Pang Ukol

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Palalong Loro at si Askal

Magkaiba ang karanasan nina Loro at


Askal. Si Loro ay alagang-alaga ng
kaniyang amo.
Inaayusan at pinakakain siya ng amo.
Maraming natutuwa sa kaniya at ibig
humawak sa kabila ng palalo niyang
bibig.
Si Askal ay walang nagpapaligo
kaya galisin. Wala siyang amo kaya
siya ay palaboy sa lansangan. Siya ay
madalas sinisipa at pinandidirihan ng mga tao kaya lalong naging
kawawa.
Minsan, namasyal ang mag-amo. Nakita
niya si Askal.
“Ew! Kadiri! Maligo ka nga! Ang baho mo!”
sigaw ni Loro kay Askal. Siniraan pa niya si Askal sa ibang mga hayop
na nagdaraan.
Hindi siya pinansin ni Askal. Bagkus,
tuloy
lamang ito sa pagkakalkal ng basura dahil sa
gutom.
Isang araw, nakita ng pusa si Loro at
gustong kagatin. Tinangkang lumaban
ni Loro sa pusa ngunit mas malaki ito sa kaniya. Sinakmal siya ng pusa
at iwinasiwas sa kalye.
“Aray ko! Masisira ang maganda kong balahibo!” sigaw ni Loro.
Mula sa isang dako ay biglang sumaklolo si Askal kay Loro.
“Aray ko! Kawawa naman ang balahibo ko. Salamat sa’yo, mabantot
at galising aso,” wika ni Loro.
“Nagpasalamat nga, nanlait naman!” naiinis na wika ni Askal
sabay alis.
Bumalik ang galit na galit na pusa. Kinagat niya muli si Loro sa
leeg, katawan, at sa buntot. Wala siyang nagawa kundi ang sumigaw
hanggang sa mawalan ng malay.
Hindi matiis ni Askal si Loro kaya iniligtas niya ito sa kamay ng
kamatayan.
Binantayan ni Askal si Loro hanggang
magkamalay. Dinala niya ito sa tapat ng
bahay ng kaniyang amo. Pinagsisihan ni
Loro ang mga nagawa niya kay Askal at
labis-labis ang pasasalamat niya kay Askal.

You might also like