Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Naga College Foundation, Inc

Kolehiyo ng Sining at Agham

Pangalan: Niña San Jose Kurso/Taon:

KABANATA IV: PAGSUSULIT

PAGSASANAY 1
PANUTO: Ilahad ang iyong idea sa mga sumusunod na katanungan/pahayag.

1. Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang pahayagan.

 Ang pahayagan o newspaper sa ingles ay naglalaman ng ibat ibang balita


kaganapan pangkasalukuyan sa lipunan nationwide man o worldwide.

2. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tabloid at broadsheet?

PAGKAKAIBA NG BROADSHEET AT TABLOID

• Ang tabloid ay may sukat na maliit lamang samantalang ang isang


broadsheet may laki at mahaba ito.

• Karaniwan sa mga nagbabasa ng tabloid ay masa o karaniwang tao lamang.


Samatalang ang broadsheet ang karaniwang nagbabasa dito ay may kaya sa
buhay o masasabing class A at B.

• Ang tabloid ay karaniwang nakalimbag sa tagalog. Samantalang ang


broadsheet naman ay karaniwang nakalimbag sa Ingles.

• Karaniwang sensationalized ang mga balita sa mga tabloid at dahil dito


ay mas mababa ang kanilang krelidibidad.

• Isa pang kapansin-pansing pagkaakiba ng dalawa ay sa pagpili ng


istorya. Kadalasang mas seryoso o mas mabigat ang pagkakasulat sa mga
balita sa mga broadsheet dahil sa mas marami ang esasyo nito. Dahil dito
mas maraming impormasyon ang maaaring ilagay dito.

• Ang tabloid ay naglalaman ng mga balita o impormasyon sa loob lamang


ng ating bansa samantalang ang broadsheet naman ay pangkalahatang balita
kahit sa ibang bansa.

• Kadalasang salitang tagalog ang ginagamit na salita sa tabloid at


ingkes naman sa broadsheet. Mas kumpleto at detalyado rin ang broadsheet
kaysa tabloid.

PAGKAKATULAD NG BROADSHEET AT TABLOID


 Ang tabloid at broadsheet ay parehong popular na babasahin at
parehong nagbibigay ng balita.
 Layunin ng tabloid at broadsheet ay magbigay ng balita sa loob man
o labas ng bansa.

3. Ano ang kahalagahan ng pahayagan sa tao at sa lipunan?

 Ito ang magsisilbing pahayagan ng saloobin ng mga taong kasapi nito.


Mahalaga din ito dahil maaari itong maging pakikipag ugnayan ng mga tao
at ito din ang pinagkukunan ng mga inpormasyon at balita ng mga taong
interisado dito.

4. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang internet, bakit marami


pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?

 Dahil mas totoo at kapani paniwala ang mga balitang nakalahad dito.
Nakasanayan na rin ng mga matatanda ang gumamit at magbasa nito dahil
mas madali na di mo na kailangang maghanap sa ibat ibang website.

5. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa
broadsheet?

 Una, dahil mas madaling intindihin ang tabloid dahil tagalog ang wika
nito habang ang broadsheet naman ay ingles. Mas abot kaya o mura din
ang tabloid kumpara sa broadsheet.

Pahina | 1

You might also like