Modyul 10 11

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Modyul 9-10

MGA URI NG PANITIKAN

A no ang Tula?
Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin ng makata o manunulat nito. Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang
anyo at estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang kaisipan gamit ang maririkit na
salita. Ito ay matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng tayutay.

Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod.
Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, at lalabing-animing pantig. Ang kalipunan ng
mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

M ga Elemento ng Tula
Ang tula ay may walong (8) elemento. Ito ay ang mga sumusunod:

1. A nyo
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo.
Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa
nais ng manunulat. Ang mga tulang isinulat ni Alejandro Abadilla ang halimbawa ng mga tulang
nasa anyong malayang taludturan.

T radisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang ilan sa mga halimbawa
ng tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal, isa na dito ang
“Isang Alaala ng Aking Bayan“.
May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit ang huling
pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma.
Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa bawat taludtod
ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.

2. K ariktan
Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa.
Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o
pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.

3. P ersona
Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang persona at ang
makata ay iisa. Maari rin naman na magkaiba ang kasarian ng persona at makata. Maaari rin na
isang bata, matanda, pusa, aso, o iba pang nilalang.

4. S aknong
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit
pang taludtod.

5. S ukat
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na waluhan, labing-
dalawahan, at labing-animan na pantig.

6. T alinhaga
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag upang
pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.

7. T ono o Indayog
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o
pababa.

8. T ugma
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa
tula ng angkin nitong himig o indayog.

M ga Uri ng Tula
Ang tula ay may apat (4) na uri. Ito ay ang sumusunod:

T
1. ulang Liriko
Ang tulang liriko o pandamdamin ay uri ng tula kung saan itinatampok ng isang makata ng
kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Puno ito ng masisidhing damdamin ng tao
tulad ng kalungkutan, pag-ibig, kaligayahan, kabiguan at iba pa. Sa kabila ng pagiging maikli, ito
ay sapat upang maipahayag ang damdamin ng manunulat. Ang halimbawa ng tulang ito ay
ang Florante at Laura na isinulat ni Francisco Baltazar.

2. T ulang pandulaan
Ang tulang pandulaan ay karaniwang itinatanghal sa mga entablado at ang mga linyang
binibigkas ng bawat karakter ay patula. Ito ay naglalarawan ng mga tagpong lubhang madula na
maaring makatulad, makaparehas, o maiba sa nagaganap sa pang araw-araw na buhay.

3. T ulang pasalaysay
Ito ay nagsasalaysay o naglalarawan ng makulay at mahahalagang pangyayari sa buhay na
matatagpuan sa mga linya o berso na nagbabahagi ng isang kwento. Ang halimbawa ng tulang
ito ay ang Ibong Adarna ni Jose dela Cruz o mas kilala sa tawag na “Hoseng Sisiw”.

4. T ulang patnigan
Ang tulang patnigan ay kilalang tulang sagutan sapagkat ito ay itinatanghal ng mga
nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula kundi sa paraang patula na tagisan ng
talino at katuwiran ng mga makata. Karaniwan itong tinatawag na balagtasan kapag itinatanghal
sa entablado.
K ARUNUNGANG BAYAN:
Ay isang likhang pampanitikan na pamamaraan para maipahayag ang mga kaisipan na
napapabilang sa bawat kultura ng isang lahi, tribo, o bayan. Ang mga karunungang bayan
salawikain ay nagmula sa ating mga ninuno. Hanggang ngayon ay patuloy natin silang ginagamit
gaya ng mga karunungang bayan kasabihan. Isa sa mga kilalang karununang bayan na mayroon
din ang halos lahat ng lahi’t bayan ay ang salawikain.

U ri ng karunungang bayan:
1. Palaisipan
2. at / o Bugtong
3. Salawikain
4. Sawikain
5. Kasabihan
Para sa mga katanungang ano ang salawikain, halimbawa ng salawikain, halimbawa ng
palaisipan, halimbawa ng kasabihan

P ALAISIPAN / BUGTONG:
Isang problema o suliranin na ginagamitan ng katalinuhan sa pagsasagot. Maaari rin itong isang
uri ng bugtong o riddle sa Ingles na sumusubok sa katalinuhan ng lumulutas. Tinatawag din itong
"puzzle". Sa karaniwan, inaasahan na lutasin o masolusyonan ang palaisipan sa pamamagitan ng
pagsama-sama ng mga lohikal na paraan at pag-iisip. Kadalasan, ang palaisipan ay isang uri ng
libangan o recreation sa Ingles ngunit pwede ring magmula sa seryosong matematikal at
lohistikal na problema o puzzle.

S ALAWIKAIN: Ang mga salawikain ay mga salitang sumasalamin sa mga tradisyon at


kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga pilosopiya sa Pilipinas o mga
katutubong karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-ayang
pakinggan.
Halimbawa:
1. Kung ano ang puno siya ang bunga.
2. Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
S AWIKAIN: Ang mga sawikain ay maaaring mga idyoma. Ang pagpapahayag na mga ibig
sabihin ng mga sawikain ay hindi komposisyunal o mahirap matumpak.
Halimbawa:
1. magdilang-anghel (magkatotoo ang sinabi)
2. balitang kutsero (balitang hindi totoo; fake news)

K ASABIHAN: Mga nakagawiang ekspresyong ng mga Pilipino.


1. Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda. (-Jose Rizal)
2. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
Ano ang karunungang bayan?
Ito ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan
na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
Mayaman na tayo sa mga karunungang bayan bago pa man dumating ang mga Kastila dito sa
ating bansa. Binubuo ito ng mga sumusunod:
√ Salawikain (Proverb)
√ Sawikain (Idiomatic Expression)
√ Bugtong (Riddle)
√ Palaisipan (Puzzle)

I. S ALAWIKAIN
Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating
mga ninuno. Sa iba, ito ay parang parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral lalo na sa
kabataan.
Mga halimbawa ng salawikain:
1. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
2. Hamak mang basahan, may panahong kailangan.
3. Kung ikaw ay may ibinitin, mayroon kang titingalain.
4. Kung sino ang matiyaga, siyang nagtatamo ng pala.
5. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

II. S AWIKAIN
Ito ay kasabihang walang nakatagong kahulugan.
Mga halimbawa ng sawikain:
1. Ang tunay na kaibigan, sa gipit nasusubukan.
2. Huwag mong ipagpaliban, ang magagawa sa kasalukuyan.
3. Ang sakit kapag naagapan, madali itong malulunasan.
4. Daig ng maagap ang taong masipag.
5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

III. B UGTONG
Ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma. Ang pantig naman
nito ay maaaring apat hanggang labindalawa. Paborito itong libangan ng ating mga ninuno.

IV. P ALAISIPAN
Ito ay isang paraan para upang tumalas ang isipan ng mga mag-aaral. Gumigising ito sa isipan ng
tao upang bumuo ng isang kalutasan sa suliranin. Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Noon
pa man ay may matatawag nang palaisipan ang ating mga ninuno.
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng
mga diyos o diyosa.

B antugan (Epiko ng Mindanao)


Si Bantugan ay isang magiting na mandirigma sa epikong-bayang Darangan ng mga Maranaw.
Siya ay kilala sa kaniyang kahariang Bumbaran dahil sa mga naipanalo niyang mga digma at
labanan.Sagisag ng tapang at kakisigan, si Prinsipe Bantugan ay sikat na sikat sa kanilang
kahariang Bumbaran lalo na sa mga dalaga. Sinasabing naligawan na niya ang 50 na
pinakamagandang prinsesa sa mundo. Dahil dito, lubhang naiinggit sa kaniya ang mas
nakatatandang kapatid na si Haring Madali. Ipinagbawal ni Madali na kausapin ng kahit sino ang
kaniyang kapatid.Sa labis na kalungkutan, umalis ng kanilang kaharian si Bantugën hanggang
nagkasakit at namatay malapit sa Kaharian ng Lupaing nása Pagitan ng Dalawang Dagat. Nakita
ng hari at ni Prinsesa Datimbang ang katawan ni Bantugan at agad inilapit ang kanilang balita sa
pulong ng mga tagapayo. Isang loro ang pumasok at sinabi kung sino at kung saan gáling ang
patay na manlalakbay.Nang mabalitaan ito ni Haring Madali, binawi niya ang kaluluwa ng
kapatid sa langit upang maibalik sa katawan ni Bantugën. Kumalat ang balita ng kaniyang
pagkabuhay hanggang sa kaaway na kaharian at kay Haring Miskoyaw. Sinugod ng kawal ni
Miskoyaw ang Bumbaran at nabihag si Prinsipe Bantugën na may nanghihinà pang katawan.
Nang magbalik ang lakas, pinuksa niya ang hukbo ng kaaway na hari at iniligtas ang buong
Bumbaran. Nagkaroon silá ng malaking pagdiriwang at nawala na ang inggit sa puso ni Haring
Madali. Matagal at masayang namuhay sa kaharian ng Bumbaran si Prinsipe Bantugan kasáma
ng mga pinakasalan niyang prinsesa.

B idasari
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay
mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda.
Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga
yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao.
Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat.
Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol
na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa
bangka sa ilog.
May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang
kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak.
Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda.
Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.
Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila
Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya
lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng : mahal
na mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan.
Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang
higit na maganda kaysa akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo,
ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda
sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga
kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana.
Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon
pinarurusahan.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang
ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa
gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari.
Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi.
Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara
na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa
gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang
palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita
niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si
Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik
ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari.
Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit
na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si
Bidasari na ang naging reyna.
Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik
nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati.
Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak
ng sultan at sultana ng Kembayat.
Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang
kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga
magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa
Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang
dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala
niyang anak
na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa
palang tunay na prinsesa.

