Grade 5 - YUNIT 2 - Kabanata 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.

GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

Aralin 1 – Uri ng Halamang Gulay

Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 Malalaman ang mga tamang katangian ng mga produkto;

 Malalaman at matutukoy ang mga katangian ng isang mabuting entrepreneur;
 Malalaman ang mga karapatan ng isang mamimili;
 Malalaman ang mga kailangan at kagustuhan ng mga mamimili;
 Malalaman ang mga dapat gawin ng isang entrepreneur at katangian ng isang ulirang entrepreneur sa
pagnenegosyo.

Alamin Natin
Kilalanin natin ang iba’t ibang halamang gulay sa ating pamayanan.

 Mga dahong Gulay

Ang mga dahong gulay ang iniluluto bilang pagkain tulad ng repolyo, petsay, kangkong, saluyot,
alugbati, talbos ng kamote, talbos ng sayote, talbos o dahoon ng gabi, at malunggay.
 Mga Bungang-gulay
Ang mga ito ay maaring gulayin habang sariwa o patuyuin ang mga buto at gawing gulay. Ilan sa
mga ito ang sitaw, okra, at patani.
 Bulaklak na Gulay
Ginugulay rin ang bulaklak ng halaman tulad ng broccoli, cauliflower, at bulaklak ng kalabasa.
 Lamang-ugat o root crop
Madalas iniluluto ang mga lamang-ugat bilang pangmeryenda, o kaya ay isinasahog na sangkap sa
mga inilulutong gulay tulad ng kamote, gabi, at ube.

Pagsasagawa ng Survey
Napakalahalaga ng pagsasagawa ng survey bago magtanim ng halamang gulay dahil hindi sa lahat ng lugar

nabubuhay ang mga ito. Dapat alamin kung akma sa lugar, panahon, pangangailangan at kagustuhan ng

mamimili bago magtanim ng halamang gulay.

1
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

Mapalad ang ating bansa dahil tumutubo rito ang iba’t ibang halamang gulay na siyang pangunahing

pagkakakitaan ng mga mamamayan ng isang lugar. Nagiging mainam ang pagtubo ng ng mga pananim kung

angkop ito sa lugar, klima, at wastong pangangailangan ng mga pananim.

Narito ang mga pananim o produkto na nagging tanyag sa iba’t ibang rehiyon ng bansa:

 Ang malawak na lambak ng Cagayan ay taniman ng mais, palay, mani, at mga gulay.

 Ang matataas na lugar tulad ng Cordillera, kung saan kabilang ang Buenget na kilala bilang “Salad

Bowl of the Philippines”, ay mayaman sa iba’t ibang uri ng gulay, makulay na bulaklak, at malawak

na taniman ng ilang mga prutas tulad ng orange at strawberry.

 Ang Guimaras na matatagpuan sa rehiyon VI ay kilala sa kanilang matatamis na manga.

 Ang Mantalongon, Dumaguete, Cebu na may malamig na klima ay tampok bilang “Vegetable

Basket of Central Visayas”, na nakakapagpatubo ng iba’t ibang gulay.

 Ang Davao ay may malawak na taniman ng saging, durian at suha.

 Ang klima ng Bukidnon ay mainam sa pinya.

 Ang rehiyon ng Bicol ay may mainam na klima at uri ng lupa para sa mga pili nuts at abaca.

 Ang rehiyon ng Ilocos na may mainit na klima ay may malawak na taniman ng tabako.

 Ang lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental na madalas mainit ang klima ay may

malawak na taniman ng tubo.

 Mais ang pangunahing tanim sa malaking bahagi ng lalawigan ng Cebu dahil ang klima nito ay

mainam sa mais.

Pag-usapan Natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong kwaderno.
1) Ano-ano ang mga halamang gulay?
______________________________________________________________________________

2
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________
2) Paano nakatutulong ang mga halamang gulay sa pamilya at pamayanan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Sagutan Natin
A. Isulat ang mabubuting naidudulot sa tao at sa kapaligiran ng pagtatanim.

B. Itala ang mga uri ng pananim na matatagpuan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Rehiyon Naaangkop at Killang Pananim
1. Cagayan
2. Buenget
3. Guimaras
4. Dumaguete
5. Cebu
6. Bukidnon
7. Davao
8. Ilocos
9. Bicol
10. Negros Occidental

3
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

Isagawa Natin
Subuking magtanim ng gulay sa paso.

