Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 68

MARTIAL LAW NI MARCOS

NOON, OPLAN KAPANATAGAN AT


ANTI-TERROR LAW NI DUTERTE
NGAYON
SULIRANIN AT KALAGAYAN NG
KARAPATANG PANTAO, SIBIL, AT
PAMPULITIKA SA ILALIM NG
ADMINISTRASYONG DUTERTE
What are HUMAN RIGHTS?

Human rights are rights inherent to all human beings, regardless of


race, sex, nationality, ethnicity, language, religion, or any other
status. Human rights include the right to life and liberty, freedom
from slavery and torture, freedom of opinion and expression, the
right to work and education, and many more. Everyone is entitled to
these rights, without discrimination.

-United Nations
Your concern is human rights, mine is human lives.
-Rodrigo Duterte, 2019 State of the Nation Address

We will keel it towards security.


-DND Secretary Delfin Lorenzana
OPLAN TOKHANG

OPLAN TOKHANG
OPLAN TOKHANG

MARAWI SIEGE
OPLAN TOKHANG

MARTIAL LAW IN MINDANAO


OPLAN TOKHANG

VICTIMS OF EJK
What are CIVIL and POLITICAL RIGHTS?

Rights such as freedom of movement; equality before the law; the


right to a fair trial and presumption of innocence; freedom of thought,
conscience and religion; freedom of opinion and expression;
peaceful assembly; freedom of association; participation in public
affairs and elections; and protection of minority rights. It prohibits
arbitrary deprivation of life; torture, cruel or degrading treatment or
punishment; slavery and forced labor; arbitrary arrest or detention;
arbitrary interference with privacy; war propaganda; discrimination;
and advocacy of racial or religious hatred.
-United Nations
“Hindi natin alam ano ang boundary between student activism, at
yung pagiging insurgent, pagiging armadong rebelde.”
-Bato Dela Rosa, on Senate hearing

“Leftist groups should be banned for being subversive and


illegal.”
-DILG Secretary Eduardo Ano, on the revival of Anti-
Subversion Law
PAGPAPATAHIMIK SA MGA
KRITIKO AT NASA
OPOSISYON
CIVIL AND HUMAN RIGHTS
VIOLATIONS
WHOLE-OF-NATION APPROACH

Sentral na patakaran ni Duterte na hinalaw sa 2009 US Counter


Insurgency Guide. Ipinatupad din ito sa Afganistan at Israel ngunit
nabigo rin matapos ang madugong kampanya at matinding pang-
aabusong dinanas ng mga sibilyan.
CIVILIAN AUTHORITY

Civilian authority is, at all times, supreme over the military. The
Armed Forces of the Philippines is the protector of the people and
the State. Its goal is to secure the sovereignty of the State and the
integrity of the national territory.

-Sec. 3, Art. 2, 1987 Constitution of the Republic of the Philippines


EXECUTIVE ORDER NO. 70

Nag-iinstitusyunalisa ng “whole-of-nation” sa pamamagitan ng


pagkakabuo ng National Task Force to End Local Communist
Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ayon kay Duterte, pagkakaisahin
umano nito ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang epektibong
maghatid ng serbisyong panlipunan at upang “malutas ang ugat ng
armadong tunggalian”.
NTF-ELCAC UPANG IPATUPAD
ANG DE FACTO MARTIAL LAW
1. AFP/PNP Peace and Development
Cluster

Nasa sentro ito ng 12 pillars at direktang hawak ng AFP, PNP, at


National Security Council. Ito ang pangunahing kumukumpas at
kumokontrol sa lahat ng ahensiya ng gobyerno ng NTF.
2. Local Government Empowerment
Cluster

Ginagamit ang Local Government Units (LGU) at iba pang ahensya


sa ilalim nito tulad ng NYC (Natl. Youth Commission) at NCW (Natl.
Commission on Women) para sa malawak na lambat paniktik at
operasyon laban sa sibilyan, mga kritiko, at organisasyon.
3. International Engagement Cluster

Layunin nito na putulin ang suporta ng mga gobyerno, organisasyon,


at civil-society organizations sa ibang bansa sa pakikibaka ng
mamamayang Pilipino.
4. Legal Cooperation Cluster

Pagsasanib-pwersa ito ng DOJ, CIDG, OSG, at iba pang ahensya


para sa pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso, paglalabas ng
mga warrant of arrests, at paggamit ng iba’t ibang batas upang
supilin ang karapatang-tao ng mga kritiko, progresibo, at mga
oposisyon.
5. Strategic Communications Cluster

