Intra Muros

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Intramuros

Intramuros ( “nagsasanggalang na pader”) ay ang


pinakamatandang distrito at sentro ng kasaysayan sa lungsod ng Maynila,
ang kabisera ng Pilipinas. Intramuros ang isa sa mga dinarayo ng mga tao
dahil ito ay sikat. Tinatawag ding “napapaderang lungsod”, ito ang orihinal
na lungsod ng Maynila at luklukan ng pamahalaan noon kung saan ang
Pilipinas ay nasasakop pa ng Kastila. Matatagpuan sa Intramuros ang Fort
Santiago (kung saan unang ikinulong an gating pambansang bayaning si Dr.
Jose P. Rizal) Rizal Shrine, Rizaliana Furniture Exhibit, Bahay Tsinoy, Casa
Manila, San Agustin Church at Museum, Baluarte de San Diego, at marami
pang iba.
Tinawag itong Intramuros (wikang Latin ng "loob ng kuta")
dahil ito ang kuta at ang pinakamatandang kabayanan ng Maynila. Ang
bayan ng Intramuros ay naging saksi na rin sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang
tawag naman sa mga distrito sa labas ng pader ay extramuros, ito ay
nangangahulugang “sa labas ng pader”. Noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ganap na nawasak ang Intramuros dahil sa pambobomba sa
labanan upang mabawi ang lungsod mula sa mga puwersa ng Hapon. Ang
muling pagtatayo ng mga pader ay nagsimula noong 1951 matapos ideklara
ang Intramuros bilang isang National Historic Monument. Ang Intramuros
Administration (IA) ay kasalukuyang nangangasiwa at namamahala sa
patuloy na proseso ng pagpapanumbalik. Sa lawak na 67 ektarya,
pinangangasiwaan ito ng Intramuros Administration (IA). Ang IA ay itinatag
noong 1979 sa ilalim ng Presidential Decree No. 1616, na may pananagutan sa
pagbuo, pangangalaga, pamamahala, at muling pagtatayo ng mga gusali at
istruktura sa loob ng Intramuros, na kinabibilangan ng mga kuta.
Ito at dinadayo ng mga Pilipino at ng mga turista na lokal man o
banyaga, dahil sa kayamanan nito sa kasaysayan. Nakakamangha itong
pasyalan dahil sa mga makaluma nitong kagamitan at tila ba makakaramdam
ka na para bang bumabalik ka sa dating panahon, dahil na rin sa
makalumang presensya ng lugar na ito. Bukod sa iyong pagpasyal bilang
isang turista, ay magkakaroon ka pa ng maraming kaalaman tungkol sa
nakaraan at sa kasaysayan ng Pilipinas at ng mga Pilipinong nakipaglaban sa
mga hapon para sa kalayaan ng bansang Pilipinas.

You might also like