Mga Kailangan:

 Paso, lata ng gatas na walang laman, o ano mang lalagyan na pwedeng pagtamnan.
 Matabang lupa o garden soil
 Buto ng munggo, malungay, okra, o sili
 Pinagbalatan ng gulay o prutas
Mga Paraan ng Pagtatanim:
1. Ihanda ang paso, lata ng gatas, o lalagyan; butasan ito nang may katamtamang laki.
2. Ilagay ang mga pinagbalatan ng gulay o prutas sa pinakamalalim na parte ng paso.
3. Isunod ang matatabang lupa hanggang sa may bunganga ng paso.
4. Ibaon ang napiling buto o binhi sa lupa na may lalim na dalawa hanggang tatlong pulgada.
5. Basain ang punla sa pamamagitan ng pagwisik ng tubig gamit ang daliri; kaunting tubig lamang ang
kailangan ng mga butong ipinunla.
6. Takpan ito ng plastic hanggang sa ikatlong araw.
7. Pagkatapos ng tatlong araw, silipin kung tumubo na ang mga binhi. Diligan ito ng kaunting tubig at
siguraduhing nasisikatan ito ng araw.
8. Alagaan ang lumalaking punla hanggang sa magbigay ito ng bunga na iyong aanihin.

Aralin 2 – Pagtatanim ng Halamang Gulay

Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 Maalalaman at matutukoy ang mga stage ng prosesong mental;

 Malalaman ang mga aktuwal na paglalabas ng mga produkto o serbisyo;
 Malalaman at matutukoy ang mga apat na P sa pagbebenta;

Alamin Natin
Narito ang mga bagay na dapat nating isaalang-alang sa pagtatanim ng halamang gulay:

 Sikat ng Araw

4
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

Ang halaman ay dapat makakuha ng sapat na sikat ng araw upang ito ay lumago at makagawa ng
sariling pagkain o magampanan ang prosesong tinatawag na photosynthesis.
 Tubig
Kailangan ng halamang gulay ang sapat na tubig. Nararapat lang na malapit ito sa irigasyon o
daluyan ng tubig para sa malalaking sakahan. Para naman sa maliliit na hardin, kailangan ang
regular na pagdidilig upang ito ay lumaki at lumago. Maaari ring gamitig pandilig ang tubig-ulang
naipon upang makatipid. Ang halaman ay dapat diligan dalawang beses sa isang araw lalo na sa
panahon ng ng tag-init upang maiwasan ang pagkalanta ng mga ito.
 Binhi o bahagi ng halaman na dapat itanim
Ito ay maaring gawin sa pamamagitan ng pagpapatuyo ng magagandang uri ng buto o binhi. Kung
stem cutting ang pamamaraan ng pagtatanim, pumutol lamang ng matandang sanga at ito ang itanim.
Maaari ring bumili ng binhi o punla sa mga tindahan na pang-agrikultura.
 Wastong kaalaman
Maraming paraan o pagmumulan ng kaalaman tungkol sa paghahalaman tulad ng pagbabasa ng mga
libro tungkol sa agrikultura. Maaaring lumahok sa seminar, manood ng mga video tungkol sa
paghahalaman o kaya ay magsagawa ng isang panayam sa mga taong may sapat na kaalaman sa
paghahalaman tulad ng mga magsasaka.
 Wastong pangangalaga
Tulad ng tao, ang halaman ay nangangailangan din ng wastong pangangalaga. Kinakailangang sapat
ang panahon na iyong gugugulin sa paghahalaman. Dapat maibigay ang mga pangunahing
pangangailangan nito tulad ng mga sumusunod:
a) Pampataba
b) Pamuksa ng mg insekto
c) Pagbubungkal ng lupa
d) Sapat na espasyo
e) Pagbibigay ng sapat na tubig
f) Pag-alis ng mga damo sa paligid ng halaman
g) sapat na init ng araw
h) Paglalagay ng balag upang makagapang nang maayos ang mga gulay tulad ng ampalaya, upo,
sayote, at sitaw.

Paraan ng Pangangalaga sa Lupa

Ang mga halaman ay lalago at magbibigay ng mataas na uri ng ani kapag naibibigay ang mga
pangangailangan nito tulad ng mga sumusunod:

5
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

 Paggamit ng matabang lupa o humus na galling sa mga nabubulok na bagay tulad ng pinagbalatan ng
mga gulay at prurtas, mga tuyong dahon, at iba pa;
 Pagbubungkal sa lupa na nakapaligid sa halaman;
 Wastong pagdidilig
 Pagtanggal sa mga damong ligaw na nakapalibot sa halaman
 Pagpuksa sa mga peste gamit ang pestesidyo; at
 Pagtanggal sa mga lantang dahoon tulad ng sayote.
Ang matagumpay na pagtatanim o paghahalaman ay nakapagbibigay ng kasiya-siyang resulta at
pakinabang para sa mag-anak. Hindi lang wastong kaalaman ang dapat taglayin ng isang magsasaka,
kundi pati na rin ang mga wastong pamamaraan ng pangangalaga at sapat na oras na gugugulin
upang yumabong ang magagandang uri ng ani.

