Professional Documents
Culture Documents
Marciano, May A. (Pagsusuri)
Marciano, May A. (Pagsusuri)
Marciano, May A. (Pagsusuri)
BSC- 1101
Jarin. Ang pamagat ng maikling kwento na ito ay “Anim na Sabado ng Beyblade”, ito ay
sumasalamin sa pagiging bata, kung anong laruan ang mga hilig na laruin noon ng mga bata. Ito
ang pamagat sapagkat ito ang paboritong laruin ng batang tauhan sa kwento, si Rebo, ang
pangunahing tauhan at anak ng may akda. Ang beyblade ang tanging nakakapagpasaya at
nakakapagpagaan ng kanyang loob sa kabila ng sakit na kanyang dinanas. Ang maikling kwento
na ito ay pumapaksa sa isang bata na may sakit, si Rebo. Kung paano siya nahirapan at
Makikita pa lang sa unang bahagi ng kwento kung gaano kabuting ama si Ferdinand,
kung paano niya pasayahin ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagbili ng mga gustong
pasalubong ng mga ito, lalo na sa kanyang bunso na si Rebo. Ito rin ang nagpapatunay na lahat
gagawin ng mga magulang, mapasaya lamang ang kanyang mga anak. Kahit na hirap siya na
malayo sa kanyang mga anak, tinitiis niya pa rin upang magtrabaho para sa kinabukasan ng
kanyang dalawang anak. Nabanggit niya na hiwalay na sila ng kanyang asawa, ngunit hindi ito
naging hadlang upang magampamanan pa rin niya ang kanyang responsibilidad bilang ama.
kanyang bunsong anak na si Rebo. Hindi madali para sa isang magulang na nagkakasakit ang
kanyang anak, lalo pa kung ito ay bata pa lamang. Lahat gagawin ni Ferdinand para lamang
malaman kung anong klaseng sakit ang iniinda ng kanyang bunso. Hindi niya iniisip ang
kanyang sarili, kahit siya ay mabaon sa utang at palaging mapagod, hindi pa rin siya tumigil
kahihingi ng tulong upang mapagamot ang kanyang bunso. Hindi madaling kaharapin ang isang
malubhang sakit, ang sakit na leukemia. Sa katulad ni Rebo na nasa murang edad pa lamang,
hindi niya dapat kinaharap ang ganoong kalaking pagsubok. Ang mga bata na katulad ni Rebo ay
problemang iniisip. Ngunit sadyang sa buhay ay may dumadating na pagsubok at ang Panginoon
ay may plano sa bawat nangyayari sa buhay ng isang tao. Kitang-kita kay Ferdinand kung gaano
niya pinapalakas ang kanyang loob sa tuwing nanghihina na ang kanyang anak at kung paano
siya naging matatag upang harapin ang problemang iyon. Napakatatag din ni Rebo sapagkat
nagawa niyang lumaban sa sakit niya kahit sobra na siyang nahihirapan, hindi siya basta-basta
bumitaw dahil ayaw niya rin iwan ang kanyang pamilya. Mapaglaro talaga ang tadhana,
nagbibigay pag-asa at biglang babawiin. Ang buong akala ng pamilya ni Rebo ay tuloy-tuloy na
ang paggaling nito, ngunit nagsisimula na ulit itong lumala. Walang nagawa si Ferdinand kung
hindi umiyak at magalit dahil panibagong gamutan na naman ang kanilang kahaharapin. Hindi
gastusin ang kanyang pinoproblema dahil handa siyang maghanap ng pera para pang-bayad,
kahit ito ay utangin niya pa sa iba. Nagagalit siya dahil panibagong paghihirap na naman ang
dadanasin ng kanyang bunso. Awang-awa na siya at hindi na kayang makita pang nahihirapan
ang kanyang anak, kaya sinunod na nito ang hiling ni Rebo na ‘wag na ituloy ang chemotherapy.
kaarawan nito kahit hindi pa nito tunay na kaarawan. Nag-imbita si Ferdinand ng mga bisita at
sinabihan na huwag kakalimutan na batiin si Rebo ng “Happy Birthday, Rebo” at syempre ang
mga regalo. Naging masaya si Rebo at tila ba walang sakit na ini-inda. Hindi nagtagal ay
nagsisimula na itong manghina at ang mga buhok na muli na ulit natubo ay unti-unti nang
nalalagas. Napapadalas ang pagiging mainitin ng ulo ni Rebo, umabot sa punto na hindi na
kusang nalagas ang kanyang mga buhok dahil sa kanyang sakit sapagkat sinabunutan niya na
kanyang sarili. Pagsapit ng ika-apat na Sabado ay napawi na ang lakas ni Rebo, hindi na niya
magawang malaro ang kanyang paboritong laruan na Beyblade at kahit pagpasok ng pisi nito ay
hindi na niya magawa. Kitang-kita na ang pagkapagod at hingal sa paghinga ni Rebo. Dinala
naman ni Ferdinand asi Rebo sa isang karnabal at pinasakay si Rebo sa kanyang tanging gusto,
ang helicopter na nababa at taas. Pagtapos nito ay agad ng nag-ayang umuwi ang bata, at nang
makarating na sa bahay ay humiga na ulit ito nang humiga. Huling Sabado ng buwan ng Pebrero,
makarating ang kanyang ama, hindi na sila nakapag-usap dahil nang masilayan ni Rebo ang
kanyang ama ay sunod-sunod na niyang pinakawalan ang palahaw sa tindi ng sakit na kanyang
Ferdinand ang kanyang kapiling. Ika-anim ng Sabado mula noong lumabas si Rebo sa ospital,
ang huling Sabado na rin na masisilayan siya ng kanyang mga mahal sa buhay. Isinama ang mga
Beyblade sa kabaong ni Rebo. Wala na ang mga Beyblade at ang may ari nito, payapa nang
nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang hirap at sakit. Ngunit
ginamit ang laruang Beyblade bilang isang simbolismo. Simbolismo sa pagiging bata ng isang
tao. Ang Beyblade ang isang bagay na nagbigay pagkakakilalan ni Rebo sa mga tao na naging
bahagi ng kanyang buhay. Si Rebo ang kanilang maaalala sa tuwing sila ay makakakita ng
Habang binabasa ko ang maikling kwento na ito, hindi mapagkakaila na tumutulo ang
aking mga luha dahil sa mga pinagdaanan ni Rebo at ng kanyang pamilya. Humanga ako sa
huling hininga nito sa mundo ay hindi niya ito iniwan. Masasabi kong isang responsible at
mapagmahal na ama si Ferdinand, sapagkat ginawa niya ang kanyang makakaya upang
mapasaya lamang ang anak sa mga natitirang araw nito sa mundo. Ang kwento na ito ay isa sa
nagpapatunay na kahit gaano kahirap na desisyon ay gagawin natin para sa ating mahal sa buhay,
kahit pa ito ay ang katotohanan na hindi na natin sila masisilayan. Mahirap man tanggapin,
ngunit kailangan nating gawin upang hindi na mahirapan pa. Kailangan nating magpakatatag sa
buhay upang malagpasan natin ang mga pagsubok na darating sa atin. Kailangan nating harapin
ang bukas at tanggapin ang pait ng kahapon upang makapagpatuloy tayo sa ating buhay.
Isang malaking paghanga ko sa may akda nito, kay Ginoong Ferdinand Pisigan Jarin.
Nakakaantig sa puso ang kwento na ito at ang katotohanan na talagang naranasan niya ito,