Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REVIEWER PARA SA QUIZ SA ARALING PANLIPUNAN

 Katipunan – kilusang itinatag ni Andres Bonifacio na naglalayong mawakasan ang pananakop ng Spain sa
Pilipinas sa pamamagitan ng isang himagsikan.
 Kodigo – tawag sa lihim na salitang ginamit ng mga kasapi ng Katipunan upang masiguro at mapanatili ang
pagiging lihim ng kilusan.
 Sanduguan – isang tradisyonal na paraan ng pakikipagkasunduan kung saan ang pangunahing simbolo ay
dugo.
 Andres Bonifacio, Deodato Arellano, Ladislao Diwa – nagpatawag ng lihim na pagpupulong sa isang bahay
sa Azcarraga, Maynila noong Hulyo 7, 1892.
 KKK - Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan
 Real fuerte o 25 sentimo – ibinibigay sa pagsapi sa Katipunan. (membership fee)
 Medio real o 12 sentimo – buwanang kontribusyon para sa pangangailangan at operasyon ng kilusan.
 Sistemang tatsulok o trianggulo – ipinairal na paraan upang maparami ang kasapi ng kilusan. Sa sistemang
ito, ang bawat kasapi ay kukuha uli ng dalawang tao na hindi magkakilala.
 Ehekutibo, lehislatibo, panghukuman – tatlong sangay ng pamunuan ng Katipunan.
 Kataas-taasang Sanggunian, Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Balangay – tatlong sanggunian ng
ehekutibo
 Sangay na panghukuman – nagsisilbing tagapamagitan sa oras na magkaroon ng pag-aalitan o di-
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasapi ng Katipunan.
 Katipon, Kawal, Bayani – tatlong grado o ranggo ng pagiging kasapi ng Katipunan.
 Katipon – tawag sa unang grado. Nagsusuot ng itim na panakbong tuwing may pagpupulong. May itim na
tatsulok sa panakbong na may letrang Z.LI.B. na katumbas ng letrang A. ng B. o Anak ng Bayan.
 Kawal – tawag sa ikalawang grado. May panyong kulay berde at may suot ding medalya na may letrang K
na nakasulat sa baybayin. Gomburza ang kodigo o lihim na salita ang kanilang ginagamit.
 Bayani – tawag sa ikatlong grado. Nagsusuot sila ng sinturon na may linyang kulay berde sa magkabilang
gilid at gumagamit din ng pulang maskara tuwing may pagpupulong. “Rizal” ang ginagamit nilang kodigo.
 Kalayaan – opisyal na pahayagan ng mga Katipunero.
 Candido Iban at Francisco del Castillo – nagbigay tulong pinansyal upang mabuo at magsimula ang
pahayagan. Ito ay nakuha nila matapos manalo sa loterya noong 1895.
 Marcelo H. del Pilar – pangalan na ginamit ni Emilio Jacinto bilang patnugot ng pahayagang Katipunan
upang lituhin ang mga Espanyol
 Andres Bonifacio – may bansag na Ama ng Katipunan at Supremo. Ipinanganak siya noong Nobyembre 30,
1863. Siya ay maaagang naulila sa mga magulang kaya sinikap niyang itaguyod ang kaniyang mga kapatid sa
murang edad sa pamamagitan ng paggawa at pagbebenta ng mga tungkod at abaniko
 Kompanyang Fleming at Kompanyang Fressel – dalawang mahalagang kompanya sa buhay ni Bonifacio
sapagkat siya ay nagtrabaho rito bilang mensahero at bodegero.
 Naging inspirasyon ni Bonifacio ang dalawang akda ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa
paglulunsad ng Katipunan
 Emilio Jacinto – may bansag na Utak ng Katipunan dahil sa kaniyang taglay na talino. Sa edad na 18, siya ay
naging kasapi ng Katipunan. Siya ang bumalangkas ng Kartilya ng Katipunan na naglalaman ng labing-apat
na aral. Binawian siya ng buhay dahil sa malaria.
 Melchora Aquino – may bansag na “Ina ng Katipunan” o “Tandang Sora”. Binuksan niya ang kaniyang
tahanan para sa mga sugatang katipunero. Pinakain, binigyan ng gamot, at inalagaan niya ang mga ito.
 Juan Ramos – panganay na anak ni Melchora Aquino. Siya ang may ari ng bakuran na pinagganapan ng
makasaysayang Unang Sigaw sa Pugad Lawin.
 Guam – lugar na kung saan ipinatapon si Melchora Aquino noong idineklara ng gobernador-heneral ang
batas-militar
 Gregoria de Jesus – may bansag na Lakambini ng Katipunan at Orang Dampuan. Siya ang pangalawang
asawa ni Bonifacio na namatay dahil sa sakit sa puso. Ang una ay nagngangalang Monica na namatay dahil
sa sakit na leprosy o ketong na isang pinandidirihang sakit noong mga panahong iyon.
 Teresa Magbanua – may bansag na Joan of Arc dahil sa kanyang angking husay at tapang sa pakikidigma.
Noong una ay tumutol ang kaniyang tiyuhin sa kaniyang pagsali sa Katipunan ngunit nang lumaon ay
pumayag din.
 Heneral Perfecto Poblador – may mataas na katungkulan sa kilusang rebolusyonaryo na siyang naging
inspirasyon ni Teresa Magbanua upang sumapi sa Katipunan.
 Marina Dizon-Santiago – kauna-unahang babae na naging kasapi ng Katipunan. Siya ay may angking husay
sa larangan ng musika at tula. Siya ang nanguna sa mga pagtatanghal sa pag-awit at pagsayaw sa mga
kunwa-kunwariang pagdiriwang upang ilihis ang atensiyon ng mga Espanyol sa tuwing may gaganaping
lihim na pagpupulong ang kalalakihang miyembro ng Katipunan.
 Trinidad Tecson – isang katipunera na gumamit ng sariling dugo sa paglagda bilang pagsapi sa kilusan.

You might also like