig-dagat ang lahat ng mga naging
kasagutan sa akin. Ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit kailangan nilang
gumising ng bukang-liwayway.
“Pilu, anak, makinig kang mabuti. Mula pa noong bumukod na kami ng iyong
ama, lahat ay ginawa namin para sa ating pamilya. Gumigising kami ng madaling-
araw. Papalaot ang iyong ama sa dagat kahit alam kong walang kasiguraduhan
ngunit nagtitiwala ako sa Poong Lumikha sa kaligtasan niya. Ako ang naiiwang
nagbabantay sa iyo rito. Gustong-gusto ng iyong ama na matupad ang iyong mga
pangarap lalo pa’t hindi kami nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya, anak, ikaw ang
pupuno sa mga naudlot naming pangarap. Hindi kami mapapagod ng iyong ama
para maisakatuparan mo ito”.
Biglang tumulo ang aking luha nang di ko napapansin. Gayundin kay inay.
Niyakap ko siya nang napakahigpit.
“Ipinapangako ko po sa inyo ni Itay na magtatapos ako. Hinding-hindi ko kayo
bibiguin. Balang araw, hindi na kayo gigising ng bukang-liwayway”.
Nagpaalam ako saglit kay Ina. Tinungo ko ang dalampasigan. Tila naglalaro
sa aking isipan ang pangarap at pangakong binitawan habang pinagmamasdan ang
amang nakikipagbuno sa mga alon. Tumingala ako sa kalangitan at nanalangin sa
kaligtasan ng aking ama.
Kumaripas ako nang takbo sa aking ina na noo’y papalapit din sa aking
kinaroroonan. Muli ko siyang hinagkan habang nakatanaw sa may bangkang tanging
malamlam na ilawan ang nagbibigay-liwanag sa mapayapang karagatan.

PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
kuwentong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita mababang Antas ng Kuwento. MAGPATULOY SA
nang walang SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

9
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 10

ANTAS 5: KUWENTO NA MAY KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang kuwentong may
250-300 salita at masagot nang tama ang lima (5) o higit pa mula sa sampung (10)
katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Kuwento:

(Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 4 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Habang hinihigop ito, naulinigan ko silang nag-uusap. Sa konteksto ng


pangungusap, ang salitang nasalungguhitan ay nangangahulugang
______________________.
A. pinagmasdang mabuti
B. pinanood nang malinaw
C. nakita nang di-sinasadya
D. napakinggan nang hindi sadya

2. “Bakit kailangan mong pumalaot ng ganitong oras?” Sa konteksto ng


pangungusap, ang salitang nasalungguhitan ay nangangahulugang
______________________.
A. magtanim sa bukid
B. mangisda sa dagat
C. maglinis sa paliparan
D. magpasada sa kalsada

3. Balang araw, hindi na kayo gigising ng bukang-liwayway. Sa konteksto ng


pangungusap, ang salitang nasalungguhitan ay nangangahulugang
______________________.

10
A. dapit-hapon
B. hatinggabi
C. madaling-araw
D. tanghaling-tapat

4. Sino-sino ang pinatutungkulan ng Silang mga Gising sa Bukang-liwayway?


I. Itay II. Inay III. Pilu
A. I at II
B. I at III
C. II at III
D. I, II, at III

5. Anong pagkain ang inihanda ng ina para sa kaniyang asawa?


A. almusal
B. hapunan
C. meryenda
D. tanghalian

6. Anong oras nagising si Pilu?


A. alas-dos ng umaga
B. alas-tres ng umaga
C. alas-kuwatro ng umaga
D. alas-singko ng umaga

7. Anong damdamin ang nais ipahiwatig ng ina sa kaniyang isinigaw na “Mag-


ingat ka, mahal!”?
A. pag-aalala
B. paghanga
C. pagkabalisa
D. pagkagalit

8. Muling hinagkan ni Pilu ang ina habang nakamasid sa may bangkang tanging
malamlam na ilawan ang nagbibigay-liwanag sa mapayapang karagatan. Ano
ang iyong hinuha sa yakap ni Pilu?
A. Pagninilay-nilay ni Pilu sa mga ipinaliwanag ng ina sa kaniya.
B. Ito ay simbolo ng pagmamahal ni Pilu sa kaniyang mga magulang.
C. Isang repleksiyon ng pasasalamat ni Pilu sa pag-aruga ng ina sa kaniya.
D. Ito ay pangakong mag-aaral siyang mabuti upang maabot ang kaniyang
pangarap.

