Araling Panlipunan Implasyon

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

LEARNING PACKET

ARALING PANLIPUNAN 9
IMPLASYON
(IKA 20-21 NA LINGGO)

NILALAMAN:PAHINA:

Buuin mo ako! 2 – 3
Tiyakin 4 - 5
Linangin 6 - 7
Isabuhay 8
PANGALAN: Ammiee Jienika P. Padama

PANGKAT: 9-BL. Goyeneche

BUUIN MO AKO!

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa Larawan?

Ipinapakita sa larawan ang epekto ng implasyon o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at
grocery items.

2. Ano ang nakikitang pagbabago sa larawan? Ipaliwanag.

Makikita sa larawan ang tatlong push cart na nababawasan ang laman ng bawat isa. Kung ang unang
push cart ay marami pang laman, ang huling push cart naman ay labis na kumonti ang laman.

3. Bakit nangyayari ang ganoong pagbabago?

Tumataas ang presyo ng mga bilihin na sanhi ng malaking pagbabago sa dami ng produkto na kayang
mabili sa loob ng 1000 pesos. Nangyayari ito dahil habang tumatagal, nagmamahal lalo ang presyo ng mga
bilihin dahil sa implasyon. Ito ang dahilan kung bakit makikita sa larawan na kumpara sa unang push
cart, maaaring marami ka pang mabibili dahil mas mura ang presyo at kabaligtaran naman nito ang
ikatlong push cart dahil sa malalang implasyon.

BAITANG SA PAG-UNLAD

Paano ka makakatulong upang labanan ang epekto ng implasyon sa pang – araw – araw na buhay?

Makakatulong ang pagtangkilik sa mga lokal na produkto upang labanan ang implasyon dahil ang mga
kapwa natin Pilipino ang kumikita sa tuwing bumibili tayo ng mga produktong sariling atin.
TIYAKIN

A. Gumawa ng sariling larawan na nagpapakita ng implasyon sa ating bansa at ipaliwanag ito ng hindi
bababa sa limang (5) pangungusap.
Pagpapaliwanag:

Ipinapakita ng larawan ang pangunahing epekto ng implasyon sa ating ekonomiya; ang pagtaas ng presyo
ng mga bilihin. Makikita din sa larawan ang kamay na may hawak na pitakang walang laman, at
sinisimbolo nito ang mga nalulugmok o mga nasa poverty sector sa ating lipunan dahil sila ang pinaka
apektado ng implasyon.

B. Pag-aralan ang sitwasyon at isulat ang DI kung dahilan ng implasyon, BI kung bunga ng implasyon, at SI
kung solusyon ng implasyon.

BI 1. Nagpetisyon ang operators at tsuper ng mga pampasaherong sasakyan upang itaas

ang pamasahe.

DI 2. Masyadong nakatuon ang mga negosyante sa pagluwas ng mga produkto.

SI 3. Nangako ang mga prodyuser na pataasin ang produksiyon.

SI 4. Mahigpit na ipinatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang tight money policy.

D1 5. Dumagsa ang mga imported products sa ating pamilihan.

SI 6. Ipinagkaloob sa mga manggagawa ang dagdag na sahod at ibang benepisyo.

DI 7. Maraming middleman sa bilihan ng mga produkto sa pamilihan.

SI 8. Pinawalang bisa ang pagpapatupad ng oil deregulation law.

DI 9. Dumarami ang miyembro ng kartel.

BI 10. Nagkukulang ang supply ng mga produkto dahil itinatago ito.


LINANGIN

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bakit kailangang alamin ang cost of living ng mga tao?

Kailangan isukat ang cost of living dahil mahalaga ito sa pagtukoy ng mga pagbabayad ng relief, mga
benepisyo sa social-insurance, mga allowance ng pamilya, mga tax exemption, at minimum na sahod. Ang
mga sukat ng pagbabago sa halaga ng pamumuhay ay mahalaga sa mga negosasyon sa sahod.

1. Paano maaring makinabang ang mga tao kahit may implasyon?


Nakikinabang ang mga tao sa kabila ng implasyon sa pamamagitan ng pagpapautang. Dahil nga sa
implasyon, may mga tao na hindi kaya tugunan ang mga pangangailangan at naiisip umutang. Kaya ang
taong magpapautang ay makikinabang sa pamamagitan ng pagpapatong ng interes sa halagang inutang
sakanya kapag nagbayad ang taong nangutang. Nakikinabang naman ang taong nangutang dahil
natugunan nya ang kanyang pangangailangan sa pamamagitan ng pangungutang.

1. Paano mararamdaman ang epekto ng implasyon sa iyong pang – araw – araw na buhay?

Nararamdaman ang epekto ng implasyon sa pagbabago ng mga presyo para sa mga pangunahing bilihin
gayundin ang mga serbisyo na ating binibili ay tumataas din ang presyo dahil sa implasyon.

1. Sa iyong palagay, nakasasama ba o nakakatulong ang implasyon sa ekonomiya ng bansa at sa antas ng


pamumuhay ng mga tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Karaniwang nakakasama sa ekonomiya ang implasyon dahil nagiging hadlang ito sa mga mamamayan na
makabili ng produkto o serbisyo. Dahil hindi balanse at maayos ang presyo na tinatakda sa isang negosyo,
hindi nagiging maganda ang daloy ng pera at marami sa mga negosyong ito ang napipilitang magsara kasi
matumal ang kita.

1. Bilang isang estudyante, paano ka makakatulong sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon?

Makakatulong ako sa paglutas sa suliranin sa implasyon sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling atin,


at suportahan ang mga manggagawang Pilipino sa marangal nilang pagkakawang-gawa.
ISABUHAY

Gumawa ng maikling tula na nagpapahag sa implasyon na kinakaharap ng ating bansa at bigyan ito ng
maikling pagpapaliwanag.

Sa pagtaas ng presyo,
Ang ating mga bulsa'y tumatangis.
Implasyon, isang suliraning malaki ng gobyerno.
Kailan natin matatamasa, pagbaba ng presyo na ating ninanais?

Gastos dito, gastos doon.


Pangunahing bilihi’y mistulang ginto!
Maikukumpara ang mga presyo noon,
Ang pagtaas ng presyo, hindi na ba hihinto?
Sa unang saknong, sinasabi dito na ang implasyon ay isang problema ng
gobyerno na hindi madaling solusyunan at dahil dito, sa pagtaas ng presyo, ang
ating mga pera ay hindi nagkakasya upang makabili kung kaya’t ang ating
bulsa ay “tumatangis”. Sa sumunod na saknong, maihahambing ang mga
pangunahing bilihin sa ginto sa sobrang mahal ng mga ito, at ang presyo noon
ay kapansin-pansing mas mababa kung maikukumpara sa kasalukuyan.

You might also like