Nakatutok ito sa paninira, panggigipit, at pagpapalabas ng fake news


sa mga demokratiko, progresibo, at patriyotikong organisasyon at
kanilang mga ipinaglalaban.
6. Basic Services Cluster
7. Livelihood and Poverty Alleviation
Cluster
8. Infrastructure and Resource
Management Cluster
9. Situational Awareness and
Knowledge Management Cluster
10. Localized Engagement Cluster
11. E-Clip Amnesty Program Cluster
12. Sectoral Unification, Capacity
Building and Empowerment Cluster

Pokus nito ang pag-engganyo sa salapi at pagkontrol sa mga tribal


leaders upang labanan ang mga komunidad na patuloy na
lumalaban. Sila rin ang responsible sa pagbubuo ng mga grupong
paramilitar na tumatanggap ng sweldo at benepisyo para maghasik
ng karahasan laban sa mga tribal groups na tumatangging
magpailalim sa kontrol ng gobyerno.
2020 PROPOSED “PEACE
AND SECURITY” BUDGET
OPLAN KAPANATAGAN

Layunin umano nito na “sugpuin ang lahat ng banta sa seguridad sa


bansa”.
KARANASAN SA NEGROS

Pinaratangan bilang taga-suporta ng CPP-NPA ang mga


organisasyon ng magsasaka at mangaggawa, gayundin kahit mga
abogado, propesyunal, at iba pang sektor, at pagkatapos ay ginawa
silang target ng ekstra-hudisyal na pamamaslang. Nang malantad
sa buong bansa, pinalabas nila na gawa ito ng CPP-NPA.
OPLAN KALASAG

Sa NCR, ang operational plan ay tinawag na “Oplan Kalasag” na


aktibo ngayong nanghahalihaw ng mga komunidad, nagsasagawa
ng panghahalughog sa mga bahay, nagsasampa ng mga kasong
ligal laban sa mga demokratikong organisasyong masa.
ATAKE SA SEKTOR NG
KABATAAN-ESTUDYANTE
Sinampahan ng gawa-gawang
kaso ng kidnapping at child
abuse ang mga prominenteng
lider ng Anakbayan at Kabataan
Partylist kasama ang ilang mga
organisador nito. Idinawit din ang
Chairperson ng Bayan Muna na
si Neri Colmenares.
Ginamit ni Bato dela Rosa ang
posisyon sa Senado upang
magsagawa ng “witch hunt” laban
sa mga legal na aktibista at
organisasyon. Itinutulak nila na
ikriminalisa at gawing iligal ang
mga prominenteng organisasyon
ng kabataan na aktibo sa
pagmumulat, pag-oorganisa, at
pagpapakilos sa kabataan.
Aktibo ring pinakikilos at ginagamit ang pondo ng bayan para
umikot sa mga eskwelahan para ilako ang hysteria ng komunismo
at magsagawa ng red-tagging sa mga ligal na organisasyon.
Nagsagawa rin ito ng mga mobile propaganda team sa harap ng
mga eskwelahan upang hikayatin ang mga estudyante na huwag
sumali sa mga kilos protesta at mga progresibong organisasyong
masa.
MGA PANUKALAN BATAS NA
ISINUSULONG NG NTF
AMENDMENTS ON HUMAN SECURITY ACT

Isinusulong na pahintulutan ang warrantless arrest and detention


mula sa kasalukuyang 3 araw patungong 60 araw para sa sinumang
“pinaghihinalaang” terorista o kasabwat nito. Samakatuwid hindi na
kailangang suspindihin pa ang writ of habeas corpus dahil
pahihintulutan na ng batas ang pag-aresto kahit walang kaso
ANTI-SUBVERSION LAW

Layunin ng batas na ideklarang iligal ang CPP at anumang aktibidad


o organisasyon na “may kinalaman” dito. Hindi na nito pinag-iiba
ang armado sa mga di-armado.
SOTO-ENRILE ACCORD REVIEW

Ito ang kasunduan na nilagdaan noong 1980s sa pagitan ng LFS at


Ministro ng National Defense. Nakasaad dito ang kasunduan na
pangalagaan ang akademikong kalayaan sa loob ng kampus at
ipinagbabawal ang operasyon ng pulis at militar sa loob ng paaralan
nang walang pahintulot sa administrador.
MANDATORY ROTC IN SHS

Nakasampa sa Kongreso ang 17 panukalang batas para gawing


Mandatory ang ROTC. Kalakhan ng mga ito ay nagsusulong na
ipatupad ito sa Senior High School habang may ilan na nais
isagawa ito sa Kolehiyo. Layunin nito na ipatupad sa 60,000
pampublikong institusyon upang magluwan ng 4 milyong reservist
na mga kabataan.

