MATH - GR3 - QTR4-MODULE-2-revalidated (8pages)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

3

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

MATHEMATICS
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Measurement, Statistics and Probability

Writer: Eleanor S. Bejo


Cover Illustrator: Ferdinand B. Villegas

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Matapos mong basahin at aralin ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang
1. nakapagsasalin ng sukat ng mga sumusunod: oras sa
araw; buwan sa taon; at bise bersa.
2. nakapagasasalin ng sukat ng mga sumusunod: oras
sa buwan, at sa taon at bise bersa.
Aralin: Pagsasalin sa Sukat ng Oras Gamit ang Araw,
Linggo, Buwan at Taon.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang tamang


sagot sa sagutang papel.
1. Si Mang Cris at ang kanyang mga kasamahan ay nagpintura
ng bahay ng 14 araw, ilang linggo ang tinagal nito?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
2. Nagbakasyon si Amon ng 180 araw sa Legazpi. Ilang buwan
siya nanatili roon?
A. 3 B. 4 C. 6 D. 8
3. Si Mang Ben ay isang OFW na nagtatrabaho sa loob ng 2 taon,
ilang buwan ang katumbas nito?
A. 24 B. 36 C. 48 D. 60
4. Naghihintay ang magkapatid na Bing at Benny sa 2 buwang
bakasyon nila sa probinsya, ilang araw ang kanilang magiging
bakasyon?
A. 20 B. 30 C. 60 D. 80
5. Ang tatay ni Ronie ay 29 na taong gulang nang ipinanga-
nak si Ronie. Ilang taon ang tatay niya noong si Ronie ay 24
na buwang gulang?
A. 30 B. 31 C. 32 D. 33

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Isulat sa patlang ang katumbas na yunit na isinasaad.
1. 6 minuto = segundo
2. 180 segundo = minuto
3. 180 minuto = oras
4. 11 oras = minuto
5. 10 araw = oras

Suriin at pag-aralan ang kalendaryong nasa ibaba.

• Anong buwan ang nakasaad sa


kalendaryo?
• Anong mahalagang okasyon ang
ipinagdiriwang tuwing Disyembre?
• Anong taon ang nakasaad rito?

 Ilan lahat ang bilang ng buwan sa bawat taon?


 Ano-ano ang mga ito?
 Ibigay ang bilang ng araw sa bawat buwan na iyong naisip.
Ilang araw mayroon sa isang buwan?
 Ilang araw mayroon sa isang taon?
 Ilang araw naman mayroon sa isang linggo?
 Kung mayroong 7 araw sa isang linggo, ilang linggo
mayroon sa isang buwan?

Upang masalin nang tama ang oras gamit ang araw, linggo,
buwan at taon. Suriin ang inyong bagong kalendaryo.
ALAMIN mo ang mga ito:

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


• Ano-ano ang mga buwan sa kalendaryo na
mayroong 31 araw?
• Ano-ano ang mga buwan sa kalendaryo na
mayroong 30 araw?
• Tanging anong buwan lamang ang may 28 araw?
Kaylan naman ito nagiging 29 na araw?
• Average na bilang ng araw sa isang buwan = 30
araw

Pag-isipan at sagutan:

• 1 linggo = (Ilang araw?)


• 1 buwan = (Ilang Linggo?)
• 1 taon = (Ilang buwan?)
• 1 taon = (Ilang Linggo?)
• 1 taon = (Ilang araw?)

Pag-aralan at pag - isipan ang mga halimbawa sa ibaba:


1. Ilang linggo ang katumbas ng 14 na araw?
Solusyon: 14 araw ÷ 7 = 2 linggo
2. Ilang buwan mayroon sa 90 na araw?
Solusyon: 90 araw ÷ 30 = 3 buwan
3. Ilang taon ang katumbas ng 730 na araw?
Solusyon : 730 araw ÷ 365 = 2 taon
4. Ilang araw mayroon sa 3 linggo?
Solusyon : 3 linggo x 7 = 21 araw
5. Ilang araw ang katumbas ng 2 buwan?
Solusyon : 2 buwan x 30 = 60 araw
6. Ilang araw ang katumbas ng 3 taon?
Solusyon: 3 taon x 365 = 1095 araw
 Ano ang mga ginamit na mathematical operation sa
halimbawa bilang 1 -3?
1. Upang masalin ang sukat ng araw sa linggo, idivide ang

