Mga Istratehiya Na Magagamit Sa Aktibong Pagtuturo NG Asignaturang Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

MGA ISTRATEHIYA NA MAGAGAMIT SA AKTIBONG PAGTUTURO

NG ASIGNATURANG FILIPINO
Sang-ayon kay Dr. Pagkalinawan ng UAP, wala naman talagang makabagong
metodo o istratehiya na magiging epektibo sa pagtuturo. Ang mga dulog integratibo,
interaktibo at kolaboratib at iba pa, sa unang dinig ay waring bago subalit ang totoo
ang mga ito ay matagal nang ginagamit sa pagtuturo. Ang anumang metodo o
istratehiya ay mabisa kung ito ay angkop sa uri ng aralin, mag-aaral(edad, antas, istilo
sa pag-aaral at motibasyon), kapaligiran at layunin ng pagtuturo. Kung kaya, sap ag-
aaral ni Willing (1998), binanggit sa pag-aaral ni Badayos (1999), makatutulong sa
pagkakaroon ng matagumpay at mabisang pagkatuto ang pagsasaalang-alang sa istilo
ng mga mag-aaral. Pinangkat ni Willing (1998) ang mga mag-aaral sa apat at
nagmungkahi siya ng mga naaangkop na istratehiya sa bawat uri.

URI NG MAG-AARAL ISTRATEHIYA NG PAG-AARAL

1. Laro
2. Larawan
Mag-aaral na CONCRETE 3. Films
4. Pair work
5. Pagsasanay sa labas ng klasrum

1. Grammar
2. Pagbasa
Mag-aaral na ANALITICAL 3. Isahang pag-aaral
4. Pagtuklas ng mga solusyon
5. Problem solving

1. Guro ang nagpapaliwanag ng aralin


2. May sariling batayang aklat
3. Pagsusulat
Mag-aaral na AUTHORITY ORIENTED 4. Pagbabasa
5. Natutunan ang bagong salita kung
nakikita ito.

1. Pagmamasid at pakikinig sa mga


katutubong nagsasalita ng wika
2. Pakikipag-usap sa kaibigan na gamit
ang wikang pinag-aralan
Mag-aaral na COMMUNICATIVE
3. Panonood ng programa sa TV sa
wikang pinag-aaralan.
4. Pag-aaral ng mga bagong salita sa
pamamagitan ng pakikinig at paggamit
ng aktwal na pakikipag-usap.

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga istratehiyang maaaring magamit sa


pagtuturo ng Filipino at maging ng ilang asignatura sa batayang edukasyon.
MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
1. PAGGAMIT NG MGA AWTENTIKONG GAWAIN- Paksa ng pagkatuto ang
mga makatotohanan o tunay na problema, Gawain o proyekto at hindi lamang
tinitingnan ang akademikong pag-unlad sa mga produkto o kinalabasan ng
pagkatuto kundi pati sa prosesong pinagdaanan ng mga estudyante.
Karaniwang ginagamit: paggawa ng proyekto/imbestigasyon, field work,
pagmamasid, pag-iinterbyu, pagbabasa/pagsusuri ng editorial, pelikula at iba pa.
2. INFORMATION CHART- Isang uri ng organizer na may layong mapaunlad ang
mapanuring pag-iisip ng mga estudyante.
Pamaraan: Tatlo hanggang 4 na tanong na inihanda ng guro ang nakalista sa
itaas n grid chart. Isusulat ng pangkat ang impormasyong inaakalang alam nila
tungkol sa bawat tanong. Ililista at tatalakayin ng pangkat ang mga posibleng
sanggunian upang mahanap ang mga impormasyon. Kapag nahanap na ng
pangkat ang sagot sa bawat tanong, isusulat nila ito sa ilalim ng angkop na
kolum pati na ang sanggunian. Makapagdaragdag ng bagong kolum tulad ng
“Iba Pang Kawili-wiling Kaalaman” at “Mga Bagong Tanong”.
3. I- SEARCH- Mula sa isang kwento(naratibo o ekspositori) na nabasa, pipili ang
mga estudyante ng isang tanong o tema pa nilang mapag-aralan o masuri.
Isasagawa ang imbestigasyon / pag-aaral sa labas ng klase at isusulat ang
resulta/ mga konklusyon sa I-search sheet.
4. JIGSAW- Isang kolaboratibong istratehiya kung saan ang isang grupo ng
estudyante ay nagiging eksperto sa isang bahagi ng teksto (karaniwang tekstong
impormasyonal) at pagkatapos ay ibabahagi at pinag-uusapan ang kanilang mga
kaalaman sa kanilang “home group”. Maari ring maggugrupo ang mga esudyante
at ibabahagi ng bawat grupo ang kanilang “expertise” sa isang grupo. Epektibo
ito sa pagtalakay ng isang mahabang teksto na kailangang matapos sa loob ng
maikling panahon.
5. LIST-GROUP-LABEL- Nabuo upang mapalawak ang bokabularyo sa Agham at
Araling Panlipunan. Mula sa guro, may isang “stimulus topic” na hinango sa
karanasan ng mga estudyante o sa mga materyales na pinag-aralan. Nagbibigay
naman ang mga estudyante ng iba’t-ibang salitang iniuugnay nila sa paksa.
Kapag umabot na sa 25-30 salita ang listahan, kinakatigorya at binibigyan ng
lebel ang mga salita.
6. DUGTUNGANG PAGKUKUWENTO- Ang pagkukuwento ay maaaring simulant
ng guro o ng isang mag-aaral. Limang mag-aaral ang magsasagawa nito
hanggang matapos at mabuo ang kuwento. Pagkatapos masabi ng isa ang
kaniyang bahagi, hahawakan niya ang kamay ng katabi bilang tanda na siya ay
tapos na.
7. WHAT CAN YOU SAY? – Gumagamit ng mga larawan ang guro at gagabayan
ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang nilalaman nito. Maaaring gamitin ang mga
larawan sa dyaryo.
8. PAINT ME A PICTURE – Magandang gamitin ito sa pagtuturo ng panitikan o
pag-aanalisa ng pangungusap. Bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng kopya ng
pangungusap na kanilang isasakilos.
9. ANG LIHIM NG MAHIWAGANG BANGA – May mga nakasulat na tanong sa
loob ng banga. Ipapasa ng mga mag-aaral ito habang may kasamang tugtog.
Kapag huminto ang tugtog ang huling may hawak ng banga ang siyang bubunot
ng tanong at sasagot nito.

MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
10. MOUTHFUL OF IDEAS AT BAKYA NI NENENG – Ipapasa ang isang maliit na
bakya habang may tugtog. Kapag huminto ang tugtog, ang huling may hawak ng
bakya ang siyang sasagot sa bugtong. Kung ang sagot sa bugtong ay gunting,
kukunin ng mag-aaral ang gunting sa loob ng paper bag. Sasagutin ng mag-aaral
na ito an tanong na nakadikit sa gunting.
11. PARADE OF COSTUMES- Magbibihis ang mga mag-aaral ng kasuotan na akma
sa isang particular na panahon o lugar. Mararanasan ng mga mag-aaral ang
isang panahon ng Buwan ng wika, sa pagdiriwang ng mga nagkakaisang Bansa
at mga piling maiikling kwento na ang tuon ay sa kasaysayan ng bansa. Maaari
rin naman na gawin ito kung nais ng guro na magkaroon ng pagtatanghal sa
ilang piling kilalang tao. Ang mga mag-aaral ay magbibihis na gaya ng mga
bayani, mga pinuno ng bayan o kahit sinong kilalang tao na maari naman na
kaugnay sa paksang tinatalakay.
12. TSAPTER MAP

Mga Rehiyon Problema

Kultura

Produkto MINDANAO Natatanging Tao

Klima Hanapbuhay

13. DUGTUNGAN/MAGKAWING- Ito ay isang istratehiya na madevelop ang


kakayahan ng mag-aaral na makita ang ugnayan ng mga bagay na hindi
karaniwang tinitignan na magkaugnay o may relasyon sa isa’t-isa. Sa paggamit
ng estratehiyang ito makakalikha ang mga m mag-aaral ng mga bagong
metaporang mailalangkap ng mga bagay sa pagsulat ng sanaysay.
Halimbawa:
Puno at buhok = guro
Parehong may dalawang pantig
Parehong panlapi ang unang ponema
Parehong puwedeng tirhan
Puno: ibon
Buhok: kuto/lisa
MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
Parehong nakakalbo
14. HANAPIN SA ILALIM- Ito ay istratehiyang magdevelop sa kakayahan ng mga
mag-aaral na matanto ang mapang-ugnay konsepto ng mga bagay. Nadedevelop
ng istratehiyang ito ang kakayahan ng mag-aaral na makapag-isip ng mapanuri
at mabilis.
Halimbawa: Ibibigay ang mga sumusunod na set ng mga salita. Iisipin ng mga
mag-aaral ang konsepto ng nag-uugnay sa mga salitang binigay.
A. Pambura ng lapis
Kama
Basketbol
Rag doll
Tsinelas
Twalya
Maaring sagot: malambot
Panregalo
B. Pawis
Sigaw
Talon
Mop
Sando
Maaaring sagot: PBA/Basketbol
Janitor
15. MAGKAKAMBAL- Istratehiyang magdedevelop sa kakayahan ng mga mag-
aaral na makapagbigay ng iba’t- ibang salita na kasingkahulugan o kabaligtaran
ng isang salita. Mapapayaman din nito ang bokabularyo ng mga mag-aaral na
mahalaga sa pagsulat ng tula sa sanaysay.
Halimbawa:
A. Ibibigay ng guro ang salita. Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga salitang
kasingkahulugan nito.
Tingin------ tanaw, masid, masdan, titig, matyag, silip
16. KWINTASAN- Ito ay istratehiya na maaaring dedevelop sa kakayahan ng mga
mag-aaral sa pagbuo ng pangungusap. Mula sa maliit na detalyeng ibibigay ng
guro, magagawa ng mag-aaral na bumuo ng isang paglalahad na may
kumpletong kaisipang natatangi at malikhain.
Hal:
Bumuo ng isang malikhaing kuwento ang mga mag-aaral gaya ng mga
salitang ibibigay ng guro.
Sagot: langgam tubig kama
Uminom ng tubig si Juan habang nakaupo sa kama at nanonood ng TV ng bigla
siyang napasigaw. Nang tingnan niya ang kanyang binti, nakita niya ang
MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
malaking langgam na pula na kumagat pala sa kanya. Dali-dali niyang pinitik ang
langgam, kinamot ang nangangating binti at nagpatuloy sa panonood ng TV.
17. BAGONG MATA- Istratehiya na magdedevelop sa kakayahan ng mga mag-
aaral sa bagong pagtigin sa mga bagay at bagong gamit sa mga bagay.
Makakatulong ito sa pagdedevelop ng mapanuri at malawak na pag-iisip.
Hal:
Ibibigay ng guro ang salita. Isipin ng mga mag-aaral ang iba’t-ibang gamit nito
maliban sa karaniwan nitong gamit.
Bola pambato ng prutas sa puno
Pagkilala sa crush
Pamporma
Pang-ehersisyo
Unan
Patungan ng paa

