Final Sa Konseptong Papel

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

MUNGKAHING PATAS NA PAGPAPASAHOD SA MGA

EMPLEYADO SA PABRIKA

(Araling Pilipino)

Pangilinan, Alwina L.

Paule, Jomarie V.

Konseptong papel na ipapasa kay:

Bb. Julie Ann May R. Alcantara

(Course Facilitator)

1
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Rasyunale/Kahalagahan………………………….…… 1

Layunin……………………………………………………2

Metodolohiya……………………………………………3-4

Sanggunian………………………………………………5

2
I. Rasyonale/ Kahalagahan

Ang konseptong papel na ito ay pinamagatang “Mungkahing patas na

pagpapasahod sa mga empleyado sa pabrika”, ito ay naglalayon na

bigyang pagpapahalaga at solusyon ang patas na pagpapasahod sa mga

empleyado. Batay sa aming artikulo na nabasa “Iniaatas ng Equal Pay Act

na bigyan ng pantay na sahod para sa pantay na trabaho ang kalalakihan at

kababaihang nasa iisang lugar ng trabaho. Hindi dapat ibatay ang

pagpapasahod sa kung anong edad, lahi, kulay, kasarian o relihiyon.”.

Kasabay ng paglobo o paglaki ng ating populasyon sa ating bansa ay

siya rin namang paglaki ng pangangailangan ng bawat pamilya kaya hindi

maikakaila na pasukin ang kahit anong trabaho..

Isa sa pinakamalaking kinakaharap ng bawat trabahador ay pagkakaroon

ng mataas na kuwalipikasyon, kahit sa mga pabrika ay kailangan

nakapagtapos ng hindi bababa sa apat na taong pag-aaral sa sekondarya. Sa

tulong ng mga mga impormasyon na aming mabubuo at makakalap dito

mabibigyang solusyon ang nasabing suliranin pagdating sa patas na

pagpapasahod sa mga empleyado sa pabrika.

Ang lahat ng impormasyon na ilalahad ng mga mananaliksik ay base sa

kanilang pag-aaral sa kanilang paksa. Gusto ng mga mananaliksik na

makatulong sa mga trabahador pagdating sa patas na pagpapasahod.

1
II. Layunin

Ang layunin ng mga mananaliksik ay tulungan ang mga trabahador na

magkaroon ng patas na sweldo at makamit nila ang sweldo na nararapat para

sa kanila. Mahalaga ang bagay na ito sapagkat kung hindi ito mabibigyan ng

atensyon maraming trabahador ang patuloy na magiging mangmang sa

kanilang karapatan at maging sunod-sunuran lang. Sa tulong ng batas na

kanilang ipapatupad magiging malaking tulong ito sa mga trabahador.

Ang mga mananaliksik ay may napanood na ulat o balita sa “Tv Patrol”

and nakasaad sa ulo ng balita “Pabrikang nagpasahod ng barya sa trabahador

may ibang paglabag: LGU”. Lumutang sa pagdinig ng Valenzuela City Hall na

may iba pang paglabag ang inireklamong kompanya ni Mañoza na Nexgreen

Enterprises tulad ng di pagbabayad ng overtime at di pamamahagi ng

benepisyo gaya ng SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth. Sinuspinde na rin ng LGU

ang business permit ng pabrika at binigyan ng 15 araw upang matugunan ang

mga reklamo. Kaya naman mahalaga sa mga mananaliksik ang layunin nila

na mabigyan ng kasagutan o mga pamamaraan ang nasabing paksa.

Layunin din ng mga mananaliksik na ipaalam sa lahat ng mga

empleyado ang kanilang mga karapatan at ang kanilang mga nararapat na

sahod base sa kanilang trabaho at base sa kung saang lugar sila nag

tatrabaho pagdating sa usaping sweldo. Nais din namin na ipaalam kung

saan sila maaring lumapit o humingi ng tulong patunkol sa kailang suweldo.

2
III. Metodolohiya

Ang mga mananaliksik ay iisip ng isang batas na kung saan hindi

lamang sa proteksyon ng mga trabahador nakatuon, kundi sa patas na

pagpapasahod sa mga trabahador sa pabrika . Lalapit ang mga mananaliksik

sa mga may katungkulan sa kanilang Barangay at gagawa ng isang pormal

na kasulatan. sa tulong ng mga opisyales ng Barangay. Pagkatapos ng pag-

apruba ay ipapahatid naman ang planong batas na “NO PROPER WAGES,

NO WORK” kay Congresswoman Ate. Rida Robes. Pag-uusapan at pag-

aaralang mabuti ng mga miyembro ni Ate Rida ang batas na aming gustong

ipatupad.

Ikalawa, na naiisip ng mga mananaliksik sa aming mungkahi na

pagkakaroon ng patas na pagpapasahod sa mga trabahador ay bubuo kami

ng isang organisasyon sa tulong ni Mayor Arthur Robes, isang pormal na

kasulatan an gaming gagawin. Gagawin naming legal o naayon sa batas ang

aming organisasyon at ito ay “Mangagawang Aktibong Nagkakaisa

patungo sa Patas na Karapatan” o MANPK. Pagkatapos unti-unti naming

titipunin ang mga trabahador sa iba’t ibang rehiyon kung saan makikipag-isa

kami sa mga LGU’s sa bawat rehiyon at magkakaroon ng mga seminars na

tumatalakay sa patas na pagpapasahod at sa kanilang mga karapatan bilang

isang trabahador sa pagbrika, sa ganoong paraan mamumulat sila sa

katotohanan at malalaman nila ang dapat na sahod na mayroon sla sa

pabrika.

3
Panghuling, naiisip ng mga mananaliksik ay magtayo ng mga

establisyemento sa bawat rehiyon. Makikipag-isa kami sa mga kinakauukulan

upang maisagawa ito. Ang layunin ito ay bigyan ng patas na sweldo ang mga

manggagawa at patas na oportunidad. Pagkapatapos kami tulungan ng mga

kinauukulan hahanap kami ng mga magagaling na arkitekto upang gumawa

ng planong disenyo. Pagkatapos nito ay hihingi kami ng pondo sa gobyerno

base sa kanilang napag-usapan. Kapag nabuo na ang establisyemento ay

hihikayatin naming lahat ng mga manggagawa sa iba’t ibang rehiyon. Alam ng

mga mananaliksik na ito ay imposible ngunit sisikapin nila ito upang

makamtam ng mga trabahador ang nararapat para sa kanila. At higit sa lahat

hindi na kailngan ng mataas na kuwalipikasyon upang makapagtrabaho at

kumpleto pa ang benepisyo na kanilang matatanggap.

GAGAWA NG PORMAL NA MAKIKIPAGTULUNGAN SA


SULAT PATUNGKOL SA MGA MAY POSISYON O
PLANO KATUNGKULAN

ILALAHAD ANG MAARING


SOLUSYON

4
IV. SANGGUNIAN

https://news.abs-cbn.com/news/06/30/21/pabrikang-nagpasahod-ng-barya-sa-

trabahador-may-ibang-paglabag-lgu

Diskriminasyon sa Pantay na Sahod/Bayad. (n.d.). US EEOC. Retrieved December 3,


2022, from https://www.eeoc.gov/fil/diskriminasyon-sa-pantay-na-sahodbayad

You might also like