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


bilang ng araw sa 7.
2. Upang masalin ang sukat ng araw sa buwan, idivide ang
bilang ng araw sa 30.
3. Upang masalin ang sukat ng araw sa taon, idivide ang
bilang ng oras sa 365.
 Ano naman ang ginamit na mathematical operation sa
ika-4 hanggang ika-6 na halimbawa?
4. Upang masalin ang linggo sa araw, imultiply ang bilang
ng linggo sa 7.
5. Upang masalin ang sukat ng buwan sa araw, imultiply ang
bilang ng buwan sa 30.
6. Upang masalin ang sukat ng araw sa taon, imultiply ang
bilang ng taon sa 365.

Pagsasanay 1
Bilugan ang tamang katumbas na bilang na nasa
loob ng panaklong.
1. 2 na lingo = araw ( 7, 14, 28, 32 )
2. 42 araw = linggo ( 6, 12, 18, 24 )
3. 120 araw = buwan ( 2, 4, 6, 8 )
4. 5 buwan = araw ( 50, 100, 150, 200 )
5. 2 taon = araw ( 365, 730, 1095,
1460 )
Pagsasanay 2
Kulayan ng asul ang lahat ng hugis na may
katumbas ng 3 taon at rosas naman ang mga hugis na
hindi
katumbas.

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Paano mo masasalin ang sukat ng oras mula araw
hanggang linggo; mula buwan hanggang taon at bise bersa
o ang kabaligtaran nito?
Paano mo naman masasalin ang sukat ng oras mula
buwan hanggang taon at bise bersa o ang kabaligtaran
nito?

Basahin ang sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa


patlang. Si G. Ramos at ang kanyang buong mag-anak ay
nagbakasyon ng dalawa at kalahating buwan sa Iloilo, ilang
linggo sila nasa bakasyon? Ilang araw ang katumbas nito?

Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ilang araw ang katumbas ng limang linggo?


A. 1 B. 7 C. 35 D. 45
2. Ilang araw ang katumbas ng tatlong buwan?
A. 7 B. 14 C. 90 D. 100
3. Ilang linggo ang katumbas ng anim na buwan?
A. 2 B. 4 C. 24 D. 45
4. Ilang linggo ang katumbas ng dalawang taon?
A. 52 B. 104 C. 208 D. 250
5. Ilang buwan ang katumbas ng siyam na taon?
A. 108 B. 120 C. 132 D. 145

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Basahin ang suliranin at sagutin ang tanong sa sagutang
papel.
Si Leonardo ay isang magaling na pintor. Siya ay
nagsimulang magpinta noong siya ay 9 na taong gulang
hanggang ngayong siya ay 18 taon gulang na. Ilang taon na
siyang nagpipinta? Ilang buwan ang katumbas nito?

Chingcuangco, O.G., Contemplacion, H.P., Flores, E.I., et.al (2014).


Mathematics 3-Kagamitan ng Mag-aaral. Manila , Philippines. Deped-
IMCS

Grade 3 Teacher’s Guide. Manila , Philippines. Deped-IMCS

Susi sa Pagwawasto

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Development Team of the Module

Writer: Eleanor S. Bejo (KMES)


Editors: Mia Esperanza (MalES)
Ana Liza Paz (SNES)
Internal Reviewer: Dominador J. Villafria (Education Program Supervisor-Mathematics)
Layout Artist: Joel J. Estudillo, SNNHS
Management Team:

Sheryll T. Gayola
Assistant Schools Division Superintendent
OIC, Office of the Schools Division Superintendent

Elisa O. Cerveza
Chief, CID
OIC, Office of the Assistant Schools Division Superintendent

Dominador J. Villafria
Education Program Supervisor-Mathematics

Ivy Coney A. Gamatero


Education Program Supervisor– LRMS

For inquiries or feedback, please write or call:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like