Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

HACKTIVISM: PAG-UNAWA SA KAMALAYAN NG MGA TAO TUNGKOL

SA PAGGAMIT NG INTERNET BILANG BAHAGI NG AKTIBONG

PAGPOPROTESTA

Isang Pananaliksik na inihaharap para kay

G. Marion Laguerta

bilang pagtupad sa pangangailangan sa asignaturang

Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

Nina:

Agustin, Jana Beatrice B.

Aniban, Audrey M.

Beato, Ezekiel R.

Capacio, Peavey Iya J.

Esperila, Kimberly Dawn N.

Enero 2024
Kabanata I

INTRODUKSYON

Rasyunal at Kaligiran ng Pag-aaral

Sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya sa buong mundo, iba’t ibang aplikasyon

ang gamit nito sa maraming aspeto. Bunga ng pangmalawakang pagbuo ng komunidad sa

Internet, ang mga tao na nakikipagsapalaran ay may kakayahan na makipag-ugnayan sa

marami kahit na galing sa iba’t ibang sulok ng mundo. Iba’t ibang plataporma ang

nalikha para mapadali ang paraan ng pagkokomunikasyon ng mga gumagamit nito.

Bawat plataporma na ito ay nabuo mula sa simpleng teknikal na impormasyon na

napapaloob sa ‘database’ para mabuksan sa Internet. Isang katangian nito ay ang

paggawa ng mga ‘online’ na komunidad. Sa loob ng mga online na komunidad, ang mga

taong nakikibahagi rito ay may kakayahan na magkaroon ng deliberasyon at pag-usapan

ang ilan sa mga bagay-bagay na nangyayari sa panahon ngayon.

Ang ‘hacktivism’ ay umusbong din kasabay ng paglaganap ng Internet. Ayon kay

Romagna (2020), ang hacktivism ay ang kombinasyon ng salitang ‘hacking’ at ‘activism’,

at ito ay tumutukoy sa paraan ng pagpoprotesta may kinalaman sa politikal na isyu na

nais mabigyan ng nararapat na resolusyon para sa lahat. Ginagawa ito sa paraan ng

hacking ng iba’t ibang kinatatayuan ng maraming ahensiya. Nagaganap ito sa

pamamaraan ng pagbubukas ng kompidensyal na dokumento at iba pa; paghadlang sa

pagbukas ng ‘network’ mula sa bahagi ng ahensiya, sanhi nito ay ang hindi maingat na

pagbantay ng database nila. Ito ay nagkakaiba-iba habang naaayon sa kung anumang

nababagay sa sitwasyon bunga rin ng iba’t ibang aktibidad na nagaganap at ang paraan ng

hacktivism ng isang nakikibahagi (Mikhaylova, 2014; Ireland, 2022). Kinikilala ang


gawaing hacktivism na may malaking ambag sa maraming panlipunang kilusan lalo na sa

panahon ng teknolohiya. Bunga ng hindi matapos-tapos na isyu sa bansa at iba panglegal

na usapin, nakikipagsapalaran ang mga hacker para magtatag ng sistema na kung saan

natatiyansa nito ang inaasahan para sa isang lumalaganap na kilusan na nagbibigay

patunay na ang isang pulitikal na bagay ay mahalaga na mabigyang pansin (Summers,

2015).

Sa paglaganap ng aktibong protesta sa loob ng Internet, maraming tao ang naabot

at posibleng maimpluwensiyahan ng maraming kilusan. Hindi pangkaraniwang suliranin

ang hacktivism, sa kadahilanang parehong nakakatulong at nakakapinsala sa iba’t ibang

paraan. Nagbibigay daan ito ng oportunidad sa mga tao na magkaroon ng kamalayan at

kumilos sa isang partikular na isyu sa lipunan. Naipapahayag din ng mga tao ang

kanilang hinaing sa pamamagitan ng pag-aaklas sa Internet. Naibubunyag din dito ang

kahinaan ng seguridad ng isang organisasyon. Sa kabilang banda, ang pag-atake ng mga

aktibista ay nagdudulot sa mga tao na mawalan ng proteksyon ng kanilang mga

pribadong impormasyon at nalalabag ang kanilang karapatang pribasya.

Sa pag-aaral na ito, mahalagang malaman ang pananaw ng mga indibidwal na

may kinalaman sa naturang gawaing hacktivism. Maraming layunin ang

pakikipagsapalaran sa Internet, at isa na rito ang pakikibahagi sa aktibong pagpoprotesta.