9. Bakit kailangang pumalaot ang ama ni Pilu sa tuwing bukang-liwayway?


A. Dahil nais niyang ipakitang siya ang kailangang magtrabaho para sa
pamilya.
B. Dahil ibig niyang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan.
C. Dahil gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang

11
pamilya.
D. Dahil hangad niyang makapagtapos at maabot ng anak ang mga pangarap
sa buhay.

10. Anong kaisipan ang nais palitawin ng kuwento?


A. Pangangako ng anak na itataguyod ang mga magulang sa kahirapan.
B. Pagsasakripisyo ng magulang para maitaguyod ang edukasyon ng anak.
C. Pagsusumikap ng ama sa kaniyang trabaho at pag-aalaga ng ina sa mga
anak.
D. Pagtutulungan ng pamilya para sa pang-araw-araw na pangangailangan.

PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tkuwentong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita at mababang Antas ng Kuwento MAGPATULOY SA
nasagot nang na may Komprehensiyon. SUSUNOD NA ANTAS.
tama ang lima
(5) o higit pa
mula sa
sampung (10)
katanungan?

12
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 10

ANTAS 6: LOKAL NA MATERYAL

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang lokal na materyal
na may 250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad ang maikling pagpapaliwanag ukol sa lokal na materyal upang mapukaw ang
kaniyang mga naimbak na karanasan na may kaugnayan sa babasahing teksto.
2. Ibigay ang babasahing lokal na materyal sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Hayaan ang mag-aaral na basahing may katamtamang lakas ng boses ang lokal
na materyal.
2. Sa unang pagkakataon, habang nagbabasa ang mag-aaral, itala ang mga
kamalian gamit ang talahanayan sa ibaba:
Maling Kabuoang Blg.
Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad
Bigkas ng Kamalian

Teksto ng Lokal na Materyal

Mula sa Luwad ang Tagumpay na Di-Huwad


ni Julius P. Pajarillo

Nakamamangha ngunit totoo. Di mo aakalain na ang mga malilikhaing kamay


at maliliksing paa ang magdadala sa kaniyang pangalan sa listahan ng mga
tinatawag na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Literal na pot of gold ang
mayroon siya dahil sa pagsisikap at pagtitiyaga sa buhay. Gusto mo bang malaman
ang daang tinahak niya para matagpuan ang ginto?

Kulang ang iyong pagliliwaliw kung hindi mo mapupuntahan ang


Pagburnayan, isa sa mga atraksiyon sa Lungsod Vigan na sa kasalukuyan ay
tinatawag na Brgy. VII. Dito makikilala at makadadaupang-palad ang 84 na taong
gulang na si G. Fidel A. Go.
Bata pa lamang siya, ito na ang kinamulatan niyang hanapbuhay ng
kaniyang pamilya. Nang bumalik ng bansang Tsina ang kaniyang mga magulang at
kapatid ay naiwan siyang mag-isa sa Pilipinas. Mahigit 100 taon na sila sa
negosyong ito sapagkat inumpisahan ng kaniyang ama noong 1922 kaya naman

13
tanyag ang Ruby Pottery di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Minana niya
ito matapos mamatay ang ama noong 1970. Ito’y kaniyang napalago at unti-unti ay
nakilala sa larang ng paggawa ng burnay.

Sa kabila ng tinamong tagumpay at kasikatan, nanatiling mapagpakumbaba


at payak ang buhay ni Tata Fidel. Bawat burnay na hinuhulma ay bunga ng pawis,
hirap at pangarap. Sa likod ng bawat burnay, saksi ang makulay at masalimuot na
buhay na kaniyang tinahak upang lasapin ang ginhawang tinatamasa sa
kasalukuyan. Ang mga burnay na ito na nakarating na sa mga sikat na hotel sa
Palawan at Davao maging sa ibang bansa ay sinlayo na rin ng naabot niya sa buhay.
Kaya naman sa bawat turistang nakakausap niya, masaya niyang naikukuwento ang
tungkol sa kanilang negosyo at buhay na pinagdaanan.

Tunay nga namang ang burnay ang naging kaagapay ni Tata Fidel upang
magkaroon ng masaya at matagumpay na buhay. Dito niya natagpuan ang gintong
mula sa luwad na daan sa pagkamit ng tagumpay na di-huwad.

PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang lokal IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
na materyal na Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
may 250-300 mababang Antas ng Lokal na MAGPATULOY SA
salita nang Materyal. SUSUNOD NA ANTAS.
walang
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

14
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 10

ANTAS 7: LOKAL NA MATERYAL NA MAY KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang lokal na


material na may 250-300 salita at masagot nang tama ang lima (5) o higit pa mula
sa sampung (10) katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Teksto ng Lokal na Materyal

(Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 6 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Kulang ang iyong pagliliwaliw sa Vigan kung hindi mo mapupuntahan ang


Pagburnayan. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay _________.
A. pagbisita
B. paglalakbay
C. pagtuklas
D. pamamasyal

2. Ang akala ng lahat ay huwad lamang na maabot ni Go ang kaniyang


pangarap. Ano ang kasalungat ng salitang huwad?
A. peke
B. plastik
C. tama
D. totoo

3. Ang kasingkahulugan ng salitang makadaupang-palad ay ______________.


A. basahin ang palad
B. makamayan
C. maghawak-kamay
D. mayakap

15
4. Anong karangalan ang iginawad kay G. Fidel Go noong 1998?
A. Dakilang Pilipino ng Taon
B. Pambansang Gawad Sining
C. Pambansang Alagad ng Sining
D. Alagad ng Magbuburnay sa Pilipinas

5. Ano ang pangalan ng pagawaan ng burnay na pagmamay-ari ni G. Fidel Go?


A. Go Pottery
B. Pagburnayan
C. Pot of Gold
D. Ruby Pottery

6. Kailan nag-umpisa ang negosyo sa pagbuburnay ng pamilyang Go?


A. 1912
B. 1922
C. 1932
D. 1942

7. Mula sa tekstong binasa, alin sa sumusunod ang naging susi ni G. Fidel Go


upang makilala sa larangan ng industriya ng pagbuburnay?
A. Pagsisikap at pagtitiyaga
B. Pagkamakatao at pagkamakabansa
C. Pagpapakumbaba at pagkamalikhain
D. Pagkamakabayan at pagkamaka-Diyos

8. Bakit ipinagpatuloy ni G. Fidel Go ang paggawa ng burnay?


A. Dahil ito na ang kilalang negosyo noon.
B. Dahil ito ay minana pa niya sa kanyang ama.
C. Dahil ito lang ang tanging alam niyang gawin.
D. Dahil wala siyang natapos na kursong maaaring gamitin upang
makapagtrabaho.

9. Karapat-dapat ba siyang parangalang Pambansang Alagad ng Sining? Bakit?


A. Oo, dahil tumanda na siya sa industriyang ito.
B. Oo, dahil sa kanyang makabuluhang ambag sa ekonomiya at sining-
Pilipino.
C. Hindi, dahil wala naman siyang magandang kontribusyon sa
industriyang ito.
D. Hindi, dahil mayroon namang mas karapat-dapat pang tumanggap ng
ganitong prestihiyosong parangal.
10. Paano napanatiling matagumpay ni G. Fidel Go ang kaniyang negosyo?
A. Inalagaan at pinalago niya ito nang mabuti.
B. Ito ang ipinangako niya sa kanyang yumaong ama.
C. Tunay naman masuwerte siya sa ganitong uri ng negosyo.
D. Nakilala ang burnay at dumami ang tumangkilik sa kanilang produkto.

16
PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang lokal IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
na materyal na Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
may 250-300 mababang Antas ng Lokal na MAGPATULOY SA
salita at nasagot Materyal na may SUSUNOD NA ANTAS.
nang tama ang Komprehensiyon.
lima (5) o higit pa
mula sa
sampung (10)
katanungan?

17
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 10

ANTAS 8: AKADEMIKONG TEKSTO

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang akademikong


tekstong may 250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad ang maikling paliwanag sa pagbasa ng akademikong teksto upang mapukaw
ang iskemang kaalaman ukol sa teksto.
2. Ibigay ang babasahing akademikong teksto sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Hayaan ang mag-aaral na basahin nang malakas ang akademikong teksto.
2. Sa unang pagkakataon, habang binabasa ng mag-aaral ang akademikong teksto,
ilista ang bilang ng mga salitang mali ang pagbasa ng mag-aaral gamit ang
talahanayan sa ibaba:
Kabuoang
Maling
Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad Blg. ng
Bigkas
Kamalian

Akademikong Teksto:

