Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ESP 1

IKATLONG MARKAHAN
I. LAYUNIN:
Naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid para
sa mabuting kalusugan.
II. PAKSANG ARALIN
a. PAKSA: Pagkalinga sa Kapaligiran
a. SANGGUNIAN: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16
b. KAGAMITAN: Mga larawan, white board, envelope
III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. 1. Panalangin
PANIMULANG
GAWAIN Maaari bang tumayo ang lahat, yumuko at
damhin ang presensya ng panginoon.

Panginoon maraming salamat po sa


panibagong araw na ipinagkaloob ninyo sa
amin. Samahan at gabayan niyo kami sa (Ang mga bata ay mananalangin.)
araw na ito, at sa lahat ng gawain na aming
gagawin.Gabayan niyo rin po an gaming
kaklase, guro, kaibigan at pamilya.Amen.
2. Pagbati
Magandang araw din po,guro!
Magandang araw mga bata!

Maraming salamat po, guro!


Magsiupo ang lahat.

3. Pagtala ng Liban
Mayroon bang lumiban sa klase ngayong
( Ang mga bata ay may iba’t ibang sagot)
araw?

Tignan natin sa bawat hanay ng inyong


upuan.
Pumalakpak ng isang beses kung may
isang lumiban.
Pulakpak naman ng dalawang beses kung
dalawa ang lumiban.
At pumalakpak aman ng tatlong beses
kung tatlo o higit pa ang lumiban.

Maliwanag ba?

Sa hanay 1 may lumiban ba? Opo.


Sa hanay 2 may lumiban ba?
Sa hanay 3 may lumiban ba?
Sa hanay 4may lumiban ba? (Ang mga bata ay may iba’t ibang sagot)
Sa hanay 5 may lumiban ba?

5.Balik-Aral
May hinanda si guro ng isang balik aral na
gawain.
Panuto: Makinig sa mga sitwasyon na
ibibigay ni guro at pumili sa mga bulaklak
kung ano ang dapat gawin. Sa napiling
bulaklak itanim ito sa paso.
1.Mag-isa ka lang sa inyong bahay.Nakita
mo na nakabukas ang inyong grupo.
Umaagos ng umaagos ang tubig sa inyong
lababo.Kung ikaw ang batang iyon.Ano
ang gagawin niyo?
Isasara ko po guro.

2. Naglalakad ka pauwi sa inyong


bahay.Bumili ka ng kendi ngunit wala
kang mapagtapunan ng balat nito.Kahit
saan ka lumingon ay wala kang makitang
basurahan.Ano ang gagawin niyo?
Itatago ang balat at itatapon sa tamang
basurahan.

3. May gustong gusto kang bulaklak . At


nakita mong nakatanim ito sa bakuran ng
inyong kapit bahayHindi muna mapigilan
ang iyong sarili.Kung kayo ang batang
yon. Ano ang gagawin mo?
Ipapaalam ito bago ito pitasin guro.

Mahusay ang ipinakita niyo mga bata!


6. Pagganyak
Kilala niyo ba si Dr.Jose Rizal mga bata?
Alam ba ninyo kung saan ipinanganak si
Dr.Jose Rizal? Opo!
(Gamit ang mapa, ituro ang kinaroroonan Opo! Sa Calamba, Laguna.
ng lalawigan ng Laguna).
Halina, tignan natin ang nakatagong ganda
ng lugar na ito.
7. Paglalahad
Ngayon ating basahin ang isang kwento
upang malaman ninyo kung ano an gating
aralin ngayong araw.

Si Emang Engkantada at ang tatlong


Haragan
Ito si Emang engkantada. Siya ay may
pambiharang galing. Maganda ang
kanyang bakuran. Maraming prutas at
gulay. Maraming ibon at hayop.Malinis
ang hangin at tubig. Ito naman ang tatlong
haragan. Si Pat kalat, ang hari ng basura.
Kalat dito, tapon doon ito ang ugali niya.
Si Pol putol, ang kaaway ng mga halaman.
Putol dito, putol doon. Ito ang libangan
niya. Si Paz, waldas. Ang reyna ng aksaya.
Aksaya sa tubig, waldas sa kuryente. Ito
ang Gawain.Mga salbahe kayo. Wala na
kayong ginawang mabuti. Galit na galit
ang mga tao. At hinabol ng mga tao ang
tatlong haragan, hanggang makarating sila
sa bakuran ni mang engkantada. Ang saya
sirain sabi ni Pat. Sinira nila ang bakuran
ni Emang engkantada. Dumating si Emang
engkantada ngunit hindi siya pinansin ng
tatlong haragan. Patuloy sila sa pagsira ng
bakuran ni Emang. Nagalit si Engkantada.
At pinarusahan ang tatlong haragan.
Dumating ang malakas na hangin at
pinaikot ikot sila. Napunta si Pol sa
disyerto. “Gusto ko ng puno, gusto ko ng
tubig. Maawa na kayo” sabi niya. Napunta
si Pat sa basurahan. Malaki ang langaw,
ipis at daga. Hinabol siya ng ipis, langaw at
daga. Takot na takot si Pat. Napunta si Paz
sa madilim na lugar. Kung saan walang
tubig at kuryente. Payat na payat ang mga
tao. Naghanap ng tubig at kuryente si Paz
ngunit wala siyang nakita. “Mamatay ako
dito.Maawa na kayo” sabi ni Paz. “Hindi
na po ako magkakalat” sabi ni Pat. “Hindi
na po ako maninira” sabi ni Pol. “Hindi na
po ako "magwawaldas” sabi ni Paz. Naawa
si Emang engkantada sa tatlong haragan.
“Kailangan matuto kayong maglinis,
magtanim at magtipid” sabi ni Emang.
Tumulong ang tatlong harayan sa
paglilinis, pagtatanim at pagtitipid.
Tuwang – tuwa si Emang engkantada.