T i Biag Ni Lam-Ang : Ang Buhay Ni Lam-Ang

Siyam na buwan bago siya isinilang sa isang maharlikang familia, namundok ang kanyang ama
upang sugpuin ang isang masamang pangkat ng mga Igorot. Sa kasamaang-palad, napatay ang
ama, pinugot ang kanyang ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng mga Igorot bilang gantimpala at
parangal sa kanilang pangkat. Sa kabilang dako, nagulat ang ina pagkatapos nang biglang lumaki
ang sanggol at agad-agad nagsalita. Isinumpa ni Lam-Ang - sapagkat ito nga ang naging
pangalan niya - na mamumundok din siya upang matuklas kung ano ang nangyari sa kanyang
ama. Kasama ang kaiba at mabuting pangkat ng mga Igorot, inakyat ni Lam-Ang ang bundok at
natagpuan ang bangkay ng ama niya. Bilang ganti, pinatay niya ang bawat isa ng mga masamang
Igorot, gamit ang tangi niyang sandata - isang sibat.
Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at sumisid sa ilog
Amburayan. Kaginsa-ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng putik at dugo na nahugas mula sa
kanyang katawan. Lahat ng isda sa ilog ay namatay. Pati ang mga palaka at iba pang hayop na
umahon mula sa tubig ay namatay lahat sa pampang.
Kinabukasan, ipinahayag ni Lam-Ang sa ina na mag-aasawa na siya. Ginamit niya ang
kapangyarihan niya sa hiwaga at nabatid niya na ang magiging asawa niya ay si Ines, isang
babae taga-Kandon, isang munting nayon sa hilaga. Patungo na siya duon nang nadaanan niya
ang isang batong dambuhala (stone giant ) na sumisira sa palay at tobaco sa mga bukid. Gamit
ang kalasag na pilak (silver shield ) na minana sa ama, nilabanan niya at pinatay ang dambuhala.
Tapos, pinugutan niya ng ulo.
Sa Kandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay ni Ines ang libu-libong lalaki na lumiligaw sa
dalaga. Siksikan silang lahat at, upang makalapit sa bahay, napilitan ni Lam-Ang na lumakad sa
mga ulo ng mga lumiligaw hanggang umabot siya sa isang bintana, kung saan siya pumasok sa
bahay. Humanga nang matindi si Ines sa lakas at tibay ng luob ni Lam-Ang kaya pumayag siya
agad na maging asawa nito. Subalit alinlangan pa ang mga magulang ng dalaga. Kailangan daw
mag-alay ng bigay-kaya (dowry) ang mga magulang ni Lam-Ang bago makuha si Ines.
Pumayag si Lam-Ang at ipinangakong babalik siya pagkaraan ng isang linggo, kasama ng
kanyang ina at ng mga handog at iba pang yaman. Humangos siya pabalik sa ina, at naghanda ng
isang bangka na balot ng ginto. Pinuno niya ito ng iba pang ginto, mga alahas, mga estatua at iba
pang mamahaling bagay. Pagbalik niya sa Kandon kasama ng kanyang ina, nagimbal ang mga
magulang ni Ines sa dami ng kayamanang dala. Nuong araw ding iyon, ikinasal sina Lam-Ang at
Ines. Pagkaraan ng 3 taon, nagka-anak na lalaki ang bagong mag-asawa.
Isang araw, binangungot ( pesadilla, nightmare) si Lam-Ang: Alang-alang sa kanyang anak, at sa
kanyang mga ninuno (antepasados, ancestors), kailangan niyang pagdaanan ang makalumang
gawi ng pahirap (ancient ritual of sacrifice). Ayon masamang panaginip, dapat siyang sumisid
hanggang sa sahig ng dagat (sea floor) upang hanapin ang gintong kabibi ( gold seashell ). Batid
ni Lam-Ang na ikamamatay niya ang gagawin, kaya nagdasal siya at nanawagan sa mga diyos.
Sinagot naman siya at binigyan ng pag-asa. Isiniwalat ni Lam-Ang ang lahat kay Ines: Ang hirap
na susu-ungin niya, ang mga pahiwatig ng kanyang pagkamatay, pati na ang habilin ng pag-asa
na sagot sa kanya ng mga diyos.
Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa mga kalapit sa paligid,
upang saksihan ang pagsisid ni Lam-Ang sa gintong kabibi sa ilalim ng dagat. Subalit bahagya
pa lamang nakalubog si Lam-Ang nang biglang umahon si Berkakan, ang dambuhalang halimaw
na pating, at sinakmal ang bayani. Sa bahay, nakita ni Ines lahat ng pahiwatig na isiniwalat ni
Lam-Ang. Bumagsak ang kalan (estufa, stove), umuga ang hagdan (escalera, stairs), at nanginig
ang kanilang anak na lalaki. Napahagulhol si Ines: Patay na si Lam-Ang.
Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas lumabas at sundin ang mga habilin ng mga
diyos. Inipon niya ang mga buto-buto ni Lam-Ang na inanod ng dagat sa pampang, at inuwi sa
bahay. Sunod sa isiniwalat ni Lam-Ang, binalot niya ang mga buto sa pulang sutla (seda rojo, red
silk), tumalikod at nagdasal nang nagdasal. Habang ibinubulong ni Ines ang mga panalangin,
naririnig niyang unti-unting nabubuo uli ang kalansay at katawan. Pagkaraan ng ilang sandali
lamang, lumitaw si Lam-Ang na buhay na muli.
Dahil dito at iba pang giting na ginawa ni Lam-Ang, silang mag-asawa at ang kanilang anak ay
pinatawan ng mga diyos ng walang katapusang buhay. At sila ay namuhay sa sagana ng mga
bukid ng palay habang panahon.
B ALAGTASAN
Ang Balagtasan ay isang uri ng himagsikan kung saan ang mga salita mo ang ginagamit sa
labanan. Sa entabladong ito, may dalawang panig ukol sa isang paksa na pag uusapan. Ang
salitang “Balagtasan” ay hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas.
Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan ang saloobin at pangatwiran ay ipinapahayag ng mga
salitang mag tugma sa pang hulihan.