Paggawa ng Abonong Organiko

Ang lupang pagtatamnan ng gulay ay nangangailangan ng mga pangunahing sustansiya tulad ng mga
sumusunod: nitrogen, para sa malusog na paglaki ng mga dahon at bulaklak: phosphorus, para sa
malusog na paglaki ng mga ugat at tangkay: at potassium, para sa mahusay na pagsibol ng mga
dahoon, tangkay, at bulaklak. Ngunit ang mga sustansiyang galling sa lupa ay maaring hindi sapat
kaya kailangan ng pataba o abono sa lupang pagtatamnan.

Ang abono ay maaring organiko o di organiko. Ang abonong di organiko ay komersyal na pataba.
Ito ay ginawa na may halong kemikal at ipinagbibili sa mekado. Idinaragdag ito sa lupa ng mga
magsasaka para maging malusog at mabilis ang paglago ng mga halaman. Subalit, ang paggamit ng
kemikal ay nakakasama sa kapaligiran at sa mga halaan kapag hindi tama ang paggamit nito. Mas
magastos ito kaysa sa mga likas na pataba o organikong pataba. Ang abonong organiko ay mua sa
mga pinaghalong nabubulok na mga bagay, tulad ng dahoon, pinutol na damo mula sa bakuran, dumi
ng hayop, abo, dayami, mga tirang pagkain galling sa kusina, at mga pinaggulayan na maaaring
gawing compost.

Ang compost ay patong-patong na organikong mga bagay na nabubulok. Napabubuti ng compost

ang hilatsa ng lupa at paglaki ng mga tanim. Ito ay isang epektibong pataba at hindi magastos.
Ngunit, kailangan munang mabulok ang mga organikong bagay kung kaya matagal at madumi ang
paghahanda nito. Ang paghahanda at pagpili ng pataba sa siyentipikong pamamaraan ay
pinakaangkop sa mga halaman.

May dalawang paraan ng paggawa ng compost- ang compost pit at basket compost.

6
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

Compost Pit

Ang compost pit ay ang pag-iimbak ng mga nabubulok na basura sa hinukay na bahagi ng isang
malawak na bakuran. Sundin ang sumusunod sa paggawa ng compost pit:

1. Ihanda ang lahat ng mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa.

2. Pumili ng lugar na tuyo, patag, at malayo sa bahay o anumang anyong tubig.
3. Gumawa ng hukay na may 2 metro ang lapad at 5 metro ang haba. Hukayin hanggang
umabot ng 1 metro ang lalim nito.
4. Ipunin ang mga tuyong dahoon, damo, dayami, at mga pinagbalatan ng gulay o prutas, at iba
pang bagay na nabubulok.
5. Ilatag sa ilalim ng hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.
6. Haluan ng 2 kilo ng abonong urea ang inilagay nab asura para mapabilis ang pagkabulok.
7. Patungan ito ng dumi ng hayop hanggang umabot sa 15 sentimetro ang kapal.
8. Patungan naman ikalawang patong ng lupa, abo, o apog.
9. Ulit-ulitin ang pagtatambak hanggang mapuno ang hukay.
10. Panatilihing tuwid at patayo ang mga kanto ng hukay sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang
pirasong patpating kawayan.
11. Diligan ang ibabaw ng hukay upang pumatag.
12. Panatilihing mamasa masa ang hukay ngunit huwag pababahain.
13. Kung tag-araw, diligan ito araw-araw. Kung tag-ulan takpan ng dahon ng saging sa ibabaw
upang hindi malunod sa tubig.
14. Pagkalipas ng talong lingo bunutin ang pasingawang kawayan at haluin ang tambak.
15. Pagkaraan ng 2 buwan o higit pa, maaari mon ang gamitin ang abonong laman ng compost
pit.

Basket Compost

Ang basket compost ay ginagawa kung walang sapat na lugar upang gumawa ng hukay. Ang basket composting
ay isa ring paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad din ng compost pit. Maari nang
gamiting pataba ang laman ng sisidlam pagkalipas ng 2 buwan o higit pa.

Pag-usapan Natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong kwaderno.
1) Kung ikaw ay magtatanim ng halamang gulay, ano-ano ang mga dapat mong isaalang-alang?

7
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___
2) Bakit mahalaga ang wastong pangangalaga ng halamang gulay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___
3) Paano mo mapapalayo ang iyong mga tanim na halamang gulay?

Sagutan Natin

A. Isulat sa loob ng mga talulot ng bulaklak ang mga pangangailangan sa paghahalaman.

B. Magbibigay ng mga paraan ng pangangalaga ng lupa na makapagbibigay ng mataas na uri ng ani ang
mga halamang gulay. Isulat ang iyong sagot sa loob ng mga parisukat.