18. SHORTCUT- Magdedevelop n istratehiyang ito ang kakayahan ng mga mag-


aaral na makapagbigay n pinakamabilis na solusyon sa isang problema.
Hal:
Ibibigay ang pinakamabilis na solusyon sa mga sumusunod na problema.
a. Problema: buhul-buhol na sintas ng sapatos
Pinakamabilis na solusyon: gupitin
b. Probema: May nakatambak na lupa sa harapan ng bahay ninyo. Sinabihan
ka na ng nanay mo na alisin ang tambak na lupa bago mag-alas tres ng
hapon.
Pinakamabilis na solusyon: Tawagin ang mga kaibigan mo para
matulungan kang mag-alis ng tambak
19. PAGPAPALAWAK- Magdedevelop ng istratehiyang ito, ang kakayahan ng mga
mag-aaral na makapagbigay ng maraming detalye.
Hal:
Magbibigay ng mga detalye para sa paghahanda ng isang party
Mga detalye:
Badget mobaye lugar
Programa bisita tema
Menu imbitasyon kasuotan
Dekorasyon palaro
20. THINK-PAIR-SHARE
a. Ang guro ay magbibigay ng tanong na naglalayong sumukat sa kakayahan
ng mga mag-aaral na mag-isip, magsuri o magbuod.

MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
b. Bibigyan ang mga mag-aaral ng ilang sandal upang makapag-isip.
(THINK)
c. Ibabahagi ang naisip na kasagutan sa kapareha. (PAIR)
d. Ibabahagi ng magkapareha ang kasagutan sa kanilang pangkat. (SHARE)
21. THREE STEPS INTERVIEW
a. Mula sa kanilang pangkat ay magbubuo ng dyads ang mga mag-aaral.
b. Magtatanong ang unang mag-aaral sa kanyang kapareha tungkol sa
nalalaman niya sa aralin o kung ano ang gusto niyang malaman tungkol
dito.
c. Pagsagot ng kapareha ay siya naman ang magtatanong.
d. Ibabahagi ng magkapareha ang mga kasagutan sa kanilang mga
kapangkat.
22. NUMBERED HEADS TOGETHER
a. Ang bawat miyembro ng pangkat ay mabibigyan ng takdang bilang.
b. Magbibigay ng tanong o suliranin ang guro.
c. Tatalakayin ng pangkat ang sagot sa tanong. Dapat matiyak na alam ng
lahat ang sagot sa tanong.
d. Tatawag ng isang bilang ang guro.
e. Isusulat ng batang natawag ang sagot sa response board. Sa
pagkakataong ito ay hindi na siya maaring tulungan ng mga kapangkat.
Itataas ang response board upan mabasa ng guro.
23. ROUNDTABLE
a. Kailangan ng isang lapis at papel.
b. Magtatanong ang guro. Kailangan ang tanong ay manganga-ilangan ng
maramihang sagot.
c. Isusulat ng miyembro ang kanyang sagot at ipapasa sa kasunod upang ito
naman ang sumulat. Kung may oras pa ay maaaring muling paikutin pa
ang papel.
d. Pagkatapos ng hudyat ng guro, bibilangin ng pangkat ang kanilang sagot.
e. Ilalahad sa klase ang sagot upang mapagpasyahan kung tama o mali ang
mga ito.
24. ROUND ROBIN WITH TALKING CHIPS
a. Magbibigay ng tanong o suliranin ang guro na tatalakayin ng pangkat.
b. Ang bawat miyembro na magbabahagi ay kailangang maglagay ng chips
(maaring lapis o ballpen) sa gitna.
c. Hindi pa maaaring umulit ang tapos na hanggat hindi nakakababa lahat
ang chips ng mga mag-aaral sa gitna. Ito ay isang paraan upang matiyak
na lahat ng miyembro ay nagbahagi sa usapan.
25. VISIBLE QUIZ

MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
a. Ang bawat pangkat ay may hawak na plaskard o flaglet na may kulay.
Ang bawat kulayy ay kumakatawan sa isang sagot.
b. Magpapakita ng tanong ang guro sa projector o sa pisara. Ito ay maaaring
multiple choice item o tama o mali.
c. Itataas ng pangkat ang kulay ng plaskard o flaglet na katugma ng
kanilang sagot.
26. MIX AND MATCH
a. Maghahanda ang guro ng mga plaskard ng mga tanong at sagot. Maaari
itong gamitin sa mga salitang magkatugma, magkasing – kahulugan o
magkasalungat ang kahulugan.
b. Ibibigay ang mga plaskard sa mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang
pangkat.
c. Tatayo nang walang ingay ang mga may hawak na plaskard at hahanapin
ang kapareha mula sa ibang mag-aaral na may hawak ding plaskard.
27. GROUP COMMUNAL WRITING
a. Mangangailangan ng lapis at papel ang bawat pangkat.
b. Magbibigay ang guro n paksang susulatin. Maaaring ito ay pagbuo ng
graphic organizer, pagbubuod, pagsunud-sunod ng mga pangyayari,
pagsulat ng tula o talata.
c. Pag-uusapan muna ng pangkat ang kanilang gagawin.
d. Magsisimula ang unang miyembro sa pagsulat. Ipapasa niya ang papel sa
katabi upang ito naman ang sumulat. Ipapasa itong muli hanggang sa
magbigay ng hudyat sa pagtatapos ang guro.
28. STAD (STUDENT TEAMS-ACHIEVEMENT DIVISION)
a. Ituturo ang paksang dapat matutunan ng mga mag-aaral sa pagkikitang
iyon.
b. Dapat tiyakin ng pangkat na natututunan ng bawat miyembro ang aralin.
Maaari pa silang muling magbalik –aral upang matiyak ang pagkatuto ng
bawat miyembro. Mahalagang Makita ng bawat miyembro ang
kahalagahan ng pagbuhos ng kanilang kakayahan sa ibibigay na
pagsusulit.
c. Ibibigay ng guro ang pagsusulit na mag-isang sasagutan ng bawat
miyembro. Bigyang-diin na hindi sila maaaring tumulong o magpatulong
sa kanilang kapangkat.
d. Kukunin n guro ang average score ng pangkat batay sa pinagsama-
samang marka ng mga ito.
29. T-G-T (TEAMS GAMES TOURNAMENT)
a. Ito’y pangkatang kontes pagkatapos ng isang linggong aralin.
b. Ang bawat pangkat ay ikakalat sa iba’t ibang mesa upang ang isang mesa
ay bubuuin ng lahat ng kinatawang magagaling, isang mesa para sa
sumusunod na magaling, atb.
c. Pagsasama-samahin ang score ng magkakapangkat.

MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
30. VARIATION
a. Maaari ring hindi na ikalat an magkakapangkat. Magtutulong-tulong na
lang sila upang masagot ang mga tanong sa kontes na ito.
31. KINESTHETIC SYMBOLS
a. Ang bawat miyembro ng pangkat ay mag-iisip ng posibleng simbolong
isasakilos para sa paksang tinatalakay.
b. Mula sa ibinahagi ng bawat isa ay sila ng pinakamabuting simbolo para sa
kanilang pangkat.
c. Ipakikita ng bawat pangkat sa klase ang napiling simbolo.
32. ONE-MINUTE PAPERS
a. Magagamit ito sa paglalagom ng mga natutunan.
b. Bigyan ng isang minuto ang bawat pangkat na mag-isip at sumulat
tungkol sa sumusunod na mga tanong na maglalagom sa natutunan.
c. Ano ang pinakamahalagang bagay na natutunan niyo sa araw na ito?
d. Ano pa ang hindi malinaw tungkol sa aralin?
e. Ano pa ang gusto mong malaman tungkol sa paksa?
33. ART GALLERY AT ONE STAY, THE TEAM STRAY
a. Bilang isang output ng isinagawang talakayan, maaaring magpaguhit sa
pangkat. Bago ang pagguhit ay mag-usap muna ang magkakapangkat
upang ang bawat miyembro ay magkaroon ng bahagi sa iguguhit.
b. Ipaskil ang mga larawang iginuhit sa iba’t ibang bahagi ng silid aralan.
c. Isang miyembro ang magsisilbing curator o tagapagpaliwanag. Una niya
itong ipaliliwanag sa kanyang kagrupo upang makapagbigay puna o lalo
pang magpabuti kung kinakailangan.
d. Pagkatapos ng takdang oras, lilipat ang grupo sa kabilang larawan.
Malinawan ang kanilang curator upang magpaliwanag naman sa iba pang
pangkat na iikot sa kanilang iginuhit.
e. Magpapalipat-lipat ang bawat pangkat sa bawat larawan upang isa-isang
magpapaliwanag o mag-uulat ng tungkol sa kanilang iginuhit an bawat
pangkat.
34. TEAM STAY, ONE STRAY
a. Magbigay ng isang tanong o Gawain ang guro. Bibigyan ang pangkat ng
pagkakataong pag-isipan ito.
b. Pag-uusapan ng pangkat ang nararapat sa gawaing ito.
c. Isang mag-aaral ang magpapalipat-lipat sa iba’t ibang pangkat upang
ibahagi sa kanila ang kasagutan ng kanyang pangkat.
Bukod sa makatitipid din sa oras ang paggamit ng istratehiyang ito,
inaasahang higit ang atensyong maibibigay kung ang pag-uulat ay isasagawa sa
mas maliit na pangkat.
35. STATIONS

MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
a. Magbibigay ng ilang kaisipan, mga bagay na pinahahalagahan, atb. Isulat
ang bawat kaisipan sa isang piraso ng bond paper.
b. Ipaisip sa mga mag-aaral kung alin alin sa mga nakalahad ang
paniniwalaan nila.
c. Papilahin ang mga bata sa tapat ng kaisipan o pagpapahalagang angkop
sa kanila.
d. Maaaring ipabahagi sa katabi ang dahilan kung bakit nila pinili o maaari
ring tumawag ng ilang mag-aaral sa bawat hanay upang magpaliwanag
kung bakit ito ang kanyang pinili.
Sa paggamit ng istratehiyang ito ay madaling makapagsusurbey ang guro.
Pansinin na sa pagkakatayo ng mga mag-aaral sa hanay na kanilang pinili ay
bumubuo na rin sila ng isang line graph.
36. PECS (PROBLEM-CAUSE-EFFECT-SOLUTION)
a. Bigyan ang bawat pangkat ng isyu o suliraning pag-iisipan.
b. Ihanay ang dapat na maging kasagutan ayon sa mga sumusunod:

Suliranin Sanhi Bunga Solusyon

Nalululong ang
mga mag-aaral
sa iba’t ibang
bisyo na sumisira
sa interes nilang
mag-aaral.

37. FAN-FACTANALYZER O PAGSUSURI NG IMPORMASYON – Nalilinang ng


paraang ito ang kakayahan ng mga mag-aaral na kilatisin ang impormasyong
nakapaloob sa binasang teksto. Iuugnay sa mga pangyayari sa tauhan sa ibang
pangyayari at kalutasan ng kwento o akda. Magagamit ito sa pagsusuri ng
kabanata sa nobela, sanaysay o tula.
Pagsusunud-sunod
ng mga pangyayari

Tagpuan Pagpapahalagang
Pilipino
Tauhan

38. STORY FRAME O PAKUWADRONG PAGSASALAYSAY- Sa paraang ito,


nagsasalaysay at sinusuri ng mga mag-aaral ang nilalaman ng kuwento mula sa
pangunahing tauhan, tapuan, banghay, tema at iba pang sangkap ng katha.
Inilalagay sa loob ng kuwadrado o frame ang pagsusuri.

TAGPUAN MGA TAUHAN PAGSUSURI MGA PAGSUSURI ANG WAKAS

MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
39. JOURNALISTIC APPROACH THRU PICTURE OR PICTURE FRAME – Ang
guro ay naghahanda ng mga larawang nagpapakita ng makahulugang
pangyayari sa kuwento. Hindi wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga mag-aaral
ang kuwento kapag maayos na ang pagkakasunud-sunod ng mga larawan. Sa
pamamagitan rin ng mga larawan, matututo ang mga mag-aaral na makuha ang
nangingibabaw ng kaisipan.
40. PANEL DISCUSSION- Maaaring gamitin ditto ang istilo ng mga artistang
panradyo o pantelebisyon. May mga mag-aaral na uupo sa harap at talakayin
ang akdad. Ang klase ay magbibigay ng tanong o makikipagtalakayan sa mga
nasa harap.
41. TABLEAU- Ipinakikita ang isang madulang tagpo sa pamamagitan ng
pagiistatwa ng pangkat na natakdaan nito. Tatalakayin ang nilalaman ng tableau.
42. BALANGKAS O PANGKAYARIAN (STORY GRAMMAR)- Sa pamamagitan ng
mga tanong, naiisa-isa ang mahalagang sangkap ng kwento.

PAMAGAT NG KWENTO

Tagpuan Tema Banghay Wakas

Tagpuan Panimula
Suliranin
Tauhan
Panahon Pook Reaksiyon

Layunin
PANGYAYARI
Wakas Ginawa/binalak

43. STORY MAPPING- Binigyang diin ang pagkakasunud-sunod ng mga


pangyayari batay sa isang dayagram. Maisasalaysay na muli ang kabuuan o
lagom ng akda pagkatapos.

Kasukdulan
Tunggalian

Kakalasan
MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
Saglit na kasiglahan
Wakas Simula
44. WEBBING O PAGHAHATI- Ang pangunahing tanong ang pokus ng habi o
web. Isa itong pagbubuo o pagsasama-sama ng mga impormasyon tungkol sa
paggawa ng akda.
Ang Pangyayari

Anu-ano ang mga


mahahalagang pangyayari sa
akda?

