3Q AP TP - Newton

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Name: _________________________________________ Score: _____________

Grade and Section:______________________________ Date: _______________

THIRD PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 6


1. Sino ang kauna-unahang pangulo ng Ikatlong Republika?
A. Manuel Quezon C. Manuel A. Roxas
B. Ramon F. Magsaysay D. Elpidio Quirino
2. Siya ang tinaguriang “Kampeon ng Masang Pilipino at Kampeon ng Demokrasya
A. Ramon Magsaysay C. Manuel Roxas
B. Carlos Garcia D. Elpidio Quirino
3. Isa sa kanyang mga programa ay ang pagsugpo sa paglaganap ng komunismo.
A. Diosdado Macapagal C. Elpidio Quirino
B. Ramon Magsaysay D. Manuel Roxas

4.Ito ay mga patakaran at programang inilunsad ni Pangulong Manuel Roxas maliban sa isa.
A. Pagsasaayos ng elektripikasyon
B. Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal
C. Pagpapaunlad ng kabuhayan
D. Pagtatatag ng kaluwagan sa pagpapautang
5. Siya ang pangulong tinaguriang “Ama ng Industriyalisasyon ng Pilipinas”.
A. Manuel Quezon C. Manuel A. Roxas
B. Ramon F. Magsaysay D. Elpidio Quirino
6. Pinagtibay niya ang Land Reform Act sa ilalim ng kanyang panunungkulan
A. Manuel Quezon C. Manuel A. Roxas
B. Ramon F. Magsaysay D. Elpidio Quirino
7. Samahan o korporasyong tumulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapahiram ng puhunan
upang sila’y makapagsimula muli pagkatapos ng digmaan.
A. NARIC B. PACSA C. NTC D. RFC
8. Siya ang nagpatupad ng patakarang Pro-American at Anti-Communist.
A. Manuel Quezon C. Manuel A. Roxas
B. Ramon F. Magsaysay D. Elpidio Quirino
9. Siya ang nagwikang “kung ano ang makabubuti sa karaniwang tao ay makabubuti rin sa buong bansa”.
A. Manuel Quezon C. Manuel A. Roxas
B. Ramon F. Magsaysay D. Elpidio Quirino
10. Isang kapisanan ng mga magsasaka sa Kapatagang Luzon na naging kilabot na pangkat ng mga gerilya
noong panahon ng mga Hapones.
A. KALIBAPI B. HUKBALAHAP C. KEMPETAI D. MAKAPILI
11. Inilunsad niya ang Austerity Program na naglalayong magkaroon ng maayos at matipid na pamumuhay ang
mga Pilipino.
A. Diosdado Macapagal C. Ferdinand Marcos
B. Carlos P. Garcia D. Elpidio Quirino
12. Itinatag niya ang Cultural Center of the Philippines.
A. Diosdado Macapagal C. Ferdinand Marcos
B. Carlos P. Garcia D. Elpidio Quirino
13. Binago niya ang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula Hulyo 4 sa Hunyo 12.
A. Diosdado Macapagal C. Ferdinand Marcos
B. Carlos P. Garcia D. Elpidio Quirino
14. Ang patakarang ito ay nagbibigay ng priyoridad sa mga Pilipino upang paunlarin ang kayamanan ng bansa.
A. Austerity Program C. Filipino First Policy
B. Filipino Retailer’s Fund Act D. NAMARCO
15. Ang mga sumusunod ay mga patakaran sa ilalim ng pangangasiwa ni Pangulong Garcia maliban sa isa.
A. Austerity Program C. Filipino First Policy
B. MAPHILINDO D. NAMARCO Act
16. Siya ang tanging pangulong matagal ng nanungkulan sa bansa.
A. Diosdado Macapagal C. Ferdinand Marcos
B. Carlos P. Garcia D. Elpidio Quirino
17. Ilan ito sa mga pagbabagong nangyari sa bansa sa unang termino ni Pangulong Marcos maliban sa isa.
A. Pagpapatibay ng Agricultural Land Reform Act
B. Pagbaba ng bilang ng kriminalidad
C. paglulunsad ng Green Revolution
D. Paglaki ng produksiyon ng bigas at mais
18. Ito ang samahan ng bansang Malaysia, Pilipinas at Indonesia.
A. Cultural Center of the Philippines C. MAPHILINDO
B. Filipino Retailer’s Fund Act D. NAMARCO