Hindi maituturing na simpleng isyu ang nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Patuloy itong umiiral sa iba’t ibang dako, kaya iba-iba rin ang kaakibat na pagtugon at

resulta nito. Sa pananaliksik na ito, kapag natukoy ang kamalayan ng mga tao tungkol sa

hacktivism, mapagbabatayan sa resulta kung gaano dapat mabigyang-pansin ang

pagkakaroon ng ligtas at seguridad na lugar sa Internet. Maisusulong din kung paano


dapat malasin ng mga tao ang kilusan sa loob ng cyberspace. Ang kritisismo tungkol sa

mga gawain at programang ipinapatupad ng mga natatanging ahensiya at organisasyon ay

mahalaga sapagkat nababasa rin dito ang pagkakaroon ng malayang pagpapahayag ng

pananaw. Iba’t ibang hamon at oportunidad ang dala ng gawaing hacktivism, kaya ang

kakayahan na taimtim na pagsusuri ay mahalaga dahil dito talaga masusukat ang

impluwensiya ng aktibong protesta sa mga isyung panlipunan.

Kaugnay na Literatura

Malawak ang sakop ng impluwensiya ng hacktivism sa lipunan, ngunit, partikular

nitong tinutuligsa ang plataporma ng gobryerno at mga korporasyon. Nauugat naman dito

ang pag-ikot ng kamalayan ng mga tao sa isyung laganap sa bansa. Batay sa artikulo ni

Ligot (2023), sa mga pangyayaring hacktivism sa Pilipinas, ito’y hindi lamang nangyarari

sa bansa, kundi, laganap din ito sa marami pang iba. Sa gayon, isang impluwensiya nito

ang pagpapalalim ng seguridad sa cyberspace ng gobyerno at ng iba pang korporasyon.

Hindi maidadahilan ang paglabag ng mga hacktivist para masugpo ang paglaganap,

kundi, kailangan pang patibayin at patatagin ang seguridad. Mahalagang bigyang-pansin

ang bahaging ito sapagkat naglalaman ng maraming sensitibong impormasyon ang

platapormang digital.

Noong Nobyembre 2015, libu-libong tao ang nakibahagi sa “Million People

March” na humihiling na tanggalin ang sistema ng pork barrel, tinampalasanin ng

Anonymous PH ang ilang ‘website’ ng pamahalaan upang itaguyod ang isang pag-aaklas.

Karamihan sa mga na-hack na website ay naglalaman ng bidyo at mensahe mula sa grupo

na kilala bilang "Anonymous Philippines," kung saan kinukumpara nila ang pamahalaan

noong panahong iyon sa isang sirang sistema ng kompyuter na madaling maapektuhan o


tamaan ng mga ‘bug’ at sira. Binaboy at nilabag nila ang ilang pampamahalaang site at

pati na ang Twitter account ng kilalang artistang si Maine Mendoza upang isulong ang

rally na tinatawag na "Million Mask March." Hindi lamang naapektuhan ang pamahalaan,

kundi pati na rin ang mga lokal na website sa Iloilo, Butuan, at Zamboanga del Sur,

kasama ang ilang site ng Department of Health. Layunin ng grupo na hikayatin ang mga

tao na sumali sa kanilang martsa at rally laban sa pamahalaan (Barreiro Jr., 2015).

Karagdagan pa, ayon kay Leyden (2013), tinampalasan ng mga hacker na

nagpapakilalang miyembro ng Anonymous ang mga website ng pamahalaan sa Pilipinas

sa gitna ng isang protesta laban sa diumano ay korapsyon. Inatake ng mga hacktivist ang

mga site noong ika-3 ng Nobyembre na may mensaheng nagtatangkang mangalap ng

suporta para sa isang rally laban sa alegadong pag-aaksaya ng pera ng bayan ng mga

mambabatas at paglaban sa pagbasura sa tinatawag na 'pork-barrel funds,' kung saan

tinamaan ng online attack ang parehong pederal at lokal na ahensiyang pampamahalaan.

Nagpadala ng mensahe ang mga hacktivist na may isang mapagpakumbabang anyo

habang humihingi sila ng paumanhin, itinuturing ito bilang huling paraan ng mga

hacktivist upang iparating ang kanilang mensahe sa mga tao na pagod na sa katiwalian at

huwad na demokrasya ng pamahalaan.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Maurushat (2019), ang hacktivism ay isang paraan o matalinong

paggamit ng teknolohiya. Nakasaad din sa literatura na ito na ang hacktivism ay uri ng

‘civil disobedience’ o isang paraan ng hindi bayolenteng pagpoprotesta, ang mga kalahok

dito ay kusang hindi sumusunod sa batas dahil hindi ito makatarungan. Ang kadalasang

tingin sa hacktivism ay ilegal, ngunit ito ay isa pa ring etikal na gawain. Nakasaad din
dito na alam ng mga hacktivist na ang kanilang ginagawa ay hindi legal, kaya naman sila

ay mariin na nag iingat upang mapanatili ang kanilang pagka-misteryoso. Para kay

Maurushat, walang maayos na hatol sa mga ‘ethical hackers’ upang masabi na ang

kanilang ginagawa ay mali. Dagdag pa niya na ang etikal na pag-hack ay laganap sa

buong mundo.