C. Pagsunod-sunurin ang paggawa ng compost pit sa pamamagitan ng paglagay ng naayon na bilang mula
1-15 sa mga bilog.

1. Pumili ng lugar na tuyo, patag, at malayo sa bahay o anumang anyong tubig.

2. Kung tag-araw, diligan ito araw-araw. Kung tag-ulan takpan ng dahon ng saging sa ibabaw
upang hindi malunod sa tubig.
3. Pagkaraan ng 2 buwan o higit pa, maaari mon ang gamitin ang abonong laman ng compost
pit.
4. Gumawa ng hukay na may 2 metro ang lapad at 5 metro ang haba. Hukayin hanggang
umabot ng 1 metro ang lalim nito.
5. Ipunin ang mga tuyong dahoon, damo, dayami, at mga pinagbalatan ng gulay o prutas, at iba
pang bagay na nabubulok.
6. Panatilihing mamasa masa ang hukay ngunit huwag pababahain.
7. Ilatag sa ilalim ng hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.

8
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

8. Patungan ito ng dumi ng hayop hanggang umabot sa 15 sentimetro ang kapal.

9. Patungan naman ikalawang patong ng lupa, abo, o apog.
10. Panatilihing tuwid at patayo ang mga kanto ng hukay sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang
pirasong patpating kawayan.
11. Haluan ng 2 kilo ng abonong urea ang inilagay nab asura para mapabilis ang pagkabulok.
12. Diligan ang ibabaw ng hukay upang pumatag.
13. Ulit-ulitin ang pagtatambak hanggang mapuno ang hukay.
14. Pagkalipas ng talong lingo bunutin ang pasingawang kawayan at haluin ang tambak.
15. Ihanda ang lahat ng mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa.

Isagawa Natin
A. Magplano ng isang lugar na maaring pagtamnan ng mga halamang gulay. Alagaan ang mga itinanim at
isulat ang mga obserbasyon sa pagtubo ng mga ito. Gumawa ng isang ulat tungkol sa mga itinanim na
halaman. Iulat ito sa klase.
B. Bumuo ng tatlong pangkat. Gawin ng bawat pangkat ang mga sumusunod:
 Pangkat 1- Gumawa ng isang awit tungkol sa dapat isaalang-alang sa pagtatanim ng halamang
gulay.
 Pangkat 2- Maghanda ng isang pagsasadula ng mga paraan ng pangangalaga sa lupa.
 Pangkat 3- Iguhit ang proseso ng paggawa ng compost pit at basket compost.

Aralin 3 – Masistemang Pagsugpo ng mga

peste at kulisap ng mga halaman
Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 Maalalaman at matutukoy ang mga stage ng prosesong mental;

 Malalaman ang mga aktuwal na paglalabas ng mga produkto o serbisyo;

9
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

 Malalaman at matutukoy ang mga apat na P sa pagbebenta;

Alamin Natin
May mga natural na pamamaraan sa pagsugpo ng mga peste at kulisap ng mga halaman. Ito ay hindi
nakakaapekto sa paglaki ng halaman at lalong hindi rin ito nakakaapekto sa mga konsyumer ng mga gulay.

Narito ang ilan sa mga pamamaraan ng pagsugpo ng mga peste sa halaman:

 Isang paraan ang pagpapausok sa ilalim ng mga halaman gamit ang mga tuyong dahoon. Ang
pagpapausok sa halaman ay isinasagawa tuwing hapon dahil dumadapo ang mga peste at kulisap sa
ganitong oras.
 May mga natural na pamamaraan sa paggawa ng pestesidyo para masugpo ang mga peste sa
halaman.

Mga Kailangan Pamamaraan

 Sprayer 1. Dikdikin o ilagay sa blender ang bawang at sili at
 3 pirasong bawang salain.

 7 pirasong siling labuyo 2. Tunawin ang perla bar at ilagay sa sprayer.

 ¼ na perla bar 3. Gawin ang pagspray sa umaga at hapon sa likod ng

dahoon ng halaman.
 1 tasa ng tuyong tabako 1. Ilagay ang isang tasa ng tabako sa isang gallon ng
 1 galong tubig tubig.

 sprayer 2. Hayaan itong nakababad magdamag.

3. Dagdagan ng tubig kung nagging maitim ang kulay
nito.
4. Ilagay sa sprayer at iwisik sa halaman.
 Eucalyptus oil Wisikan ang mga langaw, langgam, at mga wasp para
mapuksa ang mga ito.
 Sabon 1. Paghaluin ang 3 kutsarang likidong sabon at 1
 Orange citrus oil kutsarang orange oil sa isang galong tubig.

 Tubig 2. Aluging Mabuti at ilagay sa sprayer at iwisik sa

langgam, linta, at ipis.
 Neem solution 1. Dikdikin ang bunga at dahoon ng neem.
Ang neem ay isang uri ng punongkahoy na 2. Ibabad ang mga ito sa isang litrong tubig.
kung saan ang katas nito ay mabisang 3. Ilagay sa sprayer at maaari na itong gamitin sa
pangsugpo ng maraming peste tulad ng higad

10
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

at leaf miner. halaman.