19. Ito ang ating pambansang wika.
A. Wikang Filipino C. Wikang Ingles
B. Sinugbuanong Bisaya D. Wikang Maranao
20. Ang mga sumusunod ay mga patakaran sa ilalim ng pangangasiwa ni Pangulong Macapagal maliban sa isa.
A. Pagpapatibay ng Agricultural Land Reform Act
B. Pagtatatag ng MAPHILINDO
C. Pagbabago sa Araw ng Kalayaan
D. NAMARCO Act
21. Ilang pangulo ang namuno sa panahon ng Ikatlong Republika?
A. 4 B. 5 C. 6 D. 7
22. Sino ang kauna-unahang pangulo ng Ikatlong Republika?
A. Ferdinand E. Marcos C. Carlos P. Garcia
B. Ramon F. Magsaysay D. Manuel A. Roxas
23. Sinong pangulo ng Ikatlong Republika ang tinaguriang “Kampeon ng Masang Pilipino”?
A. Ramon F. Magsaysay C. Diosdado P. Macapagal
B. Manuel A. Roxas D. Ferdinand E. Marcos
24. Ano ang sanhi ng pagkamatay ni Pangulong Manuel A. Roxas?
A. sakit sa bato
B. atake sa puso
C. kanser sa buto
D. pagkamatay sanhi ng katandaan
25. Sinong pangulo ang kilala bilang “Ama ng Industriyalisasyon sa Pilipinas”?
A. Elpidio R. Quirino C. Diosdado P. Macapagal
B. Carlos P. Garcia D. Ramon F. Magsaysay
26. Ano ang naging epekto ng Filipino First Policy sa bansa?
A. Naging lubog sa utang ang Pilipinas
B. Naging laganap ang kurapsyon sa bansa
C. Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produkto at serbisyo ng kapwa Pilipino
D. Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produkto at serbisyo galing sa ibang bansa
27.Alin sa mga sumusunod na programa o batas ang ipinapatupad sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Marcos?
A. Green Revolution o ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop upang matugunan ang pangangailangan sa
pagkain
B. Austerity Program o ang pagtitipid ng pamahalaan at pamumuhay ng simple lamang
C. Kodigo ng Reporma sa Lupa na kung saan naiilipat sa mga magsasaka ang lupaing kanilang sinasaka
D. Bell TradeAct ang batas na nagsasabing ang Estados Unidos ay malayang makipagkalakalan sa Pilipinas.
28. Paano nilutas ni Pangulong Quirino ang problema sa mga Huk?
A. Pagbibigay ng bahay
B. Pagbibigay ng trabaho
C. Pagbibigay ng perang pangnegosyo
D. Pagbibigay ng amnestiya at lupa para masaka
29. Bakit masasabi nating hindi patas ang Philippine Trade Act of 1946 o Bell Trade Act?
A. Walang produktong Pilipino ang makakapasok sa Estados Unidos
B. Walang produktong galing Estados Unidos ang makakapasok sa Pilipinas
C. Pagkakaroon ng quota ng mga produktong galing Estados Unidos papasok sa Pilipinas
D. Pagkakaroon ng quota ng mga produktong Pilipino na makapasok sa Estados Unidos
30. Paano nakakatulong ang pagkatatag ng Presidential Complaint and Action Commission (PCAC) ni Pangulong Magsaysay?
A. Nabigyan ng pagkakataon ang mga karaniwang tao na mabigyan ng trabaho
B. Naipaaabot ng mga karaniwang tao ang kanilang hinaing at suliranin sa pangulo
C. Natulungan ang mga karaniwang tao sa problemang may kinalaman sa pananalapi
D. Wala sa nabanggit
31. Ang patakarang ito ang nagbigay ng karapatan sa mga Pilipinong magbukas ng mga kalakal bago ang mga
dayuhan.
a. Austery Program c. Patakarang Pilipino Muna
b. Patakarang Nasyonalismo d. Nasyonalisasyon ng tinging pangangalakal
32. Ang kurikulum at pamamaraan ng pagtuturong gagamitin sa mga paaralang ito ay nakabatay sa
pangangailanagan ng mga naninirahan sa mga komunidad at mga suliraning dapat masolusyunan
a. Paaralang bokasyonal c. Paaralang normal
b. Paaralang panggobyerno d. Paaralang Pampamayanan