Surimbasa sa Nobelang El Filibusterismo


ni Allan M. Utleg

Ilang dantaon na ang lumipas nang isinulat ni Dr. Jose Rizal ang nobelang
politikal na El Filibusterismo. Naging inspirasyon niya ang tatlong paring martir. Ang
nobela ay naglalarawan ng mga kanser sa lipunan gaya ng pananamantala sa
kahinaan, pang-aalipusta sa karapatan, pagkait ng kalayaan at pagkubli ng
katotohanan sa mga Pilipino.
Maaksiyon ang daloy ng nobela mula sa paglalakbay ng Bapor Tabo
hanggang sa pagsasakatuparan ng mga planong paghihiganti ni Simoun. Lantad
ang diskriminasyon sa bapor sapagkat ang mga mayayaman at makapangyarihan
ay na sa ibabaw ng kubyerta samantalang ang mga mahihirap ay na sa ilalim nito.
Litaw ang magkakatunggaling puwersa nina Simoun at Basilio. Alam ni Basilio na si
Simoun at si Juan Crisostomo Ibarra ay iisa. Hinikayat ni Simoun si Basilio na umanib
sa isasagawang paghihiganti subalit hindi agad iyon tinanggap ni Basilio sapagkat
nais niyang makapagtapos ng pag-aaral.
Naging madamdamin naman ang pagmamahalang Isagani at Paulita

18
sapagkat sila ay pinagtagpo ngunit hindi itinadhana ng kuwento. Mas pinili ni Paulita
na magpakasal kay Juanito Pelaez dahil sa yaman. Gayunpaman, hindi kinain ng
galit si Isagani sapagkat iniligtas pa rin niya ang mga taong dumalo sa kasalan.
Inihagis niya ang lamparang sana ay tutupok sa bahay ni Kapitan Tiyago na
magdudulot ng kasawian sa mga dumalo. Dahil sa kaniyang ginawa, agad na tinugis
ng mga guwardiya-sibil si Simoun sapagkat siya ang nagbigay ng lampara bilang
regalo.
Isiniwalat din sa nobela kung bakit may mga Pilipinong walang pagmamahal
sa sariling bayan gaya ni Donya Victorina, may mga bangungot ng nakalipas gaya
ng pagiging biktima ng pagkakataon ni Basilio, at may mga nasimulang nauwi
lamang sa kasawian gaya ni Simoun na uminom ng lason sa katapusan.
Bilang rebelasyon, ipinakilala naman ni Rizal si Padre Florentino bilang isang
paring Pilipinong may malasakit sa kaniyang kapwa. Tinulungan pa rin niya ang
katulad ni Simoun na isang makasalanan. Nagsilbing simbolo ang pari sa mga
Pilipinong hindi nasisilaw sa kayamanan dahil itinapon niya sa karagatan ang mga
hiyas ni Simoun upang hindi na ito makapagdulot ng kasamaan.
Sa katunayan, ang nobela ay kinasangkapan ni Rizal para sa walang
katapusang pagbuo ng pagbabago. Isa itong behikulo para sa makatotohanang
paglinang sa mga makabuluhang kaisipang lutang sa kaniyang akda kaugnay ng
karanasang pansarili, gawaing pangkomunidad, isyung pambansa at pangyayaring
pandaigdig. Kaugnay nito, patunay na ang nobela ay ang pagsasabuhay at
pagsasakatuparan sa layunin ni Rizal na makamit ang mga pagbabago sa likod ng
mga pang-aabusong naranasan sa panahon ng pagkakasulat ng akda.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
akademikong Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
tesktong may mababang Antas ng MAGPATULOY SA
250-300 salita Akademikong Teksto. SUSUNOD NA ANTAS.
nang walang
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

19
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 10

ANTAS 9: AKADEMIKONG TEKSTO NA MAY


KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang akademikong


tekstong may 250-300 salita at masagot nang tama ang lima (5) o higit pa mula sa
sampung (10) katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Akademikong Teksto

(Sumangguni sa Tekstong ginamit sa Antas 8 bilang babasahing materyal)


Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Nabatid ang maaksiyong daloy ng nobela mula sa pagsisimulang paglalakbay


ng Bapor Tabo hanggang sa pagsasakatuparan ng mga plano ni Simoun. Ano
ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan?
A. balak
B. hangarin
C. layunin
D. patibong

2. Naaninag ang magkakatunggaling puwersa nina Simoun sa landas na


karahasan at Basilio sa landas ng kapayapaan. Ano ang ibig sabihin ng
salitang nasalungguhitan?
A. magkaanib
B. magkasama
C. magkakampi
D. magkasalungat

3. Isiniwalat sa nobela kung bakit may mga Pilipinong walang pagmamahal sa


sariling bayan at may mga bangungot ng nakalipas. Ano ang ibig sabihin ng
salitang nasalungguhitan?