Kwestyonable ang binabalak ng P38 bilyon na gagastusin para dito.


Singlaki ito ng pondong inilaan para sa libreng tuition sa state
universities and colleges.
PAGLABAG SA KARAPATANG
PANTAO (ENERO-HUNYO
2020)
HUMAN RIGHTS VIOLATIONS
Political Killings 46
Frustrated Killings 21
Illegal Arrest and Detention 446
Threats, Harrasment and Intimidation 3,296
Forced Evacuation 17,193
Destruction of Property 72
Illegal Search and Seizure 46
Abduction 1
Torture 7
Physical Assault and Injury 16
Demolitions 2,268
Food and Economic Blockade 1,200
Coercion 40
CIVIL AND POLITICAL RIGHTS

Sa ilalim ng pandemyang COVID-19, naglatag ang rehimeng Duterte


ng militaristikong lockdown na naglagay ng restriksyon sa buhay at
kabuhayan ng mamamayan. Sa kabila ng pagkawala ng kabuhayan,
nanatiling bagal ang usad ng pagbibigay ng ayuda sa mamamayan.

Nasa 147 na rallyista at mga volunteers ang hinuli dahil umano sa


“paglabag” nila sa quarantine protocols.
CIVIL AND POLITICAL RIGHTS
11,000+ na mga manggagawa ng ABS-CBN ang nawalan ng trabaho
dahil sa pagmaniobra ng rehimeng Duterte gamit ang mga tuta nito
sa kongreso upang maibasura ang prangkisa nito.

Paggamit sa pandemya ng gobyerno para itulak ang mga interes nito


katulad ng Jeepney phaseout, at ang pagpush ng Cha-Cha ng
League of Municipalities of the Philippines na karamihan ay kaalyado
ni Duterte sa dahilan ng “regional development, particularly in health
infrastructures
REPUBLIC ACT 11479
THE ANTI-TERRORISM ACT
OF 2020
ANTI-TERROR LAW

Ang pagratsada at pagpasa sa Anti Terror Law (ATL) at pagturing


ditong urgent sa gitna ng pandemya ay isang pasistang hakbangin.
Hinubaran ng Covid-19 ang krisis na mala-kolonyal at mala-pyudal
na lipunan at itinulak ang mamamayang pinatay, nagugutom, at
pinagsasamantalahan upang makita ang landas ng pakikibaka.
HUMAN SECURITY ACT OF
2007
Bago muling lumaban ang taumbayan sa di-makataong terror bill,
nauna na nating nailabanan ang Human Security Act of 2007 na
ipinasa sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Laman nito ang higit na
pinasaklaw na depinisyon ng terorismo na nagpapataw ng mga
kaparusahan at restriksyon sa mga karapatan na malinaw na lalabag
sa mga saligang karapatang sibil.
HUMAN SECURITY ACT OF
2007
Pinapawi nito ang lahat ng balakid at sagka sa malawakang
pangungurakot, walang pakundangang panunupil at sukdulang
pagkapapet ng sino mang maupo sa pwesto. Sa panahong din ng
pagsasabatas nito ay pumailalim ang Pilipinas sa “gera laban sa
terorismo” ng dating rehimeng Bush para tiyakin ang suporta ni
Arroyo sa imperyalismong Estados Unidos.
ANTI-TERROR LAW

Ang Anti-Terror Law ay ang aktwal na pagwawasiwas ng diktadura ni


Duterte. Sa ilalim nito ay papahintulutan ang warrantless arrest at
surveillance base sa hinuha na sila ay bahagi ng isang teroristang
akitibidad. Ang sinumang tao na maaakusahang magsasagawa ng
akto ng terorismo ay makukulong ng 12 taon at maaaring makulong
ng 24 na araw kahit walang kaso.
BROAD DEFINITION OF
TERRORISM
ANTI-TERRORISM COUNCIL
Ang Anti-Terror Law ay papahintulutang mangaresto ang mga pulis
at militar ng walang judicial warrant at gamit lang ang awtorisasyon
mula sa Anti-Terrorism Council.

