Q4 - AP9 - Week 6 - Ang Mga Gampanin NG Sektor NG Paglilingkod

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan- Ika-6 Linggo

Pilyego ng mga Gawaing


Pampagkatuto

Ang mga Gampanin ng Sektor


ng Paglilingkod

Manunulat: DONABEL P. ORAPA


Paaralan : Jagupit National High School
Distrito : Santiago District
Email add : donabel.orapa@deped.gov.ph

Development Team
3
Writer: Donabel P. Orapa

Validators: Shelden S. Espina, Elizalde S. Chavit,


Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________ Seksyon:_________
Paaralan: ________________________________________________
Asignatura: Araling Panlipunan
Baitang: 9
Kwarter: Ikaapat
Kasanayan sa Pampagkatuto: Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng
sektor ng paglilingkod at mga patakarang pang-ekonomiyang nakatutulong
dito.
Koda:
Buwan: Hunyo, 2021
Linggo: Hunyo 21-25, 2021 (Ika-6 Linggo)
Pamagat ng mga Gawain:
Gawain 1: Teks-To-Graph!
Gawain 2: Sabi Nila! Isulat Mo!
Gawain 3: Suriin Mo! Quiz-On-Sektor ng Paglilingkod!
Gawain 4: Chain Diagram!

Mga Layunin:
1. Nakapagtatalakay sa mga halaga ng mga gampanin ng sektor
ng paglilingkod at mga patakarang pang-ekonomiyang
nakatutulong dito;
2. Nakapagbibigay daan kung paano mapagtibay ang mga
gampanin ng sektor ng paglilingkod at mga patakarang pang-
ekonomiyang nakatutulong dito; at

3. Nakapagsusulat sa mga patakarang pang-ekonomiyang


nakatutulong sa bansa.

Mga Kagamitan: bolpen at sagutang papel

Aralin:
Ang Sektor ng Paglilingkod

Sinasabing ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nasasalamin sa


paglawak at pag-unlad ng kakayahan ng mga kasapi sa lipunan na lumilikha
ng iba’t ibang kalakal at paglilingkod na tumutugon sa pangangailangan ng tao.

1
Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang karagdagang
pangangailangan para sa mga taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod.
Ito ang sektor na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon,
komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, paglilingkod mula sa
pamahalaan, at turismo. Ito rin ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng
produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob
o labas ng bansa.
Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sub-sektor sa pananalapi,
insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan, at pagtitingi,
transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga paglilingkod na
pampamayanan, panlipunan at personal. Ang mga sektor na nabanggit ay may
mahalagang papel sa kabuuang ekonomiya ng bansa. Importante ang sektor ng
kalakalan ng pagtitingi (retail) at pamamakyaw (wholesale) upang tiyaking
makarating sa mga mamimili ang mga produkto mula sa sakahan o pagawaan.
Malaki rin ang naiaambag ng sektor ng paglilingkod sa GDP ng Pilipinas.
Sa pangkalahatan, ang paglilingkod ay ang pagbibigay ng paglilingkod sa
halip na bumuo ng produkto. Ang pormal na industriyang bumubuo sa sektor
ng paglilingkod ay ang sumusunod:

 Transportasyon, Komunikasyon, at mga Imbakan- binubuo ito ng mga


paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga
paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega.
 Kalakalan- mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang
produkto at paglilingkod.
 Pananalapi- kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t-ibang
institusyong pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan,
remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa.
 Paupahang Bahay at Real Estate- mga paupahan tulad ng mga
apartment, mga developer ng subdivision, town house, at condominium.
 Paglilingkod ng Pampribado- lahat ng mga paglilingkod na nagmumula
sa pribadong sektor ay kabilang dito.
 Paglilingkod ng Pampubliko- lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob
ng pamahalaan.

Ang mga Manggagawang Pilipino sa Sektor ng Paglilingkod


Sa akdang A Moral Recovery Program: Building a People-Building a Nation
ni Patricia Licuanan, inilahad na ang pagiging malikhain, at mapamaraan ng
mga Pilipino ay naipakikita sa kanilang kakayahang iangkop ang kanilang
pamumuhay saan mang panig ng mundo.
Ang pagmamalasakit ng mga manggagawang Pilipino sa kanilang
pamilya ang nagtutulak sa kanila na pumunta sa ibang bansa upang doon
magtrabaho. Sa katunayan, ayon sa pinakahuling datos ng National Statistical

2
Coordination Board (NSCB) mahigit 2.04 milyong Overseas Filipino Workers
(OFWs) o tinatayang 2% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang umalis ng
bansa noong taong 2010 para magtrabaho.
Marami nang parangal ang inani ng maraming Pilipino sa iba’t-ibang
panig ng daigdig na kumilala sa kanilang kahusayan sa larangan ng caregiving,
bartending, entertainment, healthcare, at pati ang pamamahala sa tahanan
bilang kasambahay. Sa katunayan, nangingibabaw ang Pilipinas pagdating sa
business process outsourcing (BPO). Ang mataas na antas ng kasanayan at
kasipagan ng mga Pilipino ang nagbibigay-daan sa de kalidad na paggawa na
siya namang gustong-gusto ng mga mamumuhunan.

Mga Ahensiyang Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod

 Department of Labor & Employment (DOLE)


- nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho,
humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga sa
kapakanan ng mga manggagawa, at nagpapanatili sa kaayusan at
kapayapaan sa industriya ng paggawa sa bansa.

 Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)


- ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas
Filipino Workers.

 Philippine Overseas Employment Administration (POEA)


- itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may layuning
isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa
ibayong-dagat at pangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino
Workers.

 Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)


- itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994. Isinusulong ng
batas na ito na hikayatin ang buong partisipasyon ng industriya,
paggawa, mga lokal na pamahalaan, at mga institusyong teknikal at
bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga
manggagawa sa bansa.

 Professional Regulation Commission (PRC)


- nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang
propesyonal upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga
serbisyong propesyunal sa bansa.

 Commission on Higher Education (CHED)


- nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa
upang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na antas.

3
Mga Gawain:
Gawain 1: Teks-To-Graph!
Panuto: Batay sa iyong binasang teksto, kompletuhin ang bumubuo sa sektor
ng paglilingkod gamit ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

? ?

? ?

?
? Sektor ng
Paglilingkod

Gawain 2: Sabi Nila! Isulat Mo!


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mahahalagang konseptong sinabi ng
ilang piling tao o organisasyon tungkol sa mga patakarang pang-
ekonomiyang tumutulong sa sektor ng paglilingkod mula sa tekstong
iyong binasa.
1. PATRICIA LICUANAN
2. DEPARTMENT OF LABOR AND
EMPLOYMENT (DOLE)
3. OVERSEAS WORKERS
WELFARE ADMINISTRATION
(OWWA)
4. PHILIPPINE OVERSEAS
EMPLOYMENT
ADMINISTRATION (POEA)
5. TECHNICAL EDUCATION AND
SKILLS DEVELOPMENT
AUTHORITY (TESDA)
6. PROFESSIONAL REGULATION
COMMISSION (PRC)
7. COMMISSION ON HIGHER
EDUCATION (CHED)

4
Gawain 3: Suriin Mo! Quiz-On-Sektor ng Paglilingkod!

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag at tukuyin sa pamamagitan ng


pagsulat ng titik sa mga kahon upang mabuo ang kasagutan.
1. Ito ay may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto at
paglilingkod.

L K L N

2. Kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t-ibang


institusyong pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan,
remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa.

N N L P

3. Lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor ay


kabilang dito.

G L N K D
G
M R B D

4. Lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan.


G L N K D
N
M B K

5. Ito ay binubuo ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng


publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga
pinapaupahang bodega.

N P T S N
M N K S N

T G

B K N

5
6. Mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng
subdivision, town house, at condominium.

A P A G H Y

R L S T

7. Nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho


humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga sa
kapakanan ng mga manggagawa, at nagpapanatili sa kaayusan
at kapayapaan sa industriya ng paggawa sa bansa.

P R M T F

B R N M L Y T

8. Ang ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga


Overseas Filipino Workers.

V R S W R S
F R

D N S R T N

9. Ito ang nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga


manggagawang propesyonal upang matiyak ang kahusayan sa
paghahatid ng mga serbisyong propesyonal sa bansa.

R F S N L
G L T N

M S N

10.Ito ang nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa


bansa upang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na
antas.

M S N
N G R

D C T N

6
Gawain 4: Chain Diagram!
Panuto: Sa pamamagitan ng isang Chain Diagram ipakita ang gampaning
ginagawa ng sektor ng paglilingkod at paano ito nagiging daan
tungo sa pag-unlad ng ating bansa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Programa Tagapaglingkod Epekto

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:

Pagbabakuna para Nars Mababawasan ang


sa Covid 19 pagkakahawaan sa
Covid 19.

Konklusyon

Halimbawa:

Mapapanatili ang kalusugan ng mamamayan na siyang susi


sa kaunlaran.

Rubrik para sa Gawain 2, 4 at Konseptong Natutunan

7
Pamantaya Napakahusay Mas Mahusay Mahusay Nangangailan Kabu
n (5) (4) (3) gan ng uang
Pagpapabuti Punt
(2) os
Nilalaman Naglalaman ng Naglalaman ng Naglalama Kulang ang
komprehensib tama at n ng mga ipinapakitang
o, tama at kalidad na tamang mga ideya at
kalidad na mga ideya at ideya at impormasyon
mga ideya at impormasyon impormasy
impormasyon on
Organisasyo Detalyado, Maayos at Madaling Hindi gaanong
n maayos madaling maintindih maintindihan
madaling maintindihan an ang ang
maintindihan ang pagsasalay pagsasalaysay
ang pagsasalaysay say ng ng ideya
pagsasalaysay ng ideya ideya
ng ideya
Konseptong Natutunan:

Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong upang mapagtibay ang


pag-unlad ng sektor ng paglilingkod ng iyong bayan? Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Sanggunian:

1. Ekonomiks Araling Panlipunan- Modyul para sa Mag-aaral, Unang


Edisyon 2015.
2. Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J.
(2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City,
Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
3. Edgardo M. Cruz, et. al., Araling Panlipunan (K to 12), Ekonomiks,
pahina, 181.

Susi sa Pagwawasto:

Gawain 4: Chain Diagram!

Malayang pagpapahayag ng kaisipan

Gawain 3: Suriin Mo! Quiz-On-Sektor ng Paglilingkod!

1. Kalakalan
2. Pananalapi
3. Paglilingkod ng Pampribado
4. Paglilingkod ng Pampubliko
5. Transportasyon, Komunikasyon, at mga Imbakan
6. Paupahang Bahay at Real Estate
7. Department of Labor and Employment
8. Overseas Workers Welfare Administration
9. Professional Regulation Commission
10. Commission on Higher Education

8
Gawain 2: Sabi Nila! Isulat Mo!

Malayang pagpapahayag ng kaisipan

Gawain 1: Teks-To-Graph!
 Transportasyon, Komunikasyon, at mga
Imbakan
 Kalakalan
 Pananalapi
 Paupahang Bahay at Real Estate
 Paglilingkod ng Pampribado
 Paglilingkod ng Pampubliko

You might also like