A NG LUMANG SIMBAHAN
Ni: Florentino T. Collantes
I.
Sa isang maliit at ulilang bayan
Pinagtampuhan na ng kaligayahan
Ay may isang munti at lumang simbahang
Balot na ng lumot ng kapanahunan;
Sa gawing kaliwa, may lupang tiwangwang
Ginubat ng damo't makahiyang-parang,
Sa dami ng kurus doong nagbabantay
Makikilala mong yaon ay libingan.
II.
Sa gawing silangan ng simbahang luma
May isang simboryong hagdanan ma'y wala,
Dito ibinitin yata ng tadhana
Ang isang malaki't basag na kampana;
Ito raw'y nabasag anang matatanda
Noong panahon pa ng mga Kastila,
Nang ito'y tugtugin dahilan sa digma
Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa.
III.
Sa lumang simbaha't sa kampanang basag
Ay may natatagong matandang alamat,
May isang matanda akong nakausap
Na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat;
Ang Lumang Simbaha'y nilimot ng lahat,
Pinagkatakutan, kay daming nasindak
Umano,kung gabi ay may namamalas,
Na isang matandang doo'y naglalakad.
IV.
Ang suot ay puti may apoy sa bibig,
Sa buong magdamag ay di matahimik,
Ngunit ang hiwagang di sukat malirip,
Kung bakit sa gabi lamang na mamasid
Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik
Ang matandang ito’y hindi raw masilip,
Ngunit pagdilim na't ang gabi'y masungit
Ano't ang simbahan ay lumalangitngit?
V.
Magmula na noo'y pinagkatakutan,
Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan;
Saka ang isa psng baya'y gumimbal,
Ang kampanang basag na bahaw na bahaw
Kung ano't tumunog sa madaling araw,
At ang tinutugtog agunyas ng patay;
Saka nang dumating ang kinabukasan
May puntod ng libing sa harap ng altar.
VI.
Lumaki ang ahas sa mga balita'y
Lalong di pinasok ang Simbahang Luma,
Kung kaya ang hindi mkurong hiwaga'y
Nagkasalin-salin sa maraming dila,
Hanggang may nagsabing sa gabing payapa
May mgs hinaing doon nagmumula
Tagpoy ng maysakit na napalubha.
Himutok ng isang pananaw sa lupa.
VII.
Ngunit isang gabi ay may nagmatapang
Nag-isang pumasok sa lumang Simbahan;
Datapwa't hindi pa siya nagtatagal

Karimot ng takbong nagbalik sa bahay,


Saka namalitang nagkakandahingal:
"Ako po'y mayroong multong natagpuan,
Ang suot ay puti at nakabalabal,
Gayong binaril ko'y ano't di tinablan."
VIII.
Lalo nang nag-ugat sa bayan ang lagim;
Ang Lumang Simbaha'y ayaw nang pasukin;
Taong naglalakad sa gabing madilim.
Ni ayaw sumagi, ni ayaw tumingin.
Pati nang naroong sakdal gandang Birhen,
Wala ni sinumang pusong manalangin;
Kaya't sa simbaha'y wala nang pumansin
Tulad ng ulila't tiwangwang na libing.
IX.
Ngunit isang gabing kadilima'y sakdal,
Ang simbahang Luma'y ano't nagkailaw
May isang binata't isang paraluman
Na nangakalunod sa harap ng altar.
Ang dalawang ito ay magkasintahang
Sa galit ng ama ay ayaw ipakasal,
Kaya't ang dalawa'y dito nagtipanang
Sa harap ng Birhen ay magpatiwakal.
X.
Ang ama raw nitong magandang dalaga
Kung sa kayamana'y walang pangalawa.
Ang binata nama'y isang magsasaka,
Mahirap, kung kaya aayaw ng ama.
Ngunit sa babaing tapat ang pagsinta
Ang yaman sa mundo ay walang halaga,
Kaya't nagkasundong magpatiwakal na

Sa langit pakasal, doon na magsama.


