Ang pang-ukol na ng ay ginagamit kapag ang salitang sumusunod dito ay
isang pangngalan o kaya ay pangngalang-diwa at pang-uri.
Ang malaking letra ay ginagamit sa pagsisimula ng mga salitang pangngalang pantangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, at iba pa. Ginagamit din ito sa simula ng pangungusap. Punan ng angkop na pang-ukol ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Maagang gumising ang mag-anak na Lopez. Agad-agad na tinungo
___ Gng. Lopez ang kusina at ipinagluto ng agahan ang kaniyang pamilya. Samantala, si G. Lopez naman at ang tatlo nilang anak na sina Roy, Phoebe, at Ivy ay nag-ayos ng kanilang mga pinaghigaan. Pagkatapos, kinuha ___ Ivy at Phoebe ang walis at bunot at agad na nagsimulang maglinis ng bahay. Pinuno naman ___ Roy ng tubig ang mga balde. Ikinatuwa ___ G. at Gng. Lopez ang kasipagan ng mga anak. Nang matapos ang mga gawaing bahay ay nagyaya ang mag-asawa na mamasyal sa mall. Subalit hindi gusto ___ Ivy at Roy sa mall. Mas ibig nilang mamasyal sa tabing-ilog dahil sariwa ang hangin dito. Pinagbigyan ____ G. at Gng. Lopez ang gusto ng dalawang anak. Ginusto na rin ___ Phoebe na sumama sa tabing-ilog. Ang Palalong Loro at si Askal Magkaiba ang karanasan nina Loro at Askal. Si Loro ay alagang-alaga ng kaniyang amo. Inaayusan at pinakakain siya ng amo. Maraming natutuwa sa kaniya at ibig humawak sa kabila ng palalo niyang bibig. Si Askal ay walang nagpapaligo kaya galisin. Wala siyang amo kaya siya ay palaboy sa lansangan. Siya ay madalas sinisipa at pinandidirihan ng mga tao kaya lalong naging kawawa. Minsan, namasyal ang mag-amo. Nakita niya si Askal. “Ew! Kadiri! Maligo ka nga! Ang baho mo!” sigaw ni Loro kay Askal. Siniraan pa niya si Askal sa ibang mga hayop na nagdaraan. Hindi siya pinansin ni Askal. Bagkus, tuloy lamang ito sa pagkakalkal ng basura dahil sa gutom. Isang araw, nakita ng pusa si Loro at gustong kagatin. Tinangkang lumaban ni Loro sa pusa ngunit mas malaki ito sa kaniya. Sinakmal siya ng pusa at iwinasiwas sa kalye. “Aray ko! Masisira ang maganda kong balahibo!” sigaw ni Loro. Mula sa isang dako ay biglang sumaklolo si Askal kay Loro. “Aray ko! Kawawa naman ang balahibo ko. Salamat sa’yo, mabantot at galising aso,” wika ni Loro. “Nagpasalamat nga, nanlait naman!” naiinis na wika ni Askal sabay alis. Bumalik ang galit na galit na pusa. Kinagat niya muli si Loro sa leeg, katawan, at sa buntot. Wala siyang nagawa kundi ang sumigaw hanggang sa mawalan ng malay. Hindi matiis ni Askal si Loro kaya iniligtas niya ito sa kamay ng kamatayan. Binantayan ni Askal si Loro hanggang magkamalay. Dinala niya ito sa tapat ng bahay ng kaniyang amo. Pinagsisihan ni Loro ang mga nagawa niya kay Askal at labis-labis ang pasasalamat niya kay Askal.