Ipinahayag naman nila Scott at Cupp (2017), na mas kailangan pang intindihin at

aralin ng mabuti kung etikal nga ba ang hacktivism bilang isang paraan ng pagpoprotesta,

magulo, komplikado, at pinagtatalunan ang etika ng hacktivism. Sinasabi rito na

matinding pang-unawa ang kinakailangan upang maintindihan ang kanilang

pangkalahatang etika o ang kanilang motibo sa paggawa ng protesta. Bukod din sa

pagkakakilanlan na ang mga hacktivist ay hackers na mayroong mga parte ng grupong

hacktivist na walang anumang karanasan pagdating sa panghahack, nahahati sila sa

tatlong kategorya. Ang mga ‘white hats’ ay may magandang motibo sa kanilang pang-

hahack at ang mga parte ng ‘black hats’ ay mayroong hindi magandang motibo.

Ipinahayag nina Romagna at Hout (2017), na tila ang mga taong sangkot sa

pagsisira ng mga website, na kilala bilang mga hacktivist, ay may iba't ibang ideolohikal

at sikolohikal na motibasyon. Ipinapakita rito na bagama’t ang mga motibasyon sa sosyo-

pulitikal ang lumilitaw na pinakamahalaga, may iba pang mga salik, tulad ng

pagkamakabayan, paghahanap ng kasiyahan at ang pagnanais na mapabuti ang sariling

pagpapahalaga na nagbibigay ng malaking kontribusyon. Ang kanilang mga biktima ay

pinipili batay sa kung gaano kadali silang i-hack o sa potensyal na dami ng pansin na

malamang na matatanggap ng defacement. Ipinaparating nito na ang pagbabago ng anyo


ng mga website ay nananatiling isa sa pangunahing paraan na ginagamit ng mga

hacktivist upang itaguyod ang isang sosyo-pulitikal na mensahe.

Isinaad din nila George at Leidner (2018), tinatarget ng hacktivism ang mga

organisasyon at mga politiko, pinapakalat nila ang ‘virus’ at mga at mga ‘malware’ na

nakakapagbigay ng abilidad na makuha at ipagkalat ang mga konpidensyal na

impormasyon. Kadalasan na lumalabag sa seguridad and mga nagsasagawa ng

hacktivism, limitado rin ito sa may mga kasanayan sa ‘coding’ at ‘programming’. Bukod

dito mayroon ding mga hacktivist na sumusuporta din sa partikular na pampolitikang

adyenda. Para kina George at Leidner, maaaring isagawa ang hacktivism kahit saan,

ngunit, nangangailangan ito ng matinding seguridad. Malaki ang epekto ng pagsasagawa

ng hacktivism, ang pamahalaan, mamamayan, industriya, o indibidwal at antas ng

organisasyon ay apektado sa bawat paglabag sa seguridad na isinasagawa ng mga

hacktivist. Dagdag pa nila rito na sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, tiyak na mas

marami at mas lalaganap ang hacktivism.

Ayon kay Romagna at Leukfeldt (2022), ang dalawang pangunahing kadahilanan

na nagtutulak sa tao tungo sa hacktivism ay ang paglabag sa moralidad ng lipunan at ang

impluwensya ng sosyal na pagkakakilanlan. May apat na kategorya ang natuklasan sa

paglabag sa moralidad ng lipunan: a) pakikipaglaban sa krimen, kasamaan, o terorismo;

b) paglalantad ng maling gawain sa pulitika o elitistang mundo; c) pagiging makabayan;

at d) pagsuporta sa karapatan ng hayop at kalikasan. Ang mga kategoryang ito ay hindi

eksklusibo, at sa ilalim ng ibang kalagayan, sumusuporta ang mga hacktivist hindi

lamang sa iisang layunin. Ipinakikita ng mga hacktivist ang maling gawain sa pulitika o

elitistang sektor, nilalabanan ang mga makapangyarihang entidad tulad ng gobyerno o


mga taong may maimpluwensiyang posisyon. Ang kanilang layunin ay ilantad ang mga

ilegal o kanilang tinuturing na ilegal na aksyon ng mga pulitiko at mga taong nasa mataas

na posisyon. Ngunit hindi kinakailangang sila ang pangunahing naaapektuhan ng mga

pang-aapi upang kumilos; sila ay kumikilos na pinapagana ng pansariling motibasyon na

harapin ang mga problema, tulungan ang mga nangangailangan, at ibalanse ang hindi

makatarungan na sistema.