 2 kutsarang canola oil 1. Maghalo ng dalawang kutsarang canola oil at isang
 1 kutsaritang dishwashing liquid kutsaritang dishwashing liquid sa plastic na lalagyan.

 Sprayer 2. Buhusan ito ng dalawang tasa na maligamgam na

tubig.
3. Ilagay sa sprayer at iwisik sa mismong higad.
Paglalagay ng halaman na may matapang na amoy Itabi ang mga paso na may tanim na halamang maria
tulad ng maria at citronella. at citronella sa mga halamang madalas dinadapuan ng
peste o kulisap tulad ng higad. Ito ay nakatutulong
upang lumayo ang kulisap na ito sa mga halaman.

Ang pagtatanim o paghahalaman ay sangay ng agrikultura na talagang kapaki-pakinabang na Gawain kaya

dapat pahalagahan ng mga kabataan. To ang nagdadala ng pagkain sa hapagkainan ng bawat mag-anak. Ito rin
ang nagtutustos ng ikabubuhay ng mga kapwa natin sa mga lalawigan at sa mga pook na urban. Dahil sa sipag
at tiyaga ng mga magsasaka, natutugunan ang pagkain at pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino. Tunay
nga na ang kabataan ang pag-asa upang mapanatili at mapalago ang sangay ng agrikultura sa bansa.

May mga pamamaraan ng pagtatanim tulad ng intercropping na nakatutulong upang maiwasan ang pagdami
ng peste o kulisap.

Ang intercropping ay isang paraan ng pagtatanim ng dalawa o higit pang uri ng gulay o halaman sa isang
lote o lupain. Sa ganitong paraan, malilimitahan ang pagdami ng mga peste sa halaman. Tinatawag din itong
multiple cropping, nakung saan layon nito na makapag ani ng dalawa o higit pang uri ng produkto at kumite ng
Malaki gamit ang kapirasong lupain. Sa makatuwid, ang pamamaraang ito ay higit na kapaki-pakinabang sa
mga magsasaka.

Isa pang paraan upang maiwasan ang pagdapo ng mga peste at kulisap sa mga pananim ay ang pagbabalot
sa bagong usbong na bunga hanggang sa ito ay anihin. Ito ang karaniwang ginagawa ng mga magsasaka sa mga
tanim na gulay tulad ng ampalaya, patola, at talong. Matrabaho ang gawaing ito ngunit sa kagustuhan nilang
makasigurado ng magandang ani, matiyaga nitong ginagawa ang pagbabalot ng bunga.

Pag-usapan Natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong kwaderno.
4) Bakit mahalaga ang natural na pamamaraan ng pagpuksa sa peste at kulisap sa mga halaman?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
11
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

______________________________________________________________________________
___

5) Ano ang pamamaraang intercropping?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bakit kapaki-pakinabang ang pamamaraang intercropping sa mga magsasaka?

Sagutan Natin

Punan ang linya sa bawat pangungusap upang makompleto ang bawat pahayag.

1. Ang mga pest at kulisap sa mga pananim ay dapat _______ upang lumaki ang halaman.

2. Ang paggamit ng ______ pestesidyo ay mainam para sa mga halaman.

3. Ang bungang gulay ay nilalagyan ng ________ upang hindi dapuan ng kulisap.

4. Ang intercropping ay pagtatanim ng ________ halaman o pananim sa isang lupain.

5. Ang intercropping ay ginagawa upang _______ ang aanihing gulay.

6. Maaaring gawin ang _____ sa ilalim ng halaman upang mapuksa ang mga peste.

7. Ang ______ ay ginagamit na pangwisik sa mga kulisap o insekto na dadapo sa halaman.

8. Ang paghahalaman ay isang sangay ng ______ na ginagawa ng mga magsasaka.

9. Ang natural na pagpuksa ng mga peste at kulisap ay hindi nakakaapekto sa mga _____.

10. Nararapat lamang na pasalamatan natin ang mga magsasaka dahil sila ang_____ para sa atin.

Isagawa Natin
Subukan mong magtanim gamit ang pamamaraan ng intercropping sa inyong bakuran o sa isang costumized
plant box sa inyong tahanan. Pumili ng mga halaman na puwedeng pagsamahin sa isang taniman tulad ng
sibuyas at kamatis.

Gamit ang Piktochart, gumawa ng infographic tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng intercropping sa

pagtatanim ng mga halamang gulay.

12
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

Aralin 4 – Pagaani ng halamang gulay

Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 Maalalaman at matutukoy ang mga stage ng prosesong mental;

 Malalaman ang mga aktuwal na paglalabas ng mga produkto o serbisyo;
 Malalaman at matutukoy ang mga apat na P sa pagbebenta;

Alamin Natin
Ang pag aani ang pinakahihitay na panahon upang mapakinabangan ang bunga ng iyong pagtitiyaga sa
pagtatanim ng gulay.

