Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG AKING GAWAIN SA

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
(Grade 11)

Ipinasa ni:
Debbriel R. Martinez

Ipinasa kay:
Gng. Lisa O. Nermal
Si Gng. Esterlita E. Matao ay isang Child Development Worker ng

HANDS Day Care Center ng halos dalawampung taon. Sa aking panayam

sa kanya, ibinahagi niya sa akin na “Bisaya” ang kanyang naging unang

wika. Ito rin daw kasi ang wikang ginagamit ng mga taong nakapaligid sa

kanya kaya ito ang kanyang pinakaunang natutunan. Kailanma’y hindi raw

ito naging hadlang sa pakikisalamuha niya sa mga mamamayan doon sa

kanilang lugar. Ayon pa sa kanya, mas naging madali ang makipag-

ugnayan sa kanila at mas maayos ang palitan ng mga ideya dahil

karamihan sa kanila ay nagsasalita ng Bisaya. Ito rin ang naging

pundasyon niya para matuto ng makabago at dayuhang wika. Mahirap daw

sa umpisa pero kalauna’y mas lumalim ang kanyang kaalaman sa iba’t

ibang wika. Ang telebisyon at radyo ang dalawa sa mga dahilan kung bakit

nakakapagsalita siya ng ibang wika. Para sa kanya, mas mainam na

matuto ng maraming wika dahil kapag pumunta ka ng ibang bansa hindi ka

mahihirapang makipagtalastasan sa mga dayuhan. Ito ang daan sa

pagkakaroon ng maganda at maayos na pakikisama sa iba.


“Mahalaga sa akin ang wikang Bisaya dahil ito ang pundasyon ko sa
pagkatuto ng Ikalawang Wika.’’
-Esterlita E. Matao
#MAKABULUHANGPANAYAM

You might also like