Ayon kina Webber at Yip (2018), sa paglunsad ng hacktivism bilang gawaing

kilusan para makaasam ng resolusyon sa nauulat na isyung panlipunan, nagdulot ito ng

pagkataranta ng mga tao. Dulot ito ng pagkabahala sa pagpasok ng hacking sa loob ng

maraming ahensiya at korporasyon. Ang mga indibidwal sa loob ng lipunan ay humihingi

ng katiyakan para magkaroon ng sanggunian para maharap ang aktibong protesta sa

Internet para malasin kung naaangkop ito o hindi. Isang malinis na moral ang kailangan

para maitatag ang pundasyon ng matibay na suporta ng mga tao para walang umalma sa

kilusan. Dagdag pa nina Tetreault at Sarma (2023), sa tulong ng suporta ng mga

ordinaryong tao sa gawaing hacktivism, natutukoy nito ang antas ng moral ng mga

hacktivist. Nawawalang-bisa ang hindi maka-etikang kaugalian ng mga

nakikipagsapalaran sa Internet dahil namamalas ang kabutihang-loob nila.

Sa pagsasaliksik ni Bodford (2015), nakita sa resulta na ang mga hacktivist ay

gumagawi ayon sa ilang aspeto. Ang tatlong aspeto ay: (1) ang kawalan ng

pagkakakilanlan o hindi sila makilala sa loob ng cyberspace, hindi makikita rito ang laki

o sukat ng grupo o ng indibidwal, (2) motibasyon para magsilbing rason, at (3) kawalan

ng katarungan sa partikular na pangyayari. Dulot ng tatlong aspeto, mas nananabik ang

mga hacktivist na magsagawa ng aktibong protesta sa Internet dahil may


pinanghahawakan silang matibay na kaso at paksa. Karagdagan pa, karaniwan na nasa

kabataan pa ang mga hacktivist dahil dalubhasang kasanayan ang kinakailangan sa

aktibidad. Ang pagkakaroon din ng unawa sa mga usaping politikal at panlipunan ay

mahalaga para mas matugunan ang layunin ng kilusan.

Gayunpaman, marami pa rin ang hindi kumukunsinti sa gawaing hacktivism dahil

ito ay lumalagpas sa hangganan ng pagprotesta laban sa mga ahensiya. Sinasabi ng ilan

na masasalamin sa gawaing ito ang pagsuway sa awtoridad ng gobyerno (Svyrydenko at

Mozgin, 2022). Isa pa, dahil nagkakaroon ng kapangyarihan ang mga hacker na buksan

ang kompidensiyal na mga bagay, hindi ito nagiging katanggap-tanggap sa iba

(Steinmeitz, 2023). Ang lahat ng pananaw sa grupo ng hacktivism ay naka-ugat mula sa

layunin at motibasyon nito sa paggawa. Dito nakabase kung paano bibigyang pangalan ng

mga tao ang gawaing hacktivism (McAlaney, Taylor, at Faily, 2015).

Konseptuwal na Balangkas

Layunin ng pananaliksik na unawain ang kamalayan sa hacktivism, o ang

kamalayan tungkol sa paggamit ng Internet bilang bahagi ng aktibong pagpoprotesta, ng

mga panauhing (a) nasa edad na labingwalo (18) o higit pa, at (b) residente ng Lungsod

ng Santa Rosa, Laguna.

INPUT PROSESO AWTPUT

⇩ ⇩ ⇩
Kasagutan ng mga
kalahok sa mga ⇨  Transkripsyon ng datos
mula sa kasagutan ng ⇨ Resulta ng pag-unawa
sa kamalayan ng mga
katanungan sa kalahok tao tungkol sa paggamit
interbyu ng Internet bilang
 Pagsusuri ng datos bahagi ng aktibong
pagpoprotesta
 Interpretasyon ng datos

Pigyur 1. Konseptuwal na Balangkas

Teoretikal na Gabay

Ang ‘General Strain Theory’ ayon kay Timothy Brezina (2017) ay ang teorya na

kung saan ang isang gawain ay mapagtatanto na isang krimen o gawaing nakasasama

para sa iba. Gayunpaman, mahalaga ang salik na negatibong emosyon na natatanggap ng

isang nagpapasimula ng gawain. Bunga ng hindi maipaliwanag na emosyon tulad ng

galit, inis, kawalan ng pag-asa at iba pa, ang isang tao na nakararanas ay posibleng

tumugon sa isang pulitikal na usapin. Subalit, ang tugon na ito ay maitatatag kasabay ng

iba pang nakararanas ng gayon ring sitwasyon. Nangangailangan ito ng suporta,

ebidensiyang aakma para magkaroon ng batayan sa gawain, at ang kakayahan na

kontrolin ang sarili sa ilalim ng malupit na opresyon.

