Cyberbullying

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Cyberbullying ay maaaring makasira sa emosyonal na aspeto ng bata, sa paraan ng

panunukso, panlalait, at iba pang mga bagay na ikakasakit ng damdamin. Kadalasa’y nangyayari
ito sa mga social networking sites or social media.

Tinatawag itong cyberbullying sapagkat ang paraang ginagamit nila upang makasakit ng
damdamin ng kapwa nila ay sa paraang virtual. At dahil dito nagagawang nila ma bully ang isang
tao gamit ang makabagong teknolohiya partikular na ang social media. Karamihan sa mga tao na
sangkot sa cyberbullying ay gumagamit lamang ng mga pekeng accounts na ginawa lamang para
sa pag bully sa kadahilanang para hindi agad matukoy ang totoo nilang pagkatao. Hindi lamang
cyberbullying ang meroon. Dahil sa social media ay may mga taong ginagamit ito para sa
kalaswaan o “pornography” na kadalasan ay nararanasan ng mga menor de edad. Isa narin dito
ang pag takot sa isang tao o “blackmail” kaya’t ang biktima ay sapilitang ginagawa ang mga
bagay na ayaw nila. Alin sa mga binanggit ko ay possibleng mangyari kahit kanino, wala itong
pinipili.

Ayon sa GMA news, pinirmahan na ni pangulong Benigno Aquino III ang batas na nagbabawal
ng bullying sa mga paaralan sa buong bansa. Nilagdaan ni Aquino ang Republic Act 10627 o ang
anti bullying act noong of 2013 noomg Setyembre 12. At dahil dito nagkaroon ng patakaran ang
mga paaralan ng mga kilos at polisiya upang mabawasan ang bullying sa mga paaralan mula
elementarya hanggang sekondarya. Mahigpit na ipinagbabawal ang bullying sa loob ng paaralan
pati narin sa social media. Inatasan ng RA 10627 na Bibigyan ng parusa ang mga mahuhuling
nambubully at dadaan ito sa rehabilitasyon na programa na ipinatupad ng paaralan.

Nakasaad naman sa batas na ang impormasyon na meron tungkol sa nambubully ay dapat gawin
lamang confidential at ang paaralan lamang ang makakaalam sa ganung impormasyon.

Sa panahon ngayon may mga studyanteng nahihirapan na sa buhay sa paaralan at sosyal na


buhay nila sa labas ng paaralan dahil sa bullying. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay
nakakaranas ng cyberbullying at dahil doon ay bumababa ang tingin nila sa sarili nila, bumababa
ang mga marka sa paaralan, nakakaranas ng depresyon, at nalululong sa bisyo.
Bilang isang studyante, mahirap makita na mayroon akong mga kapwa studyante na nakakaranas
nito. Kaya’t kung makakaya ay tulungan natin sila. Lalo na’t ang mga guro na tinuturing
pangalawang magulang sa loob ng paaralan. Una pwede maiwasan ang Cyberbullying sa
pagiging pribado sa iyong sarili sa social media account mo. Tanggapin lamang ang mga taong
kilala mo bilang friend mo. Pangalawa umiwas sa mga taong alam mong bully. Pangatlo wag
basta-basta magtitiwala kung kanino kanino. Pang apat at pinakamahalagang parte ay ang pag
sabi sa mga magulang. Sapagka’t sila ang tanging makakatulong satin sa kahit anong problema.

Kaya’t wag nating hayaang lumala ang sitwasyong nararanasan nating lahat. Wag mo sasabihing
wala kang magagawa upang makatulong dahil maraming paraan upang makatulong. Ipagtanggol
mo ang mga nangangailangan sapagkat yun ang tama.

You might also like