Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangkat 9: KOMPAN 11-WEBER

[PAGSISIMULA]
Magandang araw! Ako nga Pala si Mhyzel Bangoy at Narito ang mga pangunahing
balita sa oras na ito.

[PAMBANSANG BALITA]
Sa pambansang balita, nagpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa
bansa. Ayon sa Department of Trade and Industry, tumaas ang presyo ng mga
pangunahing bilihin tulad ng bigas, karne, at gasolina sa loob ng nakaraang linggo.

[POLITIKA]
Sa larangan ng pulitika, ako nga pala si Trixie Ricafort ang inyong taga
ulat.Nagkaroon ng pagdinig sa Senado hinggil sa mga hakbang ng gobyerno upang
labanan ang katiwalian sa gobyerno. Isa sa mga pinag-usapan ay ang
pagpapatupad ng mga reporma upang mapabuti ang transparency at accountability
sa mga ahensya ng pamahalaan.

[EKONOMIYA]
Magandang araw, ako nga pala si Joshua Aquino ang mag uulat ng balita Sa sektor
ng ekonomiya, nag-ulat ang Bangko Sentral ng Pilipinas na patuloy ang pag-angat
ng remittances mula sa mga OFW o Overseas Filipino Workers. Ipinakita ng datos
na malaking bahagi pa rin ng ekonomiya ang kontribusyon ng mga nagtatrabaho sa
ibang bansa.

[SPORTS]
Sa larangan naman ng sports, tagumpay na naipanalo ng koponan ng Pilipinas ang
huling laro nito sa FIBA World Cup Qualifiers kontra sa kanilang katunggali.
Nanguna ang koponan sa final score na 85-75. Shell Mae Dalumatan, ang inyong
lingkod.

[WEATHER]
At sa ating weather update, asahan ang magiging mainit na panahon sa buong
bansa ngayong araw. Mayroon namang inaasahang isolated thunderstorms sa ilang
bahagi ng Luzon at Visayas.
Ito ang ating mga pangunahing balita. Maraming salamat sa pagtutok. Ako ay si
[Raisha Bedro], nagbabalita para sa [Seven News Network]. Muli, magandang araw
sa inyong lahat.
Advertisement

[PAGSISIMULA]

Sa oras ng lungkot at pagdadalamhati, narito ang [Bangoy Funeral Homes],


handang tumulong sa inyong mga pangangailangan sa paglilibing.

Dito sa [Bangoy Funeral Home], pinapangalagaan namin ang bawat pamilya sa


pamamagitan ng maayos at respetadong serbisyo. Inaalagaan namin ang bawat
detalye upang mapagaan ang inyong pinagdaraanang panahon.

Hindi kayo nag-iisa sa oras na ito. Handa kaming makinig at magbigay ng tulong sa
inyong mga pangangailangan para sa makabuluhang paglilibing ng inyong mahal sa
buhay.

Tumawag sa aming opisina sa [09123456789] para sa konsultasyon at karagdagang


impormasyon. Nandito kami upang gabayan kayo sa bawat hakbang.

Sa [Bangoy Funeral Home], kasama ninyo sa inyong pagdadalamhati. Maraming


salamat at aming ipinapaabot ang aming pakikiramay sa inyo.

You might also like