XI.
Sa harap ng birhen ang magkasing-liyag
Ay nagsidaling luha'y nalalaglag;
Matapos ang dasal, dalawa'y nagkayakap
Sa pagmamahala'y parang pahimakas.
Dalawang sandatang kapwa kumikislap
Ang sa dibdib nila'y kapwa itatarak;
Yayamang sa lupa'y api ang mahirap.
Sa langit na sila magiisang palad.
XII.
Ngunit ang binata ay may naisipan
Bago nagkasundong dibdib ay tarakan,
Ay humukay muna sa harap ng altar,
Saka sa gagawing malalim na hukay
Ay doon na sila magsamang mamatay;
Kung mamatay silang wala sa libingan
Baka kung ibaon ay magkahiwalay.
XIII.
Humanap ng palang panghukay sa lupa
Itong sawing-palad na aping binata;
Habang humuhukay ang kaawa-awa
Sa habag sa sinta'y nanatak ang luha.
Ngunit ano ito? Kaylaking hiwaga!
Ang nadukal-dukal mga gusing luma,
Saka nang iahon, oh! Laking himala
Puno sa salapi at gintong Kastila!
XIV.
Ang magkasinggiliw ay nagitlahanan
At nalimot tuloy ang magpatiwakal;
Ang mutyang dalaga ang siyang nagbilang.

Oh, daming salapi! laking kayamanan,


Libo’t laksa-laksa itong natagpuan,
Kaya’t sa malaki nilang kagalakan
Lumuhod sa Birhen at nagsipagdasal.
XV.
At sila’y umuwi pasan ng binata,
Nagkakayang-uuyad sa malaking tuwa …
Ang Lumang Simabahan ay ipinagawa,
At ipinabuo ang kampanang sira;
At saka nagdaos ng pistang dakila,
Tugtog ng musiko’y sampung araw yata
Inalis ang takot sa puso ng madla
Ang inihalili’y saying di-kawasa.
XVI.
Sa ginawang bago na Lumang Simabahan
Ang magkasing ito ang unang nakasal;
Nang sila’y lumuho sa harap ng altar
Ang lahat ng tao’y nagsipagdiwang;
Dito na nabatid ng takot na bayan
Ang simbahan pala ay pinagtaguan
Ng isang matandang puno ng Tulisan
XVII.
Na may ibinaon doong kayamanan.
Ngayo’y din a takot kundi saya’t tuwa
Ang madudulang mo sa Simabahang luma,
At sa Birhen doong kay-amo ng mukha, Oh!
Kayrami ngayong nagmamakaawa.
Ito’y katunayan: Anu ano mang gawa,
Dapat isangguni muna kay Bathala,
Sa awa ng Diyos nagtatamong pala.

A NG LUMANG SIMBAHAN
Ni: Florentino T. Collantes
Ang tulang ito ay nagpapahayag ng wagas na pagmamahalan ng magkasintahan. Ang
lumang simbahan sa isang maliik na bayan ay nasira, nagiba ginagapangan na ng mga damo at
doon ay may krus at masabi na ang lumang simbahan ay parang libingan. Sa bandang silangan
ay mayroong kanpana na basag, iyon ang kampana noong panahon pa ng kastila na pinatugtug
dahil may digmaan at sa labis na pagpatugtug ay bumagsak sa lupa kaya nabasag, ito’y
pinaniniwalaan ng mga matatanda.
Doon daw sa lumang simbahan ay mayroong nakatagong isang matanda, na sa tuwing
gabi ay namamalas na naglalakad. Puti ang damit, at mayroon pang ilaw sa bibig. Ito yaong
nakabalot na hiwaga sa lumang simbahan, dahil sa tuwing umaga na sisilipin ng mga tao ang
lumang simbahan ay hindi makikita ang isang matanda. Kaya mula noon ay kinakatakutan na
ang lumang simbahan, wala nang pumapasok pa rito. May nakakagimbal na pangyayari na ang
kampana ay tumugtug, nakakataakot ang yaong panyayari dahil tumunog ito at kinabukasan pa
ay mayroong puntod ng libing sa harap ng altar.
Lumaki ang balitang nakakagimbal o nakakatakot ang lumang simbahan sa buong bayan
kaya lalong wala ng pumasok pa dito. At nang isang payapang gabi ay may hinaing na
nanggagaling sa lumang simbahan na parang tanghoy ng isang may malubhang sakit. Pero sa
isang gabi ay may isang taong nagtapang-tapangan at mag-isang pumasok sa lumang simbahan.
Hindi pa nga ito nagtatagal sa loob ay dali-dali na siyang lumabas sa simabahan at sabi niya na
mayroon siyang nakitang multo at puti ang suot at binaril niya ngunit hindi ito natatablan. Sa
ganoong pangyayari ay ay lalo nang pumutok sa buong bayan ang lasim ng lumang simbahan na
ni isang tao ay ayaw ng pumasok. Mula noon, kahit may taong dadaan sa simbahan ay hindi na
makuhang tumingin, kahit may birhen sa loob ng simbahan ay wala na niisa ang nanalangin,
kaya ang lumang simbahan ay parang isang libingan.
Pero may isang gabi na nagliwanag ang simabahan na mayroong magkasintahan na ayaw
ng kanilang magulang na sila ay magpakasal. At nakaluhod at nakaharap sila sa altar na kung
saan sila ay nagdadasal o kaya’y humihingi ng tawad sa gagawin o balak nilang sa harap ng
berhin magpatiwakal. Ang ama raw ng babae ay tutol sa kanilang pag-iibigan dahil ang kanyang
iniirog ay magsasaka lamang. Pero ang babae ay tapat sa kanyang iniirog kaya sila nagsasama,
paano ang kanyang kayamanan kung hindi naman niya kasama ang kanyang minanamahal kaya
napagkasunduan nilang magpatiwakal, na kung saan sa kabilang mundo sila ay habangbuhay na
magsasama. Doon ay lubos na silang nag-iiyakan at nayayakapan sa kanilang gagawing
pagtitiwakal gamit ang sandatang kumikislap na balak nilang itutusok sa kanilang dibdib.
Pero napag-isip-isip ang binata na bago pa nila tuluyang itusok ang sandata sa kanilang
dibdib ay naghukay muna sila malalim nang sa ganun ay magkasama pa rin sil kahit patay na
dahil kapag hindi sila mabaon sa lupa ay baka magkahiwalay pa ang bangkay Ngunit sa kanilang
paghukay ay may nakita silang kayamanan, napakaraming salapi ang kanilang natagpuan, kaya
ang balak na pagtitiwakal ay na-udlot at labis ang kanilang kagalakan sa nakuhang kayamanan.
At nagdasal sa berhin ay nagpasalamat ang dalawa. At sila ay umuwi pasan ng binata ang
kayamang nakita na labis ang pagkatuwa.
Simula noon ay pinaayos nila ang simbahan, pinagawa ang nasirang kampana, nagdaos
pa ng pista na kung saan nagkaroon ng mga tugtugan na tumagal ng sampong araw kaya nawala
ang takot ng mga tao sa lumang simbahan. At doon unang nagpakasal ang magkasintahan. Ang
kayamanan palang yaong ay sa matandang naninirahan sa simbahan.
Ang tulang ito ay nagpapakita ng totoong pagmamahalan na kung saan kahit may mga
tutol dito, may mga problemang dumating, ay dinaig ng kanilang pagmamahalan at labis na
pagdadasal o pananampalataya sa Poong maykapal. Dahil dito, ang Panginoon mismo ang
gagawa ng paraan upang ang taong nagmamahalan ay maging masaya o maligaya kahit may
dumating na problema.