Mga Katanungan:
1. Sino ang engkantada sa kwento?
2. Sino-sino ang mga mga batang
haragan sa kwento?
3. Ano ang ginagawa ni Pat?
4. Si Pol, ano ang kanyang ginagawa?
Si Emang po guro.
5. At si Paz?
Si Pat, Paz at Pol po.
6. Ano ang ginawa ni Emma Nagtatapon kung saan-saan po.
engkantada sa kanila?
Naninira ng halaman at nagpuputol ng puno
7. Tama ba ang kanilang ginagawa sa
po.
kapaligiran?Bakit?
8. Ano ang natutunan niyo sa Nag-aaksaya po ng koryente at tubig.
kuwento? Pinarusahan po.
Magaling mga bata! Naintindihan niyo ang Hindi po dahil sinisira nila an gating
kuwento dahil diyan ating simulant ang kapaligiran.
pagtalakay sa ating aralin ngayon.
Huwag sirain ang kapaligiran kundi atin pong
alagaan.
B. Panlinang na 1. Pagtatalakay
Gawain
Mga tamang pangangalaga ng kapaligiran.

1.Itapon ang ating basura sa tamang


basurahan.

May dalawa tayong uri ng basurahan ito


ang nabubulok at di nabubulok.

Ngayon magbigay nga ng mga basurang Dahon po.


nabubulok?

Mga basura namang di nabubulok? Plastic po at bote.


Magaling mga bata!

2.Pagtatanim ng mga puno.

3. Paglilinis ng kapaligiran.

4.Pagbubukod-bukod ng basura.

5.Pagtitipid ng koryente.

Lahat ng mga ito ay mga paraan upang


maprotektahan at mapangalagaan ang ating
kapaligiran.

Sa bawat pag-alaga at paglinis natin sa


ating kapaligiran mga bata ay malalayo
tayo sa sakit at mapapabuti an gating
kalusugan. (Ang mga bata ay may iba’t ibang
kasagutan.)
2. Paglalahat

Itanong:

Paano mapapanatili na malinis at maayos


ang ating paligid?

Paano natin mapapangalagaan ang ating


kapaligiran o ang ating mga pook?
Malalayo po tayo sa sakit.
Pag malinis ang ating kapaligiran ano ang
magandang dulot nito sa atin?

Tandaan:

Dapat pangalagaan ang ating


kapaligiran.
C.GINABAYANG
PAGSASANAY Panuto: Tignan ang mga larawan at sagutin
ang ma sumusunod na katanungan.

Ano ang mga paraan na nagpapakita ng


pangangalaga sa kapaligiran ?

Pagdidilig at pagtatanim ng halaman po.

D. 1. Paglalapat
PANGWAKAS
NA GAWAIN Ngayon kayo ay magkakaroon ng
pangkatang gawain.Bubuo tayo ng tatlong
grupo. Ang Gawain nato ay tatawagin
nating “BUUIN MO AKO”. May mga
larawan akong ibibigay sa inyo at inyong
bubuuin. Pagkatapos niyong mabuo, ilagay
ito sa basurang nabubulok o di-nabubulok.

UNANG GRUPO: BOTE

PANGALAWANG GRUPO:
MANSANAS

PANGATLONG GRUPO: LATA


Mahusay mga bata! Bigyan natin ang ating
sarili ng “Bird Clap”.
Bago tayo dumako sa ating pagsusulit
tayo’y kumata muna.

“Alagaan ang ating Kapaligiran”

Kayganda ng paligid kung kalat ay


pupulutin

Paligid ay linisin

Basura ay paghiwa-hiwalayin

Reduce, reuse recycle ating tandaan

Upang basura natin ay mabawasan

Tipid,tipid,tipid ng tubig at kuryente

It’y makakatulong sa ating kapaligiran

Tayo ay magtanim at ito’y diligan

Mahalin at alagaan ang likha ng ating


Diyos.

D.PAGTATAYA Panuto: Isulat ang TAMA kung ito ay


paraan sa pangangalaga ng kapaligiran at
MALI kung hindi.
1. Hinihiwalay ni Aling Nena ang
mga basura sa nabubulok at di- TAMA
nabubulok.
MALI
2. Linagay ni Ana ang plastic bag sa
nabubulok na basurahan.
3. Nagtanim si Jessa ng punong
TAMA
mangga sa kanilang bakuran.
4. Nakabukas ang tv nila Boyet MALI
habang naglalaro siya sa labas.
MALI
5. Nagtapon ng balat na kendi si Juan
sa ilog.
F. TAKDANG Alamin ang probinsyang pinagmulan ng
ARALIN inyong ama at ina.Tanungin sila tungkol sa
ganda ng kanilang lugar.Humandang
ibahagi ito sa klase bukas.

Prepared by:
EDEN GRACE L. AGBISIT
Student Teacher

Check by:

BERNADETTE B. ORTIGUEZ
Cooperating Teacher/ Master Teacher 1

You might also like