Sa ilalim ng Terror Law, nakasaad ang probisyon ng pagtatayo ng


isang Anti-Terrorism Council (ATC), isang Presidentially-approved
body na ang layunin ay magtalaga sa kung sinong tao ang
pwedeng arestuhin bilang “terorista”.
Ito ang mga taong magtatakda sa kung sino ang terorista sa ilalim
ng batas:
• Secretary of Justice Menardo Guevarra
• Exec. Sec. Salvador Medialdea
• Secretary of Foreign Affairs ,Teddy Locsin Jr.
• Secretary of National Defense, Delfin Lorenzana
• DILG Sec. Eduardo Año
• Secretary of Finance Carlos Dominguez III
• AMLC Director Mel Georgie Racela
• DICT Secretary Gringo Honasan
• National Security Adviser, Hermogenes Esperon
Ang hustisya ni Secretary of Justice
Menardo Guevarra ay nakapanig sa mga
kaalyado ni Duterte.
Tinanggihan ni Guevarra ang paghingi ng
tawad ng isang guro na nagpost ng joke
tungkol kay Duterte sa social media, nais
niya itong sampahan ng sedisyon,
samantalang tinawagan naman ng publiko
na intindihin ang aksyon ni Senador
Pimentel III nang nilabag nito ang
quarantine protocols.
Si Executive Secretary Salvador Medialdea ay yes-man ni
Duterte at protektor ng mga abusadong pulis.

Sa kasagsagan ng mananita incident ni Major General Debold


Sinas, inatasan niya ang Internal Affairs Services ng PNP na
mag-imbestiga. Nagpalit ng tono matapos suportahan ang
nilabas na pahayag ni Pangulong Duterte na dapat panatilihin
si Sinas sa pwesto.

Si Teddy Locsin Jr. ay suportado mga ginagawang ang


karahasan at pamamaslang ng administrasyon.

“These are f*cking communists! You shoot them. You don’t


listen to them.” – Locsin response to BAYAN’s statement
against VFA
“Maybe we’re not killing enough of the right guys to kill.” -
Locsin on War on Drugs
Ayon sa pahayag ni Delfin Lorenzana, maghahanap siya ng
rason kapag naaresto na ang pinaghihinalaang terorista at
hindi bago ito arestuhin.

“We want a longer detention period so that we can hold the


suspect if he is really a terrorist, We do not have time to
substantiate your charges. You cannot Research.” -
Lorenzana

Sinusuportahan naman ni DILG Sec. Eduardo Año ang mga


marahas na direktiba ni Duterte

“Yun yung sinabi niya eh.” – Año on Duterte’s shoot-to-kill


order on protesters during quarantine.

Ang PNP ay nasa ilalim ng DILG.


Tinanggihan ni Anti-Money Laundering Council Executive
Director, Mel George Racela ang rekwes ng Office of the
Ombudsman na makipag-cooperate ukol sa plunder complaint
kay Duterte.

Dahil dito, naitulak ito na i-terminate ang imbestigasyon.

Hermogenes Esperon, red-tagger ng mga


progresibong organisasyon

Nagsampa ng kaso ng perjury laban sa


KARAPATAN, Gabriela at Rural Missionaries of the
Philippines (RMP) at inakusahan itong legal fronts ng
CPP-NPA
Sa pagpasa ng ATL, mapapawalambisa ang ating batayang
karapatan na nakasaad sa konstitusyon dahil nililigalisa nito ang
pagyurak sa pundamental at mga batayang karapatan ng
mamamayan. Ituturing na terorista ang paglaban sa mga di
makataong polisiya ng gubyerno, maging ang pagpapahayag at
pagiging kritikal.
Sa kasalukuyan, nagpupumilit pa ang rehimeng palawigin ang
emergency powers na wala namang naidulot para puksain ang
pandemya sa bansa.

