Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Panunuring Pampanitikan

(Maikling Kuwento)

.Pamagat ng Akda:
a. Sanggunian:
Arrogante, J., Ayuyao, N., & Lacanlale, V. (2004). Panitikan Filipino - Antolohiya. National Bookstore.

a. Pagpapakahulugan sa Pamagat: Walang Panginoon

Ang maikling kwentong pinamagatang “ Walang Panginoon” ay isang kwento ng paghihiganti sa kapwa.
Walang panginoon sapagkat ginamit ni Marcos ang isang hayop upang makapag higanti o patayin si Don
Teong na labis ang pagkamuhi ni Marcos dito.Ang hayop na kinasangkapan ni Marcos ay ang kanyang
alagang kalabaw na kung saan walang sinasanto ang kalabaw o anumang hayop kapag pumatay ng kahit
anong nilalang.Isinulat ito ng manunulat upang ipaalam sa mga mambabasa na ang lahat ay may
hangganan. Ang mga taong nagmamataas at mang aalipin sa kapwa ay may karampatang parusa.

II. Manunulat:
a. Pangalan ng May-akda:
Deogracias Rosario

a. Maikling impormasyon sa manunulat:


Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, si Deogracias A. Rosario ay ang Ama ng
Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex, Delio, Dante
A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang manunulat sa gulang na 13, una
siyang nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa tatlong unang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto
sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.

III.Maikling buod ng Akda:

Ito ay kwento ng isang lalaking si Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong.
Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa
sama ng loob ang kanyang ama, dalawang kapatid, at ang kasintahan ni Marcos na si Anita. Ang
kasintahan ni Marcos ay si Anita ay anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang
kanyang galit kay Don Teong.Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si
Don Teong.Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa
pamilya nila kundi pagtapak na rin sa kanyang pagkatao. Sina Marcos ay nagbabayad ng buwis para sa
lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang
kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari
iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno
ngsama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong nagalit si Marcos kay Don
Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang kasintahan na si Anita ay si Don
Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na mata lang ang walang latay. Ninais niya itong puntahan ngunit
hindi hinayan ng Don na makita niya ito. Namatay itong pangalan niya ang sinasambit. Sa dami ng mga
nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang tunog ng kampana ,
ang malungkot na tunog nito .Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang
kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang
kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang
buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alamniyang ang mga nangyayaring iyon sa
buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalangsi Don Teong. Dahil sa galit na nararamdaman ni
Marcos kay Don Teong, nag-isip siyang paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si
Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at
inabanganniyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kanyang
kalabaw matapos itong galitin at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan,
huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mgagamit, mabilis
na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Nagkatinginan ang iba ng malaman nilang kay Marcos
ang kalabaw at ang sabi nila ay ang poot at galit ni Marcos ay nagtungo sa alaga niyang hayop.
Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niya na ang
kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw

.Teoryang Pampanitikan:
a. Patunay mula sa akda:
Teoryang Marxismo
Dahil ang kwentong Walang Panginoon ay umiikot sa isang maralitang pamilya at sa kanilang
pakikipagtunggali sa mga mayayamang nagsasamantala sa kanila.dahil ito ay binubuo ng dalawang
pwersa, ang naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang uri na makikita sa tauhang si
Marcos.
Teoryang
Teoryang Realismo
Dahil sa katauhan ni Marcos at Don Teong ipinapakita nilang sa tunay na buhay ay may mga taong
mahirap at may mga mayayamang mapagmataas sa kapwa.
Teoryang Klasismo
Dahil ipinapakita rito ang magkaibang estado sa buhay ni Marcos at Anita,

Mga Tauhan:
Pangalan ng Tauhan Gampanin ng Tauhan Uri ng Tauhan
Marcos Protagonista dahil si Marcos ang Tauhang Bilog dahil
bida at nag-isip ng paraan kung nagbabago ang kanyang
paano makakalaya sa kalupitan ni ugali na sa una ay itoy
Don Teong mapagtimpi na nagbago
nung huli.
Don Teong Antagonista dahil si Don Teong ang Tauhang Lapad dahil likas
kontrabida sa kwento at siya rin sa Don ang pagiging
ang dahilan kung bakit namatay mapagmataas nito at
ang ama, kapatid at kasintahan ni mapang api sa kapwa.
Marcos
Ina Ni Marcod Pantulong na Tauhan dahil siya Tauhang Lapad dahil hindi
ang dahilan upang hindi si Marcos nagbago ang ugali ng
mismo ang kumitil sa buhay ng kanyang Ina.
Don at siya ang palaging
nagpapaalala sa anak
Anita Pantulong na Tauhan dahil
nababangit lamang siya bilang
kasintahan ni Marcos
Bastian Pantulong na Tauhan dahil
nabanggit lamang siya ng ina ni
Marcos

VI. Uri ng Tunggalian:


● Tao laban sa Tao dahil si Don Teong ang kinasusuklaman ni Marcos dahil ito ang dahilan
nang pagkamatay ng kanyang ama, kapatid at kasintahan, Ito tin ang dahilan kung bakit
nahihirapan sila at mapapaalis sa kanilang lupain na may mga tanim na na pinaghirapan
nila.
.Tagpuan:
a. Lugar: Lupang Sakahan
a. Oras: Alas otso ng Gabi
b. panahon : Tag-ani ( Harvest Season)

VIII. Uri ng Maikling Kuwento


●Kuwento ng Kuwento ng Tauhan

IX.Tema ng Akda:
● Paghihiganti
Ang patunay ay ang masusing pagpaplano ni Marcos kung paano makakapaghiganti kay
Don Teong gamit ang kanyang alagang kalabaw.

IX.Aral sa akda:

Ang aral sa akda ay huwag tayong maging mapagmataas sa ating kapwa kahit na tayo ay nakakataas sa
buhay mayaman man o mahirap lahat tayo ay pantay pantay. Hindi rin maganda ang ilagay mo ang mga
batas sa sarili mong lamay sapagkat ito ay kasalanan sa diyos.

.Implikasyon:
a. Implikasyon sa Sarili:
Ang impilkasyon ko sa sarili ay huwag dapat maging gahaman sa isang bagay at huwag gaganti sa ating
kapwa. Matuto tayong magpakumbaba at ituring ang isat-isa bilang iyong kapantay.

a. Implikasyon sa Lipunan:
Huwag mangaakin ng hindi mo pag-aari at huwag maging gahaman upang wala tayong matapakang tao.

XI.Opinyon ukol sa akda:

Napakagaling ng sumulat sa akdang ito sa pagkat binigyan niya ng magandang kahulugan ang mga
mambabasa. Marami itong naibigay sating aral at kaalaman na dahil hindi lamang ito nangyayari sa
kwento. Dahil maging sa totoong buhay ay nangyayari rin ito. Gawin nating itong gabay upang mas
maging maayos ang ating buhay.

You might also like