Katangian

Tauhan

Sinu-sino ang mga


tauhan

45. PLOT PROFILE- Pagsunud-sunurin ang mga mahahalagang pangyayari at


bibiyan ng antas ayon sa kasidhian ng damdamin o emosyon. Ito ay gagamitan
ng grasp.

10

MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
8

46. PLOT CHART O TSART NG BANGHAY- Bibigyang diin sa istratehiyang ito ang
banghay ng kwento. Ginagamitan ito ng tsart na may mga cue words.

Mga Tao(Somebody

Nagnanasa/nangangarap (wants)

Ngunit (But)

Kaya (So)

47. CHARACTER PROFILE O PAGKILALA SA TAUHAN- Iniisa-isa ang mga


impormasyon na nais malaman tungkol sa isang tauhan batay sa mga
pangyayaring inilahad sa akda. Mainam na gamitin ito sa mga tulang pasalaysay
na tulad ng ibong Adarna, Florante at Laura at iba pang nobela.
48. READING BEYOND THE LINES- Pagbibigay ng katugma sa kasaysayan o sa
ibang akda ng binasang akda at ipaliliwanag ang pagkakaugnay nito. Dito ay
maaring mabanggit ang mga akda, pangyayari o personaheng kaugnay sa akda
na kinilala noong nagdaang panahon o kasalukuyan.
Pamagat ng akda Tauhan Katugma sa Pagpapaliwanag
Kasaysayan ng Kaugnayan
49. MOCK TRIAL- Paggaya sa isang paglilitis. Mainam na gawin ito kung may
tauhan sa akda na kunwari ay ihaharap sa isang hukuman upang hatulan sa mga
ginawa niya sa kuwento.
Hal:
Dapat bang patawarin o lapatan ng parusa si Nyora Memay dahil sa di
makataong pagtrato sa mga katulong?
Papangkatin ang klase ayon sa sumusunod:
Hukom
Tagausig
Tagapagtanggol
Naghabla

MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
Mga Saksi
Akusado
50. COMPREHENSION COURT EVIDENCE SHEET- Bibigyang patunay ang mga
sagot sa tanong sa pamamagitan ng pagsulat sa pahina, talata at pangungusap
ng akda kung saan natagpuan ang mga sagot.
Hal:
Ano ang pangunahing katangian ni Noyra Memay?
Patunayan. Sadya bang naligaw si Nyora Memay?
Tanong Blg. _______
Pahina Blg. _______
Talata Blg. ________
Patunay __________
51. POETIC JOUST- Ang pagtatalo tungkol sa paksa o aralin ay ginagawa sa
paraang patula.
52. CUE CARDS- Pagsasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga
nakasulat na salita sa cue card.
Nyora Memang tinedyer Nenay Sebya

