Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY
Cabid-an, Sorsogon City

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: _______________________ Seksyon: _______________ Q:4 - Lesson 1

I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at
bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig (AP8AKD-IV-1)
* Natutukoy ang mga salik/dahilan na nagbigay-daan sa Unang Digmaang
Pandaigdig
II. Pangkalahatang Ideya
Mainit at maalinsangan ang araw noong Hunyo 28, 1914 sa Sarajevo,
kabisera ng Bosnia na kabilang sa mga lalawigan ng Austria. Hinihintay ng lahat
ang pagdating ni Archduke Franz Ferdinand, ang tagapagmana ng trono ng
Austria-Hungary kasama ang kanyang kabiyak na si Sophie.
Noong umagang iyon, mayroong mga nasyonalistang Serbian na
nakahandang bigyan ang mga bisita ng kakaibang pagbati. Habang kumakaway
at naghahagis ng bulaklak ang mga tao sa mga bisita, mayroong naghagis ng
ibang bagay- isang bomba. Nagawang maitaas ni Franz Ferdinand ang kanyang
braso kung kayat tumalbog ito at sumabog sa kalsada.
Ninais ni Franz Ferdinand na bisitahin ang mga nasaktan sa pagsabog.
Bago pa man ang drayber tumuloy sa pagliko sa ibang direksyon, pinatigil ito ng
alcalde at ipinaliko ang sasakyan ng Archduke. Hindi kalayuan sa mga sasakyan
ay nakatayo si Gavrilo Princip, kasapi ng lihim na samahan ng mga
nasyonalistang Slavic na Black Hand. Itinutok nya ang kanyang baril at
nagpaputok ng dalawang beses. Tumama ang unang bala kay Sophie at ang
ikalawa naman ay sa Archduke. Namatay ang dalawa pagkaraan ng ilang
sandali.

1
Dahil sa naganap ng pagpaslang kay Franz Ferdinand, nagpasimula ito
ng sunod-sunod na mga pangyayari pagkaraan ng limang lingo. Dinala nito ang
mga bansa sa Europe sa isang digmaan. Dalawang tao ang nasawi sa Bosnia
noong umagang iyon, subalit ang pangyayari ang naghatid sa isang digmaan na
kumitil sa buhay ng mahigit walong milyong sundalo at anim na milyong sibilyan.
III. Mga Gawain
Mga Salik na Nagbigay-Daan sa Pagsisimula ng Digmaan
Pagbuo ng Alyansa
Nag-ugat ang hidwaan mula sa sistema ng mga alyansa na nagsimulang
mabuo noong 1870. Ito ay naganap sa kabila ng katotohanan na ang mga
alyansang ito ay itinatag upang mapanatili ang kapayapaan. Sa pagitan ng mga
taong 1871, ang dugo at bakal na chancellor ng Prussia na si Otto Von Bismarck
ay malayang ginamit ang digmaan upang pag-isahin ang Germany. Matapos
ang taong 1871, bigla syang bumaling sa mga patakarang pang kapayapaan.
Naging bago nitong layunin ang pag-iwas sa digmaan upang panatilihin na buo
ang bagong tatag niyang Imperyong Aleman.
Nakita ni Bismarck ang France bilang banta sa kapayapaan dahil nais
nito na makapaghiganti sa pagkatalo nito sa Digmaan nito sa Digmaang Franco-
Prussian. Naging unang layunin ni Bismarck ang pagbukod sa France. ’’Habang
ito ay walang mga kaalyansa’’, sinabi ni Bismarck, ’’hindi mapanganib ang
France para sa atin’’.
Noong 1879, naging matagumpay si Bismarck na pansamantalang ibukod
ang France sa pamamagitan ng pagbuo ng isang alyansa sa pagitan ng Italy at
Austria-Hungary na tinawag na Triple Alliance. Marupok ang binuong alyansa
ni Bismarck dahil ang Germany ay parehong nagkaroon ng uganyan sa
dalawang imperyo na magkatunggali sa Balkan.
Nagbago ang patakarang panlabas ng Germany pagkaraang mailuklok sa
kapangyarihan si Kaiser William II na sabik ipakita sa mundo ang bagong lakas
ng Germany. Pinabayaan niya na lumipas ang kasunduan ng Germany sa
Russia na ikinasiya ng France. Sinimulan niya ang malawakang programa ng
paggawa ng mga barko upang pantayan ang Britain. Nangamba ang Britain
kayat pinalaki pa nito ang kanyang hukbong pandagat at nagsimulang humanap
ng mga bagong kapanalig. Noong 1907, ito ay lumagda sa isang kasunduan sa
pagitan ng France at Russia at tinawag itong Triple Entente.

2
Dahil ditto, nagkaroon ng dalawang magkaribal na kampo na
namamayani sa Europe. Anumang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa ay
maaaring dalhin ang buong kontinente sa isang digmaan.