20
A. delubyo
B. panaginip
C. trahedya
D. suliranin

4. Ang El Filibusterismo ay isang nobelang politikal sapagkat inilalarawan nito


ang kanser ng lipunan. Alin ang hindi kasali sa pangkat?
A. pagkait ng kalayaan
B. pagkubli sa katotohanan
C. pang-aalipusta sa karapatan
D. pananamantala sa kapangyarihan

5. Sino sa mga tambalan ang sinasabing pinagtagpo pero ‘di tinadhana?


A. Basilio at Paulita
B. Isagani at Paulita
C. Rizal at Paulita
D. Simoun at Paulita

6. Kanino inihandog ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo?


A. Inang Bayan
B. tatlong paring martir
C. sambayanang Pilipino
D. mga kabataan ng nagbabagong daigdig

7. Kung hindi uminom ng lason si Simoun, ano kaya ang maaaring kinahinatnan
niya sa nobela?
A. Naigalang ang karapatan ng bawat mamamayan.
B. Naisakatuparan ang lahat ng kaniyang mga plano.
C. Naibigay sa mga Pilipino ang tinatamasang kalayaan.
D. Natigil ang mga pang-aabuso ng mga makapangyarihan.

8. Ano ang mabubuong larawan sa isipan kung natuloy ang pag-iibigang Isagani
at Paulita?
A. Makikisama sa mga Pilipinong nakikipaglaban.
B. Makikipagtulungang maabot ang pangarap ni Basilio.
C. Mamumuhay silang masaya kasama ang mga anak.
D. Makikipagsabwatan kay Simoun sa pagsasagawa ng plano.

9. Batay sa mga tunggaliang naganap sa mga tauhan, paano dapat harapin ang
mga suliranin sa buhay?
A. Idaan ito sa karahasan gaya ng ginawang pag-inom ni Simoun ng lason.
B. Isama sa mga suliranin ang kapwa upang hindi ka nag-iisa sa pagharap
nito.
C. Mag-isip, magdesisyon at bumuo ng makabuluhang mga bagay para sa
sarili.
D. Humingi ng payo sa mga kaibigan, kapuso, kapamilya ngunit hindi ito
susundin.

21
10. Sa pagtunton ng mga pangyayari sa nobela, ano ang ipinapabatid nito sa mga
pagsubok at realidad ng totoong buhay lalo na sa pagkamit ng kalayaan?
A. Kailangang harapin ang mga hamon at ipaglaban ang karapatan.
B. Ang karahasan ay maaaring humantong sa kasawian kung hindi ito
malalabanan.
C. Walang alipin kung walang magpapaalipin kayat kailangang lumaban
paminsan-minsan.
D. Ang pagkamit ng kalayaan at paggalang sa karapatan ay isang
katotohanang dapat isagawa ng mamamayan.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-aaral
ang akademikong IHINTO ANG NATAMO NG MAG-AARAL
tekstong may 250-300 PAGTATASA. ANG PINAKAMATAAS NA
salita at nasagot nang Ang mag-aaral ay nasa ANTAS.
tama ang lima (5) o mas mababang Antas ng
higit pa mula sa Akademikong Teksto na
sampung (10) may Komprehensiyon.
katanungan?

Ipaliwanag sa mag-aaral na nakamit niya ang


pinakamataas na antas ng pang-unawa. Hikayatin ang iyong
mag-aaral na ipagpatuloy ang pagbabasa upang mas lalo
pang mahasa ang kaniyang kasanayan. Huwag kalimutang
pasalamatan ang mag-aaral sa kaniyang kooperasyon at
partisipasyon sa buong proseso ng pagtatasa. Maraming
Salamat sa iyong dedikasyon sa pagsasagawa ng pagtatasa
gamit ang FLAT. Maaari ka ng magpatuloy sa paghahanda ng
mga kailangang ipasang ulat ukol sa isinagawang pagtatasa.

22
Susi sa Pagwawasto

ANTAS 5: KUWENTO NA MAY KOMPREHENSIYON

1. D
2. B
3. C
4. A
5. A
6. B
7. A
8. D
9. C
10. B

ANTAS 7: LOKAL NA MATERYAL NA MAY KOMPREHENSIYON


1. B
2. D
3. B
4. B
5. D
6. B
7. A
8. A
9. B
10. D

ANTAS 9: AKADEMIKONG TEKSTO NA MAY KOMPREHENSIYON

1. A
2. D
3. B
4. D
5. B
6. B
7. B
8. C
9. C
10. D

23

You might also like