Binanggit ni Dumitrascu (2015) ang ‘Social Activism Theory’ at ito ay isang

instrumento na ginagamit para sa mga kilusan laban sa kontrobersyal na usapin.

Sinasagot nito ang mga tanong na 1) gaano ka-organisado ang mga nakikibahagi sa mga

kilusan? 2) Paano sila nakikipagsapalaran sa protesta? 3) Ano ang antas ng epekto ng

kilusan may kinalaman sa paggawa ng desisyon at buhay? Dahil sa patuloy na

pagbabago-bago ng kalakaran ng buhay, ang mga tao ay may kakayahan na umalma sa

ibang ordinansa na inilalabas ng gobyerno, lalo na sa mga bansang may kalayaan ang tao.

Gayunpaman, mahalaga na magkaroon ng legal na basehan ang isang pagtatatag ng

kilusan bunga ng pagsukat sa epekto nito para sa lahat.

Paglalahad ng Suliranin
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para suriin ang kaalaman at kamalayan ng

mga tao hinggil sa gawaing hacktivism o ang pakikipagsapalaran sa Internet bilang

bahagi ng aktibong pagpoprotesta. Ang mga sumusunod na katanungan ay sasagutin sa

pagsasagawa ng pananaliksik na ito:

1. Ano ang kasalukuyang antas ng kamalayan ng mga tao sa konsepto ng hacktivism at

kung paano ito nagsisilbing bahagi ng aktibong pagpoprotesta sa internet?

2. Paano nakakaapekto ang hacktivism sa pangkalahatang kamalayan at pananaw ng

mga tao hinggil sa mga isyu ng lipunan?

3. Ano ang mga potensyal na epekto, positibo man o negatibo, ng hacktivism sa pang-

araw-araw na buhay ng mga tao?

4. Paano nakaaambag ang hacktivism sa pagsusulong ng kritisismo at partisipasyon ng

mga tao sa mga isyu ng lipunan?

5. Ano ang mga posibleng hamon at oportunidad sa pagganap ng hacktivism bilang

bahagi ng aktibong pagpoprotesta sa internet, at paano ito maaaring mapabuti?

Ipotesis

Ang mga mananaliksik ay susuriin ang sumusunod na ipotesis:

1. Mababaw ang antas ng kamalayan ng mga tao tungkol sa paggamit ng Internet bilang

bahagi ng aktibong pagpoprotesta.

2. Malawak ang epekto ng gawaing hacktivism sa pagsulong ng kritisismo at

pakikibahagi sa isyu ng lipunan.

3. Mas nakikitaan ng mga tao ang hamon at negatibong epekto ng pagganap ng

hacktivism.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Inaasahan ng mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-

pakinabang para sa mga sumusunod:

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang mapalawak ang kamalayan ng mga

mamamayan hinggil sa hacktivism, na naglalayong magtaglay ng pag-unawa at

sensitibong perspektibo tungkol sa mga isyu ng aktibong pagpoprotesta sa Internet.

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay mahalaga sa gobyerno dahil magbibigay

ito sa kanila ng masusing pang-unawa sa mga pangangailangan at karapatan ng

mamamayan sa Internet magpatupad ng mas epektibong polisiya at regulasyon kaugnay

sa online na aktibong pagpoprotesta.

Ang impormasyon na makukuha mula sa pagsusuring ito ay maaaring magamit ng

mga malalaking korporasyon, sapagkat makakatulong ito sa kanila na higit pang

maisaayos ang kanilang seguridad sa datos at teknolohiya, bilang pagtugon sa pagtaas ng

kahalagahan ng internet bilang pangunahing plataporma ng pag-aaklas.

Nagbibigay naman ng pagkakataon ang pag-aaral na ito para sa mga

makapangyarihang indibidwal na maipahayag ang kanilang opinyon at maging bahagi

ng (online/digital) na kilusang panglipunan sapagkat ang kanilang mga aksyon at

reaksyon sa hacktivism ay maaaring magdulot ng malalimang implikasyon sa publiko at

sa kanilang sariling reputasyon.

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga institusyon o organisasyon

sapagkat maaaring maging batayan ang resulta ng pag-aaral upang maglathala ang mga

pamantasan ng mga hakbangin upang mas maging maalam ang mga mamamayan sa mga

aspeto ng hacking at aktibong pagproprotesta. Mailalahad rin nito ang kasalukuyang


pananaw ng mamamayan patungkol sa hacktivism, na maaaring makatulong sa

pagpapahinto sa paglaganap ng hacking.

