Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagpili ng Strand ng mga Piling Mag-aaral sa

Santa Filomena National High School

Isinumite kay

Gng. Melody K. Federico

Bilang bahagi ng isa sa mga Pangangailangan

ng Asignatura:

“Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik XI"

Isinumite ni:

Alexa Mae Alegre

Kyle Peter Durangparang

Dea Ava Dael

Sky Echavez

Meshale Kate Piñez

Abril 2024
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagpili ng Strand ng mga Piling Mag-aaral sa

Santa Filomena National High School

Ayon sa DepEd, ang K to 12 Program ay isang learning scheme na programang

ginagamit na ng mga kanluraning bansa bilang modelo ng pag-aaral. Ang edukasyon

bago ang K to 12 ay binubuo ng sampung taong basic education, kabilang na rito ang

dalawa taon ng edukasyon ng mga bata sa senior high school. Layunin nitong ihanda

ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at

hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo,

o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo.

Ayon kay (Smith, 2011) Ang pagpili ng karera ay nakakapresyon. May mga

opsyon tulad ng: (1) Pumili ka ng landas na sa tingin mo ay tama sa pamamagitan ng

isang pinakamagaling na desisyon na nagawa mo at alam mong hindimakakapagbago

ng isip mo sa hinaharap. Ang pagpili ng karera ay kailangan mong mahalin at gustuhin

tulad ng: (1) Pumili ka ng landas na sa tingin mo ay tama sa pamamagitan ng isang

pinakamagaling na desisyon na nagawa mo at alam mong hindimakakapagbago ng isip

mo sa hinaharap. Ang pagpili ng karera ay kailangan mong mahalin at gustuhin kase ito

ang magiging kasangga mo sa buhay. Pansinin na habang dumadaan ang araw may

nagbabago: (1) Pangangailangan sa pera; (2) Kalayaan; (3) Pagbalanse sa buhay.

Pag-isipan ang mga ideya na ito at gawing paraan sa pagpili ng isang karera na

pinakamahusay.
Ayon kay (Lorenzo, 2012) Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay mayroong mga

pangunahing pagsasaalang-alang. Una, ang Interes. Ito ang pinaka batayan sa

pagsasaalang-alang sa pagpili ng pangunahing kolehiyo o kurso, at siyempre kung ano

ang gusto, dahil kaakibat dito ay ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagaaral.

Pangalawa, ang iyong kakayahan sa pagpili ng isang kurso ang pangunahing kaliangan

upang maging pursigido sa iyong mga kakayahan at mga talento. Katulad ang

isasagawang pag aaral dahil kaakibat dito ang determinasyon sa pagpili ng kurso.

Nais ng papel na ito’y mag-pokus sa mga salik na nakakaapekto sa mga piling

mag-aaral ng ika-sampung baiting sa pagpili ng nais na strand para sa paparating na

Senior High School, ito ay importante sa buhay ng isang mag-aaral kung kaya't dapat

ay pag-isipang mabuti ang pipiliing Track o Strand na kukuhain. Layunin ng pag-aaral

na ang malaman kung ano ang mga nakakaimpluwensiya at mga dapat isaalang-alang

ng mga mag-aaral sa pagpili ng nais na strand para sa Senior High School, maraming

aspeto ang nakakaapekto sa pagpili ng strand kagaya ng personalidad, kagustuhan ng

pamilya, impluwensiya ng mga kaibigan at marami pang iba, dahil dito ipinapahayag ng

papel na ito na ang pagpili ng strand ng mga piling mag-aaral ng ika-sampung baiting

para sa paparating na Senior High School ay naiimpluwensiyahan ng ibat-ibang salik.

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagbibigay ng Survey

Questionnaire sa mga piling mag-aaral ng ika-10 na pipili ng strand para sa paparating

na Senior High bilang metodo ng pangangalap ng impormasyon ayon sa layunin ng


pananaliksik na isasagawa. Magkakaroon din ng mga panayam ukol sa paksa upang

makuha ang mga pananaw at opinyon ng mga magaaral.

Inaasahang makakabuo ng 30 pahinang output ang pananaliksisk na isasagawa

na tumutugon sa layunin ng papel na ito, ang lahat ng mahahalagang datos na

makakalap ay ilalathala. Maglalaman ito ng mga datos na magbabalangkas ng mga

hakbangin upang maresolba ito. Ilalakip din ang resulta ng mga survey bilang

karagdagang pahina.
Sanggunian:

DepEd: https://www.officialgazette.gov.ph/k-12/

Smith,Tim Tyrell, 2011. How to Choose a Career that’s Best for you.

URL:(http://money.usnews.com/money/blogs /outside-voices-careers/2010/12/06/how-

to-choose-a-career-thats-best-for-you),

Lorenzo, 2012. "CHOOSING A RIGHT COURSE". University of Perpetual Help System

Dalta.

https://www.scribd.com/document/442283400/Salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-

mga-mag-aaral-ng-Fatima-ng-ng-kanilang-kurso

You might also like