Paano mo malalaman ang tamang panahon ng pag-aani sa mga halamang gulay?

Ang pag-aani ng halamang gulay ay naaayon sa uri ng mga ito. Kadalasan, ang mga dahong gulay tulad ng
repolyo at petsay ay inaani, pagkatapos ng 3 buwan mula nang ito ay itinanim. Ilan sa mga palatandaan ng pag-
aani ng mga gulay ay dapat buo na ang hustong laki ng bilog at tigas ng gulay at dapat itong anihin nang maaga
habang sariwa ang mga dahoon nito.

Para sa mga bungang gulay may mga kondisyong dapat itong maipakita bago ito anihin. Ang ampalaya ay
dapat may hustong haba, laki, at kulay berde na ang bunga nito. Ang sayote ay dapat nasa katamtamang laki at
hindi dapat nakalitaw ang buto. Ang sitaw ay dapat nasa hustong haba at lambot. Ang okra ay inaani habang
ang balat ay malambot at ang mga buto ay mura pa. Ang mga talbos ng kangkong, kamote, kalabasa, at sayote
ay maaring anihin kapag husto na ang haba ng tangkay. Ang talong ay inaani habang nasa hustong laki, haba, at
lambot ang laman nito. Inaani naman ang sibuyas at bawang kapag lanta at tuyot na ang mga dahon at tangkay
nito. Ang patatas at mani ay inaani kapag lanta na ang mga dahoon nito. Ang sili ay inaani kapag mamula-mula
na ang mga bunga nito.

Mahalagang malaman ang mga tamang paraan ng pag-aani ng halamang gulay. Ang mga halamang gulay ay
kailangan anihin sa kanilang takdang panahon. Ipinapakita ng talahanayan sa ibaba ang mga palatandaan na
maari nang anihin ang mga halamang gulay.

13
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

Mga Uri ng halamang gulay Palatandaan na maari nang anihin

1. Dahong gulay  Ang nais na laki ng dahoon ay nakamtan na
tulad ng petsay, kangkong, talbos ng kamote,
dahoon ng malunngay, at repolyo.
2. Bungang-Gulay  Ang kamatis ay hinog kapag mamula mula
ito.
 Puno at madaling mabali ang bahay-buto ng
sitaw.
 Taman a ang sukat o laki ng bunga ng sili.
3. Ugat, Bulb, at Tuber  Ang talbos ng bawang, sibuyas, at patatas ay
nagsisimula nang matuyo at mitumba.
 Nakamtan na ang nais na laki ng karot at
labanos.
4. Bulaklak na gulay  Ang ulo o curd ng cauliflower ay siksik na.
 Ang kumpol ng bulaklak ng broccoli ay siksik
na.

Wastong Paraan ng Pag-aani

1. Bungkusin at itali ang madadahon at may tangkay na mga gulay tulad ng talbos ng kangkong,
kalabasa, sitaw, saluyot, alugbati, malunggay, sayote, at gabi upang madali at mabilis itong ibenta.

2. Ang mga repolyo, petsay, sayote, sili, ampalaya, talong, at iba pang gulay ay dapat isalansan nang
maayos sa isang malaking basket o kaing na may butas at takpan ng dahoon ng saging o pinilas na
sako at itali bilang proteksiyon sa init ng araw.

Mahalagang matutuhan ang wastong panahon at paraan ng pag-aani ng itinanim na mga gulay upang
ito ay mapakinabangan nang maayos at mapagkakitaan ng mag-anak.

Pag-usapan Natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong kwaderno.
1. Bakit mahalagang malaman ang wastong panahon ng pagaani ng mga gulay?
2. Paano ang wastong paraan ng pag-aani? Bakit ito mahalaga?

Sagutan Natin
14
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

Gumawa ng talaan tungkol sa mga bungang-gulay at ipaliwanag kung kalian ito inaani.

Mga Bungang-Gulay Palatandaan na Maari ng Anihin

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Aralin 5 – Plano ng Pagsasapamilihan ng

Inaning Gulay
Sa mga nagbabalak magtayo ng isang nursery, dapat munang alamin ang kahalagahan at kahulugan ng nursery.
Kailangang magplano nang maayos at matiyagang magsaliksik ukol ditto. Ang pagpaplano ay makatutulong
upang makatipid sa pera, oras, kagamitan, at lakas.

Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 Maalalaman at matutukoy ang mga stage ng prosesong mental;

15
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

 Malalaman ang mga aktuwal na paglalabas ng mga produkto o serbisyo;

 Malalaman at matutukoy ang mga apat na P sa pagbebenta;

Alamin Natin
Ang nursery ay isang lugar kung saan maayos at maingat na inaalagaan ang mga punla ng mga halamang
ornamental, gulay, punongkahoy, at bungangkahoy upang ipagbili at pagkakitaan. Sa isang mag-anak, malaking
tulong ang magkaroon ng isang nursery sa likod-bahay. Subalit, dapat nilang malaman na ang pinakamahalaga
ay ang lugar at lupang tataniman, abono, pangangasiwa ng mga punla, mga lalagyan ng mga halaman, mga
ligtas ng pamuksa sa mga peste, mga kagamitan sa pagtatanim, at higit sa lahat ang matiyagang pag-aalaga sa
mga halaman ng mga mag-anak.

Plano ng Proyekto

Pangalan ng Proyekto: Nursery ng mga halamang ornamental, gulay, punongkahoy, at bungangkahoy.

I. Mga Layunin

 Makagawa ng isang nursery para sa mga halamang ornamental, gulay, punongkahoy, at

bungangkahoy upang maipagbili.
 Makapagsaliksik ng wastong pamamaraan ng pagnanursery.
 Magkaroon ng kasunduan kung sino-sino ang mangangasiwa at mag-aalaga ng nursery.

II. Mga kagamitan at materyales:

A. Mga kagamitan

 Regadera
 Kartilya
 Dulos
 Kalaykay
 Pala
 Sprayer
 Itak
 Piko
 Asarol
 Palang tinidor

16

 Karet
 Tulos o pisi

B. Mga materyales

 Rooting medium- mga lalagyan tulad ng paso, plastic, at lata.

 Abono- pataba para sa mga halaman
 Gamot pansugpo sa mga peste at kulisap

III. Mga hakbang sa Paggawa:

1. Ihanda ang mga kagamitan pagtatanim.

2. Maglaan ng sapat na lapad at laki ng lupang pagtatamnan.

3. Ihanda ang mahabang pisi at apat na tulos.

4. Gumamit ng pang-araro sa pagbubungkal ng lupa upang ito ay maging buhaghag, pino, at patag.

5. Itaas ang lupang taniman sa sukat ng 4-15 sentimetro.

6. Lagyan ng pataba ang tataniman.

7. Bungkalin ang lupa gamit ang kalaykay.

IV. Pamantayan sa pagtataya:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan ng Puntos

(4) (3) (2) Patnubay
(1)
Paghahanda ng Kumpleto, May kulang May kulang, Hindi
kagamitan at angkop, at wasto ngunit angkop, at hindi angkop, at kumpleto, hindi
kasangkapan ang mga wasto ang mga hindi wasto ang angkop, at mali
kagamitan at kagamitan at paggawa. ang paggamit.
kasangkapan. kasangkapan.
Paraan ng Sinunod ang Sinunod ang Sinunod ang Hindi sinunod
Paggawa hakbang, natapos hakbang, natapos hakbang, hindi ang hakbang,
sa takdang oras, sa takdang oras, natapos sa hindi natapos
at maayos ang ngunit hindi takdang oras, at sa takdang
gawa. maayos ang hindi maayos oras, at hindi

17

gawa. ang gawa. maayos ang

gawa.
Tamang Gawi at Nagpakita ng Hindi gaanong Maingay, hindi Maingay, hindi
Kilos mabuting asal, nagpakita ng nakikilahok, nakikilahok,
masiglang mabuting asal, at ngunit iniwang ngunit at
nakilahok, at pakikilahok, malinis ang iniwang
iniwang malinis ngunit iniwang silid. marumi ang
ang silid. malinis ang silid. silid.
Kabuuan:

Pag-usapan Natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong kwaderno.
6) Ano-ano ang mga bagay na dapat gawin at isaalang-alang sa paggawa ng plano para sa pagtatayo
ng nursery?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___
7) Bakit kailangang gumawa ng plano kapag nagbabalak magtayo ng isang nursery?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___
8) Paano ginagawa ang wastong plano sa pagbabalak magtayo ng nursery?

Sagutan Natin

Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay TAMA o MALI. Isulat ang sagot sa linya.

18
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

_________________________1. Ang paggawa ng plano para sa pagtatayo ng nursery ay malaking tulong sa

paghahalaman.

_________________________2. Dapat mataba ang lupang pagtatamnan.

_________________________3. Kailangang linisin ang mga lalagyan ng mga itatanim.

_________________________4. Ang lupa ay kailangang patagin bago magtanim.

_________________________5. Ang asarol ang dapat gamitin sa pagbubungkal ng lupa.

Isagawa Natin
A. Gumawa ng poster tungkol sa wastong pangangalaga ng lupa at mga tanim.

B. Tanungin ang punong-guro ng paaralan at itanong kung ano-anong ang kaniyang mga plano sa pagpapabuti
ng halaman sa paaralan.