Simbahan ulan Nena Ata

Almusal puno Sedes Titay

Naligaw gate Husion Nakabalik

53. PAGGAMIT NG VISUALS- Anumang bagay na nakikita tulad ng komiks, strips,


anunsiyo, mapa, stick figures, talahanayan at mga tunay na bagay.
a. Komik Istrip
Maaaring gumuhit, gumupit o magpadala ang mga guro ng mga komik istrip.
Pag-uusapan ang ipinakikita ng komik istrips at maaaring bumuo ng usapan
para sa mga lobong walang laman.
b. Stick figures
Maaaring ang guro o mag-aaral ang gumawa. Magamit sa pagbibigay
kahulugan at pagsusuri. Ito ay mga larawang binubuo ng mga payak na linya
at guhit.
c. Anunsiyo, Mapa, Talahanayan
Maaaring isipin o gupitin mula sa pahayagan at iba pang babasahing
magbibigay diin ang kasanayan sa pagbibigay-kahulugan.
d. Karikatura
Makikita ito sa mga editorial na pahayagan o magasin. Nakatutulong sa
kasanayan sa pagbibigay-kahulugan at pagsusuri sa mga isyung
pangkasalukuyan.
e. Tunay na bagay
Nakakaganyak sa mga mag-aaral at masasanay sa paglalarawan. Mabisang
gamitin bilang pahulaan.
MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
54. ROLE PLAYING WITH CUES- Mabisang paraan ng pasukat ng kasanayan ng
mga mag-aaral sa pagbuo ng mga pangungusap o usapin. Ilalagay ng guro ang
mga cues sa under card kaya’t kontrolado ng guro ang sitwasyon.
55. DRAMA AT ROLE PLAYING- Maaaring pasalita o hindi ang pamamaraan nito.
Magagamit ang tingin, ekspresyon ng mukha at iba pang kilos. Maaaring
gagamitin ng mga mag-aaral ng mga kilalang karakter sa telebisyon at pelikula.
56. MONOLOGO- Iisa lamang ang gaganap sa napiling paksa o tauhang bibigyang
buhay.
57. PICTURE PUZZLE- Larawang kukunin buhat sa pira-pirasong larawang
inihanda ng guro. Ito ay nauugnay sa aralin sa wika.
58. PAGKUKWENTO- Magkukwento ang mga mag-aaral ng pangyayari sa mga
larawang inihanda ng guro.
59. PICTURE FRAME- Pagsusunod-sunurin ng mga mag-aaral ang mga pangyayari
sa mga larawang inihanda ng guro.
60. PAGGAMIT NG TAPES- Pipili ng tape na may kaugnayan sa araling pangwika.
61. HOROSCOPE- Mula sa mga pahayagan o magasin mahahango rito ang mga
aralin sa parilala, pangalan, pandiwa at mga pangatnig.
62. PAGGGAMIT NG PAMAGAT NG MGA PELIKULANG TAGALOG-
Mapaghahanguan ang mga aralin sa pandiwa o sugnay. Maaari ring gamitin ang
mga pamagat ng awitin.
63. USAPAN SA TELEPONO O CELLPHONE(DIAD)- Magagamit sa kasanayan sa
magalang na pakikipag-usap o pagbibigay payo. Magbibigay ang guro ng
sitwasyong paghahanguan ng magiging paksa ng usapan.
64. GAMIT NG IBA’T – IBANG STREET SIGN- Lumilinang sa kasanayan sa
pagbibigay ng kahulugan at pagsunod sa direksyon o panuto. Magagamit sa
pagtalakay ng pandiwa.
65. PROGRAMANG PANTELEBISYON AT PROGRAMANG PANDARYO-
Mabisang istratehiya sa pagtalakay o pag-uulat ng napapanahong isyu.
66. PAGBUO NG SLOGAN- Bubuo ng islogan ang guro at ang mag-aaral ayon sa
paksang tinatalakay at aralin sa bahagi ng panalita.
67. PAGBASA NG MAY DAMDAMIN SA MGA PAHAYG, SAKNONG NG TULA
ATBP- Lumilinang ng wastong pagbigkas, intonasyon, pagbibigay ng tamang
damdamin at huli sa pagbasa, magagamit s iba’t ibang bahagi ng pananalita.
68. MGA LARONG PANGWIKA- Impormal ang sitwasyon kaya’t nagbibigay-
kasiyahan sa mga mag-aaral.
69. TAMA 0 MALI- Angkop gamitin sa wastong bigkas ng impromptu. Magagamit
din sa mga aralin sa wastong gamit ng mga salita at bantas.
70. IKUWENTO MULI- Angkop gamitin sa paglinang ng kasanayan sa pagtanda ng
mga detalye at nagkukuwentong muling narinig.
71. MATAGPUAN MO KAYA? - Magagamit sa paglinang sa mga pang-abay na
panlunan at pamamaraan. Maglilista ng mga pahiwatig sa kapirasong papel.
72. UGNAYANG TANONG SAGOT- Ang Ugnayang Tanong at Sagot (UST/QAR sa
Ingles) ay binuo ni Raphael (1982, 1986) upang mapataas ang antas ng
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong sap ag-unawa sa
MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
pamamagitan ng isang sistematikong pagsusuri sa mga tanong. Ito’ y nabuo
dahil sa obserbasyon ni Raphael na palaging may pinasasagutang tanong ang
mga guro pagkatapos bumasa subalit hindi man lamang nabibigyan ng kaunting
patnubay ang mga bata kung paano sasagutin ang mga tanong. Sa istratehiyang
ito inaasahang magagawa ng mga batang tukuyin ang iba’t ibang uri ng tanong
gaya ng mga nakalahad sa ibaba:
 Nasa Teksto mismo – ito’y hudyat na ang sagot ay tuwirang nakalahad
sa “teksto” at nangangailangan ito ng simpleng paggunita o pagtukoy
ng mga impormasyong galling sa binasa.
 Isipin at Hanapin – ito’y hudyat na ang sagot ay nasa “teksto” rin
ngunit kailangang “pag-ugnayin” mula sa mga impormasyong
nakapaloob sa teksto. Ito’y nangangailangan ng pag-iisip na nasa lebel
na interpretatib.
 Ikaw at ang Awtor – Ito’y hudyat na ang sagot ay wala sa teksto
ngunit kinakailangang mabuo sa “sariling isipan” mula sa impormasyong
inilahad ng awtor at mula sa dating kaalaman. Ginagamit ditto ang pag-
iisip sa lebel na interpretatib at transaktib.
 Sa aking Sarili – Ito’y hudyat na ang sagot ay wala sa teksto at
kailangang mabuo sa “sariling isipan” mula sa dating kaalaman at
ginagamit din ang pag-iisip sa lebel na interpretatib at transaktib.
73. DR-TA (DIRECT READING –THINKING ACTIVITY) O PINATNUBAYANG
PAGBASA-PAG-IISIP – Ang dulog DR-TA (stuffer 1976) ay para sa paglinang
ng komprehensyon ng buong klase/pangkat. Sa dulog na ito, ang mga bata ay
aktibong nakikilahok sa talakayan sa tulong ng mga tanong na nasa mataas na
lebel ng pag-iisip.

