Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

LEARNING PACKET

ARALING PANLIPUNAN 9
UGNAYAN NG KITA PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
(IKA 19 NA LINGGO)

NILALAMAN:PAHINA:

Buuin mo ako! 2 – 3
Tiyakin 4 - 5
Linangin 6 - 7
Isabuhay 8
PANGALAN: Ammiee Jienika P. Padama

PANGKAT: 9-Bl. Goyeneche

BUUIN MO AKO!
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ipinapakita sa Larawan?

Mahihinuha sa larawan ang pag-iimpok ng perang kinita o ang pagkakaroon ng “bank account” para sa
iniipon na pera o “savings”.

2. Bakit mahalaga ang mga gawain na ipinakikita ng ilustrasyon?

Mahalaga ang ipinapakita ng larawan dahil karaniwan itong ginagawa ng mga tao para makapag-ipon ng
pera na maaaring magamit sa oras ng pangangailangan.

3. Bakit kailangan mong gawin ang pagkonsumo at pag-iimpok?

Kailangan gawin ang pagkonsumo upang matugunan ang ating mga pang-araw-araw na pangangailangan
sa pamamagitan ng pagbili ng mga produkto o serbisyo gamit ang pera na ating kinita. Samantalang
kailangan din mag-impok para naman makapaghanda ng maaaring magamit o mahugot na pera kung
sakaling may biglaang pangangailangan.

BAITANG SA PAG-UNLAD

Ano ang kita? Paano mo masusukat ang kita ng isang tao?

Ang kita ay ang pera na kabayaran sa isang tao kapalit ng paglilingkod o pagtatrabaho sa isang
kumpanya. Maaari din itong makuha sa negosyo na ating pinangangasiwaan. Masusukat ang kita ng
isang tao depende sa propesyon na meron ito at sa kalagayan ng negosyo ng isang tao, kung mayroon
man.
TIYAKIN

A. Gumawa ng isang larawan na nagpapakita ng kaugnayan ng kita, pag-iimpok at pagkonsumo. Gamitin


ang iyong sariling larawan at ipaliwanag ito.
Pagpapaliwanag:

Ipinapakita sa larawan ang isang babae na masusing nagba-badyet ng kanyang pera na nakalaan para i-
impok at ang nakalaan para sa pagkonsumo.

B. Bigyang katuturan ang mga sumusunod na terminolohiya at ipaliwag ito.


TERMINOLOHIYA KATUTURAN PAGPAPALIWANAG

Consumption Function Nakakatulong ito sa pag-unawa Ito ay isang economic formula na


ng iba’t-ibang salik ng sumusukat sa relasyon sa pagitan
Macroekonomiks katulad ng ng kita at ng kabuoang
mga business cycles, interest pagkonsumo ng mga produkto at
rates, capital stocks, at iba pa. serbisyo sa ekonomiya.

Savings Function Ang Savings Function ay


mahalaga sa pag-unawa kung
paano nagpasya ang mga
sambahayan na hatiin ang Tumutukoy sa karaniwang
kanilang kita sa pagitan ng equation ng savings na tumutukoy
pagkonsumo at pag-iipon. Ang sa relasyon sa pagitan ng savings
kaalamang ito ay nagpapatalas at kita kung saan ang savings
sa mga tool sa patakaran sa value ay maaaring makuha sa
pananalapi na ginagamit ng bawat antas sa paggamit ng
mga ekonomista at gumagawa income value.
ng patakaran upang
pamahalaan ang mga
pagbabago sa ekonomiya.

Ito ang lahat ng kita na sama-


Personal Income Ang personal na kita ay may samang natatanggap ng lahat ng
malaking epekto sa indibidwal o sambahayan.
pagkonsumo ng mga mamimili. Kasama sa personal na kita ang
Habang ang paggasta ng kompensasyon mula sa maraming
consumer ay nagtutulak sa pinagmumulan, kabilang ang mga
malaking bahagi ng ekonomiya, suweldo, sahod, at mga bonus na
sinusubaybayan ng mga natanggap mula sa trabaho o self-
pambansang istatistikal na employment, mga dividends at
organisasyon, ekonomista, at pamamahagi na natanggap mula
analyst ang personal na kita sa sa mga pamumuhunan, mga
isang quarterly o taunang resibo sa pag-upa mula sa mga
batayan. pamumuhunan sa real estate, at
pagbabahagi ng kita mula sa mga
negosyo.

