NJH, M

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa talaan, at lagyan ng shade kung ito ay nagpapamalas

ng aktibo o hindi aktibong pagkamamamayan. Ilagay ang sagot sa isang buong papel.

Pamprosesong Tanong
1. Nakabubuti ba sa kapwa mamamayan at sa bansa ang mga pahayag na tinukoy mong
aktibo? Oo o Hindi? Ako’y naniniwala na nakakabuti ito sa ating kapwa mamamayan at sa
bansa sapagkat ang pagiging aktibong mamamayan ay mayroong mga katangian at isa na
rito ang kamalayang pangkasaysayan. Dahil sa kamalayang pangkasaysayan ay nagtataglay
tayo ng kritikal na pag-iisip na makatutulong sa kapakanan ng bansa. Gamitin nating
halimbawa ang unang pahayag, masasabi kong makabubuti ito para sa atin sapagkat may
kakayahan tayong pumili ng kandidato na sa tingin natin ay lubos na may kakayahan na
mapaunlad ang bansa. Hindi tayo nagiging panatiko ng sinumang kandidato at hindi
nagbubulag-bulagan sa
Magbigay ng isang (1) katwiran

2. Maaari bang makasama ang pahayag na tinukoy mong hindi aktibo? Oo o Hindi, Magbigay
ng isang (1) katwiran. Masasabi ko maaaring makasama pahayag na tinukoy kong hindi
aktibo sapagkat ito’y nagpapakita ng kawalang pagmamalasakit sa kapwa, at maaari itong
makadulot ng masamang epekto hindi lamang sa iba kundi rin sa kanilang sarili sapagkat
maaari silang mahawa at makahawa kung hindi nila sinunod ang health protocols na
ipinatupad ng kanilang syudad.

3. Ang isang aktibong mamamayan ay maituturing din na isang produktibong bahagi ng


lipunan, Oo o Hindi?
Magbigay ng isang (1) katwiran. Para sa akin, ito ay maituturing na isang produktibong
bahagi ng lipunan sapagkat ang aktibong mamamayan ay may konsepto ng boluntarismo o
ang kusang loob na pagtulong sa kapwa. Ang aktibong mamamayan ay ginagampanan ang
kanilang mga tungkulin kaya masasabi kong isang produktibong bahagi ito ng lipunan.
4. Paano nga ba maging isang aktibong mamamayan? Upang maging isang aktibong
mamamayan, nararapatan na tayo’y maging matalino o magkaroon ng kritikal na pag-iisip
upang mapaunlad ang ating bansa. Dagdag pa rito, ang isang aktibong mamamayan ay
mayroong pagmamalasakit, nakikipagkapuwa-tao at kusang tumutulong sa kapwa tao. At
huli, nararapat nating gampanan ang ating mga tungkulin.

5. Bakit dapat malinang sa bawat Pilipino ang maging isang aktibong mamamayan ng ating
bansa? Nararapat na malinang ng bawat Pilipino ang maging isang aktibong mamamayan ng
ating bansa upang magkaroon tayo ng ma-unlad, mapayapa at may pagkakaisang lipunan.
Dahil sa pagiging aktibong mamamayan, maaari tayong maging bahagi ng solusyon ng
malalaking issue ng ating lipunan. Naniniwala rin ako na mula sa indibidwal na pagkilos,
maaaring magsimula ang pagbabago.

You might also like