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa mga mananaliksik ng mas malalim na

pag-unawa sa paksang hacktivism, pag-aaral ng mga detalye nito, motibasyon, at

implikasyon nito sa lipunan. Ito ang magpapalawak sa kasanayan ng mananaliksik ukol

sa koneksyon ng teknolohiya, aktibismo, at etika sa cyber. Makakapagbibigay rin ito ng

impormasyon tungkol sa sosyal na aspeto ng hacktivism at sa mga opinyon ng mga tao

hinggil dito na lubos na makapagpapaunlad sa aspetong sosyal at panlipunan ng mga

mananaliksik.

Ang mga natuklasan sa pag-aaral ay magiging gabay na sanggunian para sa mga

kasunod na mananaliksik na nais magsagawa ng mga katulad o kaugnay na pag-aaral.

Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang higit na maintindihan at mapag-

aralan ang kamalayan ng mga tao tungkol sa hacktivism. Sa pananaliksik na ito, ang mga

kalahok ay mga panauhing (a) nasa edad na labing-walo (18) o higit pa, at (b)

naninirahan sa Lungsod ng Santa Rosa, Laguna. Gaganapin ito sa panahon mula Enero

hanggang sa kalagitnaan ng Pebrero ng ika-2023 hanggang 2024 ng taunang pag-aaral.

Ang pananaliksik ay maglalayong ipakita ang resulta ng datos mula sa magiging

kasagutan ng mga kalahok sa isasagawang interbyu. Ang magiging resulta ng

pananaliksik ay magmumula lamang sa datos na makukuha mula sa mga napiling

kalahok. Ngunit, ang resulta ng pananaliksik ay hindi magagamit para mapagtanto ang

kamalayan ng pangkalahatan ng tao, sapagkat, ito ay nakasalig sa sariling pananaw at

kaunawaan.
Kabanata II

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Uri ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng kwalitatibong pamamaraan para matukoy at

maunawaan ang saloobin ng mga tao may kinalaman sa gawaing hacktivism para sa

aktibong pagpoprotesta. Ang kwalitatibong pamamaraan ay angkop sa pananaliksik na ito

para lubos na maintindihan ang pananaw ng tao sa paggamit ng Internet bilang bahagi ng

aktibong protesta. Ayon kina Bhangu, Provost, at Caduff (2023), ang kwalitatibong

disenyo sa pananaliksik ay karaniwan nang ginagamit sa mga pag-aaral sa lipunan.

Anupa’t dulot ng pagiging mausisa sa pananaw ng mga indibidwal, mabisang susuriin at

iimbestigahan ang hindi mabibilang na pang-unawa ng mga ng tao tungkol sa isang isyu.

Sa pamamagitan ng pakikipagpanayam, tatayahin ng mga mananaliksik ang antas ng

kamalayan ng mga tao tungkol sa gawaing hacktivism. Matutukoy rin sa pananaliksik na

ito ang kaalaman ng tao at ang mga kaugnay na epekto at hamon sa bansa katulad ng

pagkakaiba-iba ng antas sa kakayahang magbigay ng tumpak na komento tungkol sa

maraming isyu sa lipunan.

Ang pananaliksik na ito ay partikular nang gagamitin ang empirikal-

penomenolohikal na pagsusuri. Ito ang pag-aaral na kung saan ang basehan ng pagsusuri

ay ang pag-unawa sa karanasan ng mga tao na kinuha at ibinase ayon sa agham na


panlipunan (Mortari at iba pa, 2023). Naipapakita rito ang aktuwalisasyon ng isang

partikular na pangyayari sa buhay ng tao. Sa pagsasa-isip ng magkakatulad na karanasan

ng mga tao, nabibigyan ng kahulugan at ang epekto ng pangyayari sa buhay ng tao.

Mahalaga ang pakikipagpanayam sa pag-aaral na ito dahil iyon ang magiging basehan sa

pag-unawa sa kamalayan ng lipunan. Ang empirikal-penomenolohikal na pag-aaral ng

gawaing hacktivism ay maglalahad ng deskriptibong pananaw mula sa mga kasagutan ng

mga piling indibidwal.

Kalahok at Sampling Method

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng “purposive sampling” sa pagpili ng mga

respondente para sa pag-aaral na ito. Sa ganitong uri ng sampling, ang mga mananaliksik

ang pumipili ng mga kalahok na naaayon sa kanilang pamantayan at sa layunin ng pag-

aaral (Glen, 2021). Walang anumang sistema o tiyak na pagkakasunod-sunod sa pagkuha

ng mga kalahok kung saan ang mga ito ay pinipili base sa kanilang natatanging grupo na

kinabibilangan.

