Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Bohol Wisdom School

Tagbilaran City

Pangalan: Rhesty Kirk B. Lagunda Kurso: BSED-Fil 3A


Asignatura : El Fil 2 Guro: Gng. Ma.Winda Lim

TULA:

“ Kapansanan”

Nakikita mo silang nasasaktan


Dahil sa iyong kaugalian
Na dulot ng masama na kaisipan
Na gusto mag- sira sa mga tahanan.

Ang hinihingi lang namn ay respeto,


Hindi na rin sa akin kundi rin sa iyo
Halika at tayo’y magsasama magtrabaho
Upang makamit ang kapayapaan sa dulo.

Ang kapayapaan ba ay talagang gusto mo?


Kung gusto natin, magsimula ka sa pagrespeto
Ito ay hindi lang para sa akin kundi pati rin sa iyo
Magsimula tayo sa paggalang ng karapatang pantao.

Hindi sa pisikal na katawan tinitingnan


Para masabing walang kwenta sa lipunan,
Kundi sa pusong maganda ang nilalaman,
Sapagkat sa pangloob mo makikita ang tunay na kagandahan.
Bohol Wisdom School
Tagbilaran City

Pangalan: Rhesty Kirk B. Lagunda Kurso: BSED-FIL 3A


Asignatura : EL FIL 2 Guro : Gng.Ma.Winda Lim

TULA:

“ Ang Habilin ni Ama “

Pumipintig lagi sa aking unawa


Ang Habilin ninyo sa aking gunita
Hindi mahalaga itong gantimpala
Higit na mainam itong ating kapwa

Ikilos ang lingap , igawa ang kamay


Sa unos at bagyo’y sumagip ng buhay
H’wag alalahanin ang premyo at alay,
Na matatamasa sa iyong pagdamay.

Yakapin ang kapwa sa pamamagitan,


Ng bukas na palad ng pagtutulungan
Itong mga taong nangangailangan
Sagipin sa luha , kusang saklolohan.

Ang kasaganaan malunod man ngayon,


Umasa ka pa ring may dahil sa gayon,
Di man makalangoy sa imbay ng alon.
Makakamit pa rin sa huling panahon !
Bohol Wisdom School
Tagbilaran City

Pangalan: Rhesty Kirk B. Lagunda Kurso: BSED- FIL 3A


Asignatura: EL FIL 2 Guro: Gng.Ma.Winda Lim

4 na Pagpapahayag:

Paglalahad:
“Mga Gawain ko Bago Pumasok”

Ako ay nakatira sa Lila, Bohol na kung saan apat na barangay ang tatawirin papunta sa
eskwelahan. Kinakailangan ko pang gumising nang maaga at magluto ng pagkain. Pagkatapos
kong magsaing ay dumiretso na ako sa pagliligo na kung saan kinakailangan ko pang kumuha ng
mainit na tubig dahil malamig ang tubig samin. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng
aking uniporme. Habang nagbibihis ako ay may sinabi ang aking ina bago ako pumasok. Sabi
niya “ anak mag- iingat ka sa iyong paglalakbay “. Pagkatapos kong magbihis ay nagimpake na
ako sa aking mga dadalhin sa eskwelahan at nagpapahatid muna ako sa aking pinsan sa highway
kasi malayo yung bahay namin sa highway. Kung gusto nyo pumunta sa Lila upang manood ng
balyena, pwedeng – pwede kayong pumunta. Isang oras at kalahati lang ang byahe papunta
doon . Punta na !

Pagsasalaysay:

“Ang Aking Simpleng Buhay”

Ang paligid ay labis na napakaganda. Makikita mo ang magagandang bulaklak gaya ng rosas na
puti at iba pa . Malalanghap mo ang mababangong bulaklak gaya ng rosas , gumamela at iba pa .
Tayong mga tao ay may iba’t ibang gawain kahit na mahirap pinagpatuloy pa rin . Maraming
balakid ang tao dahil sa problemang dala nila . Sa akin , madami akong gawain pero ginawa ko
ito na may oras para hindi ma stress . Ginawa ko ito dahil gusto kong matulungan ang aking
magulang at magbigyan ng bahay ang aking ina dahil nakikituloy lng kami sa bahay ng aming
lolo. Pagkatapos , kong gawain ang ginagawa ko ay naglilinis na ako ng bahay. Masaya naman
ako sa aking ginagawa . Marahil nakikita ng Panginoon ang aking mga ginagawa sa buhay .
Pangangatwiran

“Ang Puno”

Ang puno ay hindi dapat pinuputol dahil kapag pinutol ito magkakaroon ng klima. Hindi ako
sang- ayon na putulin ang puno dahil nakakatulong ito upang hindi masyado bumaha ,
nakakatulong ito rin sa tag-init . Lahat ng puno ay may buhay sa loob gaya ng ibon dahil ang
puno ang kanilang munting tahanan. Hindi lahat ng tao ay sang-ayon sa pagputol ng puno . Dahil
nga nakakasira din ito sa ating mundo . Madalas kapag umuulan bumababa na lang . Ang ibang
tao ay sang-ayon dahil nga gusto nila magkapera hindi nila alam ang paparating na sakuna. Kaya
kinakailangan natin na huwag putulin ang puno kundi bigyan natin ulit ng buhay . Lahat tayo ay
magkaisa sa pagpapatupad na huwag putulin ang puno .Iligtas ang puno na may puwersa na hindi
sang-ayon.

Paglalarawan

“Ang Mabuting Estudyante”

Ang mabuting mag- aaral ay nagsisimula sa pagiging mabuting anak sa iyong magulang at
mabuting tagapayo sa iyong mga kaibigan. Kaya’t ating pagyamanin ang pagiging maganda at
modelong mag-aaral sa ating paaralan barangay . Kahit di-gaano kataas ang grade mo , pwede ka
parin maging isang mabuting mag- aaral at modelo sa inyung barangay. Dapat marunong
gumalang sa guro, rumespeto sa kapwa mag-aaral. Dapat ay makapasa ng requirements sa
tamang oras at panahon. Sa paaralan ay masaya, Hindi natin makakalimutan bilang isang mag-
aaral. Mahirap man maging mabuting mag- aaral kailangang kayanin ng isang tao ang mga
pagsubok sa buhay . Dahil ito lang namn ang maibibigay sa ating magulang at masuklian natin
sila sa kanilang pursegido na makapag-aral tayo.

You might also like