Mga bansa na kabilang sa Mga bansa na kabilang sa


Triple Entente Triple Alliance
Italy France
Austria-Hungary Russia
Great Britain Germany

Nasyonalismo
Wala nang mas may iigting pa sa tensiyon na nasa Balkan kayat
mayroong magandang dahilan kung bakit tinawag ito na power keg ng
Europe.habang himuhina ang imperyong Ottoman, nagawa ng ilang bansa na
lumaya at bumuo ng mga bansa tulad ng Albania, Greece, Bulgaria,
Montenegro, Romania at Serbia. Ang nasyonalismo ay naging isang
makapangyarihang damdamin na namayani sa mga nabanggit na bansa na
nagnais din na palawakin ang kanilang mga hangganan. Hinikayat ng Russia
ang mga nasyonalistang kilusan sa pakikibaka ng mga taga Balkan para sa
kasarinlan

Militarismo
Sa pagsapit ng 1914, maraming bansa sa Europe ang naniwala na ang
digmaan ay hindi na maari pang maiwasan. Mayroong ilang mga pinuno na
nagsabi na ang digmaan ang pinakamabisang paraan upang lutasin ang mga
hidwaan. Resulta nito ang pagkakaroon ng mga malalaking hukbo ng bawat
bansa upang maghanda sa panahon ng krisis. Bumuo ang mga heneral ng
bawat bansa ng mga plano sa aktuwal na pangyayari. Naniniwala ang bawat isa
sa kanila na sila lamang ay may pinakabagong armas kung kayat ang digmaan
ay hindi maaring tumagal ng higit pa sa loob ng anim na buwan. Mayroon ding
nagsabi na kung sakaling hindi pa masimulan ang digmaan sa lalong madaling
panahon ay maari silang maunahan ng ibang bansa. Hinikayat ng lahat ang
mabilis na pagtugon.

3
Tinawag na militarismo ang pagbibigay ng halaga sa sandatahang-lakas.
Ito ay nagkaroon din ng suporta mula sa mga sibilyan. Para sa maraming tao,
ang pinakadalisay na pagpakikita ng pagiging makabayan ay ang pagkasawi sa
digmaan.
Simula ng Digmaan
Pagsapit ng 1914, ang sistema ng mga alyansa, nasyonalismo,
imperyalismo at militarismo ang naghatid sa Europe sa bingit ng isang digmaan.
Kinakailangan na lamang ng bahagyang pagsindi upang magkaroon ng
pagsiklab na magsisilbing hudyat sa nalalapit na digmaan. Dumating ang hudyat
na ito sa pagpaslang kay Franz Ferdinand noong Hunyo, 28 1914.
Dahil isang Serbian ang pumaslang, nagpasya ang Austria na gamitin
ito upang turuan ng leksyon ang Serbia. Dapat muling matuto ang Serbia na
katakutan tayo sinabi ng isa sa mga diplomatiko ng Austria. Bago kumilos,
sumangguni muna ang Austria sa kanyang pangunahing kakampi, ang
Germany. Nagbigay ito ng hudyat at kasiguruhan ng pagtulong sa Austria
hanggang katapusan.

Pagsasanay 1 : TAMA o MALI


Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang nakasaad sa
pangungusap. Kung ang pangungusap ay MALI, palitan ang salitang may
salungguhit at iwasto.
______________1. Tinawag na power keg ng Europe ang Baltic.
______________2. Naniwala ang mga pinuno ng mga bansa sa Europe na ang
diplomasya ang pinakamabisang paraan upang malutas ang mga hidwaan.
______________3.Isang Serbian ang Pumaslang kay Archduke Franz
Ferdinand.
______________4. Nagsilbing mitsa ng digmaan ang Pagpaslang kay Franz
Ferdinand.
______________5. Nakita ni Bismarck na malaking banta sa Germany ang
Austria-Hungary, kaya’t gumawa siya ng paraan upang ibukod ito.

Pagsasanay 2: Pagkilala sa mga Tauhan


Panuto: Isulat sa patlang ang pangalan ng tao na inilalarawan sa bawat
pangungusap.

4
_______________1. Kaiser ng Imperyong Aleman
_______________2. Kasapi sa Black Hand na bumaril kay Franz Ferdinand.
_______________3. Kabiyak ni Archduke Franz Ferdinand
_______________4. Chancellor ng Prussia.
_______________5. Tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary.

IV. Reflection.
Ilahad ang iyong sariling pananaw batay sa iyong natutuhan sa Aralin.
* Kung ikaw ay nabuhay panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, alin sa mga
salik ang sa palagay mo ang pinaka naging sanhi sa pagsiklab ng digmaan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

V. Rubrik sa Pagpupuntos

Nilalaman 4 3 2 1

 Pagsunod sa uri ng anyong


hinihingi
 Lawak at lalim ng pagtatalakay

Balirala

 Wastong gamit ng wika


Hikayat

 Paraan ng pagtalakay sa paksa


 Pagsunod sa tiyak na
panutong ibinigay ng guro
kaugnay ng gawain.

4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanngap
2 - Mpaghuhusay
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay

5
VI. Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay 1
1. Balkan
2. Digmaan
3. Slavic
4. Tama
5. France
Pagsasanay 2
1. William II
2. Gavrilo Princip
3. Sophie
4. Otto Von Bismarck
5. Woodrow Wilson

VII. Sanggunian:
AP III Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig - Bustamante at Mercado pp.455-462
Modyul ng mag-aaral Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig pp.450-452

Inihanda ni:

CELY MAE L. BARROZO


BUHATAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Sorsogon City

You might also like