Ngunit upang makalahok sa panayam, kinakailangan na ang mga kalahok ay nasa

tamang taon at legal na gulang, kung saan sila ay 18 at pataas. Kinakailangan din na sila

ay naninirahan at mamamayan ng Lungsod ng Santa Rosa, Laguna. Para makalahok sa

panayam, mahalaga rin na tandaan na ang mga kalahok ay dapat may isa sa mga

sumusunod na aspeto: a) Mayroong karanasan sa aktibong pagpoprotesta b) Maalam at

mayroong kwalipikadong kasanayan sa teknolohiya c) May kaalaman ukol sa mga balita

hinggil sa mga protesta at isyung panlipunan. Ang magaganap na panayam ay walang

pamimilit at isasagawa ito sa oras na gusto at maginhawa para sa mga kalahok.

Instrumento ng Pananaliksik
Bilang pamamaraan ng pagkuha ng datos, ang mga mananaliksik ay magsasagawa

ng interbyu sa mga kalahok, kung saan hihingin ng mga mananaliksik ang personal na

pananaw o kasagutan ng mga kalahok sa mga katanungang nakadisensyo upang makuha

ang kinakailangan datos sa pag-aaral. Layunin ng isasagawang interbyu na unawain ang

kamalayan ng mga kalahok tungkol sa paggamit ng Internet bilang bahagi ng aktibong

pagpoprotesta.

Pamamaraan ng Pagkuha ng mga Datos

Sa pagsasagawa ng pananaliksik na pinamagatang “Hacktivism: Pag-unawa sa

Kamalayan ng mga Tao Tungkol sa Paggamit ng Internet Bilang Bahagi ng Aktibong

Pagpoprotesta”, ang mga mananaliksik ay bubuo ng isang kwestyuner bilang

instrumento upang makuha ang datos na kinakailangan sa nasabing pananaliksik. Ang

mabubuong kwestyuner ay dadaan sa pagsusuri ng Tagapayo sa Pananaliksik upang

masusing masuri sa proseso ng pagpapatunay o validation. Pagkatapos ng proseso ng

pagpapatunay ng kwestyuner, isasagawa ang paghahanap ng naaangkop na mga kalahok

sa pananaliksik. Bago magsimula ang interbyu, nararapat ipakita sa kalahok ang liham ng

kasunduan bilang paghingi ng kanilang pahintulot na maging bahagi ng pananaliksik.

Habang isinasagawa ang interbyu, ang bawat datos na magmumula sa kalahok ay itatala

at isasailalim sa proseso ng transkripsyon. Panghuli, ang transkripsyon ng datos ay

dadaan sa pagsusuri ng mga mananaliksik upang bumuo ng konklusyon sa isinasagawang

pananaliksik.

Konsiderayong Etikal

Bilang pagbibigay-diin sa antas ng responsibilidad ng mga mananaliksik, ang mga

kalahok ay tinitiyak na makakapagbibigay ng kanilang pahintulot na maging bahagi ng


isasagawang pananaliksik sa pamamagitan ng pagpapakita ng liham ng kasunduan bago

isagawa ang interbyu. Sa pagsasagawa ng interbyu, ang mga mananaliksik ay nararapat

isabuhay ang pagpapahalagang etikal at propesyonal sa proseso. Ang makukuhang datos

mula sa isasagawang interbyu ay nararapat na gamitin na may pagpapahalaga sa

integridad at kumpidensyalidad. Anumang pagbabago ng komento o pagsasadula sa

transkripsyon ay mahigpit na hindi ipahihintulot. Gayundin, ang pag-rerekord ng interbyu

ay hindi makakalabas at gagamitin lamang para sa layuning pananaliksik.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Sa mga nakalap na tugon mula sa pakikipagpanayam, ang mga mananaliksik ay

gagamit ng ‘Codes and Coding’ na pamamaraan para ma-analisa at makapagbigay ng

interpretasyon. Ang pamamaraan na Codes and Coding ay ang pagsusuri ng tugon ng

mga nakapanayam at aalamin ang kaugnayan nito sa iba pang tugon (Atkinson, 2002).

Ang mga ugnayan ay mabibigyan ng pagkakakilanlan o ang tinatawag na ‘code’. Sa

tulong nito, madaling maaanalisa ang tugon ng mga nakapanayam at wastong mabibigyan

ng interpretasyon. Ang bawat tugon ay may koneksyon na nabubuo para maunawaan

nang higit ang mga kasagutan. Ito ay naaangkop sa pananaliksik para mapag-ugnay ang

tugon ng mga indibidwal at maunawaan ang kanilang kamalayan sa gawaing hacktivism.