Ang patuloy na pagpapalakas sa kapangyarihan ng estado ay hindi


para isalba ang buhay ng mamamayan kundi durugin ang ating
mga pundamental at batayang karapatan.
Susi ang ATL para walang humpay na ipatupad ang liberalisasyon,
pribatisasyon at denasyunalisasyon sa ekonomya para walang
prenong magtulak ng mga patakaran hindi para sa mamamayang
Pilipino kundi para sa interes ng iilan.
SINO ANG NAKIKINABANG?
Tumutugon ang “whole-of-nation” at Oplan Kapanatagan sa
balangkas ng Operation Pacific Eagle-Philippines na pinakabagong
overseas contingency operations (OCO) ng US. Nakatuon umano ito
na suportahan ang lakas-militar ng Pilipinas sa kanilang “efforts to
isolate, degrade, and defeat ISIS affiliates and other terrorist
organizations in the Philippines”. Ang programang ito ay “conditions-
based”, ibig sabihin, walang taning at tuluy-tuloy na maaaring
pakialaman at/o panatilihin ang mga pwersang militar ng US sa
bansa hangga’t mayroong “banta ng terorismo”.
Dahil sa mga operasyong “kontra-terorismo” na ito,
nakakapagpanatili ang US ng malaking bilang ng tropang militar sa
loob ng bansa at nagkakaroon ng malayang pakikialam sa
operasyong militar sa Pilipinas. Malaking bentahe ito para sa US
laluna sa kasalukuyang pagtutunggalian nito laban sa China para sa
impluwensya at lakas-militar sa Timog Silangang Asya. Samantala,
malaking kahihiyan at taliwas sa soberanya ng bansa ang direktang
kontrol ng US sa operasyon ng militar at pulisya sa Pilipinas.
Sa kanayunan, nagagamit ng malalaking panginoong maylupa,
dayuhang minahan at agro-industriyal ang pulis at militar upang
sugpuin ang paglaban ng magsasaka at mga minorya na lumalaban
para sa kanilang karapatan sa lupa at lupang ninuno. Noong
panahon ng eleksyon, nagamit din ang pulis at militar upang tiyakin
ang pagpapanalo ng kandidato at alipores ni Duterte habang
tinatakot at hinaharas ang mga oposisyon at progresibong
kandidato.
Malinaw kung sino at anong uri ang pinagsisilbihan at nakikinabang
sa kampanya at atakeng pasista ng rehimen. Labis na paghihirap
ang nararanasan ng mamamayan dahil sa mga neoliberal na
patakaran. Dumadaing ang mga magsasaka sa tindi ng hagupit ng
Rice Tarrification Law.
Nagsusumigaw ang manggagawa at kawani ng gobyerno laban sa
kontraktwalisasyon at para sa pagtataas ng sahod. Iginigiit ng
maralita ang pangangalaga sa kanila at batayang serbisyo sosyal.
Ngunit ang tugon ng gobyerno ay lalong pagpapatindi ng
militarisasyon at operasyon upang supilin ang kanilang paglaban.
Samantala, tuloy ang ligaya para sa malalaking panginoong may-
lupa at burgesya komprador. Lumolobo ang yaman ng mga kroni at
pinapaborang negosyante sa pamamagitan ng mga tagibang na
kontrata at kasunduan. Tuloy ang mga sindikato sa droga sa
kanilang mga operasyon. Patuloy ang paglaki ng agwat ng
mayaman at mahihirap na mamamayan.
TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
SA PAGHARAP SA DE FACTO
MARTIAL LAW
Ang kapayapaan ay pagkakaroon ng sariling lupang sinasaka,
nakabubuhay na sahod, pagkain sa lamesa, kaunlarang sosyo-
ekonomiko, at pagtamasa ng karapatang-tao at sibil na kalayaan.
Patuloy silang kumikilos at lumalaban upang makamit ito. Dahil dito
magiting ang kasaysayan ng pakikibaka ng kabataan at
mamamayan para sa pagsusulong ng kanilang karapatang- tao at
demokratikong karapatan.
Tungkulin ngayon ng mamamayan na magkaisa at magsama-sama
upang ipaglaban ang kanilang mga demokratikong karapatan. Kung
may “whole-of-nation” approach at ATL ang gobyerno, tatapatan ito
ng mamamayan ng pambansang pagkakaisa at kilusan para sa
demokratikong karapatan at kalayaan.
Buuin ang pinakamalapad na pagkakaisa at pinakamahusay na
koordinasyon sa lahat ng tipo ng organisasyong masa, pwersang
pulitikal, institusyon, at personalidad upang salagin at biguin ang
mga imbing pakana ng pasistang rehimen ni Duterte. Ilunsad ang
malaganap at dambuhalang protesta sa lansangan na yayanig
tiraniko at militaristang pamumuno ni Duterte.
Magpunyagi sa pagmumulat at matiyagang pagpapaliwanag sa
pinakamalawak na hanay ng masa upang ilantad ang pasistang
pakana at pahirap na patakaran ng rehimen. Lalong palaparin at
palawakin ang saklaw ng pagmumulat at pag-oorganisa.
Habang matindi ang pagsasamantala at pagkakait sa maralitang
manggagawa at magsasaka, nananatiling makatarungan, hindi
mauubos o matatapos ang paglaban at pagkilos ng mamamayan
hanggang sa makamit nito ang tagumpay.

You might also like