I sang Dipang Langit


Ni:Amado V. Hernadez
I.
Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
II.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
III.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
IV.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

V.
Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
VI.
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
VII.
Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
VIII.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
IX.
Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

X.
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang g aganti.
XI.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

I SANG DIPANG LANGIT


Ni: Amado V. Hernadez
Ang tulang Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernadez ay ginawa niya sa loob ng
kulungan. At ito ang kanyang karanasan. Ang unang saknong sa tula ay nagsasalaysay na ang
persona ay giniit sa may kasalanan ng mga taong nakatataas sa lipunan. Kahit wala naman siyang
kasalanan ay siya’y napagbintangan sa kasalanang hindi naman ginawa.
Sa ikalawang saknong, ay yaong panahong siya’y kinulong sa lugar na kung saan ay may
malupit na bantay. Dito napagtanto niya na ang kanyang buhay ay para ng patay, dahil kahit
humihinga pa siya ay wala ng silbi ang kanyang buhay.
Sa ikatlong saknong ay ang tanging ginawa niya ay dumungaw lamang sa maliit na butas
sa kulungan na tanaw na tanaw ang dipang langit. Sa pagmamasid sa langit ay naluha siya at
nalungkot. Nasasaktan siya dahil ang mismong bayan na kanyang pinag-iingatan, pinaglalaban at
pinagsisilbihan ay yaon pa ang nagtaksil at nag-udyok sa kanya sa kulungan.
Sa ikaapat na saknong, ay isinalaysay ng persona na wari’y galit na galit ang mga tanod
na nagbabantay sa kanilang kulungan habang may katabing isang nabilanggo na sumisigaw ng
malakas na parang hayop sa yungib.
Sa ikalimang saknong, ay nagpapahiwatig na maghapon at magdamag siyang nagluksa.
At sa kanyang pagluluksa ay napaisip siya na ang lungga ng bilangguan ay parang kabaong. Ibig
sabihin sa panahon nang nasa bilangguan siya ay para na siyang patay na nilalamayan ng mga
tanod at iba pang nakakulong.
Sa ikaanim na saknong ay naglalarawan na may nakita ang persona na may dumaan sa
kanyang harapan na kung saan ay may kadenang kumakalanding sa kanya, isang may sala na
ibinilad sa lakas ng init ng araw at hindi na nakayanan ang parusa kaya’y namatay.