33. Basahin ang balita sa ibaba at sabihin kung tungkol sa anong isyu ang
balitang binasa.
Pag aagawan nang Bansang Tsina at Bansang Pilipinas sa West Philippine sea West Philippine
Sea "Pag aagawan ng Bansa Tsina at BansangPilipinas"
Maraming mga issue ngayon pagitan sa bansang Tsina at Bansang Pilipinas tungkol sa pag aagawan
nang islang West Philippine Sea o tinatawag din itong South China
Sea. http://westphilippine.blogspot.com/p/blog-page.html
A. Terorismo C. Kapaligiran
B. Kahirapan D. Teritoryo
34. Basahin ang balita sa ibaba at sabihin kung tungkol sa anong isyu ang balitang binasa.
Makalipas ang limang buwang giyera sa pagitan ng gobyerno at mga terorista, idineklarang
malaya na ang Marawi City. Napatay ang dalawang mataas na lider ng Maute-ISIS: sina Isnilon
Hapilon at Omar Maute. Wasak at halos wala nang nakatayong gusali sa loob ng main battle area.
Ayon sa mga militar, kinailangang gawin ito para mapuksa ang mga kalaban.
https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/reportersnotebook
A. Terorismo C. Kapaligiran
B. Kahirapan D. Teritoryo
35. Ang suliranin tungkol sa mga batang manggagawa o child labourers sa ating bansa na gumagawa ng mga
delikadong trabaho tulad ng pagmimina at quarrying ay halimbawa ng;
A. Isyung Pampolitika C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkabuhayan D. Isyung Pangkapaligiran
36. Ito ang pagbili ng mga produkto, makinarya, teknolohiya at maging ng serbisyo mula sa ibang bansa para
gamitin ang ekonomiya at kabuhayan ng bansa.
a. kalakalan b. pag-aangkat c. pagluluwas d.barter
37.. Ito ay tumutukoy sa mga maling gawain at pagmamalabis ng mga tiwaling pinuno ng pamahalaan.
a. bribery b. pagnanakaw c. katiwalian d. sabwatan
38.. Ano ang labis na naapektuhan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ?
a.karangalan ng Pilipinas
b.kabuhayan ng Pilipinas
c. magandang tanawin ng Pilipinas
d. mga opisyales ng Pilipinas
39. Ano ang tawag sa tahasan na pagtatakwil sa tungkulin ng isang opisyal o empleyado ng gobyerno na
magbubunga ng kanyang kawalan ang integridad.
a. korupsiyon
b. graft
c. globalisasyon
d. polusyon
40. Ang ______ ay inilalarawan bilang kontaminasyon sa hangin, tubig, lupa at sa iba pang bahagi ng kapaligiran
bunga ng gawain ng tao, teknolohiya at mga kalamidad.
a. Kapaligiran
b. Polusyon
c. Atmospera
d. Buhay

GOOD LUCK AND GOD BLESS MGA ANAK!!! KAYANG-KAYA NINYO ITO!

Prepared by:

GALELEO B. PENYRA
Teacher III

You might also like