Ang disposable personal income


(DPI) ay tumutukoy sa halaga ng
Nakakatulong ang data ng pera na natitira sa isang
disposable income na pag- populasyon pagkatapos
Disposable Personal Income aralan ang kakayahan ng mabayaran ang mga buwis. Naiiba
consumer na bumili, magbayad, ito sa personal na kita dahil
at makaipon ng mga ipon para isinasaalang-alang nito ang mga
sa hinaharap. buwis.
Ang pag-alam sa average upang pag-aralan ang function ng
propensity to consume o ay pagkonsumo, na isang pormula
importante para sa mga kung saan ang kabuuang paggasta
Average Propensity to Consume sa pagkonsumo ng isang
ekonomista na sumusubaybay
sa mga pattern at galaw ng sambahayan ay binubuo ng
pambansang paggastos. autonomous na pagkonsumo at
kita na pinarami ng marginal na
propensidad na kumonsumo.

Average Propensity to Save Ang APS ay isang mahalagang


tagapagpahiwatig ng ekonomiya Ang average na propensity to save,
para sa isang populasyon. Mula na kilala rin bilang savings ratio,
sa pananaw ng personal na ay ang proporsyon ng kita na
pananalapi, ang Average naipon, kadalasang ipinapahayag
Propensity to Save ng isang para sa mga ipon ng sambahayan
populasyon ay maaaring bilang isang bahagi ng kabuuang
maiugnay sa mga pag-iipon kita ng sambahayan na disposable.
para sa pagreretiro na
nakakaapekto sa kapakanan ng
isang populasyon.

LINANGIN
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano mo maiuugnay ang kita, pagkonsumo at pag-iimpok sa iyong pamumuhay?

Mai-uugnay ko ang tatlong ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ko sa mga pangangailangan at


kagustuhan na aking binibili gamit ang aking pera o allowance sa halip ng kita, at ang aking mga
nagagastos sa pamasahe, pagkain at gamit sa eskwela naman sa pagkonsumo. Samantala, ang pag-iimpok
ay nagagawa ko kapag ako ay nakakaipon ng paunti-unting pera na maaari kong magamit sa oras ng
pangangailangan at kagipitan.

1. Bakit mahalaga para sa ekonomiya ng bansa ang pagkonsumo ng mga mamamayan?

Mahalaga ang pagkonsumo dahil ito ang paraan ng pagdaloy ng pera sa ekonomiya ng isang bansa. Ang
bawat mamamayan ay kumikita ng pera at may mga kanya-kanyang pangangailangan na tinutugunan sa
pamamagitan ng pagkonsumo. Ang kanilang pagkonsumo ay siya ring pinagkakakitaan ng mga
negosyante at manggagawa.

1. Ano ang impok na salapi? Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok sa manggagawa at sa ekonomiya?

Ang ating iniimpok na salapi ay ang ating pera na naka reserba, maging sa alkansya man ito o sa bangko.
Ito ay nakatago at nakalaan para sa mga maaaring paggamitan na mahalaga katulad ng mga pangyayari
na hindi inaasahan.

1. Sa iyong pananaw, alin ang mas higit na kailangan pagtuunan ng pansin ng tao, ang pag-iimpok o
pagkonsumo?

Para sakin, pareho lamang na mahalagang pagtuunan ng pansin ang pag-iimpok at pagkonsumo dahil
pareho itong nakakaapekto sa ating buhay. Nag-iimpok tayo dahil nais natin mapaghandaan ang kung
ano man ang mangyaring hindi inaasahan at magkaroon ng mahuhugot na pera sa hinaharap.
Samantalang ang pagkonsumo naman ang nagiging solusyon natin sa pagtugon sa ating mga
pangangailangan sa buhay.

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang itakda ng pamahalaan ang minimum wage ng mga mamamayan?

Importante na mayroong nakatakdang minimum wage para sa mga manggagawa upang maprotektahan
sila mula sa mga mapang-abusong pagpapasahod sakanila ng mas mababa sa nararapat nilang
matanggap.
ISABUHAY

Kung ikaw ay nagtratrabaho na at tumatanggap na ng kita, ano ang bibigyan mo ng priyoridad, ang
pagkonsumo o pag-iimpok? Ilang porsiyento ang ilalaan mo sa iyong priyoridad at bakit?

Mas priyoridad ko ang pagkonsumo dahil araw-araw ay mayroon tayong mga pinagkakagastusan katulad
ng pagkain. Mas madalas natin gamitin ang ating kinikita para sa mga pangangailangan na ito kung
kaya’t kailangan din na mas malaki ang porsyento ang ilalaan para dito.

You might also like