Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDITORYAL - Mas maganda kung walang

lulutang-lutang na basura
(Pilipino Star Ngayon)

September 22, 2020 - 12:00am

KAAYA-AYANG pagmasdan ang Manila Bay makaraang tambakan ng puting


buhangin. Para na ring nakarating sa Boracay ang magtutungo roon. Ayon sa
Department of Environment and Natural Resources (DENR), gumastos sila ng P389
million para sa beautification ng Manila Bay. Galing pa sa Cebu ang buhangin. Noong
Sabado, binuksan sa publiko ang Manila Bay. Marami ang dumagsa. Marami ang
napa-wow sa ganda ng tanawin. Para na rin daw silang nakarating sa Boracay. Sabik
na sabik makayapak sa puting buhangin.

Habang marami ang nagkulumpunan sa magandang buhangin sa dalampasigan,


nagsasagawa naman ng paglilinis ang mga tauhan ng Metro Manila Development
Authority (MMDA) sa ‘di kalayuan. Pinupulot nila ang mga basurang inaanod na
pawang mga plastic. Kung hindi pupulutin, tiyak na hahantong sa bagong tambak na
puting buhangin ang mga basura. Masisira ang magandang tanawin kapag hindi
inalagaan ng pagpulot sa mga inaanod na basura. Ang pinagkagastusan nang malaki
para sa beautification ay masasayang lang dahil sa mga basura. Karaniwang plastic na
grocery bags, sachet ng 3-in-1 coffee, shampoo, conditioner, toothpaste, at iba pang
basura na hindi nabubulok ang lulutang-lutang sa Manila Bay.
Maraming probinsiya at siyudad ang nakapaligid sa Manila Bay – Maynila, Cavite,
Parañaque, Navotas, Valenzuela, Bataan at iba pa. Posibleng galing sa mga nabanggit
na lugar ang mga basura. Tiyak na pinakamarami ang basura mula sa Maynila.
Karamihan sa mga nagtatapon ng basura ay mga nakatira sa pampang ng ilog at
estero.

Ang kawalan ng disiplina ng mamamayan sa pagtatapon ng basura ang nararapat


pagtuunan ni DENR Sec. Roy Cimatu. Masasayang lamang ang pagpapaganda sa
Manila Bay kung patuloy ang paglutang ng basura rito.

Malinaw pa sa aming isipan ang binitawang salita ni Cimatu noong 0 taon sa mga
sumisira sa kapaligiran at walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Nagsalita siya sa
isang forum at nagbabala na tapos na umano ang araw ng mga gumagawa ng krimen
sa Inang Kalikasan. Tutuldukan na raw niya ang pag-abuso sa kalikasan. Mahigpit
niyang ipatutupad ang environmental laws at mga ordinansa.

Pero nakalulungkot na hanggang ngayon, wala pa ring nakitang pagbabago at dumami


ang mga nagsasalaula sa kapaligiran. Patuloy pa rin ang pagtatapon ng basura at
humahantong sa Manila Bay. Malaking hamon kay Cimatu ang mga lulutang-lutang
na basura sa lawa.

You might also like