19

Aralin 5 – Pagbabalak Magtayo ng Nursery

Sa mga nagbabalak magtayo ng isang nursery, dapat munang alamin ang kahalagahan at kahulugan ng nursery.
Kailangang magplano nang maayos at matiyagang magsaliksik ukol ditto. Ang pagpaplano ay makatutulong
upang makatipid sa pera, oras, kagamitan, at lakas.

Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 Maalalaman at matutukoy ang mga stage ng prosesong mental;

 Malalaman ang mga aktuwal na paglalabas ng mga produkto o serbisyo;
 Malalaman at matutukoy ang mga apat na P sa pagbebenta;

Alamin Natin
Ang nursery ay isang lugar kung saan maayos at maingat na inaalagaan ang mga punla ng mga halamang
ornamental, gulay, punongkahoy, at bungangkahoy upang ipagbili at pagkakitaan. Sa isang mag-anak, malaking
tulong ang magkaroon ng isang nursery sa likod-bahay. Subalit, dapat nilang malaman na ang pinakamahalaga
ay ang lugar at lupang tataniman, abono, pangangasiwa ng mga punla, mga lalagyan ng mga halaman, mga
ligtas ng pamuksa sa mga peste, mga kagamitan sa pagtatanim, at higit sa lahat ang matiyagang pag-aalaga sa
mga halaman ng mga mag-anak.

Plano ng Proyekto

Pangalan ng Proyekto: Nursery ng mga halamang ornamental, gulay, punongkahoy, at bungangkahoy.

I. Mga Layunin

 Makagawa ng isang nursery para sa mga halamang ornamental, gulay, punongkahoy, at

bungangkahoy upang maipagbili.
 Makapagsaliksik ng wastong pamamaraan ng pagnanursery.
 Magkaroon ng kasunduan kung sino-sino ang mangangasiwa at mag-aalaga ng nursery.

II. Mga kagamitan at materyales:

A. Mga kagamitan

 Regadera
 Kartilya

20
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

 Dulos
 Kalaykay
 Pala
 Sprayer
 Itak
 Piko
 Asarol
 Palang tinidor
 Karet
 Tulos o pisi

B. Mga materyales

 Rooting medium- mga lalagyan tulad ng paso, plastic, at lata.

 Abono- pataba para sa mga halaman
 Gamot pansugpo sa mga peste at kulisap

III. Mga hakbang sa Paggawa:

1. Ihanda ang mga kagamitan pagtatanim.

2. Maglaan ng sapat na lapad at laki ng lupang pagtatamnan.

3. Ihanda ang mahabang pisi at apat na tulos.

4. Gumamit ng pang-araro sa pagbubungkal ng lupa upang ito ay maging buhaghag, pino, at patag.

5. Itaas ang lupang taniman sa sukat ng 4-15 sentimetro.

6. Lagyan ng pataba ang tataniman.

7. Bungkalin ang lupa gamit ang kalaykay.

IV. Pamantayan sa pagtataya:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan ng Puntos

(4) (3) (2) Patnubay
(1)
Paghahanda ng Kumpleto, May kulang May kulang, Hindi
kagamitan at angkop, at wasto ngunit angkop, at hindi angkop, at kumpleto, hindi
21
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

kasangkapan ang mga wasto ang mga hindi wasto ang angkop, at mali
kagamitan at kagamitan at paggawa. ang paggamit.
kasangkapan. kasangkapan.
Paraan ng Sinunod ang Sinunod ang Sinunod ang Hindi sinunod
Paggawa hakbang, natapos hakbang, natapos hakbang, hindi ang hakbang,
sa takdang oras, sa takdang oras, natapos sa hindi natapos
at maayos ang ngunit hindi takdang oras, at sa takdang
gawa. maayos ang hindi maayos oras, at hindi
gawa. ang gawa. maayos ang
gawa.
Tamang Gawi at Nagpakita ng Hindi gaanong Maingay, hindi Maingay, hindi
Kilos mabuting asal, nagpakita ng nakikilahok, nakikilahok,
masiglang mabuting asal, at ngunit iniwang ngunit at
nakilahok, at pakikilahok, malinis ang iniwang
iniwang malinis ngunit iniwang silid. marumi ang
ang silid. malinis ang silid. silid.
Kabuuan:

Pag-usapan Natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong kwaderno.
9) Ano-ano ang mga bagay na dapat gawin at isaalang-alang sa paggawa ng plano para sa pagtatayo
ng nursery?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___
10) Bakit kailangang gumawa ng plano kapag nagbabalak magtayo ng isang nursery?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___

22
Teacher Anna’s The Apple Tree School, Inc.
GBA Building, Pagulayan Street, Centro 11, Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan 3500
0995-100-7920 theappletree@tuguegaraocity@gmail.com

11) Paano ginagawa ang wastong plano sa pagbabalak magtayo ng nursery?

23

You might also like