Sa ikapitong saknong ay inilalarawan ng persona na kung minsan sa isang tahimik na


gabi ay biglang nagulantang ang lahat sa ingay na naghuhudyat na may takas. At minsan naman
ay nasaksihan at nakita ng persona namay nag-aagaw buhay hanggang namatay dahil sa
parusang ibinitay.
Sa ikawalong saknong ay sinabi ng persona na ang bilangguan na ngayon ang kanyang
mundo, sa bilangguan na parang libingan ng buhay. Umabot din ang persona ng dalawampung
taon na pagkabilanggo at nagwika siya na baka sa bilangguan na siya mamamatay.
Sa ikasiyam na saknong ay nangangahulugan na kahit siya’y matanda na sa bilangguan
ay hindi pa rin siya sumusuko na baka siya’y makalabas dito. Dahil buhay pa siya, ay umaasa pa
rin siya na may pag-asa kahit masakit sa puso, natatakot at nahihirapan.
Sa ikasampung saknong ay sinabi ng persona na ang Bathala ay di-natutulog, ibig
sabihin, alam ng Diyos ang lahat ng mga pangyayari, ang totoo o hindi. Lahat ng ginagawa ng
lahat ng tao sa buong daigdig ay batid ng Bathala. Kaya, nagwika ang persona na hindi lahat ng
api ay api. Ibig sabihin ay may hangganan ang paghihirap na dinadanas ng tao sa buhay. At sa
panahon ng pagtutuos ay napawalang-sala siya.
Sa huling saknong, ay nakalaya na ang persona. Masaya siya dahil natatanaw na niya ang
dipang langit ng wala ng luha. Sisikat ang araw ng tagumpay ay nangangahulugang may bagong
pag-asa ang dadating sa kanyang buhay, pagdating ng bukas.

M aikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na


naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari.
Sa kabila ng pagiging maiksi nito, maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento ng maikling
kwento. Kadalasan, ito ay mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng panibagong
karunungan sa isip ng mga bata.

S i Pinkaw
ni Isabelo S. Sobrega
Naalimpongatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa sigawan at nanunuyang tawanan ng mga
bata sa kalsada. Dali-dali akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si
Pingkaw pala na sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang
tinagpian at may medyas ang isang paa na ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya’t di ko
Makita nang mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de Hapon na may kabit na
lata sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palara na kumikinang tuwing tinatamaan ng
sinag ng araw.
“Hoy, Pingkaw,” sigaw ng isang bata na nakasundong abot sa tuhod at may itinatawing-tawing
sa daga. “Sige nga, kumanta ka ng blak is blak.”
“Ay, hiya ako,” nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri.
“Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo,” nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat,
mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni Pingkaw.
Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.
“Sige agawin natin ang kanyang anak,” sabi nilang pahalakhak habang pasayaw-sayaw na
pinalilibutan si Pingkaw.
Maya-maya’y nakita kong lumuhod si Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang bata.
“Huwag niyo naming kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor.” Patuloy pa rin ang
panindyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni Pingkaw.
Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya’t sumigaw ako para
takutin sila. “Hoy mga bata, salbahe n’yo! Tigilan n’yo ang pagtukso sa kanya.”
Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko’y natakot ang mga batang isa-isang nag-aalisan. Pagkaalis
nila, tumingala si Pingkaw sa akin at nagsabi:
“Meyor, kukunins nila ang aking anak.”
Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may senador siyang tawag
sa akin. Ngayon meyor na naman. “O sige, hindi na nila kukunin yan. Huwag ka nang umiyak.”
Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kayang karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa lata ng
biskwit. Dali-dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa lata.
“Hele, hele tulog muna, wala ditto ang iyong ina…” ang kayang kanta habang ang lata’y
ipinaghele at siya’y patiyad na nagsasayaw.
Natigilan ako.
At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang hindi pa siya ganito.
Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang tambakan ng syudad) at
ditto nagmumula ang kanyang makakain, magagamit o maipagbili. Madalas siyang umawit dati-
rati. Hindi naman kagandahan ang kanyang tinig -basag at boses-lalaki. Subalit kung may ano
itong gayuma na bumabalani sa pandinig. Ewan kung dahil sa tila malungkot na tinig ng kanyang
paghehele o kung dahil sa pagtataka sa kanyang kasiyahan gayong isa lamang siyang
naghahalukay ng basura.
Kadalasan, pabalik na siya niyang galling sa tambakan. Ang kariton niya’y puno ng kartong
papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na burin a nakasabit sa gilid ng kanyang
kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Ito’y mga tira-tirang sadinas, karne norte o
kaya’y pork and beans, pandesal na kadalasa’y nakagatan na at kung minsan, kung sinuswerte,
may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit. Sa kanyang yayat na katawan masasabing
tunay na mabigat ang kanyang tinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at
nakakakanta pa ng kundimang Bisaya.
Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang kanyang anak:
“Poray, Basing, Takoy, nandito na ako.” At ang mga ito, dali-daling nagtakbuhan pasalubong sa
kanya habang hindi makaringgan sa pagtatanong kung may uwi ba raw siyang dyens na
estretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili ba raw siya ng bitsukoy?
Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lamang nalaman ang kanyang tunay
na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b’yuda na s’ya. Namatay ang kanyang asawa
sa sakit ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Samantala,
si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa kanyang paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si
Pingkaw. Iba-iba raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay
labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing
makikita mo iting nakasuot ng estretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad
ang panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos
tubo gayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan kung
tatlong taon pa lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya
kung minsa’y naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur.
Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng kariton, ihihiwalay ang mga
lata mga bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito sa napulot sa tambakan katulong ang
kayang mga anak. Kinasanayan na ni Pingkaw na umawit habang gumagawa. Kung minsan,
sumasabay ang kayang mga anak at ang sungi ang siyang may pinakamataas na tinig,.
Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Tsino na tagabili.
Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na
sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lamang makikita si Pingkaw
na inaambaan ang kanyang mga anak. “Ang mga bata,” nasabi niyang minsang bumili siya ng
tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin
sa malalaswang larawan, “hindi kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba
ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata, kung
saktan, susunod sa iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama ng loob.”
Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao’y handing tumapak sa ilong ng
kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha siyang matulungin lalo na sa
katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng
kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing
Linggo hindi kukulangin sa piseta anf kayang ipinamamahagi sa mga nagpapalimos.
Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng el to rang sunging anak
ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram
naman daw ang Tsino ngunit sa isang kondisyon. Bukambibig na ang pagkagahaman sa babae ng
Tsino na ito: pinagdugtung-dugtong ng mga tagatambakan kung ano ang kondisyong iyon
sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng lahat ang mga
naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo ng Tsino.
Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon
ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang nakapagpabuti sa bata.
“Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking anak, sana’y
namatay na. ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit hindi naipadoktor,”
ang sabi ni Pingkaw nang magpunta siya sa talipapa bago pa man gumaling ang kanyang anak.
Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas relip, at iba pang bagay
na ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga mahihirap. Sumabat si Pingkaw na
nagkataong naroroon, “Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang aking pamumuhay? Malusog at masigla
pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na
nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapta tulungan ay hindi
tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng
tulong. Kabaliwan…”
Iyan si Pingkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay.
Naganap ang sumunod na pangyayai kay Pingkaw nang ako’y nasa bahay ng aking kapatid na
may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang aking
nadama.
Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang namilipit ang mga
bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o sa kung ano mang panis na kanilang nakain.
Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong.
Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang kailangan dalhin ang mga anak sa
ospital.
Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pingkaw ang
kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na malapit lamang, ngunit wala ang
doktor at naglalaro ng golp, ayon sa katulong.
Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang
tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.
Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. May
doktor doon ngunit wala naming gamut para sa nalason.
Halos hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay sa
pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang pinahinto upang
isakay ang kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni isa sa mga ito ang tumigil. Maya-
maya napansin niyang hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Para siyang sinakluban ng
langit nang mabatid niyang hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng
kariton para iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang may
pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa mang lumapiot upang tumulong.
Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton habang nagdaraan ito sa mga
lubak-lubak ng kalsada.
Pakiramdam niya’y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang ospital. Matapos
ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan lamang ay mga pasyenteng
mayayaman na wala naming sakit, binigyan din ng gamut ang dalawang anak ni Pingkaw.
Nang gumabi’y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang lumipas, sumunod
namang namatay ang bunso.
Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na nagbalik,
sinusundan na naman ng mga pilyong bata.
“Hele-hele, tulog muna, wala ditto ang iyong nanay…” ang kanta niya, habang ipinaghehele ang
binihisang lata
G AWAIN 1
PANUTO: Magbigay tig limang (5) halimbawa ng bawat karunungang Bayan