Unang bahagi:
May Tatlong siklo ang bahaging ito ng DR-TA
 Una – pagbibigay ng mga hula na ginagamit ang mga impormasyong
galling sa teksto at mga personal na dating kaalaman
 Ikalawa – pagbasa upang tiyakin o di kaya’y baguhin ang mga hula
batay sa mga bagong impormasyon na galling sa teksto at sa dating
kaalaman.
 Ikatlo – pagbibigay ng mga suporta at patnubay sa ibinigay na mga hula
batay sa tekstong binasa at personal na kaalaman
Ikalawang Bahagi:
Ang ikalawang bahagi ay mga patnubay na mga gawain tulad ng paglinang ng
talasalitaan.
Paano Isasagawa ang DR-TA:
a. Pumili ng isang kwentto o tekstong ipapabasa sa klase
b. Tukuyin ang mga bahaging hinihintuan (stop-points) – apat hanggang lima
lamang kung maaari. Huminto pagkatapos ng pamagat, pagkatapos ng una o
ikalawang talata, at sa ilang kawili o kapanapanabik na bahagi. Huminto bago
ang pagtatapos ng kwento.

MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
c. Maghanda ng mga tanong sa bawat bahaging hinihintuan. Iwasan ang
pagbibigay ng mga paktwal o literal na tanong.
Halimbawa:
 Pagkatapos ng pamagat- sa tulong ng pamagat masasabi mob a kung
tungkol saan ang kwento? Bakit mo ito nasabi?
 Pagkatapos ng bawat bahaging hinintuan – Ano an naiisip mo ngayon?
Bakit mo ito nasabi? Alin sa mga hula ang iyong sinasang-ayunan?
Bakitmo ito nasabi?
 Bago matapos ang kwento – Sa iyong palagay, paano kaya magwawakas
ang kwento? Bakit?
 Pagkatapos sa Kuwento – Bakit ganoon ang naging wakas ng kuwento?
Kung ikaw ang tatanungin paano mo wawakasan ang kuwento? Bakit?
74. DRA (DIRECT READING ACTIVITY) O PINATNUBAYANG PAGBASA – Layon ng
istratehiyang ito na maihanda nang husto ang bata sa pagbasa, mabigyang-ddin
ang pagkilala sa salita at ang paglinang ng mga kasanayan sap ag-unawa at
mapatbubayan ang mga bata sa pagbasa ng isang itinakdang kuwento.
Limang Hakbang ng DRA
a. Una: Paghahanda sa pagbasa
b. Ikalawa: Pinatnubayang tahimik na pagbasa
c. Ikatlo: Pagtalakay
d. Ikaapat: Makabuluhang Muling Pagbasa
e. Patnubaybay na mga Gawain at pagpapaunlad ng kasanayan
75. REQUEST (RECIPROCAL QUESTIONING) O TUGUNANG PAGTATANONG –
Layunin ng istratehiyang ito na linangin ang aktibong pag-unawa sa pagbasa ng
mga bata sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng mga layunin
sa pagbasa, at pag-uugnay ng mga impormasyon. Isinasaalang- alang din sa
istratehiyang ito ang pagmomonitor sa sarili hinggil sa prosesong isinagawa sa
pag-unawa ng isang teksto. Ang istratehiyang ReQuest ni Manzo (1990) ay
gumamit ng tuguang pagtatanong kung saan naghahalinhinan ang guro at mga
mag-aaral sa pagganap ng tungkuling tagatanong. May pitong hakbang ang
istratehiyang ito.
a. Una: Panimula
b. Ikalawa: Panimulang Pagbasa at pagtatanong ng mga Mag-aaral
c. Ikatlo: Pagtatanong ng Guro at pagmomodelo
d. Ikaapat: Patuloy na tugunang Pagtatanong
e. Ikalima: Pagtatakda ng layunin sa pagtuloy na Pagbasa
f. Ikaanim: Tahimik na pagbasa
g. Panubaybay na talakayan
76. GMA (GROUP MAPPING ACTIVITY)- Istratehiyang sinimulan ni Jane Davidson
(182) ay isang istratehiya sa pagtuturo na mabisa sa paglinang ng pang-unawa o
komprehensyon sa pamamagitan ng integrasyon at sintesis ng mga ideya at
konseptong nakapaloob sa kuwento. Ito’y ginagawa pagkatapos basahin ang
MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN
isang akdang pampanitikan o isang ekspositoring babasahin sa agham o araling
panlipunan.
Sa istratehiyang ito, ang bata ay pabubuuin ng isang grapikong representasyon na
maglalarawan ng kanilang personal na interpretasyon na kaugnay ng mga tauhan sa
mga pangyayaring naganap sa isang kuwento o di kaya nama’y ang kanilang sariling
interpretasyon sa konseptong inilahad sa isang babasahing ekspositori. Ang
representasyon ay katulad ng isang mapa o dayagram, ipalalahad ito at ipapaliwanag sa
klase. Ang pagbabahagi ng isinagawang mapa/dayagram ang “pagkatan” (group)
dimension ng istratehiyang ito.

MAILA M. MACAM

INSTRUCTOR I

PANUNURING PAMPANITIKAN

You might also like