Matutukoy nito ang pananaw at iba’t ibang epekto nito sa pang-araw-araw na buhay, na

bahagi rin ng oportunidad at mga hamon ng paggamit ng Internet sa aktibong

pagpoprotesta.
Sertipiko ng Bisa ng Instrumento ng Pananaliksik

Ito ay isang sertipiko na nagpapatunay na ang instrumento sa pananaliksik na

ibinigay nina Ezekiel R. Beato, Jana Beatrice B. Agustin, Audrey M. Aniban, Peavey

Iya J. Capacio, at Kimberly Dawn N. Esperila, mga mananaliksik sa unang taong

kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Politeknikong

Unibersidad ng Pilipinas—Sangay ng Santa Rosa, ay sumailalim sa validation para sa

pagpapatunay ng nilalaman ng pag-aaral mula sa ekspertong nakapirma. Ito ay

karagdagang patunay na pagkatapos bigyang kosiderasyon ang lahat ng mga

rekomendasyon at mungkahi para sa pagpapabuti ng instrumento sa pananaliksik, ito ay

samakatuwid ay inirerekomenda para sa pagpapatupad sa pangangalap ng datos at

napatunayang lubos na kapakipakinabang para sa aksyon na pananaliksik na

pinamagatang “HACKTIVISM: PAG-UNAWA SA KAMALAYAN NG MGA TAO

TUNGKOL SA PAGGAMIT NG INTERNET BILANG BAHAGI NG AKTIBONG

PAGPOPROTESTA”.

Ang sertipikasyong ito ay ibinibigay sa kahilingan ng mga mag-aaral para sa mga

layuning dokumentaryo para sa pagtupad sa pangangailangan ng Asignaturang

Filipinohiya

at Pambansang Kaunlaran.

______________________
Research Teacher
Validator
LIHAM PARA SA VALIDATION

Enero 12, 2024


_____________________
Research Teacher
Sinalhan Integrated High School

Magandang Araw!

Kami, na mga mananaliksik mula sa unang taon sa kolehiyo at kumukuha ng kursong


Bachelor of Science in Information Technology na nag-aaral sa Polytechnic University of
the Philippines – Santa Rosa Branch ay kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral na
pinamagatang “Hacktivism: Pag-unawa sa Kamalayan ng mga Tao Tungkol sa Paggamit
ng Internet Bilang Bahagi ng Aktibong Pagpoprotesta”. Pangunahin nang layunin nitong
maunawaan ang antas ng kaalaman ng mga tao tungkol sa gawaing hacktivism na
karaniwan nang nangyayari sa ngayon. May kaugnayan dito, kami ay taos-pusong
humihingi ng patnubay gamit ang iyong natatanging kakayahan para suriin ang nilalaman
ng pananaliksik, gayundin ng instrumento para sa pagsisimula ng panayam.

Lubos naming kinalulugdan ang iyong tugon may kinalaman sa aming kahilingan.
Maraming salamat po!

Mga mananaliksik, _____________________


Beato, Ezekiel R. Research Teacher
Agustin, Jana Beatrice B. Validator
Aniban, Audrey M.
Capacio, Peavey Iya J.
Esperila, Kimberly Dawn N.
VALIDATION FORM

PAMAGAT: ____________________________________________________________
PANGALAN NG VALIDATOR: ____________________________________________
ANTAS: ___________________
POSISYON: ________________
PARA SA VALIDATOR: Pakilagyan ng check ang naaangkop na kahon para sa iyong
pagpupuntos.
Sukat: 5 = Napakahusay, 4 = Mahusay, 3 = Mabuti, 2 = Patas, 1 = Mahina

5 4 3 2 1
1. Kalinawan at direksyon ng mga katanungan
- Ang wika, istraktura, antas ng bokabularyo, at antas
ng konsepto ng mga kalahok. Ang pagsusulit, mga
direksyon at ang mga aytem ay nakasulat sa isang
malinaw at naiintindihan na paraan.
2. Kaangkupan ng mga katanungan
- Ang mga katanungan ay angkop na ipinakita ang
diwa ng pananaliksik. Ang mga tanong ay idinisenyo
upang matukoy ang mga kasanayan/katalinuhan na
dapat sukatin.
3. Presentasyon at Organisasyon ng mga - Aytems
-Ang mga aytem ay organisado at ipinakita sa isang
lohikal na paraan.
4. Kasapatan ng Nilalaman
- Ang bilang ng mga aytem o tanong sa bawat bahagi
ay sapat na kumakatawan sa lahat ng mga katanungang
kailangan para sa pananaliksik.
5. Pagkamit ng Layunin
- Tinutupad ng instrumento ang mga layunin na
kailangan para sa pananaliksik.
6. Layunin
- Ang bawat tanong ay nangangailangan lamang ng
mga tiyak na sagot o sumusukat lamang ng isang pag-
uugali at walang aspeto ng mga talatanungan ang
nagmumungkahi ng nakaraan ng mananaliksik.

You might also like