 Palaisipan/Bugtong
1. Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay.
Sagot: Pusa
2. Mataas kung nakatayo, mababa kung nakaupo
Sagot: aso
3. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan
Sagot: Anino
4. Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng.
Sagot: Bibe
5. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging

 Salawikain
1. Kapag may isinuksok, may madudukot.
2. Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.
3. Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot
4. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa

 Sawikain
1. Butas ang bulsa- walang pera.
2. bukas ang palad - matulungin
3. Ibaon sa hukay - kalimutan
4. Lantang Gulay - sobrang pagod
5. Nagsusunog ng Kilay - masipag mag-aral

 Kasabihan
1. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
2. Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
3. Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
4. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
5. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sayo
L EARNING S UMMARY
PANUTO: Bumuo ng isang Tula at ipaliwanag ang ibig sabihin ng tula

Masaya siya tuwing kasama sila

Siya ay aking nakita


Sa lugar kung saan siya laging nagpupunta
Kasama niya ang mga barkada niya
Masaya sila na parang mga walang problema

Maghihiwa-hiwalay sila
Kapag nagkayayaan na
Tatambay sila ng isang oras o dalawa
Tila ba na parang matagal ng hindi nagkita-kita

Magkakayayaan ng inuman
Pero walang umuuwi ng luhaan
Na parang sinaktan ang pusong walang laban
Ng taong pinakamamahal na matagal ng iningatan

Uuwi ng masaya na parang problema


Siya iyon, nagagawa niya pang tumawa
Ang mga ngiti sa kanyang labi
Sana lang ay laging manatili

Ang tula ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng
makata o manunulat nito. Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo.
Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang kaisipan gamit ang maririkit na salita.

You might also like